Cevan's Point of View
"Okay employees!" Lahat kami ay napatingin sa boss namin habang naghahandang umuwi. "Since you did your jobs well, magkakaroon tayo ng 3-day vacation sa Boracay sa Friday. Magpalista lang kayo sa Secretary kung gusto niyong sumama." Everyone cheered except for Kin. I wonder why. Di ba niya trip ang mga bakasyon?
Habang nag-aayos siya ay tinawag ko siya. "Kin?"
"Oh, bakit?"
"Sasama ka?"
"Saan?" She asked with confusion.
"Yung 3-day vacation na in-announce kanina."
"Huh? Kailan pa siya nag-announce?" Tumayo siya't kinuha ang bag niya.
"Basta, kanina lang. Sasama ka ba?"
"Hindi." At naglakad siya paalis, kaya sumunod ako sakanya.
"Bakit naman?" She sighed and looked at me. "May okay pa kasing tumambay sa higaan kaysa namang mag-pakapagod sa mga biyahe. Bakit, sasama ka?"
"Oo, yata." Matapos kong sagutin ang tanong niya ay umalis na siya.
~~○~~○~~○~~○~~~○~
Friday. Masakit ang ulo ko nang lumabas ako sa condo ko nang makasalubong ko si Kin na kalalabas lang sa elevator.
"Aba, sasama ka nga?" Bati niya. "Eh, wala rin naman akong gagawin eh, wala rin naman si Chester."
"Huh? Si Chester? Kailan pa?"
"Just a few weeks ago."
"Aw, sayang naman. Sige, ingat ka." Tumango lang ako at nagtungo sa elevator.
Hindi pa ko nakakalabas ng condo ay lalong sumakit ang ulo ko. Nanghina ang katawan ko at parang nilalagnat. Sumama ang pakiramdam ko kaya tinawagan ko ang boss ko.
"Good morning ma'am... opo.. 'di ko po kaya eh, masama po pakiramdam ko... sige po.. salamat." At ibinaba niya ang tawag. At bumalik ako sa condo ko, pero bago pa man ako makabalik ay nakita ko ulit si Kin.
"Oh, akala ko ba kasama ka sa bakasyon?" Bati niya. Nahihilo ako kaya hindi ko siya masagot. Napakapit ako sa pader kaya sinubukan niya kong saluhin. "Huy? Ayos ka lang?" At inilagay niya ang kamay niya sa noo ko. Lalo akong lalagnatin kung hahawak-hawakan mo kong babae ka.
"Lagnat. Akin na susi mo." Kinuha ko ang susi ko sa bulsa at ibinigay sa kanya.
Pumasok kami sa loob ng unit ko at pinaupo niya ko sa sofa ko na parang ako ang bisita.
"Hey, I'm fine. I can take care of mys—" napahinto ako dahil inubo ako at gininaw.
"Take care of yourself pala ah." At tumawa siya. "Stay in bed. Aalagaan nalang kita, kawawa ka." Isa kong masiglang nilalang, pero ako pang tinamaan ng trangkaso? Pero sulit naman eh. Yung taong mahal ko naman yung mag-aalaga skain eh. Nagpahinga lang ako at di ko namalayang nakatulog na 'ko. Pero napangiti ako dahil may nag-alaga ulit sakin lalo na ngayon.
Ilang minuto akong napapikit at nagising muli nang maramdaman kong umupo si Kin sa tabi ko na may hawak na bimpo. At saan naman niya nakuha yan? I smirked at her nang simulan niyang punasan ang mga braso ko. "What are you doing?"
"A-ah, pinupunasan ka? Ang init ng katawan mo eh." She blushed and looked away.
Kin's Point of View
"A-ah pinupunasan ka? Ang init ng katawan mo eh." Umiwas ako ng tingin at muli siyang nag-salita.
"Gusto mo lang akong mahawakan eh." Pang-aasar niya. Bwiset. Ibinato ko sa mukha niya ang bimpo at tumayo. "Ikaw nang magpunas sa sarili mo, hmph!" Sabi ko at umalis sa higaan niya.
I explored his kitchen nang makahanap ako ng maipapakain sa taong 'to. Kinuha ko lahat ng pwedeng kainin at sinubukang mag-luto ng soup. Luckily, nakagawa ako ng isang masarap na... basta. Sopas.
