Chereads / STICKY NOTES / Chapter 5 - Chapter Four

Chapter 5 - Chapter Four

Kin's Point of View

Habang nagsk-sketch kami ay ramdam ko ang pag-tingin niya sa cactus. Minsa'y nagsasalubong ang tingin namin at kaagad naman akong umiiwas. I don't know kung bakit.

Maya-maya ay natapos ako at nakita kong nakatitig siya sakin. "Ang ganda mo."

Napareact ako agad. "H-huh?" Tumawa siya. "Ngayon ka lang natapos?"

"Confident ka ah." At ibinato sakanya yung pinagdrawingan ko. "Aray! Bawal bang mang-complement?" At sinilip niya ang drawing ko. "Ang ganda."

"Eh yung sayo? Patingin nga." At nangiginig niyang ibinigay sakin ang sketchbook niya. "Uhm, 'di na 'ko masyadong magaling eh."

Nang makita ko ang drawing, masterpiece. Napaka-linis, at simple lang. At.. ang tao sa background ay.. ako?

"Hey, wala kong sinabing i-drawing mo yung tao sa likod ng cactus."

He chuckled, "Well, I can't help it. Sorry."

"It's fine, magaling ka namang mag-drawing eh." At tinapik ko ang likod niya.

Cevan's Point of View

"Ugh, what's taking Chelsea so l—" reklamo ni Kin nang may pumasok sa loob.

"I'm back," Chelsea said in a cheerful tone. "Sorry natagalan, haba ng pila sa 7/11 eh. Nakakabwiset, well, tara start na tayo."

Umupo siya sa sofa at inilapag ang paper bag na dala niya. Nag-kibit balikat naman si Kin. "Bruh, ang tagal mo kaya."

"Atleast nakarating. Duh." At binunot niya ang telepono niya.

Inilapag niya ang telepono niya sa lamesa. "So, may random picker ako dito sa phone. Kung ano mang mapili ng wheel, syempre ido-drawing mo. Cevan, you go first."

Pinaikot ko yung wheel sa phone and after 5 seconds ay tumigil ito. "Inspiration?" I asked.

"Mhm. Inspiration mo. Simple lang. Ang tanong sino nga ba?" Chelsea smirked at me.

"Ewan ko, pero sige, susubukan ko."

After nilang mag-spin ay nagsimula kami kaagad. I can't think of something kaya tumingin ako sa paligid at nakita ko si Chester na natutulog sa tabi ko napagod na siguro, dadating pa naman yung tita ko para i-pick up siya hindi kasi siya pwedeng mag-stay dito. I decided na i-drawing siya habang natutulog, siya lang naman yung inspiration ko bukod kay Kin.

Nang makita nila ang sketch ko ay pumalakpak si Chelsea. "I didn't knew na magaling ka sa art."

Kin replied. "Mukhang may panalo na." At tumingin siya sakin.

"What?! Cevan? No way!" She pouted at nagmukmok sa sulok.

"Congrats, you're the first one who beat Chelsea." Sabi ni Kin. And I miraculously made her smile. My heart skipped a beat at parang natutu— "Huy! Tulala ka na." Sabi ni Kin.

"A-uhm, ganun ba? Uwi na ko, b-bye." nataranta ako at kaagad na binuhat si Chester at lumabas. Pagkalabas ko ay nakita ko si Chelsea.

"Do you like her?"

"How'd you know?"

"Duh, obvious kahit di ka niya kilala, I mean, alam kong kilala ka niya noon pa, nakalimutan lang niya, naikwento ka na niya sakin for about 2 years ago," Nakalimutan? Is this why kung bakit parang hindi niya ko kilala nung una palang? "Kung gusto mo siya, please, wag mo siyang saktan," at may iniabot siya saking papel. "Here's her number, wag kang maingay, and yung akin, kung kelangan mo ng advice."

"Uhm, thanks?"

"You're welcome, friend?"

"Friends."

"Until next time, Cevan." At pumasok siya sa condo ni Kin, at nagpatuloy akong bumaba papuntang lobby.

Nakalimutan? Nagka-amnesia ba siya or sa sobrang stress nabura ako sa isipan niya? Humagulgol ako dahil sa pagkalito. Eh bakit? Paano? Kailan pa?

Sa sobrang pag-iisip ay nagulat ako nang may kumalabit sakin. "Hi Kuya Evan. Excited na kong makita yung bagong alaga ko!" Bati ng pinsan kong si Hershea kasama ang tita ko at kaagad namang lumapit sakanya si Chester.

"Aww thank you talaga kuya!" Parang kapatid ko narin siya since yung ate ko ay may sarili nang pamilya. Bumalik sa tabi ko si Chester at hinimas ang ulo niya, "Sorry Chester ah, simula ngayon sila muna mag-aalaga sa'yo. Bibisitahin nalang kita ha. Bawal ka kasi dito eh." Itinali ko siya't ibinigay sa pinsan ko. Hindi ko naman kayang alagaan siya kasabay ng trabaho ko. "Aalagaan namin siya 'nak. Don't worry."

"Opo, tita. Alam ko naman po. Ito po yung mga gamit niya." At ini-abot ko ang maliit na bag na may gamit niya. At saka nag-patuloy silang umalis. "See you next time kuya! Laro tayo video games next time!" At umalis sila kasama si Chester.

Kin's Point of View

Napaupo ako sa sofa at tumabi sakin si Chelsea nang makaalis si Cevan. At muling nag-flashback nanaman ang mga nangyari nung pinuntahan ko si Clark noon.

