Chapter 22 - chapter 22

Ayane POV

Inayos ko kaagad ang gamit ko. Lumapit saakin si bentley.

"Babe sorry nga pala hindi kita gaano nakakausap at na titext busy lang talaga" nginitian ko siya sa totoo lang mag iisang linggo niya na ako hindi tinetext o kahit kinakausap man lang kung maguusap kami hindi nagtatagal.

"okey lang naiintindihan kita" sagot ko sakanya. Hinawakan naman niya kamay ko.

"Babawi ako sayo promise yan. Hatid na kita" sabi niya umiling naman ako.

"wag na may gagawin pa ako naparusahan kami e" Biglang lumapit saakin si ethan.

"Tara na Ayane para naman matapos na agad" sabi ni ethan tumango ako sakanya at pumunta na sa cafeteria.

"Uhmmm. doon na ako sa left side ikaw na sa right side" sabi saakin ni ethan kaya naman tumango nalang ako.

Habang naglilinis ako nagvibrate yung phone ko.

Unknown: Pagtapos ninyo maglinis pumunta ka sa rooftop

Sino naman kaya tong nagtext saakin. Puntahan ko nalang mamaya baka importante yung nagtext saakin. Nang matapos na kami ni ethan tinignan niya ko at inabot niya saakin yung towel niya.

"Oh magpunas ka muna pawis na pawis ka baka magkasakit ka" kinuha ko nalang dahil nasa locker yung towel ko.

"Thank you una na ko sayo punta muna ako sa locker ko bukas ko nalang to balik" sabi ko at tinalikuran ko siya

Ethan POV

"Thank you una na ko sayo punta muna ako sa locker ko bukas ko nalang to balik" sabi niya saakin at tinalikuran niya ko. Nakakapagtaka bakit parang nagmamadali yun.

Sinundan ko siya ng palihim pumunta muna siya sa locker para kumuha ng pamalit niya at iniwan niya ang ibang libro namin. Nagmamadali siyang lumabas sa locker kaya sinundan ko siya. Nakita ko siya papunta sa rooftop ano naman kaya gagawin niya doon.

Sa kabila ako dumaan para naman mas mabilis, dahil hindi maganda kutob ko. Pagkakita ko sa rooftop nakita ko si bentley at david na magkayakap. Nakita ko kaagad si ayane kaya hinatak ko kaagad siya.

"Ano ba bakit ka ng hahatak tsaka bakit ka nandito?" tanong niya saakin.

"Ah Eh.. Magpapahangin sana ako kaya lang may nakita ako magjowa sa loob magkayakap kaya naman hindi na ako pumasok" sabi ko sakanya.

"Ah ganun ba" at tinignan niya cellphone niya.

"Ikaw bakit ka nandito sabi mo pupunta ka ng locker at uuwi kana" tanong ko sakanya.

"May nagtext saakin kanina habang naglilinis tayo pagtapos ko daw maglinis pumunta ako dito sa roo-" natigil si ayane ng may tumawag sakanya.

"Ayane ano ginagawa ninyo dito?" tanong ni bentley at tumingin ako sa kanila nagulat ako, dahil hindi ko inaasahan na maabutan nila kami.

At makikita namin siya tumingin ako kay ayane at nakita ko na gulat siya, kaya tumingin ulit ako sa dalawa doon ko lang napansin. Magkaholding hands ang dalawa at nakaakbay yung isang braso ni david kay bent at bitbit niya yung bag ni bent.

"B-Babe let me explain " sabi ni bent kay ayane at lumapit kay ayane tumingin ako kay ayane at nakita ko siyang naiiyak na.

"B-bakla k-ka? P-pero d-diba g-girlfriend m-mo k-ko?" unti unting bumagsak ang mga luha ni ayane.

"S-sorry ayane sasabihin naman sana namin ni ley sayo kaya lang naunahan siya ng takot sorry kung ginawa ka lang niyang panakip butas para hindi malaman ng mga magulang niya na bakla siya" paliwanag ni david.

"Mga walang hiya kayo!! Hindi ko kayo mapapatawad lalo kana bentley!! napakawala mong puso!! Minahal kita ng lubos tapos ganto lang gagawin mo!!!" hinubad ni ayane yung kwintas na binigay sakanya ni bent at hinagis niya iyon. Bigla siyang tumakbo. Hahabulin sana siya ni bent. Pero pinigilan ko siya.

"Ako na nag hahabol baka mas lalong lumalala pa" sabi ko sakanya agad naman siya niyakap ni david dahil umiiyak siya.