Inihanda ko yung lalagyan at isang kutsara at isinalin ito. Kinuha ko rin yung gamot na kinuha ko kanina sa condo ko. Kawawang nialalang. Kung sino pang may magandang pangangatawan aiya pa tinamaan ng sakit. Dinala ko ito sa higaan niya at nadatnan siyang nakatulala. Malayo na yata ang nararating ng isip niya.
"Cevan?"
"A-ah? Ikaw pala. Ano yan?" At tumingin siya sa dala ko. "Pagkain, ano pa ba? Mukha ba kong tanga na papakainin ka ng lason?"
"Eh. Sige. Salamat." At kinuha niya ang tray, kinuha niya ang kutsara at nagscoop ng sabaw. "Masarap ba 'to?" Tumango lang ako at tinikman niya ang 'sopas'.
"Mas masarap ka pa yata sa sopas eh." Bulong niya. Namula ako at nag-taas ng kilay.
"Gutom lang yan. Kumain ka na nga."
"Thank you ah." He replied. Pinabayaan ko lang siya at umupo sa may sofa niya.
Maya-maya ay natapos siya at nakita ko siyang tulog. Natapos na rin niya yung pagkain at naka-inom na ng gamot. Lumapit ako at muling hinawakan ang noo niya. Kinuha ko ang bimpo at inilapat ito sa noo niya. Pinagmasdan ko lang siya at lumapit pa ng kaunti para may magandang view.
Ang gwapo mo pala. Bulong ng isip ko. Kinatok ko ang ulo ko kaya mukha kong baliw. Kung ano-ano kasi pinag-iiisip.
Parang ang sarap niyang halikan sa lagay niya ngayon. Hindi ko siya gusto pero gwapo eh, artistahin kumbaga. Mestizo, ang inosente pa naman niya tignan. Such beautiful skin an—
"Are you trying to kiss me?" He said smirking. Nagagawa pa niyang mang-asar kahit may sakit?
"N-no! I-i was j-just lo-looking at y-you." Ba't ako nauutal?
Ngumiti siya't nagtanong. "Bakit? Gwapo ba?" Confident talaga ah. Ibinato ko ang throw pillow sa kanya at napa-aray naman siya.
"Ako na nga 'tong may sakit tapos babatuhan pa ko ng unan?" Reklamo niya.
"Aba, bahala ka jan!"
"Binusog mo 'ko ah. Masarap ka pala magluto." Pag-iiba niya ng topic.
"Should I consider that as a complement?" I asked. He nodded and smiled.
~~○~~~○~~○~~○~~○~○~○~○~○~○~○
Na-bobored na ko kaya naisipan kong bumalik na sa condo ko. Gagaling din yun si Cevan. Bukas puno ng energy nanaman yun. May dalawang araw pa naman bago ulit mag-trabaho. Lumapit akong muli sa kinaroroonan niya at pinigaan ang bimpo niya at ibinalik sa noo niya. Such cute face. Papatayin ko na sana ang lamp niya kasi gabi naman din na. Pero bago ko ito mapatay nakakita ako ng sticky note. Again.
Thank You ulit Kin, sorry kung nasayang mo yung oras mo dahil sakin. Goodnight. :) -Morgaux
Bigla akong napangiti sa sulat niya. So kinuha ko ang sticky notes at umalis sa condo niya. Pagkatapos ay bumalik na ko sa condo ko at natulog. Nakakapagod din naman kasing nasa-bahay ka ng iba at inalagaan mo pa dahil sa lagnat. Hindi ko rin naman kasi siya matanggihan. Nakakainis. Pero sa bawat segundo na lumilipas habang naka-higa ako ay naaalala ko siya, at bigla-biglang napapangiti. Hindi kaya't nagugustuhan ko na siya? Tsk.. Hindi pwede. I made a promise to myself. Hindi ko na muling sasaktan ang puso ko. Parang yun lang, mahuhulog na agad? Kin. Calm down. Please...
(Author's note: Umabot ka pa ng chapter 5? Buti ka pa. Salamat ah. Vote and share this ah. Wala na 'kong ibang makukuhanan ng friends eh. Love ya'll readers!)