*Flashback

I'm sure na masusurpresa siya lalo na't matagal na kaming 'di nagkikita. I really miss Clark so bad. Nang makarating ako sa airport ay nagtungo ako kaagad sa apartment niya. Sumakay ako ng tren at naglakad ng halos limang minuto bago ako makapasok sa main gate. Sinalubong ako ng landlord. "Ciao signorina, sei un visitatore?" 

"P-pardon?"

"Ah, english speaking. Who are you upto?"

"Clark Dela Cruz' apartment," at itnuro ko ang tinitirhan niya. "Right?"

"Ah, Dela Cruz? Yes, go ahead."

Kinatok ko ang pinto pero parang walang nakakarinig. Napansin kong hindi ito naka-lock kaya nagpatuloy ako sa loob.

Ni isang tao, wala kong nadatnan. Baka wala siya dito o kaya nasa paligid lang. I silently looked upstairs at may naririnig akong kaluskos. Sinundan ko ang pinanggalingan ng tunog at nakita ko ang mga hubo't hubang mga nilalang sa isang pintong bukas.

Clark.. with someone.... else? No way. Kinusot ko ang mga mata ko at tuminging mabuti. Hindi naman niya magagawa 'to diba?

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko kahit mula palang sa maliit na buka ng pintuang ito. Sana naman isinara man nila 'to nang walang makakita.

Mga ilang minuto akong naka-titig sa kanila, mula sa pag-ungol ng babae. Sa mga halikan nila. Parang akong sinemento sa pwestong 'yon. Sa kada segundong makikita ko sila ay parang pinagtatataga na yung katawan ko. Masakit. Pinagpapawisan ko kaya kinuha ko ang panyo ko pero di ko namalayang umiiyak na ko. Bigla kong naitulak ang pinto kaya biglang napatakip ang babae gamit ang kumot kasama si Clark.

"C.. Clarita?"

"K—Kent? Kanina ka pa? P-papaano? I—i can expla—" nauutal niyang sabi habang napabihis ng biglaan.

"THERE IS NO SUCH REASON TO EXPLAIN THIS!" Lumapit ako sa kinaroroonan ng babae. Gustong-gusto ko siyang sabunutan at pagsasampalin. "Malanding nilalang." Bulong ko habang ina-analyze niya kung anong sinabi ko. Tumulo ang luha ko habang papalabas ako ng kwarto at pinigilan ako ni Clark.

"Ki—" napigilan ko siyang magsalita nang sinampal ko siya.

"Seven years Clark. Pitong punyetang taon! Tapos anong ginawa mo?! Pinagmukha mo kong 'di kakilala sa harap ng babae mo? Nasaan na yung pinangako mo? Na maghihintay ka? Na ako ang papakasalan mo?!"

Natahimik lang siya habang nakikita niya kong umiiyak sa harap niya.

"I-I'm sorry, Kin. Pero, iba nang nasa puso ko at ipapakilala ko na siya sa mga magulang ko."

Lalo akong nanlata sa sinabi niya. Tinanggal ko ang engagement ring na binigay niya noon sakin. "Bigay mo nalang yan sa babae mo, maaaring mapatawad pa kita, pero sumobra ka na eh. Sinaktan mo na ko ng todo. Andami kong sinakripisyo para lang makasama ka, tapos ang kinalabasan ganito lang? It's too late for you to say sorry. We're done." At umalis ako habang nakatingin lang siya sakin. No more contacts from that day. Mahal ko siya, hindi ko siya makalimot-limot. Natupad ang pangarap kong makapunta rito pero hindi ko naman inaasahan na ito ang mangyayari. One-way lang ang ticket ko kaya dumiretso akong airport ng bigong-bigo. Hindi ako kumain at tulala lang ako sa biyahe. Nang makauwi ako ay tinext ko si Chelsea tungkol sa nangyari, pero no reply. I cried each minute na naaalala ang eksena sa apartment. Halos wala na 'kong tulog. Hanggang sa may nag-doorbell. Binuksan ko ang pinto at nakita si Trizia na may dalang pagkain.

"I heard the news from Chelsea." At yinakap niya ko kaya lalo akong naiyak. "May kailangan pa tayong gawin."

End of flashback*

"Tulala ka na jan. Sorry ulit kung 'di ako nakabalik noon. Naalala mo nanaman ba?" Tumango ako at yinakap ako ni Chelsea.

"Medyo nasaktan ako ng kaunti. Pero makakalimutan ko rin siya." At ngumiti siya. "Kaya mo yan, matatag ka Kent, matatag ka."

"Oo na. Sige, baka hinahanap ka na ng nanay mo, miss ka pa naman nun. Amoy Canada ka pa oh."

"Sige. Ingat ka ah," at kinuha niya ang bag niya. "By the way, i gave your number to Cevan, bye!" At tuamkbo siya palabas. She did what?!

Sinubukan ko siyang habulin at sinigawan siya."CHELSEA GOMEZ! PATAY KA SAKIN SA SUSUNOD!" binelatan lang niya ko papunta sa elevator. Buti wala masyadong nakarinig. Kaya bumalik na ko sa loob at nagpahinga.

(Author's Note: Hi dear reader. Remind ko lang sayo na mag-vote kung enjoy mo yung story ko. And I thank you for that. Pero kung sawa ka na sa mga cliché ko at di mo gusto ang way ng pag-write ko ng libro, you may stop. Thanks.)