Ayane POV
Umupo ako sa kabilang sofa at tinignan ko siya. Ngumiti siya saakin tinarayan ko lang siya.
"Ano ginawa mo dito?" tanong ko sakanyan.
"Pinapunta kami ni ash dito wag kang magalala kasama namin yung ibang team" sabi niya saakin. "Pero kung gusto mo na ako lang makita mo puwede naman doon tayo sa garden ninyo or sa pool " kinindatan niya ko.
"Yuck mandiri ka nga. Mas maganda nandito yung team ninyo pero wala ka tsk" sagot ko sakanya.
"Ang sungit mo naman halata naman na gusto mo ko yung pinasabay ko nga sayo, binigay mo nalang ng libre saakin ang sweet naman ni AA" sabi niya ang laki ng ngiti.
"Asa. Expect ko na kasi na hindi mo ko babayaran tsk" sabi ko sakanya.
"Arft arft" napatingin ako sa paahan niya.
"WTF!!" napasigaw siya at inangat yung paa niya sa sofa. Nang tumingin siya sa baba ng nakita niya si atchomi binababa niya din agad at kinuha niya si atchomi.
"Tsk bakla tahol lang ng aso natatakot na" sabi ko.
"Hindi kaya nagulat lang ako. Hi little puppy bakit ka ng gugulat" sabi niya habang hinihimas yung ulo ni atchomi.
"baka sumagot sayo yan. baby atchomi come here" sabi ko sakanya at umalis naman agad siya kay ethan sumama siya saakin.
"Atchomi pala name niya. Nice name" sabi niya tinarayan ko nalang siya at nilaro si atchomi.
"oh nandito kana pala ethan hindi ka naman excited na makita si ayane" sabi ni kuya Red.
"Hi Ayane. May alaga ka palang aso" bati ni vince. Nginitian ko lang siya.
"Lol, nagsabi lang talaga ako kay ash na pagtapos ng klase de-derecho na ako dito akala ko kasi kayo ganun din gagawin" paliwanag niya sa dalawa bumababa naman na si kuya ash kasama si kuya ace.
"Hey, nandito na pala kayo tara na sa dining area nagpahanda ako ng makakain" sabi ni kuya ash sa mga kaibigan niya sumunod na yung mga kaibigan niya sakanya. Naiwan kami ni kuya ace dito sa sala.
"Baby AA tara na sa dining area at kumain na din tayo" sabi ni kuya ace at kinuha saakin si atchomi.
"sige, puwede aktay ko muna si atchomi" sagot ko sakanya.
"wag na baby AA pakainin na din natin sa dining area si atchomi" nauna na siya sumunod nalang ako. Pagpasok namin naupo ako sa upuan ko at tumabi naman si kuya ace saakin katapat ko ngayon si ethan.
"Let's pray first" sabi ni kuya ash kaya nagdasal muna kami bago kumain. Habang kumakain kami nagtatawanan sila at nagtatanong ano nangyari kay mieacassie.
"Ikaw ayane kamusta kana? tsaka bakit hindi na kayo nagtagal kanina sa school?" tanong ni vince saakin.
"Inaantok kasi ako" sagot ko at kumuha ako ng pasta ni manang.
"Nga pala nakita ko kanina si bentley" sabi ni ethan kaya naman tumingin ako sakanya.
"pumasok pala siya, saan mo siya nakita?" tanong ko sakanya.
"sa may Garden malapit sa building natin kasama niya kaibigan niya" sagot niya saakin.
"hmmm Ayane nakapagusap na ba kayo ni bent?" tanong ni kuya ash dahil narinig niya paguusap namin ni kuya ace. Sinabi ko kasi kay kuya ace na hindi pa nagtext saakin si bent simula Saturday hanggang ngayon.
"Hindi pa kuya, baka busy dahil pauwi na sila tita this month" sabi ko at pagtapos ko kumain umakyat ako sa kwarto ko.
Habang nandito ako binuksan ko laptop ko at nanuod ako habang na nunuod ako may kumatok. Tumayo ako at binuksan nakita ko si ethan may dalang ice cream.
"Oh ayane umakyat ka kasi agad " inabot niya agad saakin yung basong malaki na may ice cream na laman cookies in cream ang flavor.
"thank you" pagkakuha ko sumubo agad ako.
"Ano ginawa mo bakit hindi ka makisabay saamin sa baba?" tanong niya saakin, tinignan ko naman siya.
