Ayane POV
Nagising ako puro puti nakita ko. Naglakad ako sa paligid.
"Ayane apo ko" lumingon ako nakita ko si lola.
"Lola kamusta na po kayo?" Tanong ko sakanya.
"Okey lang ako apo" sabi niya at lumapit saakin.
"Apo hindi ka nararapat dito bumalik kana sakanila. Kailangan ka nila" sabi saakin ni lola.
"Pero lola gusto ko dito kasama ka, tsaka la ayoko na bumalik doon" sagot ko sakanya at sumimangot ako.
"Apo hindi porket may problema ka dahil niloko ka ng boyfriend mo mas pipiliin mo na makasama mo ako" sabi ni lola at hinawakan niya ang kamay ko.
"Apo nandoon pa ang mga kapatid mo, kaibigan, magulang at lalo na ang lolo mo. Apo madami pang nagmamahal sayo at kapag na natili ka dito madami kang maiiwan" sabi saakin ni lola.
"Pero lola gu-" pinutol ni lola ang sasabihin ko ng nagsalita agad siya.
"Apo wala ng pero-pero hindi mo pa oras para manatili dito" pagkasabi ni lola noon na wala na siya
Ethan POV
Isang linggo na nakalipas simula ng naaksidente si ayane. Nandito na din sila tita at tito.
"Ethan iho umuwi ka kaya muna sainyo simula nung naaksidente si ayane ikaw na ang nagbabantay sakanya" sabi ni tita, tama si tita kailangan ko na umuwi. Sila ace at ash nagpapalitan sa pagbantay sa kapatid nila.
Dahil sila tita at tito inaasikaso yung patanggal ng shares ng pamilya ng Ong at Evans.
"Okey lang po ako tita" sabi ko sakanya.
"Hoy ethan tama si tita umuwi ka muna nandito naman kami nila tita tito at kuya ash. Babalitan ka naman namin kapag nagising si AA" sabi ni miecassie ng nalaman niya yung nangyari kay ayane sumababay sila ng magulang niya kanila tita pauwi dito.
"Sige po balitan ninyo nalang po ako" sabi ko at umalis na. Habang palabas na ko nakita ko kaagad si bentley. Nilapitan niya agad ako.
"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.
"G-gusto ko lang makita si ayane. G-gusto ko din humingi ng tawad sakanila at sabihin na wag nila tanggalin ang share ng pamilya namin at ng ong" sabi niya habang hawak ang bulaklak.
"Sa tingin mo magbabago pa ang desisyon nila. Sana inisip mo muna lahat bago mo gamitin ang isang tao para sa sarili mong kapakanan" tinignan ko siya.
"I-iniwan ako ni david, dahil nalaman ng magulang niya ang dahilan bakit inalis ang share nila sa companya ng Takanashi. Pinalayas ako ng magulang ko dahil nalaman din nila ang lahat at bumagsak ang ibang companya namin dahil malaki ang share namin sa takanashi. At dahil sa pagkakaalis ng share namin sa takanashi wala ng ibang tumatanggap ng share namin" paliwanag niya hindi ko alam kung maawa ako sakanya o ano.
"Kung ako sayo umalis kana dito bago kapa nila maabutan, lalo na ni ash binalaan ka na niya" pagkasabi ko nun at tumalikod na ako pero hinawakan niya braso ko.
"E-ethan manghihingi ako ng pabor sayo. Kahit mortal enemy kayo ni ayane sana wag mo siyang pabayaan sana pasayahin mo siya kahit lagi kayo magkaaway" hinarap ko siya.
"Kahit hindi muna sabihin yan gagawin at gagawin ko yun sakanya" sabi ko sakanya at tuluyan na umalis.
Bentley POV (ito yung pagtapos siya masapak ni ash)
Paglabas namin sa office pumunta kami saclinic ni david.
