Chapter 27 - Chapter 27

Ayane POV

"Ayane ibig sabihin matagal muna gusto si ethan?" tanong ni kuya ace saakin.

"Oo anak, ano bang masama kung may gusto siya kay ethan?" tanong ni mommy.

"Mom since high school sila magkaaway na sila" sabi ni kuya ash.

"Ano naman tsaka bata pa sila nun anak" sabi ni mommy at tumingin saakin.

"Ayane kailan kapa nagkagusto sakanya?" tanong ni kuya ash.

Flashback....

Nandito kami ngayon nila xavier sa park may nakita akong lalaki. Naglalaro siya ng basket ball kasama mga kaibigan ni kuya ash. Ngayon nalang ulit ako inuwi nila mommy dito sa Pilipinas dahil may gusto nila na kasama ako, pero sinabi ko sa kanila gusto ko kasama sila kuya ash kaya naman pinauwi na nila ko dito kasama si manang.

"Hoy ayane kanina kapa tulala diyan" sabi saakin ni mikasa. Si mikasa ang kakambal ni xavier, dahil kaibigan ni kuya ace at kuya ash si xavier pinakilala saakin ni xavier si mikasa, kaya naging close ko sila.

"Ah eh ano ba kasi sinasabi mo?" tanong ko sakanya.

"Sabi ko gusto mo ba nang ice cream bili tayo" sabi niya saakin.

"oh sige tara" tumayo na ako at naglakad. Habang naglalakad ako tinaman ako ng bola sa braso ko.

"Aray" sabi ko at hinawakan ko yung braso ko.

"Bata sorry, masakit ba?" tanong niya saakin kaya tinignan ko siya, siya yung batang kanina ko pa tinitignan.

"O-okey lang ako, pero masakit unti" sabi ko sakanya.

"AYANE!!" tinignan ko naman si mikasa.

"Ano nangyari sayo?" tanong niya saakin.

"Natamaan siya ng bola eh" sabi ng batang lalaki at kumamot sa ulo niya.

"Hala, patingin nga ayane lagot ako neto kay kuya ash pag may pasa ka" tinignan niya naman bigla yung braso ko.

"Hala mamumula. Hoy ethan lagot ka kay kuya ash kapag nagkapasa si ayane" sabi ni mikasa sa batang lalaki.

"Ayane tara dalhin kita sa clinic" sabi ni ethan yung batang lalaki.

"A-ano okey lang hindi naman na sobrang sakit" sabi ko sakanya.

"Sigurado kaba?" tanong niya saakin na nagaalala.

"Oo" tumingin ako kay mikasa at tinaasan ako ng kilay niya. "Tara na mik bili na tayo ng ice cream" sabi ko sakanya at hinatak ko siya.

"Wait nga lang ayane. Nalagpasan na natin yung bilihan" sabi niya at hinatak ako sa isang tindahan.

"Ate dalawang ice cream nga po" sabi ni ate.

"Anong flavor iha" tanong saamin ng tindera.

"Chocolate and Cookies&Cream" sabi ni mikasa at inabot niya.

Kinuha ko na yung ice cream at bumalik kami nakita ko naglalaro na ulit sila.

"mikasa, ano ulit pangalan nung batang lalaki kanina" tanong ko sakanya kinunutan niya ko ng noo.

"Sino yung batang lalaki kumuha ng bola sayo?" tanong niya at tumango ako.

"Si Ethan Mich Bryce yun" sabi niya at ngumiti ng nakakapangasar.

"Bakit? gwapo ba ikaw ah, na love at first sight ka yata" sabi ni mikasa.

"H-hindi a-ah" sabi ko at dumating na sila kuya.

End of flashback

"So matagal kana pala may gusto sakanya at hindi mo sinasabi saamin ayane?" tanong ni kuya ash.

"Ano ka ba baby ash syempre hindi sasabihin sayo ng kapatid mo napakaprotective mo kaya" sabi ni mom. Tinignan ko si kuya at sumimangot.

"Well support naman ako sainyo halata naman may gusto sayo si ethan kaya lang, Ikaw ayane hindi ko napansin" sabi ni kuya ash at inakbayan si kuya ace.

"Hey bro ikaw ano sa tingin mo" inis na tingal ni kuya ace yung braso na nakaakbay sakanya.

"Okey lang naman saakin kuya, Mom alis na po muna" sabi ni kuya at tinignan namin siya ni mom.

"Kuya saan ka pupunta?" tanong ko sakanya ngumisi lang si kuya ash.

"Makikipagda-" hindi natuloy ni kuya ash ang sasabihin ng tinakpan ni kuya ace ang bunganga niya.

"A-ano m-mom and ayane mamasyal lang ako" sabi ni kuya na nauutal kay mas lalo ko siyang tinignan.

"Ah sino kasama mo?" tanong ko sakanya.

"Kuya tanggalin mo na yung takip ng bibig ni kuya ash" sabi ko sakanya, pero di pa din niya binatawan.

"S-si Mj kasama ko" pagkasabi ni kuya nun tinggal niya yung takip ng bibig ni kuya ash at tumabi saakin si kuya ash.

"Nako baby ayane may lovelife na din ang kuya ace mo" sabi ni mom at bumaling kay kuya ash na nasa gilid ko.

"Ikaw ash wala kabang sasabihin o idadate?" tanong ni mommy sakanya. Bumukas ang pintuan nauna si ate cy at sumunod sila hinata at xavier.

"Hi tita" sabay nilang bati at nakipagbeso kay mommy.

"hello babies" sabi ni mom.

"Hmm mom alis na ko" sabi ni kuya ace.

"Ingat baby ace" kiniss ni kuya si mommy sa noo.

"Ingat kuya Good Luck sa date/ Ingat bro Good Luck sa date" sabay namin sabi kay kuya at inis na tumingin saamin si kuya ace pero namumula siya balibag niya sinarado ang pinto.

"So ikaw baby ash kailan ka magkakalovelife?" tanong ni mom at tinaasan ng kilay si kuya ash.

"Mom wala pa kong balak pumasok sa lovelife na yan" sabi ni kuya at umupo sa tabi ko.

"Nako mom may hinihintay lang yan si kuya ash" sabi ko at tumingin kay ate cy na kinakausap sila xavier kaya tinignan ni mom kung saan ako nakatingin.

"Hay nako baby ayane torpe lang kuya ash mo" sabi ni mom sakanya.

"Hindi ako torpe mom" sabi ni kuya ash at tinignan ako.

"Ikaw ayane napaka bully mo porket may lovelife kayo ni ace ah" sabi niya saakin.

"Hindi kaya bleh" sabi ko sakanya.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa tatlo, nilingon nila ko.

"kasi baby AA wala naman pasok" sabi ni ate cy.

"Ate Cy puwede po ba samahan mo si kuya ash bili kayo ng foods sa mall, kasi gusto ko nga makakain" sabi ko at siniko naman ako ni kuya sa tagiliran.

"Ouch, kuya bakit ka ba na niniko sa tagiliran masakit ah" sabi ko at sinaman naman siya ng tinigin nila mom.

"sorry naman " sabi ni kuya ash at nilahad niya yung kamay niya sa harap ko.

"ano?" tanong ko sakanya.

"Anong ano, amin na pera pambili" sabi ni kuya. Nilagyan naman ni mommy ng pera yung kamay ni kuya.

"oh ayan na sige na bumili na kayo" sabi ni mom at bumulong kay kuya. Namula naman agad si kuya.

"Mom!!" inis na saway ni kuya kay mom.

"ano wala akong sinasabing masama sige na alis na kayo" sabi ni mom at umalis na sila.