Chereads / STICKY NOTES / Chapter 4 - Chapter Three

Chapter 4 - Chapter Three

Cevan's Point of View

Nakarating ako sa starbucks at tumingin-tingin sa paligid. Hmm. Medyo maingay dahil sa mga nagku-kwentuhang mga tao. Pumila ako sa counter at um-order ng iced coffee. Kaagad naman itong nai-serve as soon as nakuha ko ang kape ko ay naghanap ako ng matatambayan. Everything seems fine nang makaupo ako. Nagmasid-masid ako sa paligid nang madatnan ko siya.

Si McKinley. Paalis na may bitbit na art materials such as sketch pads. Patapos narin ako sa iced coffee ko kaya naisipan ko silang sundan ng kaibigan niyang babae, pasikreto.

Malapit lang ang pinuntahan nila at nakarating sila sa condong tinitirhan ko. Hawak ni Kinley ang susi so naisip ko agad na dito rin siya nakatira? For all that time, dun ko lang pala siya mapupuntahan?

Naabutan ko sila sa ika-anim na palapag ng condominium, kung saan nasa unit sila na katapat ng akin. What the hell? Humph! Bahala na. I.. don't really... care.. ughhhh. Sino bang niloloko ko? Yung taong gusto ko since my first day sa trabaho is just steps away from my doorstep, so I do care about this.

Maglalakad na sana ako nang bigla akong napaatras. Wait, I can't just walk there na parang walang nangyari. Mag-mumukha lang akong stalker.

Naglakad ako na hawak ang susi ng unit ko at nag-balak na balikan ng ligtas si Chester sa loob. Pero bago ko pa man buksan ang pinto ay may kumalabit sakin.

"C... Cevan? Is that you?" nanginginig niyang tanong. Napaka-inosente ng mukha niya.

"Oh, hi Kin." Sagot ko na parang walang nangyari.

"A-anong ginagawa mo rito?"

"Nakatira 'ko dito." Sagot ko at itinuro ang pintuan na nais kong pasukin.

Nakatingin sa akin yung kasama niyang babae. Masama ang tingin. Mukhang nanay pero walang anak. Pinagmasdan ako nito at nakaramdam ako ng takot sa tingin niya.

"Officemates kayo tapos 'di niyo alam na magkasama kayo sa iisang building? Anong klase yan?" Halos mamula si Kin nang sabihin iyon ng babae. "Is this your friend, Kin?" Dagdag na tanong nito.

"Parang kaibigan narin. By the way. Morgaux, this is Chelsea, bestfriend ko. Chelsea, this is Morgaux Cevan, officemate ko that happened to be my neighbor."

"Hmm. Morgaux," at inabutan niya ko ng kamay. "Hi, I'm Chelsea, animator. Don't worry kuya, hindi ako demonyong masungit 'di tulad ni Kin." At kinamayan ko rin siya.

"Tell me, Sir.. Cevan? Boyfriend ka ba niya? Aminin mo na."

"Wait.. no.. no were not!"

Sabay naming sabi ni Kin at tumawa ng bigla si Chelsea. Anong nakakatuwa? Mga babae talaga.

"Biro lang. Laki kasi ng epekto sa inyo eh."

"Tch." Pagsusungit ni Kin at binuksan ang pintuan niya.

Tumingin muli sakin si Chelsea. "By the way, you're just a few steps naman from your condo, want to join us? Mas maraming naghahamon, mas maganda." Nanghahamon? May kinalaman yata 'to sa art. Sige, pwede na siguro. Pero si Chester, kawawa naman. Balikan ko muna.

"Uhm sure, pero can i bring my dog? Kawawa naman kung iiwan kong mag-isa."

Nang marinig nila ang salitang 'dog' ay parang silang sinapian. At napatingin sakin ang dalawa.

"Bring the dog, pleaseeeeeee?" Pag-mamakawa ng dalawa. I sighed at binuksan ang pinto ng condo ko. "We'll look forward to your dog." Weird. Isinara ko ang pintuan ko at kinamusta ang aso ko. Kinuha ko ang tali niya at sinuotan siya ng dog diapers. Lumabas ako kasama si Chester at nakita nila ang maliit kong aso. Tumili si Chelsea at tinawag si Kin. "Can I carry him?" Sabi ni Chelsea at tumango lang ako. At nagpatuloy sa loob ng condo ni Kin.

As I entered her unit ay tuwang-tuwa sila sa aso ko. Wala siguro silang sariling aso kaya natutuwa sila kay Chester. Naglakad ako paloob at nakakita ng mga litrato ng pamilya niya, classmates and this one suspicious picture niya with a guy sa JS Prom niya. Boyfriend niya siguro 'to. Kinuha ko yung picture frame at tinignang mabuti, and Kin noticed me.

"Fun fact, siya yung naging dahilan ng muntikan kong hindi pag-pasa sa exams." Sa lalaking 'to lang pala ang dahilan? So baka ex niya nga 'to.

