Ayane POV
10:00 am na ako nagising dahil anong oras na din kami nila kuya nakauwi at nakatulog. Bumangon ako at dumerecho sa C.R para gawin ang morning routines ko.
After 30minutes
.
.
.
.
.
Lumabas agad ako ng kwarto ko at bumababa naabutan ko si manang.
"Good morning manang gising na po ba sila kuya?" Tanong ko kay manang
"Nako iha si AH lang ang pumasok. Pinapasabi niya pumunta daw kayo ng lunch doon at may aasikasuhin daw kayo. Paki dala daw yung documents sa school" sabi ni manang saakin agad naman ako tumayo para pumunta kay kuya ace.
Pagtapat ko sa pintuan kumatok muna ako bago pumasok. Pag pasok ko tulog pa si kuya ace kaya naman tinapik ko siya.
"Kuya ace wake up pupunta daw tayo ng mga 11 sa school para asikasuhin yung mga documents ni miecassie" binuksan ni kuya mga mata niya.
"Sige susunod ako sayo sa baba" sabi ni kuya at tumayo na siya papunta sa C.R niya, bumaba na ako para doon nalang siya hintayin.
"Manang anong niluto mo?" Tanong ko kay manang.
"Bacon at egg lang ang pinaluto ni AH may natira pa siya diyan para sainyo" ani ni manang
"Ganun po ba sige po" sagot ko at sakto pagbaba ni kuya kumain muna kami.
"Kuya wait ibibigay ko na sakanila mga pasalubong nila para walang pabigat bukas" sabi ko kay kuya ace.
"Sige na kuhain muna hintayin kita sa kotse" sabi ni kuya at lumabas na siya ako naman umakyat sa kwarto ko.
Pagkakuha ko ng lahat nang paper bags pumasok na ako sa koste. Habang nag didrive si kuya nag chat ako sa gc namin.
Messenger Log In
Me
Papunta ako ngayon diyan para ayusin documents ni cassie dala ko din pasalubong ko sainyo
Seen: Kaela, Mikasa, Hinata
Kaela
Salamat nakalimutan ko pa naman baon ko may manlilibre saakin
Seen: Ayane, Mikasa, Hinata
Me
Sabihin mo nagkukuripot kalang
Seen: Kaela, Hinata, Mikasa,Ayane
Mikasa
Daling dali mo agad AA
Seen: Ayane,Kaela,Hinata
Hinata
Nagkukuripot kasi malapit na birthday ni Red alam ninyo naman patay na patay siya doon
Seen: Kaela, Ayane,Mikasa
Kaela
Sige pagtulungan ninyo ko masaya kayo eh
Seen: Hinata,Ayane,Mikasa
Me
Nandito na kami sa gate bye see you later
Seen: Kaela, Hinata,Mikasa
Messenger Log Out
"Good Morning kuya guard penge po ng puwedeng pag parkingan" sabi ni kuya ace.
"Sir ace doon nalang po sa tabi ng kotse ni sir ash" sagot nung guard at binigay yung card.
"Sige ho salamat" sabi ni kuya ace at sinarado yung bintana.
"Kuya ace sa office muna tayo derecho aasikasuhin ko lang to" sabi ko sakanya ng ipapark niya na yung sasakyan.
"Oh sige para mamaya ipapamigay mo nalang yan, ako na kakausap kay Ms. Vasquez" sabi niya
"Sige kuya" binuksan ko na yung pinto ng kotse at bumababa na. Hinintay ko si kuya ace at sabay kami pumunta.
"Good morning ate azzir" bati ko kay ate na busy.
"Good morning din baby AA and AN" sabi ni ate
"Ate paayos ng documents na to tas patawag si Ms. Vasquez" sabi ni kuya at umupo sa lamesa niya. Umupo naman ako sa sarili kong upuan.
"Okey" tumayo si ate azzir at may tinawagan.
