Ash POV
"Doc. Ano po yung bad news at good news?" Takang tanong ni ace.
"Good news walang napuruhan sa parte ng utak niya dahil sa pagkakasaga sakanya. Bad news hindi natin alam kung kailan magigising ang kapatid ninyo." Ayun ang sabi ng doctor at umalis na.
"Ace sorry napakawalang kong kuwentang kapatid sainyo" sabi ko sakanya na naiiyak.
"Hindi yan totoo kuya. Pinili mo lang kasiyahan ng prinsesa natin, kaya hindi mo agad nasabi sakanya. Nandito lang ako sa tabi mo oras na sabihin mo ang totoo kay ayane at alam ko maunawan ka niya" tinapik niya ang balikat ko.
Ace POV
Nandito pa din kami sa hospital nalipat na ng private room si ayane. Biglang pumasok sila mj, cy, inha, xavier, mikasa,kaela.
"K-kamusta na siya kuya ace?" Tanong ni mikasa.
"Okey naman na siya hinihintay nalang yung paggising niya" umupo sa tabi ko si mj.
"Nasaan si ash? bakit ikaw lang ang nandito?" Tanong ni cy.
"Tinawagan niya sila mommy at kinausap niya yung nakasagasa kay ayane" sagot ko.
"Napakawalang hiya pala niyan ni ben, may tinatago din palang sekreto" sabi ni kaela. Bigla naman pumasok si ethan kaya tinignan siya ng mga kaibigan ni Ayane.
"O, ano ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ni hinata.
"Nandito ako para bantayan din ang kaibigan ninyo" sagot ni ethan na may dalang pagkain.
"Ace oh kumain na muna kayo ni ash kanina pa kayo hindi kumakain" sabi niya at inabot yung sobrang daming pagkain.
"Salamat ethan tara sumabay na kayo sobrang dami ng pagkain" sabi ko at umupo na sila at kumain na din.
Ash POV
Umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng gamit ni ayane at damit namin ni ace. Pagpasok ko ng bahay bumungad agad saakin ang aso na binili namin kay ayane. Binuhat ko kaagad si atchomi.
"Hi atchomi. Sorry hindi ko kasama ang mommy ayane mo nasa hospital kasi siya eh" nakasalubong ko si manang agad.
"Iho kamusta na si ayane?, tumawag ang parents ninyo hindi daw niya kayo macontact" sabi saakin ni manang.
"Ah sige ho manang tatawagan ko nalang ho sila mamaya, kukuha lang ho ako ng mga damit namin" sabi ko at umakyat na ako papunta sa kwarto namin ni ace. Pag kakuha ko ng gamit namin, pumunta agad ako sa kwarto ni ayane at kumuha ng gamit niya. Pagkakuha ko ng gamit umalis agad ako.
Hospital
Pagpunta ko sa room ni ayane na kita ko si ace. Tumingin siya saakin.
"Ace dito ka muna tatawagan ko lang sila mommy tas pupunta ko sa university para sabihin ito sa kanila para naman maexcuse si ayane at ikaw,ethan " binaba ko sa tabi niya yung tatlong backpack.
"Okey, bakit pati si ethan?" Tanong niya saakin.
"Gusto niya daw bantayan si ayane" umupo muna ako sa kabilang sofa.
"Alam mo ace, halata kay ethan na sobrang namomoblema siya. Alam mo bro hindi na ako magtataka kung sa huli aamin siya saatin na may gusto siya kay ayane" tumingin ako sakanya at ngumisi siya.
"Napapansin ko din yun kuya, yung pangaasar niya" sagot niya saakin.
"Sige na alis na ko"tinapik ko yung balikat niya at umalis na.
Pagpunta ko sa parking lot tinawagan ko si mommy.
"Hello ash, tinatawagan kita kagabi pati si ace hindi kayo sumagot. May nangyari ba diyan ha?"tanong ni mommy.
"Mom si ayane po kasi, n-na disgrasya po siya" kinakabahan kong sabi.
"ANO!!!, ano nangyari sa kapatid mo?, kamusta na siya?, uuwi kami diyan mamayang gabi" Sabi ni mom agad niya binababa yung tawag. Nagdrive ako papunta sa university.
