Chereads / STICKY NOTES / Chapter 3 - Chapter Two

Chapter 3 - Chapter Two

Kinley's point of view

Natapos rin ang document na kailangan ko nang ipasa. I stretched my arms at iniayos ang dokumento at nagtungo sa opisina ng boss ko.

Kumatok ako sa pinto at nagpatuloy sa loob. "Tapos mo na.. salamat Kinley." At inilapag ko ito sa desk niya. "No problem po Ma'am Hernandez. Mauna na po ako."

"Naku hija, magpahinga ka na. Wala naman na 'kong ipapagawa eh."

"Naku po, nakakahiya po. May aasikasuhin pa naman po ako."

"Sige hija. Salamat ulit." At lumabas ako sa malamig niyang opisina.

Grabe, mukhang nasa mood ngayon si Ma'am. Pero mabait naman talaga siya sa mga employee niya. Swerte at ito yung napili kong pag-applyan. Naglakad ako patungo sa desk ko para kumain ng saglit at i-aarange ang lamesa ko bago umalis. Oo nga pala, 'di ko pa pala ginalaw yung pinabili kong lunch. Well, edi kakainin ko nalang ito for dinner.

Tumingin ako sa kinaroroonan ng paper bag na inilapag kanina ni Cevan sa lamesa at sinulyapan ko siya sa kabilang lamesa at nakita siyang busy at ibinalik ang atensyon ko sa paper bag at may napansing isang dilaw na sticky note.

Alam kong 'di mo ito gagalawin hangga't 'di ka pa tapos jan. Enjoyin mo nalang 'yang malamig mong lunch. Pwede nang merienda at dinner. -Morgaux

Aba, at nagawa pa niyang maging creative sa pinabili ko lang. Muli ko siyang sinulyapan mula sa kinauupuan ako at nadatnan ko ang seryoso niyang mukha. Idinaan kong muli ang atensyon ko sa paper bag. Mukhang may iba pang nakadikit ditong inaasahan ko na. At binuksan ko ito at nakakita ng.. sabi ko na eh. Sticky note ulit. Bughaw nga lang.

'Di ka dapat nagpapalipas ng gutom Ms. Kinley. -Morgaux

Isipin mo ang ganda ng pangalan tas ang gwapo pa? Pfft. 'Di ko type. Sa saglit na moment na nagkasama kami rito.. ay oo nga pala 'di ko lang siya napansin rito. Let's just say sa lahat ng naging araw na he was there all along. I just realized he's caring and somehow sweet. Out of my curiosity, gusto ko pa siyang makilala. 'Di naman laging contactable ang bestfriends ko kasi sa sobrang busy sa trabaho. Maybe makikihalubilo ako ngayon sa mga tao ng mas maigi kaysa dati. Hindi ko sana pagsisihan.

Kinuha ko ang lalagyan ng pagkain at may naramdamang note sa ilalim ng lalagyan, kinuha ito't binasa.

Spaghetti sana bibilhin ko kaso naalala kong yun yung in-order mo nung halos mag-wala ka sa Jollibee. Eh kaso baka magalit ka lang kaya Chickenjoy nalang binili ko. Kainin mo na nga 'to, liit mo eh. :> -Morgaux

Tiningnan ko siyang muli na naka-ngiting nagka-calculate. Nagtagpo ang mata namin na naging dahilan ng pag-ngisi niya. Bwiset. Kaagad akong umiwas ng tingin. Planado niyang lahat ng 'to. Baka mamaya pati pera ko narito lang sa tabi. Kinuha ko ang paper bag at binaliktad ito.

Nahulog ang isang origami na envelope. Ang effort, jusko. Binuksan ko ito at may nakitang note sa itaas.

Naku binuksan muna yung envelope bago kainin yung pagkain. Kainin mo muna yung pagkain, baka layuan ka ng grasya. Tapos taong grasa ang lalapit sayo. -_-

Aba'y malakas mang-trip si hayop. Naiirita na 'ko sa totoo lang. Infairness, sa ganitong paraan niya ko ginagago. Sinilip ko ang loob ng mini-envelope at may nakatuping papel na nakasabit sa perang ibinigay ko kanina. Too nice pero nakakahiya. Padabog akong tumayo at pinuntahan ang kinaroroonan niya, humarap siyang nakangiti na napalitan kaagad ng takot.