"Nanunuod kasi ako" sagot ko sakanya.
"ano pinapanuod mo barbie o hello kitty?" natatawang sabi niya.
"The fuck! ano tingin mo saakin bata?" inis kong tanong sakanya.
"hindi pero bata ka naman talaga 17 kapalang" pangaasar niya.
"che, What's wrong with secretary kim pinapanuod ko puwede ba bumababa kana lang kung wala kang magawa" inis kong sabi sakanya.
"Puwede bang maki-nuod" sabi niya saakin habang hinimas batok niya. Shit bakit ganun ang bilis ng tibok ng puso ko.
"S-sige" pumasok na siya at umupo sa sofa ng kwarto ko, fuck bakit ko siya pinapasok ano ba naman yan kainis. Sumunod na ako at binuksan ko yung TV ko para maconnect ko yung laptop para doon kami manuod.
Habang na nunuod kami tumunog ang cellphone ko. Tinignan niya yung phone ko.
"May tumawatawag yata sayo" sabi niya at tinuro yung cellphone ko.
Pagkatingin ko Unknown Number.
"Puwede ba ikaw muna sumagot unknown number kasi loudspeaker nalang natin" tumango naman siya.
"Hello sino to?" tanong ni ethan
"Hoy anong sino ako tsaka bakit lalaki ang sumagot ng tawag ko kay ayane.. Hoy ninakaw mo ba cellphone ni ayane!?" sigaw ng nasa kabilang linya shit si miecassie pala kinuha ko naman agad yung phone kay ethan at inoff ko yung pagkakaloudspeaker.
"Hi cassie hihi sorry pinasagot ko sakanya unknown number kasi" paliwanag ko sakanya.
"Hello sis, Akala ko nga na wrong number ako kaya tinignan ko yung number pero sayo naman. Tsaka sino yung lalaking kasama mo?, diyan hindi naman ganyan boses ni bentley " tanong niya saakin.
"Si ethan yung mortal enemy ko" tumingin naman saakin si ethan.
"What.. mortal enemy mo pero kasama mo tas siya pa pinasagot mo sa tawag ko. Baka naman hindi na kayo mortal enemy. Sis alam mo naman siguro yung the more you hate the more you love ingat ingat" sabi niya loko to igagaya pa ako sakanila ni kuya wakie.
"sis sainyo lang ni kuya wakie yun wag mo ako igaya sayo. Bakit kaba napatawag?, may kailangan kaba natapos naman na namin lahat ng kakailanganin mo sa school" sabi ko sakanya.
"sasabihin ko sana sayo this coming Saturaday uuwi na ako diyan sa Pilipinas" sabi ni cassie
"ganun ba, buti pinayagan kana ng doctor" sabi ko sakanya alam ko kasi bawal pa siya magbyahe.
"Okey na pinayagan nila ako siguro mapapaaga din pagkikipag face to face klases ko" sagot niya saakin. "Sige bye na magaayos na ako" magsasalita na sana ako binabaan naman agad ako sira ulo talaga yun .
Tumingin naman ako kay ethan nakatutok lang sa pinapanuod namin. Nang malapit na matapos yung episode tumingin saakin si ethan.
"Ayane paano kung malaman mo may sekreto palang tinatago sayo yung mahal mo ano gagawin mo?" nagulat ako sa tanong niya kasi ang seryoso niya.
"Siguro, itatanong ko sakanya bakit niya ko pinaglihiman kung puwede naman niya sabihin saakin para matulungan ko siya" sagot ko sakanya tumango naman siya.
"Paano pag nalaman mo may tinatago palang sekreto yung boyfriend mo lalo na sa kasarian niya" nainis agad ako ano ba gusto niya sabihin bakla o di kaya transgender si bentley.
"Ano gusto mo iparating bakla o transgender si bentley?, puwede ba wag kang mandamay ng tao na wala dito" inis kong sabi sakanya.
"nagtatanong lang ako kung paano tsk di ko naman siya sinisiraan sayo" sagot niya pero kalmado.
"sa daming puwede sabihin bakit siya pa ang hinalimbawa mo?, puwede ba lumabas kana ng kwarto ko bago pa kita matadyakan" sabi ko sakanya. Tumayo na siya at pumunta na sa tapat ng pinto lumingon saakin.
"Nandito lang ako oras na malaman mo ang lahat hindi bilang kaaway mo kung hindi bilang sandalan mo" pagkasabi niyang yun lumabas na siya ng pintuan.