Chereads / THE HEART OF AMNESIA / Chapter 14 - " THE HEART OF AMNESIA " ( PART 14 )

Chapter 14 - " THE HEART OF AMNESIA " ( PART 14 )

" STEVE??". Sigaw ng lalaki at derederetsong tinungo ang aming kinaroroonan ni Steve.

Napalingon ako sa lalaki dahil sa pagkagulat, nahuli pa nya akong umiiyak. Bahagyang napatigil ang lalaki sa pagtakbo habang nakatingin sa akin, marahan syang naglakad sa aming pwesto at tinitigan pa ako. Agad akong tumayo at pinunasaan ang aking luha. " So-sorry po..". Ang aking nasabi, tumayo ako agad sabay tinungo ang upuan na nasa tabi ng pintuan. Sinundan pa rin ako ng tingin ng lalaki.

Pagkatapos nya obserbahan si Steve ay umupo sya sa aking tabi.

Tahimik.

" I-ikaw ba ang nagdala d-dito kay utol?". Pagbasag ng aming katahimikan nang biglang nagsalita ang lalaki.

Bigla akong natuliro sa aking narinig. Pamilyar kasi ang boses ng lalaki, parang minsan ko na syang narinig noon. Buo at malaki ang boses, lalaking lalaki ang pagsasalita. Di rin ako makatingin sa kanya gawa ng nahihiya ako. So, kapatid nya pala si Steve? Di na rin ako masyado nagtaka dahil may pagkakahawig sila ng kaunti sa mata at kilay noong bigla akong napalingon sa kanya. Gwapo rin katulad ni Steve, pero mas GWAPO pa rin ako. Same din sila ng pangangatawan, sa tingin ko din ay hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa. Mas matanda lang siguro ng dalawang taon itong lalaki, 16 si Steve at ang lalaki siguro ay 18. Maayos din manamit, ang astig tignan. Naalala ko tuloy yung suot ni Steve na medyo fit sa katawan na polo shirt na pula. Halos parehas silang manamit ang kaso ay mas mukhang astig itong isa kesa kay Steve. Nakaka mesmerize! Pero sa babae lang ha? Wag ako please!

Doon na ako sumagot.

" H-hindi p-po.. naabutan nalang namin na isinasakay sya sa ambulansya. Nakataong n-nasa plaza kami ng mga kaibigan ko tapos doon ko na po sya nakita kaya sumama na ako dito para may mag assist sa kanya..". Ang sagot ko.

Bigla syang bumuntong hininga. May ibinubulong pa syang kung ano pero hindi ko masyadong narinig sa sobrang hina. Parang same na same nga sila ni Steve? Parehas baliw.

" Uhmmmm.. O-ok?". Ang tanging nasabi nya nalang na may kasama pang mahihinang tawa.

Bigla akong nainis. Ito yata ang old version ni Steve! Yung kapag kausap mo, ramdam mo na agad yung pagkainis dahil sa tawa, ngiti at halakhak. Di ko pa nakita dito sa lalaki pero mukhang ganon din ang magiging bagsak kapag nagkataon. Hindi na ako nagsalita.

Tumayo sya at pumwesto sa aking harapan, napalingon naman ako sa kanya. Nakangiti sya.

" Zachary..". Ang pagpapakilala nya at may pag abot pa sya ng kamay sa akin.

Napatayo na rin ako, di ko alam kung bat ako napatayo. Parang nahypnotized ako at kusa ang paggalaw ng aking katawan habang magkatitig kami sa isa't isa. Natulala ako dahil kuhang kuha nya ang ngiti ni Steve, nakakabighani.

" A-ah.. Cha...". Di ko pa nabuo ang pagsabi ko sa aking pangalan ay sya naman pagsabat nito.

" Chander?". Ang sabi ni kuya Zachary.

" Ki-k-kilala mo po ako?". Gulat kong sagot.

" A-ah o-oo! Oo! Galing si Steve sa bahay kaninang umaga at nabanggit ka nga nya. Tapos umalis agad..". Pag aalangang sagot nya.

" K-kaya pala may bag na dala si Steve?". Tanong ko.

