Chapter 21 - Chapter 21

Ayane POV

Tatlong araw na nakalipas simula nung pagtatalo namin ni ethan lagi na din kami nagaaway.

"Hoy ayane mas malala na yata pagaaway ninyo ngayon ni ethan ah" bulong saakin ni kaela.

"Siya ang nagsimula hindi ako tsk" insi kong sabi.

Flashback Yesterday

Pagpasok ko ng cafeteria dumerecho ako sa milktea stool para bumili. Pabalik na sana ako sa puwesto namin nakasalubong ko si ethan at nabangga niya ko na buhos sa damit ko yung juice niya.

"WHAT THE HECK!! TUMITINGIN KABA SA DINADAANAN MO HA!!" inis kong sabi sakanya dahil basang basa ako. Tumingin lang siya saakin ng blanko ang expresyon ng mukha.

"Pareho lang tayo hindi tumitingin sa dinadaanan wag mo isisi saakin lahat" inis na sabi niya saakin.

"Wow ah ang laki laki ng hallway para banggain mo ko" sa sobrang inis ko binuhos ko sakanya yung milktea.

"Quits na tayo" inis kong sabi at tinalikuran ko siya. Bigla niyang hinatak yung braso ko.

"Ito pala ang gusto mo gulo then fine from now your my mortal enemy with war again" at binitawan niya braso ko nakita ko paglapit nila kuya ace at bentley.

End of Flashback

Dumating na yung professor namin kaya naman. Nakinig nalang ako. Makalipas ang tatlong oras break time na, kinuha ko ka-agad ang bag ko. Pagpasok ko sa cafeteria nadulas agad ako kaya pinagtawanan agad ako tumingin ako sa gawi nila ethan tawa siya ng tawa. Lumapit agad saakin si kuya ace at kuya ash.

"Hey baby AA are you okey?" tanong ni kuya ace saakin. naiiyak na ko dahil sa sakit ng likod ko sa pagkakadulas ko.

"masakit likod ko kuya huhuhu" umiyak na ako kaya naman binuhat ako ni kuya ash. Tumingin muna siya kay ethan.

"Ethan Mich Bryce pumunta ka sa SSC Office ngayon na!!" inis na sigaw ni kuya ash sakanya. napakamot nalang siya sa batok niya.

"Nurse patignan nga ho yung likod ni Ms. president na dulas ho kasi siya sa cafeteria" sabi ni kuya ace sa nurse pinadapa naman agad ako nung nurse para tignan yung likod ko.

"Okey lang yung likod niya nilagyan ko ng salompas dahil masama lang siguro ang pag kakadulas niya" sabi ng nurse kaya naman tumingin saakin si kuya ash. Umalis na agad ang nurse at naiwan kami tatlo.

"Ayane puwede ba tumigil na kayo ni ethan sa pangbubully ninyo sa isa't isa para kayong mga bata, Tsaka collage na kayo. At kayo ang tinitignan na role model para sa mga 1st year collage hanggang high school department pero ganyan kayong dalawa." inis na sabi ni kuya ash yumuko nalang ako.

"sorry kuya ash" nakayukong sabi ko.

"Tara na sa SSC Office maguusap tayong nila ethan para tumigil na kayo" sumunod naman na ako kay kuya ash. Pagpasok namin sa loob nakita ko kaagad si Ethan kaya umupo na ako.

"Ethan at Ayane puwede ba tumigil na kayong dalawa hihintayin ninyo paba na may mapunta sa hospital para matigil lang ang pagaaway ninyo" panimula ni kuya sa sermon.

"Ikaw Ethan hindi sa kinakampihan ko kapatid ko ka lalaki mong tao kaya mo manakit ng babae. Pasalamat ka at walang nangyaring masama sa kapatid ko, dahil kung may mangyaring masama diyan. Hindi ako magdadalawang isip na patalsik ka sa iskuwelahan namin" sabi ni kuya ash at yumuko naman si ethan.

"At ikaw naman ayane bigyan mo ng kahihiyan ang sarili mo may ari ka ng universidad na ito pero ganyan ugali meron ka. Bilang Manager ninyo at pinapatawan ko kayo ng kaparusahan" Tumingin ako kay kuya ash.

