ELIJAH's POV
"Gabriel!" hindi maitago sa babae ang excitement nang iluwa ng pintuan si Gabriel at ang dalawa niyang kaibigan. Agad siyang lumapit kay Gabriel at niyakap ito.
Halata naman ang pagkabigla kay Gabriel at sa dalawang kasama. Gab's arms are suspended mid-air habang halos manlaki ang matang napatitig sa akin.
"I missed you so much," sabi ni Dionne nang kalasin ang pagkakayakap sa binata.
"Ella," mahinang sabi ni Gabriel pero nananatiling nakatitig sa akin. "Elijah."
Ella? Parang narinig ko na ang pangalan na iyon.
On cue, I felt like I heard Keith's voice inside my head. "Sayang, no? Nangibang-bansa na si Ella. Ang Miss Rutherford last year. Ang alam ko nga, kaibigan din ni Gab iyon."
Siya kaya ang Ella na iyon.
Muli ay niyakap ni Ella si Gabriel. Ipinulupot ni Ella ang mga braso sa leeg ni Gabriel. Para akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko nang makita ko kung gaano kalapit ang mukha nilang dalawa.
"E-Elijah, ano pala ang s-sasabihin mo?" tulirong tanong ni Gabriel.
Bago pa man ako makapagsalita, hinawakan ni Ella ang dalawang kamay ni Gabriel. "Busy ka ba? Let's catch up. Marami akong gustong ikwento sayo. Sobrang na-miss talaga kita."
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo. Nasisira ang araw ko sa Ella na iyon. Kung makadikit at makahawak kay Gabriel. Oh well, ang pakilala nga pala niya sa akin ay girlfriend siya ni Gabriel. Oh eh di magsama silang dalawa.
"Bakit parang nagseselos ka?"
Napatigil ako sa tanong sa isipan ko.
"Bakit naman ako magseselos? Hindi naman kami ni Gabriel. Peke lang naman ang relasyon namin," mahinang sabi ko sa sarili ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Sa kasamaang palad, muli ay nakasalubong ko ang dalawang babaeng nagpakilalang kaklase ni Gabriel.
"Hi Elijah," nakangiting sabi ni Zoe, ang isa sa mga babae.
"Cute nila no?" tanong ni Veronica at inginuso si Gabriel at Ella na magkahawak pa rin ang kamay hanggang ngayon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Walang magagawang mabuti ang pakikipag-usap sa dalawang ito. Pero hinarang ulit nila ako.
"Hey, kinakausap ka namin," sabi ni Zoe. "Ganyan ka ba sa seniors mo? Hindi ka marunong rumespeto?"
"Respect should be given to whom it is due," sabi ni Athena na biglang nasa tabi ko na. "ANd you don't seem to be the kind of people deserving of it."
"Athena?" gulat na sambit ni Veronica pero in-ignore lang siya ng kapatid ko.
"Tara na," sabi ng kapatid ko. Ipinulupot niya ang braso sa braso ko.
Naglakad na kami palayo. Binigyan ko ng huling tanaw sila Gabriel pero wala na sila roon.
--
GABRIEL'S POV
"Now that we're alone," sabi ni Ella. "Care to tell me what's going on?"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "What do you mean?"
"I've heard you have a boyfriend," sagot niya. "Siya ba? Iyong Elijah? Nawala lang ako and you've become gay? Wait, are even gay? Do you even like him?"
"It's none of your business," I coldly answered. "Bumalik ka lang ba rito para pakialam ang buhay ko?"
"Kaibigan mo pa rin ako," depensa niya. Napakagat ako sa labi ko. "The heck, you even knew how I feel for you."
"Do you mean, dating kaibigan?" I asked, with a slight raise in my voice. I sighed, trying to compose myself again. "You ruined everything, Ella."
"Hindi ba pwedeng ayusin? Hindi ba pwedeng bumalik tayo sa dati? Tayo nila Will?" her voice is begging. Pleading.
But I don't care. I can't even fathom what I am feeling right now. Galit? Poot? Lungkot? I don't know. Ang alam ko lang, hindi ko gustong kausap ko siya ngayon.
Gusto kong sundan si Elijah at kausapin. I don't want him thinking that there is something going on between me and this woman.
"We haven't seen each other for months. Inimbita ako ng school para sa coronation ng pageant. I took advantage of the opportunity. Kasi gusto kitang makita. Makausap," sabi niya, there's a hint of sadness in her voice.
"Ano pang pag-uusapan natin?"
"I was really hoping for a second chance," malungkot na sagot niya. Napatungo siya. "You're the first friends I ever had."
---
KEITH'S POV
"Bakit hindi ka pumasok?" tanong ni Mico na kausap ko via voice call sa aking cellphone.
Bumangon ako sa kama at kinukusot ang matang naupo sa gilid.
"Masama ang pakiramdam ko," pagdadahilan ko.
"Kumusta na pakiramdam mo? Okay ka na? Gusto mo punta kami?"
"Hindi na. Nakapagpahinga na rin naman ako," sagot ko. "Papasok na ako bukas. May mga nagpa-quiz ba?"
"Wala naman. O siya, kinumusta lang kita. Nag-aalala rin kasi si Elijah," sabi niya. "Pagaling ka, pare."
"Salamat," sabi ko at natapos na ang call.
5:44 PM. Pagabi na pala. Halos buong araw akong tulog. Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. Wala lang talaga ako sa mood lumabas. Hanggang sa kumalam ang sikmura ko.
Hindi pa nga pala ako nakakapag-almusal at tanghalian. Tumayo ako at tinungo ang maliit na refrigerator. Binuksan ko ito at nakita kong puro inumin ang laman.
Napabuntong-hininga na lamang ako.
Now I need to go outside. Ayoko namang magpa-deliver. Bukod sa mahal, ilang minuto rin ang aabutin bago dumating. At gutom na gutom na ako.
Tumayo ako at nag-ayos. Naghilamos lang ako, nag-toothbrush at nagpalit ng damit at pagkatapos ay lumabas ng unit. Dumiretso ako sa isang karinderya malapit sa condo.
Nasa entrance ang bilihan ng pagkain at nasa loob ang tables and chairs kaya bibili ka muna bago pumasok. Which I did. Nang makabili na ako at makapagbayad, naglakad na ako papasok bitbit ang tray ng pagkain at inumin ko.
Pero nakita ko siya, kumakain mag-isa.
Napalingon din siya sa akin. Nagtama ang aming mga mata. And for a few seconds, nagkatitigan kami hanggang sa may lumapit sa kanyang isang lalaki.
"Hey, sorry to keep you waiting," sabi ng lalaki. Umupo ito sa upuan sa harapan niya. Gwapo ang lalaki. Moreno ang balat. At mukhang matangkad.
Inialis ni Julian ang tingin sa akin at tumingin sa lalaking nasa harapanniya. "It's okay. Sorry nauna na ako kumain. Gutom na gutom na kasi ako."
Inilapit ng lalaki ang sarili kay Julian. Nagkatitigan sila. Ang kanang kamay ng lalaki ay unti-unting lumalapit sa mukha ni Julian.
"May kanin ka sa pisngi mo," natatawang sabi ng lalaki at inalis ang butil ng kanin sa pisngi ni Julian, malapit sa kanyang labi.
Iniwas ko ang tingin ko. Tumalikod ako at lumabas.
"Pakibalot na lang po pala," sabi ko sa tindera at inabot sa kanya ang tray. Mabilis din akong umalis pagkabigay sa aking ng nakabalot nang pagkain ko.
Dapat talaga hindi na lang ako lumabas.