Tumango lang sya. " O-oo, hehe.. Uhmm.. maiwan muna kita?". Pagpapaalam nya sa akin.

" Si-sige po kuya..". Tugon ko.

" Zachary nalang.. di ako sanay na tinatawag na kuya lalo na ng mahal ko..". Sambit nya, kumindat pa.

Napalihis nalang ako sa kanyang tinuran, hindi ko kasi alam ang irereact ko. Baka masapak ko lang sya dejk!. Lalo pa akong naasar habang lumalabas sya ng kwarto, hindi na maalis ang tingin sa akin. Nang tuluyan na syang nakalabas ay umupo na ulit ako. At muling itnuon ang paningin sa sa walang malay na si Steve.

-----

Kinagabihan, nagpaalam na ako sa kuya ni Steve na uuwi muna ako dahil may pasok na bukas. Pumayag naman sya at sya na daw ang bahalang magbantay kay Steve hanggang sa magising ito. Iniwan ko na sila.

Naalala ko, nawala sa scene sina Paulo at Renz. Anong nangyari author?

Umuwi akong mag isa, sobrang lungkot ng gabi ko ngayon. Halos wala ako sa mood sa kung anong bagay at parang ayaw ko rin muna pumasok bukas. Gusto kong bantayan lang si Steve sa buong maghapon. Sobrang nakakamiss lang, di ko akalain na sa maikling panahon lang ay madedevelop ang damdamin ko para kay Steve. Di ko sinasabing gusto ko na sya, para sa akin lang yung feeling na kapag kasama sya ay doon nabubuo ang araw ko. Lalo na kapag usapang asaran. Dating gawi! Mag isa naman ako sa kwarto at sa pagkakataon naman na iyon ay sobrang bigat ng aking pakiramdam.

Nasa himbing ako nang pagtulog, bigla nalang akong nagising. Pagmulat ko ng aking mga mata, nasa isang lugar ako. Kwarto din sya pero hindi itsura ng aming kwarto sa boarding house. Ang kwarto ay napakaganda, napakalawak. Nakatungtong ako sa isang napakalambot na kama, sa gilid lang ako nakaupo pero inilulundag ko ang aking pwet sa malambot ng foam nito. Tapos may hawak akong bluetooth controller. Nakatuon ang aking mata sa isang malaking monitor na nakafixed sa dingding. Naglalaro ako. May pumasok na isang lalaki, matangkad ito at maganda ang katawan. May sinasabi sya. " Mahal ito na ang paborito mong fried chicken!". Hawak nya ang isang bucket ng fried chicken na binili nya sa isang sikat na fastfood chain at inilapag nya ito sa lamesa. Tinatawag ko naman sya para samahan ako sa paglalaro, lumapit naman sya. Pero laking gulat ko nalang nang makalapit sya, wala itong mukha. Inihagis ko ang controller na hawak ko at nasira ito. Bigla akong napakaripas ng takbo, pero habang tumatakbo naman ako ay ni hindi manlang ako umaalis sa aking pwesto. Ang lalaki ay nakatayo lang sa aking harapan. Lumingon ulit ako sa kanya sa pangalawang pagkakataon, laking gulat ko nalang ulit nang nagkaroon na sya ng bibig. As in bibig lang. Tapos tumatawa sya ng malakas. Di ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa wakas ay nakalayo ako sa kanya. Nabuksan ko ang pinto pero bigla nyang hinatak ang aking kamay, takot na takot ako. Hindi din ako makasigaw ng time na iyon, pero pinilit ko. Hanggang sa makasigaw na rin ako, nakarinig ako ng isang alarm mula sa orasan sa ibaba. Kumalas sya sa pagkakahawak, nang akma naman akong bababa ng hagdan ay sya namang pagkatapilok ng paa ko dahilan para derederetso akong gumulong pababa ng hagdan. "Blaaaggghh!!" Iyan ang tunog ng aking pagbagsak sa aking kama. Dun ako nagising sa aking pagbagsak. Nagising akong pawis na pawis at nangingilid ang mga luha. Isa palang panaginip! Agad akong bumangon sa pagkakalalag at umupong tuliro. Tumutunog din ang alarm clock ko, 4:50 am na nang umaga.

Itutuloy...