"Nurse puwede ho ba pagamot ng sugat niya sa labi. Thank you" sabi ni david sa nurse at sumunod naman.
"Vid sorry nadamay kapa tama sila dapat matagal palang iniwan ko na si ayane, hindi ako nagpakaself-fish" sabi ko sakanya at ginamot na ng nurse yung sugat ko.
"Tara na pumasok kana ihahatid kita" sabi saakin ni vid at hinatid niya ko sa classroom. Wala sila mikasa,inha,kaela,xavier siguro nasa hospital sila.
Pagtapos ng klase umuwi agad ako. Paguwi ko umakyat ako sa kwarto.
"BENTLEY!!! BUKASAN MO ANG PINTUAN MO!!!" sigaw ni dad habang kinakalampag yung pintuan ng kwarto ko. Natatakot ako na buksan dahil panigurado alam na nila.
"Honey hayaan mo muna ang bata tsaka mo na kausapin" sabi ni mom.
"Dad tama si mommy hayaan mo muna si bent. Pagod yan galing school he need rest" sabi ni ate pero hindi nagpatinag si dad.
"Wala akong paki.. BENTLEY OPEN YOUR DOOR!!! Alam kong hindi ka natutulog!!" Galit na sabi ni daddy tumayo ako agad na binuksan yung pintuan. Sinapak agad niya ko.
"DAD!!" Sigaw ni ate at lumapit sila saakin ni alexander ang bunso kong kapatid.
"Honey ano ba!! Puwede mo naman kausapin ang bata na hindi sinasaktan!!" Sigaw ni mommy kay daddy. Tinayo ako nila ate at alex at pinaupo sa kama ko.
"PAANO KO KAKAUSAPIN NG MAAYOS ANG BATANG YAN HA?!! TINGAL NA NG TAKANASHI COOPERATION LAHAT NG SHARE NATIN. DAHIL SAYO!! WALA KANG KUWENTANG ANAK!!! NGAYON 50% NG SHARES NATIN NAWALA NG DAHIL SAYO!!!" Sigaw ni dad saakin at tinignan ako ng masama.
"ITO ANG TATANDAAN MO ORAS NA WALANG TUMANGGAP SAATIN PARA MABALIK ANG 50%!!! LUMAYAS KANA SA BAHAY NA TO AT WAG NA WAG KANA BABALIK!!! DAHIL WALANG BAKLA SA PAMILYA KO" Sigaw ni daddy at umalis na niyakap ako ni mommy at ate samantalang sinundan ni alex si daddy.
"I'm sorry sa ginawa ng daddy mo sayo anak. Stress lang ang daddy wag muna alalahanin yun" sabi ni mom at hinarap ako sakanya.
"M-mom t-tama s-si d-dad walang bakla sa pamilya natin. At ako ang dahilan bakit nawala ang 50% ng share natin" umiiyak kong sabi.
"Shhh. Bent this is not you fault okey. Mas mahalaga alam na nila mom ang totoo tanggap ka ni mom hintayin nalang natin matanggap ka ni daddy" sabi ni ate at pinunasan niya ang luha ko.
"Your ate is right. This is not your fault siguro natakot kang sabihin saamin dahil alam mong walang bakla sa pamilya natin" sabi ni mom at pumasok si alex dala ang first aid kit. Ginamot ni mommy yung sugat ko sa mukha at natulog.
David Mark Del Fierro POV (Ex ni miecassie)
Nandito ako ngayon sa Pilipinas dahil sa nangyari kay ayane at nandito din si miecassie. Gusto ko siya makausap ng maayos.
"Yow bro your here long time no see" bati saakin ni Ryan Mark Del fierro nakita ko ang half brother niya si David Ong.
"Yes long time no see. Hey vid musta na?" Tanong ko kay david na kapangalan ko pa.
"I'm fine bro. Let's go" sabi niya at kinuha ang maleta ko. Pumasok na kami sa kotse na dala nila.