Cevan's Point of View
Nagising ako at maaga na pala. Nabasa kaya ni Kin yung note ko? Tumingin ako kung saan ko inilagay ang note ko. At.. nawala? My precious sticky notes. Magnanakaw. Bumangon ako kaagad at nag-ayos. Lumabas ako at nag-doorbell sa pintuan ni Kin.
She didn't said anything when she opened her door. Magsasalita na sana ako nang kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang pinakamamahal kong notes. Importante yun kahit wala pang laman. Hindi ko nakita yung pinagsulatan ko kagabi.
"Nakita mo ba yung note ko kagabi?" I asked. She nodded at me and smiled. At dinikitan niya ko ng note sa ulo at isinara ang pinto niya. Such an angel.
Maya-maya ay nabagot ako. Kaya naisipan kong bisitahin si Tita Amendia at ang pinsan kong si Hershea. Namimiss ko na si Chester.
Nag-drive ako paalis at pinuntahan ang bahay nila tita. Nakarating naman ako kaagad kasi hindi naman traffic. Pumasok ako at nabigla ang mga taong naroroon.
"Oh? Naligaw ka yata?" Bati ni Tita. Kaagad naman akong nilapitan ni Hershea, kasama ni Chester.
"Kuyaaaaa! Buti dumalaw ka. Laro tayoooooo!" Bati sakin ni Hershea.
"Mamaya na Hershey. Maaga pa oh." She pouted at si Chester naman ang lumapit.
"Namiss mo yata ako Chester." at lumapit ako sa dining table nang naghain na sila Tita.
"Wala ka bang pasok hijo?" Tanong ni Tito nang mag-mano ako sakanya.
"Ah, opo. Eh wala akong magawa sa condo eh. Busy rin si ate."
"Naku ganun ba? Mukhang stress na yun sa mga anak niyang makukulit. Ay, maiba nga, tanghali na at tayo'y magsikain na."
Tumango ako't tumulong sa paghahain. Matapos kong kumain ay nakipaglaro ako sa pinsan ko. Gustong-gusto makipaglaro sakin ng mga larong panlalaki. Kababaeng tao pero ugali ng lalaki ang meron siya. Palibhasa kasi wala pang kasintahan kaya ganyan, boyish.
Maya-maya rin ay nag-gabi na. Habang nagsisipilyo ako ay pinuntahan ako ni Hershea, dala ang cellphone ko.
"Kuya, may naghahanap sa'yo, girlfriend mo yata." At tumawa siya palabas nang ilapag niya sa tabi ng sink ang cellphone ko. Kaagad ko itong kinuha at sinagot ang tawag.
"Ikaw na ba yan, Beb? Balik na ka~" Si Kin? Pero paano?
"Uhm, Kin?"
"Yes baby Morgaux?" She said in a sweet tone.
"Impossible. Nasa bar ka ba? Lasing? D'yan ka lang, pupuntahan kita." At ibinaba ko ang telepono. Nagligpit ako ng gamit at pagkatalikod ko ay nakita kong nakasilip si Hershea.
"Jowa mo yun kuya? Yiiieee sasabihin ko na kay mam—"
"Shut up, Hershey, she's not my girlfriend. Just a friend."
"Wews, eh ba't concerned ka?" She smirked at me.
"E-eh, bahala na. Gusto ko lang, pero di niya ko gusto. Wag ka nalang maingay. Ayoko munang mabalitaan 'to ni Tita."
Napangiti naman ang pinsan kong magaling sa kilig. "Ayiieee, kuya may bago ka na ah. Sige, shush lang muna ko. Pakilala mo naman ako sa kanya."
"No." Sabi ko habang palabas ng kwarto.
She pouted, "aw, ang damot mo."
"Damot-damot ka jan, matulog ka na. Alas-onse na oh."
"Well, fine kuya, night." Sabi niya at nagtungo sa kwarto niya. At ako naman ay umalis na sa bahay ni tita.
Sumakay ako sa kotse at kinontact si Chelsea.
