Chapter 26 - Chapter 26

Ethan POV

Pagpasok ko sa loob naabutan ko si miecassie at xavier.

"Ethan dito na muna kayo ni xavier sasama daw kasi saamin si cassie" sabi ni ace

"Sige bro, umalis na kayo" sabi ko at umupo sa tabi ni xavier.

Pagkaalis nila ash tumigil sa pagcecellphone si xavier. Nginitian niya ko simula kasi ng nagaway kami ni ayane, hindi na kami nakakapagusap. Dahil busy siya tas lagi niya kasama sila ayane.

"Yow bro, ilan taon din tayo hindi nakakapagusap" panimula niya kaya tinignan ko siya.

"Kaya nga eh" sabi ko sakanya at tumingin kay ayane.

"alam mo bro hanga ako sayo hanggang ngayon pa din? ba patay na patay kapa din ba kay ayane" tinignan ko naman siya.

"Ano kaba xavier ang tagal na nun naalala mo pa din" sagot ko sakanya.

"Oo naman bro nakita ko kaya yung papel na tinapon mo sa basurahan yun nga lang hindi nashoot sa basurahan kaya naman kinuha ko" sabi niya.

"Hay oo nga e, nagsisisi nga ako dahil kinuha ko yung teddy bear kay ayane na bully tuloy siya aaminin na din sana ako kaya lang hi-" natigil ang pagsasalita ko ng may narinig kaming sumabat.

Ayane POV

Nagising ako nang narinig kong binati ni xavier si ethan. Pero hindi ko pa din dinidilat yung mata ko, hindi naman sa chismosa ako pero ayoko muna maistorbo yung dalawa, dahil simula nung nagaway kami ni ethan hindi na sila naguusap.

"Yow bro, ilan taon din tayo hindi nakakapagusap" Bati sakanya ni xavier.

"Kaya nga eh" sabi naman sakanya ni ethan.

"alam mo bro hanga ako sayo hanggang ngayon pa din ba? patay na patay kapa din ba kay ayane" nagulat ako sa sinabi ni xavier, dahil hindi ko naman alam na may gusto pala saakin dati ethan.

"Ano kaba xavier ang tagal na nun naalala mo pa din" sagot ko sakanya.

"Oo naman bro nakita ko kaya yung papel na tinapon mo sa basurahan yun nga lang hindi nashoot sa basurahan kaya naman kinuha ko" sabi ni xavier kay ethan, Ibig sabihin nung araw na pinalagay ko sa gilid ng pintuan yung tubig na may harina magsosorry na dapat si ethan at aamin na siya ng nararamdaman niya saakin.

"Hay oo nga e, nagsisisi nga ako dahil kinuha ko yung teddy bear kay ayane na bully tuloy siya aaminin na din sana ako kaya lang hi-" natigil siya ng nagsalita ako.

"Ang ingay ninyo naman dalawa diyan, Hoy xavier bakit mo kinakausap ang torpe na yan?" tanong ko sakanya kaya naman na patingin sila saakin dalawa.

"Ayane gising kana?" tanong ni xavier.

"Hindi tulog ako" sabi ko sakanya.

"Ethan batukan mo ko, dali batukan mo ko" sabi niya kay ethan kaya naman binatukan siya ng malakas ni ethan.

"Aray ko!! ang sakit ah may galit kaba saakin" sabi ni xavier.

"Tatawag lang ako ng doctor" sabi ni ethan pinigilan naman siya ni xavier.

"Wag na ako nalang ang tatawag, magmoment muna kayo hihi" sabi ni xavier at umalis na. Tinignan ko si ethan at tinasaan ng kilay.

"So gusto mo pala ako dati, hmm bakit hindi ka umamin?" tanong ko sakanya. Hindi ko alam kung magagalit ako o maiinis, dahil gusto ko din siya nung elementary pa kami kaya lang simula nung nilabas niya yung teddy bear. Dahilan bakit inaasar ako ng mga kaklase namin na baby damulag ako sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na siya maggugustuhan.

"A-ah, E-eh, aamin naman na sana ako ikaw lang to may pakana na naglagay sa gilid ng pintuan ng tubig na may harina" sabi niya saakin. Pumasok naman agad ang doctor at kinuha ni ethan yung celllphone niya.

Ash POV

Nandito na kami sa school at naayos na namin ang gulo pagpasok ko sa office, nagvibrate ang phone ko.

Ethan:

Ash gising na si ayane pumunta na kayo dito na text ko nadin sila tita.

Tinignan ko kaagad si ace na nakaupo at nakapikit. Nilapitan ko agad siya.

"Ace gising na daw si bunso" sabi ko sakanya agad naman siya dumilat at kinuha yung susi ng kotse niya sa bulsa niya at lumabas na. Iba din talaga tong kapatid ko miss na miss na siguro si ayane. Ako ang unang tumakbo sa parking lot sumunod siya saakin.

"Baliw ka kuya na saakin yung susi" sabi niya at pinakita yung susi.

"Bilisan muna gusto ko na makausap si ayane" sabi ko sakanya agad naman niya binuksan yung pintuan.

Ayane POV

"Okey na siya need nalang niya ng test para makita namin kung okey na ba talaga siya para makauwi na siya" sabi ng doctor kanila mommy nandito na sila. Bakit need ko pa mag test okey naman na ako. Pumasok bigla sila kuya at nagtulakan pa sila ni kuya ash.

"Hoy ace at ash para kayong batang nagtutulakan umayos nga kayo" sita ni mommy sakanilang dalawa, nang makalapit saakin nagtanong agad.

"Okey kana ba Baby AA/ Okey kana ba Princess AA? " sabay nasabi nila kuya. Tinignan ko sila dahil gusto ko matawag dahil sabay pa sila.

"May masakit pa ba sayo?/ May masakit pa ba sayo?" sabay ulit nila nasabi kaya tumingin sila sa isa't isa.

"Bakit mo ba ko ginagaya/ Bakit mo ba ko ginagaya" Natawa ako sakanilang dalawa pati si mommy.

"Okey na ko, walang masakit saakin" sabi ko sakanila naupo silang dalawa sa sofa.

"Tita una na po ako" sabi ni ethan at lumapit saakin.

"Una na ako ayane. Pahinga ka para bumalik na lakas mo babalik ako bukas" tinignan ko siya.

"Sige Mr. Torpe" sabi ko.

"Hindi ako torpe hintayin mo lang ang magpapaalam ako sa mga kapatid mo para ligawan ka" bulong niya saakin. Nagsalita naman bigla si kuya.

"Hoy ethan ang lapit mo naman sobra sa kapatid ko baka gusto mo naman lumayo unti" sabi ni kuya ash. Lumayo naman saakin si ethan at lumakad na palapit kanila kuya.

"Sorry naman bukas nalang ulit mga future brother - in - law at mother - in - law" at umalis na agad tinignan ako nila kuya dahil sa gulat ng sinabi ni ethan. Kaya ako nagulat din.

"Hoy ayane may hindi kaba sinasabi saamin?" tanong ni kuya ace.

"Oo nga ano yung sinasabi ni ethan future brother in law?" tanong ni kuya ash. Tumingin naman ako kay mommy na naging malaki ang ngiti.

"Ano ba kayo hayaan ninyo na si ethan" Tumingin saakin si mommy.

"Ayieee yung matagal na crush ni baby ayane tinawag akong mother in - law" sabi ni mommy at nakita ko yung gulat nila kuya.

"WHAT/ANO??" tinignan ko sila kuya at ngumiti lang ako.