McKinley's Point Of View
Nakakainis. Nakakagutom. Nakakastress. Araw-araw 'yan lang naman ang lagi kong nararamdaman. I've been a workaholic kaya pati ako napapadpad sa fast food restaurants. Ayun, napadpad ako ngayon sa Jollibee.
I wasn't expecting any trouble pero tama nga yung sinabi ng iba na 'wag kang mag-expect ng unexpected. Ewan ko ba kay tadhana lakas mag-plano ng kakaiba. Such a tragedy.
Isang lalaking ang nakasabay kong kunin ang order ko. "Uhm, excuse me sir? 'Di niyo po ba narinig kung sino pong tinawag sa ating dalawa? I think these are mine." At sinamaan ko lang siya ng tingin.
I heard him chuckled and answered me in a positive way. "Nagkakamali ka yata Ms. Kinley," at kelan pa niya nalaman yung pangalan ko? "actually, this is mine." At tumingin siya sa kahera na katabi naman ng waiter. Speechless yung dalawang empleyado at 'di nagtagal ay nagsalita siya. "Sorry po miss, na-misheard niyo lang po siguro yung number na tinawag ko. Don't worry po, magkasunod naman po kayo eh. So bale parating narin po yung meal ninyo. Pasensiya na po." napayuko akong saglit and shooked my head. Ikaw ba namang naka misheard ng number at pinag-sasasagot yung gwapon— este, yung taong 'di mo kakilala sa isang pampublikong kainan, lahat nakatingin sa akin. Nakakahiyaaaaa.
Napatingin lang siya sakin at ngumisi lang habang papa-alis siya dala ang tray. Sa inis ay gusto ko siyang sapakin. Lalo na kung kakilala ko 'to. Patay siya sakin. Ipinatake-out ko nalang ang pagkain ko at saka umalis pauwi sa condo ko. Bwiset. Mukhang may kinalaman si Jollibee dito, yung parang sa mga pa-love stories nila. Pero yung sa eksena ko, kamalasan lang ang laman. Habang nagda-drive ay halos magdabog ako sa traffic. Isabay mo pa yung pagpahiya ko sa sarili ko kani-kanina lang. I'm such a dumbass. Ughhhhhh.