Kinuha ko ang palad niya at binigay ang pera. Nawala muli ang takot sa kanyang mukha at ngumisi. "I'm just trying to be nice."

Umirap ako. "Nice nice mo yang mukha mo. 'Di ako tumatanggap ng libre lalo na sa'yo."

"Sungit. Bahala ka, ako na nga 'tong nagmamagandang loob eh, wala nang bawian ah?" Kinuha niya ang pera at ibinulsa. "Wala na talaga. Hmph!" At umalis ako pauwi dala yung pagkain, sa bahay ko nalang 'to tatapusin.

Bago pa man ako umalis ay wala na siya, nakauwi agad? Dumiretso ako sa elevator at doon ko siya nadatnan. Pinindot ko ang button ng basement kung saan ako naka-park. Kaming dalawa lang ang nagkasabay.

"Sorry kung napagtripan ko yung pagkain mo, akala ko kasi matutuwa ka eh. Sorry, masyado yata akong makulit." he sincerely apologized.

"It's fine, i know you're just trying to help. Sorry rin kasi masyado ako naging masungit sa'yo." He then smiled at me at nagtanong. "Matagal ka na ba dito?"

"Three years, muntik na kong bumagsak sa exams. How about you?"

"Two years palang eh. Kakilala kasi ng kaibigan ko yung may-ari and that time, nakatengga lang ako sa condo ko. Sayang daw diploma eh," kaawa-awang nilalang pala 'to eh. "Ba't nga pala muntik ka nang hindi pumasa?" Natigilan ako sa tinanong niya nang biglaan. Hindi ko rin naman pwedeng basta-basta ikuwento ang naging katangahan ko noon.

"Ms. Kinley? Ma'am? Okay ka lang ba?" Nagulat nalang ako nang kumakaway sakin si Morgaux. "Okay lang ako." Sagot ko. 'Di ko namalayang natulala ako."You don't need to answer my question kung may problema Ms. Kinley." Pilit akong ngumiti at saktong bumukas ang elevator sa ground floor. "Call me Kin, it's fine." biglang lumabas ang mga salitang 'di ko inaasahang lumabas. Lumingon siya sakin at napa-ngiti.

"Kin? Hmm. Pwede na. Sige, bye." At kumaway siya habang naglalakad palabas ng elevator. Kumaway rin ako at nag-sara ang pinto ng elevator.

~~0~~0~~0~~0~~0~~0~~

Nang makauwi ako ay sumandal ako sa pintuan ko't nagbuntong-hininga. Umupo ako sa upuan sa dining area at kinain yung pagkaing pinabili ko lang kanina kay Morgaux.

Pagkatapos ay nag-shower ako't nagbihis pangtulog. Humiga ako nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Sinilip ko ito at nakakita ng mensaheng galing sa kaibigan ko.

From: Chelsea

Starbucks tayo bukas? Yung malapit dun sa condo mo? Kauuwi ko lang from Canada.

Naisipang kong replyan siya. Mukhang magkaroon 'to ng bakasyon ah.

To: Chelsea

Sure? Kasama si Trizha?

Wala pang sampung segundo ay nag-reply siya.

From: Chelsea

Kaka-message ko lang sakanya eh. Unavailable daw.

To: Chelsea

Sige, bukas. Sabado naman eh.

Hindi na siya nag-reply kaya natulog na 'ko.

~~0~~0~~0~~0~~0~~0~~

Cevan's Point of View

"Chester!" lumapit sakin si Chester at umupo sa higaan ko. "Guess what?" Itinaas ko ang tali niya at kumaway-kaway ang buntot niya. "Saturday!" Isinuot ko ang tali niya at umakyat sa hagdan papuntang rooftop. Naglakad-lakad kami at kaagad ring bumalik.

Maya-maya ay na-bored na 'ko. Kaya naisip kong mag-starbucks para uminom ng frappe, o kaya iced coffee. Tumayo ako't nag-lagay ng pagkain ni Chester. "Dito ka muna Chester ah, babalik rin ako." Sabi ko habang hinimas ang ulo niya. Isinara ko ang cage niya at saka umalis.