Chapter 16 - Chapter 012.1

GABRIEL'S POV

"Do you believe that children were born either out of love or out of lust?"

Tiningnan ko si Elijah. Magkahawak pa rin ang aming mga kamay. Nakaupo siya sa kama niya habang ako ay nakahiga at nakaunan sa hita niya.

"May kuya ako. And of course, he was born out of love," pagkukwento ko.

Nakatitig lang din siya sa akin. Hinihintay ang kung anumang ikukwento ko.

"Whereas I, was born to save the marriage," pagpapatuloy ko. "Nagkakaproblema na noon si mom and dad. Dumating kasi sa point na nambababae si daddy. Hindi na kasi matugunan ni mom ang pangangailangan ni daddy sa kama."

Huminga ako ng malalim.

"Nagtangka si daddy na makipaghiwalay kay mom pero I happened. I was born. Naging maayos sila after noon. Not until nalaman nila na may sakit si mom. Kaya hindi niya rin maibigay kay dad ang gusto nito," dagdag ko. "Pinilit naman ni dad na magpakabuti. He still loves my mom. Hanggang sa namatay si mom."

"Nagbago rin ang tingin ni dad sa akin," sabi ko pa. "He became worse. He never showed me love. Not even once. Kahit si kuya. They keep blaming me kung bakit namatay si mom. Hindi na kasi talaga kasya ni mom na magbuntis pero pinilit niya dahil sa pagmamahal niya kay dad."

Hinaplos-haplos ni Elijah ang buhok ko. Ramdam ko ang lungkot at pakikisimpatiya niya.

"Pakiramdam ko wala akong pamilya, Elijah. Pakiramdam ko mag-isa lang ako. I am unwanted. They never showed me love no matter how hard I try para makuha ang loob nila," sabi ko. "Hanggang sa lumaki ako. Hanggang sa umabot ako sa legal age na pwede ko nang makuha ang iniwan sa akin ni mommy. Kaya bumukod na ako."

"You know what? Noong unang araw na umalis ako sa bahay, iyon din ang araw na nakilala kita. Sobrang lungkot ko noon kasi alam ko na dahil umalis ako, hindi na kami magkakaayos. Na hindi na talaga kami magiging isang pamilya. Na masasanay na lang talaga ako na mag-isa," tinitigan ko siya. Mata sa mata. "Akala ko magiging miserable at malungkot na lang ako habang buhay. Pero dumating ka, Elijah. You're my saving grace."

Ngumiti siya. "Kaya ba ayaw mo rin maging malapit sa ibang tao?"

"Sort of. Nakikipagkaibigan lang sila sa akin dahil mayaman ako. Dahil matalino raw ako. Dahil may napapala sila sa akin at nagagamit nila ako," sagot ko. "Walang kahit isang tao ang naging totoo sa akin. Kaya mas gusto kong maging mag-isa. Kaya ko naman makipag-usap sa tao. I mean, kailangan iyon dahil sa profession ko. Pero friends? That's a big no for me."

"How about Julian? Michael?"

Natawa ako. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niya.

"Yeah. I hated them at first," sagot ko. "Noong first year college, hindi ko sila kaklase. Nagkasama lang kami sa Medical student council dahil first year representatives kami. Doon ko sila unang nakita. Pero hindi ko sila kinakausap noon. Never ko rin pala talaga sila kinausap. Ang president lang namin ang nakakausap ko noon. Sobrang bait niya."

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

"Maganda. Malapit sa tao. I didn't realize na nagkagusto na pala ako sa kanya. Pero ga-graduate na siya. Kaya naman bago matapos ang first semester, naglakas-loob ako na umamin. Pero sinalubong ako ni Michael ng suntok sa mukha."

"Hala. Bakit?" tanong niya.

"Kasi girlfriend pala niya ang babaeng nagugustuhan ko," natatawang sagot ko. "Syempre, I was hurt at first. I tried to move on over the semestral break. And unexpectedly, naging classmate ko si Julian at Michael. Nagulat pa nga ako kasi Michael approached me first. Ang friendly ng approach niya sa akin. Like nothing ever happened."

"Nag-sorry siya. Turns out, cheater pala ang girlfriend niya. Mabuti na lang daw napigilan nia ako," dagdag ko. "And from that day, lagi na kami magkakasama. They are the very first people na kinaibigan ako for the purpose of friendship. And I knew I could trust them. I could depend on them."

