KEITH'S POV
Kung mamalasin ka nga naman.
Bakit kailangan namin magkasabay sa paglabas ng sari-sarili naming unit? Bakit naman kailangang magkaharap kami ngayon sa hallway at nakatingin sa isa't isa.
Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko matutumba ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Sobrang weird. Kapitbahay ko lang naman siya pero nami-miss ko na siya.
"G-Good..." mahinang pagbati ko sana pero bigla siyang naglakad palayo.
I watched him walk into the elevator. Hanggang sa makasakay siya at mawala sa paningin ko.
Huminga ako ng malalim at nagpasyang umalis na rin.
Nang makarating sa parking, natanaw ko pa siyang nakatayo sa tabi ng kotse niya. Nakatuon ang atensyon niya sa kanyang cellphone habang nakasandal sa kotse niya. Ang gwapo niyang tingnan sa kanyang hapit na uniporme.
Tinanaw ko lang siya. I really want to talk to him. Pero umiiwas na siya sa akin.
Nakita ko pa ang paglapit sa kanya ng lalaki kahapon. Julian even kissed him in the lips. Pakiramdam ko nadurog ang puso ko sa nakita ko.
"Akala ko ba ako ang mahal mo?" mahinang tanong ko sa sarili ko.
Napailing ako. Bakit naguguluhan ako ngayon? Malungkot lang ba ako dahil kaka-break lang namin ng girlfriend ko? Nami-miss ko lang siguro ang ganoon.
Tama. Ganoon lang iyon.
Don't confuse yourself, Keith.
Naglakad na ako papunta sa kotse ko at nagmaneho na papunta sa school.
--
ELIJAH'S POV
"Kung nakakamatay ang titig, napatay mo na siya," bulong sa akin ni Matthew.
Abala kami sa paggawa ng banderitas para sa band performance sa darating na Biyernes, which is exactly the day after today. Sobrang abala tuloy ang lahat ng miyembro ng dalawang clubs para sa collaborative project na ito.
"Bakit kasi hindi ka na lang lumapit? Kunin mo ang sayo naman talaga," dagdag pa ni Matthew. Nakatingin pa rin kami pareho kina Ella at Gabriel.
Abala si Gabriel sa pagpa-practice ng kanta at nasa tabi niya si Ella habang tumutugtog siya ng gitara at nakanta. Para tuloy hinaharana ni Gabriel ang babaeng ito.
"Wala akong pakialam," inis kong turan. "Tapusin na lang natin ito."
Pinilit kong ibalik ang atensyon sa ginagawa ko.
"Ang cute niyo talaga. Buti na lang bumalik ka na, Ella," narinig kong tili ni Zoe. Para bang sinasadyang iparinig sa akin at sa mga taong narito sa music room.
Napatingin kami sa kanila. They really looked like a perfect couple. Gwapo si Gabriel. Maganda si Ella. Ang laki ng diperensya naming dalawa. I really don't belong in Gabriel's world.
That's why I try not to care.
"Elijah," mahinang pagtawag ni Gabriel sa akin. Napaangat ang ulo ko at napatingin ako sa kanya. Hawak niya pa ang gitara niya. "Bakit hindi mo ako kinakausap?"
Ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses niya. For a moment, nakaramdam ako ng guilt. Ayaw ko namang makasakit. Ayaw ko namang umiwas. But I felt like it is the right thing to do.
Pero miss na miss ko na siya.
Akmang magsasalita na ako nang lumapit ulit si Ella at ipinulupot ang braso niya sa braso ni Gabriel. Agad akong napaiwas ng tingin.
"Nagugutom ako, Matthew. Bili lang ako ng pagkain," pagdadahilan ko. Mabilis akong tumayo at umalis sa lugar na iyon.
--
"Mukhang may matinding kaganapan backstage!" sabi ni Claire sa video. Mataas pa rin ang energy niya.
Nasa maliit na canteen ako malapit sa field. Kung saan kami kumain ng ice cream ni Gabriel. Hawak ko ang cellphone ko at pinapanood ang isang video.
Tumutok ang camera kina Gabriel at Ella na seryoso ang tingin sa isa't isa. Pareho silang nakasuot ng formal attire. May suot na sash. Mister Rutherford kay Gab. Miss Rutherford kay Ella.
Nakasuot pa kay Ella ang kanyang napanalunang korona.
"Nanalo ako, Gabby," seryosong sabi ni Ella. "And I promised myself na kapag nanalo ako, magiging matapang na ako. Na maglalakas-loob na akong ipagtapat sayo ang nararamdaman ko. Mahal kita, Gabby. Mahal na mahal kita."
Halos mabingi ang tainga ko sa pagtili ni Claire.
"Oh my God! Our ship is sailing! Mga classmate! This is it!" kinikilig na sabi ni Claire.
"Grabe. Wala na talaga akong pag-asa kay Gabriel," kunwa'y malungkot at dismayadong sabi naman ni Gretchen.
Ang sunod na nahagip ng camera ay ang papalapit na si Gabriel. Seryoso ang mukha niya. Kitang-kita pa ang pag-agaw niya sa camera hanggang sa matapos na ang video.
Ito ang latest upload sa community page. Video ito from last year nang matapos ang pageant.
"Power couple, eh?" mahinang sambit ko sa sarili ko at napabuntong-hininga na lamang ako.
"Mukhang may problema ka ah?"
Napatingin ako sa nagsalita. Si Will. I can't believe I miss that friendly smile. Umupo siya sa upuan sa harapan ko.
"Kumusta ka?" tanong niya.
"Okay naman ako. Medyo busy lang. May event kami sa Friday," sagot ko. "Punta ka ah? Suportahan mo kami."
"Oo naman," mabilis niyang sagot. "Basta ikaw."
Muli ay ngumiti siya. Tila ba ay napawi ang lungkot ko sa malapad na ngiti niyang iyon. Ang tagal na rin pala nang huli ko siyang nakita. Noong orientation pa namin.
"Ikaw? Kumusta ka naman?" tanong ko.
"Same old. Walang pagbabago," sagot niya. "Aral. Practice. Bahay."
"I can't believe you can make it sound boring when I know your life is not as eventful as mine."
Natawa siya. "That's not true at all. Alam nating lahat na mas maraming ganap sa buhay mo ngayon kaysa sa akin," sabi niya at tumitig sa akin. Makahulugan ang titig niya. Wala siyang sinasabi pero pakiramdam ko nag-uusap kami.
At alam ko ang gusto niyang ipahiwatig.
"Word of advice, Elijah," seryosong sabi niya. Napalunok ako. "Don't let her anywhere near your man." Tumayo siya. "I have to go. I'll see you when I see you."
Napamaang na lang ako sa kanya. Pinanood ko siyang maglakad palayo.
Anong ibig niyang sabihin? Bakit parang kinukutuban ako ng masama?