Umupo ako sa sofa na katapat ng kinauupuan ni Chelsea at Kin. Bumalik naman sa tabi ko si Chester. Nagsawa na siguro kina Chelsea. Narinig ni Chelsea ang tungkol sa nakita kong picture niya at nung lalaki. Kaya napa-upo narin siya.

Binulungan ni Chelsea si Kin at napatango lang ito sa sinabi nito. Napabuntong-hininga siya at nagsimulang magsalita. "I know this is kind of personal pero nandito ka eh so malalaman mo rin yung dahilan na tinanong mo noon. Please, don't tell anybody, okay?" Tumango lang ako.

"Una sa lahat, sorry ulit Cevan sa pagiging medyo masungit ko."

"I said it's fine." Pagsagot ko.

Kinuha niya yung frame at itinuro ang lalaking nasa litrato. "This is Clark, my ex-fiancé.

Seven years kaming in a relationship. We met when we were in highschool. Everything was perfect, pero nung dalawang taon palang ang relasyon namin nang palipatin siya ng parents sa Italy for work. Isasama sana ako ng parents niya kaso tinanggihan ko kasi sa studies ko dito. Five years later, nagplano kaming magkita one month before the bar exams. Pero nung time na 'yon. Hindi ko na ramdam ang pagiging sweet niya, at parang hindi siya excited na makita ako. Kaya I decided to go to Italy dahil alam ko naman ang location niya roon. Hindi ko pinaalam sa kanya dahil hindi ko rin alam kung paano. Himalang bukas ang pintuan ng condo niya at pagpasok ko'y walang tao. Nakarinig ako ng kaluskos sa kwarto at dumiretso doon. And surprisingly, I saw him wtih a whore naked and they're having.. sex. Nakatayo ako doon for minutes habang naririnig ko ang matinding pag-ungol nila. Hanggang sa napansin nila ko dahil aksidente kong nabalibag ang pinto habang lumuluha. Hindi lang ako ang nabigla noon, pati rin sila. Good thing one way lang ang ticket ko kaya nagpasiya akong bumalik kaagad sa airport. Punong-puno ng pagkadismaya ang loob ko. Kaya di na ko nakapag-focus sa studies ko. Kaya raw nung araw ng exams muntik na 'kong 'di maka-punta." Now I see kung bakit siya masungit, parang. Kasi nung bago palang ako, napaka-jolly niya. Pero after a few months, bumaliktad ang mundo niya.

Sana ako nalang ang una mong nakilala kaysa sa kanya.

Gusto kong sabihin yan sa kanya kaso napalitan ng, "I feel sorry for you."

"Gosh. It's fine. That happened for like 2 years ago. Ok naman na 'ko." At nagpumilit siyang ngumiti sa harap ko na parang hindi na talaga siya nasasaktan.

I can see it. Her eyes, full of sorrow and sadness. Parang paulit-ulit siyang nagfa-flashback sa isipan niya kahit base palang sa kwento niya.

Lumingon kami kay Chelsea na sobrang init ng ulo. "I CAN'T BELIEVE HE DID THAT," napatakip kaming dalawa sa tainga ni Kin habang sumisigaw siya ng malakas. "SI CLARK? LOLOKOHIN KA LANG NG GANUN?" nag-taas siya ng sleeves at nag-labas pa ng galit. "LILIAN MCKINLEY TRINIDAD, ENGAGED KAYO NUNG MGA ARAW NA 'YUN. SASAMPALIN KO TALAGA YUNG OGAG NA YUN." pag-wawala niya.

Umirap si Kin kay Chelsea, "Kalma lang Chelsea, daig mo na nanay ko deputa. Baka nakaistorbo ka pa ng kapit-bahay. Hindi naman ikaw ang nasaktan diba?"

"Sabi ko na eh, may hinala na talaga ko sa taong 'yun noon palang, alam niyo, I'll go get snacks. Prepare mo na yung gagamitin natin sa contest mamaya, anak. Isali mo yang si Cevan." Padabog na umalis si Chelsea sa condo at bumili ng snacks.

"Sorry nga pala about kay Chelsea,"

"Okay lang 'yun, sanay na 'kong may maingay na kaibigan, by the way, are you doing an art contest?"

"Exactly, bihira nalang namin 'tong gawin since nag-abroad si Chelsea," sabi niya habang nagse-set-up ng table. Iniabot niya sakin ang lapis at maliit na sketchbook.

"Marunong ka bang mag-drawing?" Umupo siya sa sofa at nagsimulang mag-sketch.

"Hindi na masyado eh. Sinukuan ko na 'tong pag-guhit." At kinalikot ko ang sketchbook.

"Why?"

"Hindi agree ang mga magulang ko. Sabi nila, dapat daw ang isang tulad ko ay hindi.. nag-da-drawing-drawing lang sa ta—"

"Just draw, show me your skills. I won't judge. Don't be such a child. Draw that cactus." At itinuro niya ang cactus sa table niya. Nag-kusang gumalaw ang kamay ko at gumuhit.