Pagpasok ko binigay agad saain ng guard yung pagparkingan ko. Pagkapark ko bumababa agad ako at pumunta sa office.
Naabutan ko si ate azzir.
"Oh bakit ka nandito ash?" Tanong ni ate azzir.
"Ate gusto ko sana na maexcuse sila ace,ethan at ayane. Nadisgrasya kasi si ayane" sabi ko nagulat siya.
"What happen to ayane??" Tanong niya. Kinuwento ko kaagad sakanya ang nangyari.
"Nakausap mo na ba si bent?" Tanong ni ate.
"Hindi pa isa pa pala yun ate puwede ba patawag sila nung david ong" sabi ko kay ate at tumango naman siya.
SSC Office
Pumasok agad sila. David ong at bent.
"Umupo kayo" sabi ko sa dalawa kinuyom ko ang kamao ko sa pagtitimpi.
"Alam ninyo na ba ang nangyari sa kapatid ko?, ANO MASAYA NA KAYO!!!? LALO KANA BENTLEY BINALAAN NA KITA LAST YEAR PA! BAKIT HINDI MO PA DIN INIWANAN ANG KAPATID KO!!!" galit na sabi ko biglang pumasok si ate azzir.
"Ash huminahon ka" sabi ni ate azzir at pinaupo ako.
"S-sorry kuya ash hindi ko naman ginusto yun. S-sasabihin ko naman sakanya naunahan lang ako ng takot" sabi niya na naiiyak.
"WALANG MAGAGAWA ANG SORRY MO NASA HOSPITAL NA ANG KAPATID KO!!!! TINGIN MO BA MAGIGISING SIYA NG SORRY MO!! IKAW ANG TAONG WALANG KUWENTA!!! MANGGAGAMIT KA NG TAO NA HINDI NAMAN DESERVE NG KAPATID KO NA GAMITIN LANG SIYA, PARA PAGTAKPAN ANG MABAHO MONG LIHIM" sigaw ko at hindi ko na napigilan sipak ko siya dahilan napabagsak siya sa sahig. Kinuwelyuhan ko siya agad.
Inaawat ako nila ate azzir at kinuha agad ni david si bent. Niyakap ako ni ate azzir.
"UMALIS NA KAYO DITO SA UNIVERSIDAD NAMIN AT HUWAG NA WAG KANA BUMALIK AT MAGPAKITA SAAMIN!!!!" Galit na sabi ko umalis agad sila.
Binitawan naman ako ni ate azzir at umupo ako.
"Ash hindi mo na dapat siya sinaktan" sabi ni ate azzir at nilapag sa harap ko ang isang baso.
"Sorry ate hindi ko na napigilan ang galit. Ate puwede patanggal na ang share ng mga Ong at Evans dito. Kakausapin ko na din sila mommy na sa lahat ng company namin tanggalin yung mga shares nila" sabi ko at tumayo na.
"Sige ash" sabi ni ate at lumabas na.
Lumabas na din agad ako at pumasok sa klase ko.
Pagtapos ng klase dumerecho ako sa hospital. Pagpasok ko nakita ko ang mga kaibigan ni ayane kumakain sila.
"Ehem..... Bakit kayo nandito hindi ba kayo pumasok?" Tanong ko sa kanila tumingin sila saakin.
"Hindi kami pumasok ash. Napagusapan namin na ngayon araw kami pumunta friday naman." Sabi ni cy oo nga pala hindi ko na siya nakita. Umupo ako sa tabi ni ayane at hinawakan ko kamay niya
Ayane wake up kuya is here. Sorry kung hindi ko nasabi sayo ang totoo. Napakawala kong kuwentang kuya.
Hindi ko na mamalayan tumutulo na pala ang luha ko. May humawak sa balikat ko.
"Bro hindi matutuwa si baby AA kung makikita ka niyang umiiyak" sabi ni ace. Tinignan ko siya.
"Kumain ka muna" sabi ni ace.
"Sige" pumunta na ako sa sofa na kinauupuan ni ace at kumuha ako ng makakain.