Ethan POV
Nandito kami ngayon nila Red, Vince at kasama namin si stacy. Nakairita na tong babaeng to sunod ng sunod nakipag hiwalay naman na ako sakanya, ang lakas ng loob niya ipagpalit ako sa isang 1 st collage.
Flashback....
Naglalakad ako sa corridor papunta sa classroom. Nakasalubong ko si prince.
"Yow, Prince saan ka galing hingal na hingal ka? Nagpapractice kaba para sa marathon? hahaha!" biro ko sakanya.
"Hindi tol kanina pa kita hinahanap may sasabihin sana ako sayo tungkol kay stacy" sabi niya at hinawakan ako sa balikat kinuha niya cellphone niya.
"Ano naman yun tol, nangyari ba sakanya?" nagalala kong tanong.
"Hindi tol, oh ito picture may kayakap siya na 1st Year collage. Hindi naman niya yan pinsan o kaibigan na lalaki kahit kapatid hindi. Dahil alam mo wala siyang kapatid pati mga kamaganak niya nasa ibang bansa" tinignan ko ng mabuti yung picture at oo nga si stacy nga. Tsk ang kapal talaga ng mukha niya.
"Tol sige salamat dito. Pre pa send naman saakin sa messenger." sabi ko kanya tumango lang siya.
"Tol hindi kaba papasok? " tanong ko sakanya.
"Tol may 30 minutes pa punta muna ako cafeteria" sagot niya saakin at tumango nalang ako dumerecho ako sa classroom.
"Hi Love" sabi ni stacy at lumapit agad saakin pag pasok ko ng classroom.
"Stacy puwede ba magusap tayo sa labas?" tanong ko sakanya.
"Oo naman Love , tara" hinatak niya ko hanggang sa dulo ng corridor.
"Ano ba yung paguusapan natin Love?" tanong niya saakin.
"Sino tong lalaking tong kayakap mo?" pinakita ko sakanya yung picture, halatang nagulat siya.
"A-ano, K-kaibigan ko yan ano kaba si chester yan yung 1st year collage yung model" paliwanag niya.
"Akala ko ba wala kang kaibigan na lalaki?" tanong ko sakanya.
"Meron na, naging kaibigan ko siya last week, dahil partner ko siya. Sino ba nagsend sayo niyan Love?" tanong niya
"Si Prince, at hindi porket girlfriend kita ikaw ang paniniwalan ko, hindi lang isang beses na nahuli kita" sabi ko sakanya at tumalikod na pabalik sa room.
End Of Flashback....
"Hoy! Ethan! Ito na yung pinasabay mo" Tumingin agad ako kay ayane.
"O, ito na pala magkano lahat?" Tanong ko sakanya baka sapakin na naman ako neto mahirap na sayang yung gwapo akong mukha.
"Wag na pasalubong ko nalang sayo nakakahiya baka isumpa mo pa ko" wow ang bait naman niya oh baka naman inisip niya na hindi ko na naman babayaran sakanya to, kaya ayaw niya pabayaran, pero sige na nga minsan lang makatanggap ng pasalubong sa isang mortal kong kaaway.
"Sus sabihin mo lang gusto mo ko kaya ayaw mo pabayaran saakin to" asar ko sakanya .
"Baliw kaba never ako magkakagusto sayo no, tsaka mahiya ka, kaharap mo girlfriend mo" sabi niya saakin sabay turo niya kay stacy, gusto ko matawa sa sinabi niyang girlfriend, nakita naman niya pinagtabuyan ko si stacy.
"excuse me mas maga-" hindi na pinatapos ni ayane ang sasabihin ni stacy at bumalik na sa table nila. "Hoy babae ang kapal ng mukha mo para talikuran ako!!" sigaw ni stacy pero di siya pinansin ni ayane.
"hoy stacy nakakahiya ka napakaingay mo" saway sakanya ni Red.
"Napakabastos niya hindi pa ko tapos magsalita umaalis na sa harap ko" sabi ni stacy at naupo na sa harap ko. Tinignan ko naman laman ng Paper Bag isang T-Shirt na black at iba't ibang uri ng chocolate.
Tinignan ko si Ayane sa puwesto nila at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Siguro dahil wala yung mamahal na boyfriend niya.
"Hey Bro ang ganda ng ngiti mo kanina pa ah" sabi ni Red.
"Syempre bro, ikaw ba naman bigyan ng pasalubong ng babaeng GUSTONG GUSTO mong asaarin simula nung high school kayo"sabi sakanya ni vince pinagdiinan talaga niya yung gustong gusto, baliw talaga.
"Tumigil nga kayong dalawa tsk." sabi ko at tumayo na. Nakita ko din tumayo na sila ace at ayane mukhang uuwi na sila. Pagkalabas nila naglakad na din ako nadaanan ko ang puwesto nila Ash.