"Noong araw na nakilala kita, si Julian ang nagyaya sa akin sa cosplay convention noon. Hindi naman ako mahilig sa ganoon. All my life, nag-focus ako sa studies. Dahil na rin sa inferiority complex siguro. Dahil gusto kong mapatunayan sa daddy ko na karapat-dapat akong maging anak niya," dagdag ko.

"Pero paano mo nalaman na gusto mo ako?"

"Hindi ko naman agad nalaman," sagot ko. "It just happened na hindi ka maalis sa isip ko simula noon. I tried looking for you. Nagpunta ako sa mga ganoong klaseng events kasi akala ko makikita kita."

"Pero hindi. Dahil nasa Cebu ako," sabi niya.

"Yeah," sabi ko. "Until two years later, third year student na ako. Naging usap-usapan sa school ang bagong estudyante. Maganda. Matalino. Sporty."

"Si Athena."

Tumango ako. "Michael showed interest sa kapatid mo. At bilang kaibigan, I supported him. Sinamahan namin siya manligaw rito. At nakita ko ang family portrait ninyo sa living room. Nakita kita. Nahanap kita. Sobrang saya ko."

"Kaya kinaibigan ko si Athena. Muntik na naman nga kaming mag-away ni Michael kasi akala niya pinopormahan ko si Athena. Lalo pa nang kumalat ang tsismis sa school na couple kaming dalawa. In-explain ko naman na hindi ganoon ang intensyon ko sa kapatid mo," dagdag ko. "But then, Athena turned him down. All is well. We became good friends. And that's when I asked her a favor. Hanggang sa lumipat ka na nga rito sa Manila."

"Yeah. Nagalit pa ako sa kapatid ko nang mabasa ko iyong kwento na iyon," sabi niya.

"Galit ka pa?" pang-aasar ko.

"Hindi na. It doesn't matter anyway," sagot niya. "Ang mahalaga ay ang kung ano ang meron tayo ngayon."

-

KEITH'S POV

"Yes, tayo na!"

I can still remember the day na sinagot mo ako. Sobrang saya ko noon. It is almost every teenager's dream to fall in love. At nakamit ko iyon sa iyo.

Mas matanda ka sa akin kaya marami ang tutol pero wala tayong pakialam. Ang mahalaga ay nagmamahalan tayo. College student ka habang ako ay nasa high school pa lamang. Maayos ang naging takbo ng relasyon nating dalawa.

Maganda rin ang relasyon ng pamilya nating dalawa. Iniisip nga nila na tayo na ang mapapangasawa ng isa't isa. Pero nagkamali ako.

Sobrang nagkamali ako.

Nagbago ang lahat nang magsimula kang magtrabaho sa ibang bansa. Inilaban man natin kahit mahirap. Malayo tayo sa isa't isa. May time difference pa. Tinangka nating patatagin ang relasyon natin.

Pero kulang. May kulang.

Mahal na mahal kita pero parang sumusuko ka na. Paano na ang limang taon? Sasayangin na lang ba natin ang limang taon na masaya tayo?

"Pagod ako," sabi mo sa akin via video call. Iyan lagi ang dahilan mo sa akin sa tuwing mag-uusap tayo.

Halata naman talaga sayo ang pagod. Kaya hinahayaan ko na lang. Alam ko nahihirapan ka ring malayo sa pamilya at mga kaibigan mo. Alam ko nahihirapan ka ring mag-adjust.

I gave you time. I gave you love. But maybe I was too considerate. I was too lenient.

Hindi ko namalayang lumuluwag na ang lubid na nagtatali sa ating dalawa.

"I love you," sabi ko at pilit na ngumiti. Hinawakan ko ang screen ng laptop ko. Hinihintay ang isasagot mo. Hinihintay na sabihing mahal mo rin ako. Na mahal mo pa rin ako.

"Sige, Keith. Magpapahinga na ako," sabi mo. Pinatay mo ang call.

I was too broken hearted. Pero pinilit kong dedmahin iyon. Baka pagod ka lang. Baka sobrang hirap ng trabaho mo ngayon.

Isinara ko ang laptop ko. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

Mahal na mahal kita. Hindi ba dapat masaya kapag nagmamahal? Hindi ba dapat masarap sa pakiramdam kapag may minamahal?

Pero bakit ganito? Bakit nagkaganito?