"Oh? May problema ka Kin?" Bati niya.
"Oo, and I need your help. Lasing siyang tumawag sakin kanina."
"Lasing?! Eh bakit naman?" Ramdam ko ang pag-aalala niya mula sa kabilang linya.
"Di ko rin alam eh."
"Gustuhin ko mang tumulong, hindi ko kaya, ibibigay ko nalang sayo yung listahan ng bar na pwedeng puntahan niya, baka may problema yon. And caution lang Cevan, she's seductive when drunk. Sige bye, balitaan mo nalang ako." At ibinaba niya ang tawag. At kaagad namang nag-send ng mga pwedeng puntahan niya. Now I know kung bakit niya kong tinawag na 'baby' kanina.
~~○~~○~~○~~○~~○~~
Napuntahan ko na lahat ng bar maliban sa isa. Pagod na ko pero 'di ako susuko hangga't hindi ko siya nahahanap. Maaaring binabastos na siya ng mga manyakis doon. I can't just let her go with somebody else.
Nag-park ako sa tapat ng bar at kaagad na hinanap si Kin. At kaagad ko siyang nahanap sa dulong table. Umiinom habang iniiyakan ang selpon. Lumapit ako at hinila siya.
"Stupid. Ba't ka naman maglalasing ng ganitong oras?" Bati ko.
Hindi niya ko sinagot pero nag-sasalita siya. "Are you h-here.. to pick me up babe?"
"Pinag-alala mo kong babae ka." At isinakay ko siya sa kotse. Nang makapasok ako ay lumapit siya. "Wanna taste me baby?" Chelsea's right. Dahan-dahan ko siyang itinulak at napasandal siya sa pinto. Lumapit ako sa mukha niya na parang hahalikan siya. "I knew it baby." Sabi niya sa malanding tono.
"No. You're going home."
"Bu—"
"Walang reklamo, lasing ka na oh. Kung hindi mo ako tinawagan edi baka na-rape ka na jan." Hindi siya umimik at nag-scroll sa phone niya at iniharap niya sakin ang isang litrato.
"Clark's married, sa kabit niya." At dumaloy ang mga luha sa mga pisngi niya. So siya pala ang dahilan.
Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at biglaan ko siyang yinakap. Gusto ko siyang i-comfort okay? Ito lang ang naisip ko. "You'll get over it soon, stress lang dala niyan sayo, wag mo nang isipin yun okay?" She nodded and miraculously, she hugged me back. Pero alam kong masakit parin yun para sa kanya. Kahit maghilom ang malalim na sugat mula sa nakaraan, patuloy itong kikirot lalo na kung ito ay iyong pinakamamahal.
Bumalik kami sa condo niya at pumunta siya sa banyo at nagpalit ng damit. Pagkalabas niya ay umupo siya sa kama niya. Sumulyap siya sakin at hinila ako. "May dala kang lobo?" Lobo? Is she crazy? "Akin ka nalang." She added.
"Lobo-lobo ka jan, matulog ka. May respeto ako sayo at hinding-hindi kita gagalawin." Umiyak siya sa harapan ko na parang batang babae na hindi nabigyan ng kendi. Niyakap niya kong ulit pero mas mahigpit na. Lalo pa siyang umiyak kaya at hinayaan ko lang siya. Mahal ko siya, pero may nakareserba pa sa puso niya.
"It's fine Kin. Matulog ka na." I said. She nodded at me at humiga siya. Maybe it's time for me to go then. Tatayo na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Dito ka muna, please?" Di ko mapigilang mamula sa ka-kyutan niya. Sabagay, I can't just leave her alone like this. She let me stay with our hands intertwined. Umupo ako sa sahig at isinandal ang ulo ko sa kama. Lalo akong mahuhulog sa'yo kung ganyan ka, Kin. Gustong-gusto kita. Sana talaga, ako nalang ang nauna. Kung ako lang sana si Clark, hindi na kita sinaktan.
"Sana, mapili mo rin akong mahalin balang araw." Mahinang bulong ko sakanya habang natutulog siya.