"Ace papunta na daw si Ms. Vasquez ififile ko na din to" sabi ni ate at pumunta na sa sarili niyang lamesa dito sa opisina. Ilan minuto dumating na si Ms. Vasquez.
"Good morning Mr. And Ms. Takanashi bakit ho ninyo ako pinatawag?" tanong ni Ms. Vasquez.
"May magtatransfer dito na isang studyante galing korea for this august 2nd weeks nalang bago matapos yung august gusto ko sana mangyari, sa 2nd week na yun online class muna siya at ikaw magtuturo sa September na siya papasok ng Face to Face. Dahil may nangyaring problema kaya sa September pa siya" paliwanag ni kuya ace.
"Ganun ho ba sige po Mr. Takanashi wala pa naman po ako masyadong tinatrabaho ngayon" sabi ni Ms. Vasquez.
"Sige maaari kana bumalik sa trabaho mo" sabi ni kuya at siyang pagsunod ni Ms. Vasquez.
"Tapos na ko sa pag file nitong documents ni cassie enroll na siya bukas na siya magsisimula mag online class na message ko na siya at sumangayon siya" sabi ni ate azzir.
"Sige ate punta na po kami ng cafeteria, tsaka ate sayo po yan paper violet na paper bag pasalubong ko po sayo" sabi ko sakanya at lumabas na kami ni kuya papuntang cafeteria. Pagpasok namin dumereho agad kami sa table nila kuya ash.
"Hello ayane buti nakapunta ka" bati ni xavier saakin
"Oo naman, Oh ito na pasalubong ninyo" bigay ko hinanap agad ng mata ko si bentley.
"Hmmm nasaan pala si bent?, bakit wala dito?, pumasok ba siya?" Tanong ko sa kanila.
"Ewan ko doon kinokontact ko walang reply saakin" sagot ni xavier.
"Hindi nga ako tinetext nun simula nung sabado wala ako natanggap ni isang text sakanya" sabi ko sa kanila at na upo.
Ay oo nga pala ibibigay ko pa to kay ethan. Tumayo ako at hinanap kung nasaan si ethan sakto naman nakita ko siya kasama sila Red at prince at stacy. Naglakad ako papunta sa kanila.
"Hoy! Ethan! Ito na yung pinasabay mo" sabi ko sakanya tumingin nama siya saakin.
"O, ito na pala magkano lahat?" Tanong niya saakin.
"Wag na pasalubong ko nalang sayo nakakahiya baka isumpa mo pa ko" sabi ko sakanya.
"Sus sabihin mo lang gusto mo ko kaya ayaw mo pabayaran saakin to" asar niya saakin .
"Baliw kaba never ako magkakagusto sayo no tsaka mahiya ka kaharap mo girlfriend mo" sabi ko sabay turo kay stacy na nagtaas ng kilay saakin.
"excuse me mas maga-" hindi ko na pinatapos sasabihin niya at tumalikod na ko.
Pagbalik ko sa table namin ang sama ng tingin saakin ni stacy. Habang si ethan naman ang laki ng ngiti. Tsk sayang 6k ano ba naman kasi pumasok sa utak mo ayane at hindi muna pinabayaran sakanya. Maitext na nga lang si bentley.
To: BB
Hi babe simula saturday di ka nagtetext saakin, nasaan ka ngayon? Nasa school kasi ako ibibigay ko sana sayo pasalubong ko
Sent
Ilan minuto na nakalipas wala pa din ako nakuha na reply galing sakanya. Kaya naman na pag desisyonan ko na umuwi nalang.
"Kuya ace tara na umuwi na tayo inaantok na kasi ako" pagsisinungaling ko gusto ko umuwi dahil wala dito si bent.
"Ah sige, guys uwi na kami inaantok na daw si ayane, kuya ash uwi na kami" paalam ni kuya ace sakanila. Dumerecho nalang ako sa kotse. Pagdating ni kuya dumerecho na ako sa kwarto para matulog.