Chereads / STICKY NOTES / Chapter 2 - Chapter One

Chapter 2 - Chapter One

Two days later...

Kinley's Point of View

Dalawang araw ang nakalipas nang halos mawalan ako ng dignidad sa Jollibee. Sa haba ng pag-iisip ko habang papasok sa opisina, naalala ko yung lalaking nakasalamuha ko. Nakakabwiset parin siya pero 'di ko mapigilang ma-imagine yung ka-gwapu— ugh. Well, feeling ko lang na nakita or nakausap ko na siya before bago pa man ko siya nakita sa Jollibee. Yumuko ako ng kaunti papasok sa elevator at dahil may mga ayaw ma-late, maraming sumiksik sa loob. Parang dumilim ng kaunti ang paligid nang may kumorner sakin sa gilid nang hindi sadya. Napaka-bango ng pabango nito. Hindi masyadong matapang pero panlalaki yung amoy. Nasa sulok lang ako ng elevator at nagsimula na itong umandar pataas. Ang aga-aga ang init na. Tumingala ako at nadatnan kong muli ang taong nang-inis sakin nung nakaraan.

Parang lalo akong nainitan sa istura ng taong 'to. Kaagad naman akong nag-react at binulungan siya. "Ikaw nanaman? What are you doing here? Stalker ka noh?" I saw him chuckling once again kahit ang nakikita niya lang sakin ay ang aking pagtataray.

"Duh, I'm working here. 'Di yata halata," He smirked. "Aren't you McKinley Trinidad? Yung tipo ng ka-trabaho na sobrang focus sa trabaho niya. Ni hindi na ko napapansin na katabi niya lang. At tila dumadaldal lang kapag kailangan or kapag nariyan si Sir Geo. Kawawa naman ako." I think i know na kung bakit niya ko kilala. F*ck.

Maaga pa para mam-badtrip siya kaya kahit mainit, at maraming tao ay kumibut balikat ako. "Whoever you are sir.." hinanap ko kung saan ang I.D. niya. "Sir Cevan, I don't really care what you're talking about and what's more important is I don't usually do chit-chats and interact sa kung sino-sino lang. Especially you." He pouted at me na tila nagpapa-cute. Sorry ka nalang, 'di 'yan effective sakin.

" 'Di po ba pwedeng sho—"

"No."

"What about questi—" ang kulit.

"Magtanong ka sa iba." Pagsusungit ko. I am a nice person pero sorry sa kanya, wala ko sa mood.

"Can we be friends, then?" Napabuntong-hininga lang ako sa kanya.

"Well, I don't think so." Lumingon siya sa sulok at may ibinulong. "Tch. Sungit nama—"

Offensive, pero bigla siyang napatigil nang may sumiksik pa sa loob? Kasya pa pala ang higit isang dosenang katao rito? Bumulong ako. "Ba't kailangan pang ikaw ang demonyong kaharap ko eh ang gusto ko lang naman ay magtrabaho nang maayos?" Di na siya umimik and i'm getting cornered by his scent. Such perfection ang amoy. Hindi ko napigilan ang sarili kong pagmasdan ang kaniyang pagmumukha. Soft looking face at yung maputi niyang balat. Such pinkish lips na akala mo nag lipstick o ano. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Nakakalusaw yung— ughhhh. I shooked my head at napaisip. Sana 'di ko nalang siya nakilala. Bwiset talagaaaaa. Aminin ko man sa hindi, ang gwapo niya. //>-

This doesn't mean na type ko na siya. Hmph! Pero yung looks niya is sobrang nakakainis. Napakamatikas kungg titignan, long eyelashes, pointy nose, at yung buhok niya na parang kay lambot. Bigla ko nalang naramdaman ang paglapit niya sa mukha ko. "Naga-gwapuhan ka sakin noh? Namumula ka na."

"Tch. In your dreams." Lalo siyang lumapit at para bang hahalikan niya ko, napapikit nalang ako at yumuko at biglang naramdaman ang pagtigil ng elevator. Finally. Bumukas ang pinto at saka naman ako kaagad na naglakad palabas. Napakalaking trahedya ang nararanasan ko ngayon. Wala naman yata akong ginawang masama ah?

Papabayaan ko nalang yun and I just remembered na na-mention na kanina na katabi lang ng desk niya yung akin. Shi*.

Malapit na 'kong makarating sa desk ko nang sumulpot nanaman siya, "I'm Cevan Guzman, by the way." At iniabot ang kamay niya. Itinaboy ko lang ito at humarap sa kanya. "I don't need introductions Sir Cevan. I need to go, leave me alone, please?"

Muli niyang ibinulong ang mga katagang 'ang sungit' na ikinainis ko. Pasensya na, AYAW MO LANG KASI AKONG TANTANAN.

Pagkaupo ko sa upuan, malamang ay kaagad kong hinanap ang earphones ko para walang makakaistorbong nilalang. "Ms. Kinley?" Narinig ko nanaman siya.

"What now? Sir Cevan? Look, let me settle this for once. I need to focus on my job here, so please," napabuntong-hininga ako't nagpatuloy. "No daldal or chicka-chicka muna?"

"Well, fine. If that's what you want. Sorry." at nagsimula na siyang gawin ang trabaho niya. Finally, peace. Isinuot ko ang earphones ko at nagtrabaho narin.

~~0~~0~~0~~0~~0~~0~~0~~0~~

Cevan's Point of View

I checked my wristwatch at.. ooh! Lunch-break. Di naman pwedeng workaholic ang poging katulad ko. 'Di tulad ng masungit na 'yon na 'di na ko naaalala. Tutok ampotek. Kinalabit ko siya at nagtaray nanaman siya. "Oh, problema mo?"

"Gusto mong kum—"

"Kumain ng lunch? No." Unhealthy.

"That's not good for you. Halika na."

"Tss," binunot niya ang wallet niya at kumuha ng pera at iniabot ito sakin, "You know, kung gusto mong makatulong. Can I have a favor?" Tumango lang ako. At inilagay niya ang perang kinuha niya sa kamay ko. "Bilhan mo nalang ako ng lunch sa cafeteria, kung may sukli, sayo nalang. Thanks." Hindi siya ang manager pero ang bossy. At mukhang nakahanap siya ng alalay niya na biglaang napasunod sa ganda niya. Tss. Pwede na 'tong ganti sa kanya. In a good way nga lang.

~~0~~0~~0~~0~~0~~0~~0~~

Kinley's Point of View

It's been ages at hindi parin dumarating si Cevan. Siguro kumain muna o kung ano. Maya-maya't akong nagaabang sa elevator mula sa upuan ko. Well, medyo gutom narin ako. At, sa wakas dumating narin siya. Inilapag niya lang ang paper bag sa desk ko at umupo sa lugar niya. "Thanks po Sir." Lumingon lang siya at nag-tanggal ng earphones. "May sinabi ka po ba?" Aba? Uulitin ko pa? Bingi ba 'to?

"Ang sabi ko po, Salamat."

"Huh?" Badtrip. Inirapan ko siya. "Tch. Bahala ka jan." At humarap akong muli sa monitor.

"You're welcome." He said in a sweet tone. Kinilabutan ako nung sinabi niya 'yon. Parang akong nakaramdam ng may boyfriend ako. Nakakatunaw. Pero naiinis parin ako sakanya, syempre. At hindi naman pwedeng mahulog ako sa taong 'to. Parang 'di ko na kakayanin. Wala rin naman akong pag-asa if ever.

Author's note: kung para sayo, maikli yung una kong chapter, sorry ah. And if you're tired reading this already because of the way i write, you can stop. :>