"Kuya ash magsosorry na ako at titigil na please 1st warning nalang muna" sabi ko kay kuya at nag puppy eyes.

"HINDI!! puro ka nalang first warning ilan first warning na ang nangyari" inis na sabi ni kuya ash.

"Sorry Mr. Manager and Mr. Vice President lalo na sayo Ms .President" sabi ni ethan tumingin naman sakanya si kuya ash.

"sorry na kuya lalo na sayo ethan sa mga kasalanan na ginawa ko" tumingin ako sakanya.

"Kuya ash sabihin muna sakanila yung parusa mo baka ma late pa tayong apat" sabi ni kuya ace.

"Dahil sa nangyari. Kayong dalawa ang maglilinis ng cafeteria ngayon araw, mamayang uwian" Nagulat kami parehas ni ethan.

"What kuya naman wag naman ganyan oh" sabi ko dahil hindi ako makapaniwala.

"ayun ang ang parusa ninyo" sabi ni kuya ash kaya tumingin ako kay kuya ace baka mapatulungan niya ako.

"kuya ace bak-" pinutol ni kuya ash yung sasabihin ko.

"wag kana magpatulong kay ace hindi ka matutulungan niyan. Bumalik na kayo sa mga klase ninyo" sabi ni kuya at lumabas na sila natira kami ni ethan. Tumingin ako sakanyan.

"S-sorry sa nangyari ayane okey lang ba yung likod mo?" nagaalalang tanong niya.

"Are you stupid? malamang hindi, ikaw kaya madulas at tumama ang likod mo sa sahig magiging okey ka kaya tsaka nagsosorry ka ikaw gumawa nun tsk" inis kong sabi sakanya at lumabas na dumerecho na ako sa room.

Pagpasok ko sa classroom nandoon na sila mikasa, inha, kaela. Lumapit naman agad saakin si kaela at inabot yung sandwich na hawak niya.

"Oh kainin mo mahirap na walang laman yung tyan" kinain ko yung binigay niyang sandwich biglang pumasok si stacy.

"Hay nako ang daming tanga tanga sa mundo!!" parinig niya saakin tinignan ko siya ng masama pero di niya pinansin. Lumapit siya saakin.

"Nice show ayane next time naman yung mas maganda naturingan ka pa naman na president ng university tas ganun ginagawa mo. Hindi ka dapat maging role model ng univesity na to" sabi niya saakin tumayo ako at tinapatan ko siya.

"Bakit? Tingin mo ikaw ang dapat maging role model? HA. HA. HA. Nagpapatawa kaba? kasi kung oo nakakatawa. Tsaka hindi ako tanga una sa lahat walang madudulas kung walang naglagay ng mantika doon wag kang Idiot. Tsaka wag na wag mo ako pagsasalitaan na hindi ako dapat maging president ng university na to. Alam mo kung bakit?. Dahil kung sa tingin mo ikaw ang magiging president ng univesrsity na to panigurado walang kang maganda na idudulot dito" huminto muna ako at nakita ko si bentley at ethan papasok kaya naman lumapit ako lalo kay stacy.

"Dahil walang president na maattitude na kagaya mo. Kaya wag na wag mo akong pagsalitan ng ganyan. Patunayan mo muna sa lahat ng studyante na ikaw ang karapatdapat na maging president sa university na ito." pagkatapos ko ibulong yun kitang kita ko pulang pula na siya sa galit uupo na sana ako pero sumigaw siya at sasabunutan sana ako.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO!!" biglang tumakbo papunta saamin sila ethan at bent.

"STACY ANONG KAGULUHAN TO?!" sigaw sakanya ni ethan at hinatak siya palayo.

"Siya ang nauna hindi ako" naiiyak na sabi niya. Tumingin naman ako sakanila.

"Stacy hindi si Ms. President ang nauna, ikaw ang nauna kung ano ano pinagsasabi mo sakanya" sabi ng isang namin kaklase at tinignan niya to ng masama.

"Tama siya, stacy wag mo ibintang na si ayane ang nauna dahil ikaw ang lumapit sakanya at nagsabi ng kung ano ano" inis na sabi ni hinata.

"Tara na maupo na tayo" sabi ni mikasa saakin at umupo na kami nag walkout naman si stacy. At hindi na bumalik hanggang matapos ang klase.