Hinabol ko si ayane palabas na siya ng gate. Hahatakin ko na sana siya ng biglang may dumaan na kotse.

"AYANE!!!" sigaw ko kay ayane pero huli na nabangga siya ng kotse. Dali dali ako lumapit sakanya.

"A-ayane g-gising a-ayane" tinapik ko pisnge niya.

"Sir tara na po isasakay ko na po kayo, dalhin na po natin siya sa hospital" sabi ng nakabangga sakanya binuhat ko kaagad siya papunta sa loob.

Pagkadating namin sa hospital dinerecho namin sa E.R si ayane. Kinuha ko ka agad yung cellphone ko at tinawagan ko ka agad si Ash.

"H-hello ash" nauutak ko sabi.

"Oh napatawag ka? tapos na ba kayo ni ayane maglinis, ikaw na maghatid sakanya dito sa bahay. Dito kana din kumain" sabi niya.

"Ash kanina pa kami tapos maglinis. A-ash nandito kami sa hospital" sabi ko agad sakanyan.

"ANO!!! BAKIT KAYO NASA HOSPITAL??" galit na sabi ni ash.

"Na sagasan siya ng kotse dahil nagtatakbo siya palabas ng gate hindi ko na napigilan pumunta nalang kayo nandito kami sa Lee Hospital" sabi ko sakanya.

"Sige. Ikuwento mo saakin ang nangyari" binababa niya na agad yung tawag.

Tinext ko kaagad si ate cy para makapunta dito.

After 30minutes

.

.

.

.

.

"ETHAN ANO NANGYARI SA KAPATID KO HA?!!" galit na sabi saakin ni ash at kinuwelyuhan ako.

"H-hindi ako ang may kasalanan tanggalin mo nga yung kamay mo" tinggal niya naman agad.

"Kuya ash ano ba umaayos ka muna kuya tanungin mo siya ano nangyari" Hinarap ako ni ace.

"Ano ba ang nangyari sakanya?" kalmado na tanong ni kuya ace.

"Nakita niya kasi si bentley tsaka yung taga section C na si david ong" kinuwento ko sakanila yung nangyari. Pagtapos kong sabihin sinuntok ni ash yung pader. Dumating sila ate cy.

"FUCK!! dapat nung una palang pinalayo at pinaghiwalay ko na sila kasalanan ko to. hindi ko sinabi sakanya agad. Hinintay ko pa na mangyari to" naiiyak na sabi ni ash.

Ash POV

Flashback (3rd year collage si ash)

Napadaan ako sa abandonadong classroom at may nakita akong dalawang lalaki na naguusap. Hahayaan ko na sana kaya lang narinig ko ang pangalan ng kapatid ko.

"Love paano yan dalawang buwan na tayo. hindi mo pa din ba kaya hiwalayan si ayane" sabi nung lalaki.

"love hihiwalayan ko na din siya kapag handa na ako umamin kanila mommy daddy na bakla ako" sa sobrang inis ko ibig sabihin ba neto ginagamit lang niya lang si ayane.

Hindi na ako nakapag timpi pumasok ako sa loob . Nakita kong nagulat si bentley at yung kasama niyang lalaki. Sinapak ko ka agad si bentley.

"Hayop ka hindi pinalaki ng magulang ko si ayane para lokohin mo at gamitin mo" galit kong sabi at sinapak din yung lalaki niyang kasama at binalikan ko ng tingin si bentley at sipak ulit.

"LAYUAN MO KAPATID KO KUNG AYAW MO BUMAGSAK ANG LAHAT NG PINAGHIRAPAN NG MAGULANG MO" inis kong sabi at umalis na.

End Of Flashback

Tumingin saakin si ace at ethan ng kinuwento ko sakanila yun. Nakita ko ang galit sa mga mata ng pangalawa kong kapatid alam kong galit siya saakin. Dahil hindi ko nagawang sabihin sa bunso namin kapatid ang katotoohanan.

"I-ibig sabihin matagal mo na din alam?, Bakit hindi mo sinabi sa kapatid mo?" tanong ni ethan na hindi makapaniwala.

"Natakot ako dahil nakita kong sobrang saya niya lalo na kapag nagkukuwento siya sa mga nangyayari sakanilang dalawa" sabi ko at biglang lumabas ang doctor.

"Who is the family of the patient?" tanong nagdoctor at lumapit naman ako agad.

"kaming dalawa po doc. Kamusta na po ang kapatid namin" tanong ko.

"May Bad news at May Good news ako sainyo Mr. Takanashi" sabi ng doctor.