"Hey bro, Punta kayo mamaya sa bahay ha, Bonding naman tayo ng team" sabi ni ash.
"sige bro, pagtapos ng klase derecho na ko sainyo" sabi ko at lumabas na.
Habang naglalakad ako nakita ko si Bentley may kausap na lalaki. Lalapitan ko na sana siya para sabihin nagpunta dito si ayane. Liliko na sana ako para makausap siya narinig ko naguusap sila.
"Ano ba ley 1year na tayo pero hindi mo padin hinihiwalayan si ayane." sabi nung lalaki sakanya.
"Vid hindi ko pa kaya sabihin sakanya pls. Wait ka nalang naghihintay lang ako ng tyempo para sabihin sakanya lahat" sagot ni bentley sa lalaki at nagulat ako niyakap niya to. Nako masyado lang judgemental Ethan baka naman kaibigan lang niya. Tsaka baka may secret lang sila or surprise.
"Siguraduhin mo lang labs na aaminin mo kay ayane yan. Para naman makapagdate na tayo ng hindi palihim okey" What labs i-ibig bang sabihin bakla si bentley at hindi alam ni ayane. Paano yun shit masasaktan si ayanetot neto fuck.
"E-ethan a-ano g-ginagawa m-mo d-dito?" kinakabahan na tanong ni bent shit, ngayon ko lang napansin nandito napala sila.
"Napadaan lang ako bakit? O sino yan kasama mo?" tanong ko sakanya na parang wala akong narinig.
"A-ah kaibigan ko" sagot niya.
"David Ong nga pala pre" sabi ng lalaki at nilahad yung kamay tinaggap ko naman.
"Ethan Mich Bryce" tinggal ko din agad yun kamay ko at tumingin kay bent.
"Nandito pala kanina si ayane hinahanap ka yata pero umuwi na siya" sabi ko.
Nakita ko tinignan niya ang cellphone niya.
"Shit oo nga ngayon ko lang nakita text niya, Oh sige david pasok na ko bye" sabi niya at nauna na umalis. Tinignan ko lang si david at nilingon niya ko.
"Kung ano man ang narinig mo sana wag mo sabihin muna kay ayane hayaan mo kami ang magsabi. Kanina pa kita nakita diyan pero hindi ko na sinabi kay bentley" aalis na sana siya ng nagsalita ako.
"Wag ninyo na patagalin ang panloloko ninyo kay ayane bibigyan ko kayo ng isang linggo para sabihin kay ayane dahil kung hindi ako mismo magsasabi kay ash ng narinig ko" sabi ko at umalis na.
Pagpasok ko sa classroom sakto din pagpasok ng professor namin nakinig nalang ako. Hinihintay ko maguwian na para naman makapunta ako kanila ayane miss ko na siya inisin.
After 3 hours
.
.
.
.
.
Dumerecho agad ako sa kotse ko at nagdrive na papunta kanila ayane. Napadaan ako sa ministop bumili ako ng Ice Cream, Coke, at Chichirya. Pagdating ko sakanila nakita ko na yung kotse ni ash nag doorbell na ako. Sinalubong naman ako ni manang.
"Oh iho nandito ka pala pasok ka" sabi ni manang.
"hello manang opo nagyaya po kasi si ash dito " sabi ko at pumasok na.
"oh sige nandiyan si ash sa kwarto na hintayin mo nalang sa sala" sabi ni manang.
"Sige po manang" sagot ko at umupo. Nagulat kami ni manang ng may sumigaw pababa.
"MANANG NADIYAN NA PO BA SI KUYA ASH??" napatingin kami ni manang hindi na ko nagtaka bakit ganyan yan dito sa bahay nila ang laki laki naman kasi ng bahay nila mansyon na to eh.
Ayane POV
Nagising ako dahil na gugutom na ako naligo at nagayos lang ako para bumababa. Pagbaba ako ng hagdan nakita ko si manang. Kaya sumigaw ako.
"MANANG NADIYAN NA PO BA SI KUYA ASH??" tungin ako kay manang pagkababa ko at tumingin ako sa sala kung sino yung kinakausap ni manang kanina. Paglingon ko nakita ko bigla si ethan. Ano ginagawa neto dito.
"Oo iha nandiyan na ang kuya ash mo, bakit kaba sumisigaw iha?" tanong ni manang saakin.
"HIHI wala lang manang, Manang anong pagkain niluto ninyo?" tanong ko at tumingin kay ethan na may dalang plastic bag.
"Ah manang ito nga po pala may Ice Cream, Coke at chichirya diyan" sabi ni ethan at kinuha naman ni manang.
"Nagluto ako ng pasta dahil ayun gusto ng kuya mo tas nagpadeliver siya ng pizza" sabi ni manang.
"Ah ganun po ba manang sige po" sabi ko.
"sige iha dito ka muna samahan mo muna si ethan " tumango nalang ako.