Ethan POV
isang linggo na simula ng nakalabas ng hospital si ayane. Papunta ako ngayon sa bahay nila para sunduin siya dahil ngayon palang siya papasok unang araw ng september.
"iho nandito ka na pala, pasok ka hintayin mo nalang si AA tulog pa siya kasi anong oras na din nakatulog kagabi" sabi saakin ni manang hanggang sa makarating kami sa sala.
"Okay lang po hintayin ko nalang po siya" sabi ko kay manang at naupo sa sofa.
"oh sige iho akyatin ko lang sila" sabi ni manang at pinigilan ko naman siya.
"Manang puwede po ba ako nalang ang gumising kay ayane?" tanong ko sakanya, ngumiti lang siya sa akin.
"Oo naman iho. tara sa itaas ako na ang gigising sa kuya niya at ikaw na sakanya" nang makarating na kami sa taas pumasok na si manang sa kwarto ng kuya ni ayane si manang.
Pagpasok ko sa kwarto ni ayane nakita ko siya mahimbing natutulog. Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ko siya, nang kukuhan ko siya ulit sa pangalawang pagkakataon nakita ko nagulat siya.
"HOY ANONG GINAWA MO DITO HA!!!?" sigaw niya at napaupo agad siya at naglagay ng kumot sa katawan niya. Nakakatawa talaga yung ekspresyon ng mukha niya ang epic.
"ANO TINATAWA MO DIYAN HA!!!?, TSAKA PAANO KA NAKAPASOK DITO? TRESS PASSING KA!!" inis na sabi niya saakin.
"EHEM!!" napalingon kami ng sabay at nakita namin sila ace at ash.
"Kuya ace, kuya ash bakit nandito sa kwarto ko tong panget na to?!" inis na sabi niya at tumingin saakin ang dalawa niyang kuya, napakakamot nalang ako sa batok ko.
Ayane POV
Naalimpungatan ako parang may pumasok sa kwarto ko, baka si manang or kuya ace para gisingin ako pero ang pinagtataka ko bakit parang may nag flash. Nang pangalawang beses minulat ko na nag mata ko laking gulat ko bakit nandito si ethan. Agad ako umupo at tinabunan ko ng kumot yung katawan ko dahil nakasando at short lang ako.
"HOY ANONG GINAWA MO DITO HA!!!?" sigaw ko sa harap niya pero natatawa pa siya.
"ANO TINATAWA MO DIYAN HA!!!?, TSAKA PAANO KA NAKAPASOK DITO? TRESS PASSING KA!!"inis kong sigaw sakanya
"EHEM!!" napalingon kami ng sabay at nakita namin sila
"Kuya ace, kuya ash bakit nandito sa kwarto ko tong panget na to!" inis natanong ko sa kanila at nakita ko na napakamot nalang si ethan sa batok niya.
"wala bang good morning diyan baby AA?" tanong ni kuya ash na nakangisi sa akin kaya sinaman ko siya ng tingin.
Lumapit naman si kuya ace sa akin at umupo sa gilid ng kama. Habang si kuya ash naman nasa pinto at nakangisi habang si ethan umupo sa isang upuan sa study area ko.
"Good morning princess" sabi ni kuya ace at kiniss ang noo ko.
"OY!! pre good morning ang aga mo yata ngayon?" tanong ni kuya ash kay ethan at lumapit siya doon at tinapik ang balikat neto, napakasama talaga netong kapatid hindi manlang nag good morning. Palayasin ko to sa kwarto ko ei.
"good morning din pre, susunduin ko sana si ayane kaya lang tulog pa kaya sabi ko kay manang ako nalang maggigising" paliwanag niya kaya tinignan ko siya ng masama.
"Akala ko kung ano na nangyari sa kanya akala mo kasi nakalunok ng microphone napakalakas ng sigaw" sabi ni kuya ash.
Tinignan ko lang silang dalawa at kinalabit naman ako ni kuya ace ngayon ko nalang ulit siya nakasama kasi simula nung nagdate sila ni ate MJ hindi ko na siya masyado nakakasama kahit nasa iisang bahay kami.
"Ayane?." tawag ni kuya ace saakin. Nilingon ko siya agad.
"Hmm??" sabi ko at tumingin sakanya.
"Anong magandang regalo sa babae?" tanong niya at tinignan ko siya na may halong pagtataka.
"Ah-eh wag na lang pala hihi" sabi niya at kumamot sa ulo.
"Kung special siya I think ang bagay na ibigay mo sakanya ay kuwintas or bracelet" sabi ko at tumayo kaya tumayo na din siya at tinulungan ako mag ayos.
"okey baba na kami sunod ka nalang" sabi niya saakin at inaya na ang dalawa sa baba.
Habang nag aayos ako napagdesisyunan ko na ilagay na ang mga binigay saakin ni bentley sa isang box na pinaakyat ko dito sa taas para maibalik ko na sakanya. Pag baba ko nakita ko sila na nakaupo na sa may sala kaya sumunod na ko.
"Ano bayan bakit walang bacon?" tanong ko at tinignan ko si kuya ash na nakangiti.
"Sorry baby AA ako nagsuggest ng breakfast natin kumain kana" sabi ni kuya ash at inirapan ko lang siya. Umupo ako sa tabi ni kuya ace, kaharap naman ni kuya ace si ethan. Nang matapos kami kumain lumabas na kami dahil si manang nalang daw ang mag huhugas.
"Ayane kay ethan ka nalang sumabay, dahil ikaw naman ang dahilan bakit nandito siya" sabi ni kuya ash saakin, nang pumasok na sila kuya ace at kuya ash sa kotse papasok na sana ako naalala ko yung box kung saan nakalagay na ang lahat ng binigay ni bentley saakin.
"Ethan wait lang may kukuhain lang ako sa taas" sabi ko sakanya at tumango siya pumasok agad ako sa bahay at umakyat sa kwarto. Pagkakuha ko ng box nakita ko yung binigay niyang kuwintas saakin kinuha ko kaagad yun at nilagay sa box niya na nasa ibabaw ng lamesa ko. Nakita ako ni ethan at kinuha niya ang box.
"Ano ba laman neto?" tanong niya saakin at sinarado niya agad ang likod ng kotse niya.
"Mga gamit yan na binigay saakin ni bentley napag usapan namin na ibabalik ko nalang sakanya, baka puwede niya pa ibenta para magkapera siya" sabi ko ag binuksan yung frontseat ng kotse niya pumasok na din siya sa kabila.
"Buti alam nila ace at ash na makikipagkita ka kay bentley" sabi ni niya saakin habang nagdrive siya.
"hindi alam nila kuya pero siguro mamaya sasabihin ko nalang" sagot ko sakanya. Pagdating namin sa school dumaan muna ako sa office para icheck kung may mga gagawin ba ko mamaya at iniwan ko yung box doon.
"oh ayane bakit nandito ka? Isang linggo palang simula nakalabas ka ng hospital ah?" sabi ni ate azzir.
"Okey na ko ate tsaka kaya ko naman na" sabi ko sakanya ay pinatong yung box sa lamesa ko.
"By the way ate nabigay muna na ba ang schedule ni miecassie?" tanong ko.
"Oo, kinuha na niya kahapon pa nasa room na siya dumaan siya dito kaya lang wala kapa" sagot niya saakin at lumabas nako ng office baka malate pa ko.