Chapter 20 - Chapter 016

GABRIEL'S POV

"Penny for your thoughts?"

Tila ba ay nagulat si Elijah at nanlaki ang matang napatitig sa akin. Natatawang umupo ako sa tabi niya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?" tanong ko, not actually hiding the hint of worry.

Napabuntong-hininga si Elijah. "Na-assign ako bilang co-chair ng next event namin sa club. Bukod sa first time ko iyon to organize an event, I need also need to organizer a fundraiser. You know I just can't ask people for donations, right? Approaching people is not my best suit."

"You have to be confident with yourself, Elijah. I believe you can do it," nakangiting sabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya and gave it a light, reassuring squeeze.

Nanlulumong isinubsob niya ang ulo niya sa lamesa. "Sana nga ganoon lang iyong kadali."

"You know what? Saka mo na isipin iyan. Mag-lunch na muna tayo," sabi ko at tumayo. "Anong gusto mong kainin?"

"Ikaw."

Napangisi ako. "But we're at school. And we're not at that stage yet."

"Sira ka!" asik niya sa akin. "Sabi ko, ikaw na ang bahala. At pakibili na rin ako ng chocolate ice cream. Salamat."

"Ok, boss baby," sabi ko at iniwan na siya para bumili ng pagkain namin.

Nang makabalik ako doon, nakita kong kausap na siya ng dalawa kong kaklaseng babae. And by the looks of their faces, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Elijah looks uncomfortable.

"Anong pinag-uusapan ninyo?" tanong ko. Inilapag ko ang binili ko sa lamesa at umupo sa tabi ni Elijah.

"Wala naman. Kinukumusta lang namin itong boyfriend mo," sagot ng isa.

"Yeah. We haven't had the chance to talk to him. Gusto lang namin siya makilala," sagot naman ng isa. "Pero alis na rin kami. Bye, Elijah."

Hindi umimik si Elijah kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong pinag-usapan ninyo?"

"W-Wala," sagot niya. "Kain na tayo."

Well. That is not reassuring. But I kept myself from asking questions. I don't want to make him feel more uncomfortable.

--

"Maybe there is something that I can do to help?" wala sa sariling tanong ko.

"Well, you are Gabriel Lucas De Castro! I'm sure you can think of something. At sigurado akong susuportahan ng mga tao ang gagawin mo," sagot ni Michael habang marahang nagpapatugtog sa drums.

Ipinagpatuloy ko ang pagtu-tune sa gitara ko. "May naisip na ako."

"Share?" nakataas ang kilay na sambit ni Michael.

"Syempre. I need you for this," sabi ko.

Sakto namang pagpasok ni Julian sa music room. Pero kapansin-pansin na parang wala siya sa sarili niya. Bagsak ang balikat at walang kagana-gana. Halatang wala siyang maayos na tulog. Or hindi siya nakatulog at all.

"Hey, anong nangyari sayo, bro?" tanong ni Michael.

"I prefer not to talk about it," sagot ni Julian at pasalampak na naupo sa tabi ko.

Nagkatinginan na lang kami ni Michael. Hindi man sabihin ni Julian, alam na namin ang sagot. Hindi naman lingid sa kaalaman namin na may gusto siya sa kapitbahay niya, na ngayon ay kaklase ni Elijah.

Napakibit balikat na lang si Michael.

Tinapik ko sa balikat si Julian. "Whether you want to talk about it or not, nandito lang kami, okay?"

Ngumiti siya. "So, anong plano? I happened to overhear you."

"Magpe-perform tayo," sagot ko.

"Huh? Magpe-perform naman talaga tayo sa University week," sabi ni Julian.

"Iba ito," sabi ko. "Fundraising campaign ito."

"Iba ka rin. Hindi ka naman ganito dati," napapailing na sabi ni Julian. "Iba talaga epekto sayo ni Elijah."

"I'm sure you'll do the same," sabi ko. "So are you up for it?"

"Of course," Michael and Julian answered in unison.

---

ELIJAH'S POV

"Good morning, Rutherford! Good morning, classmates!" the chubby girl in the video cheerfully greeted. May hawak pa siyang isang mic. "It's your girl, Claire! Hindi kayo maniniwala kung sino ang kasama natin ngayong umaga. Take it away, Georgie!"

"Naku, sis! Gretchen! Hindi Georgie!" sabi ng payat na lalaki. "At ito na nga. Bihira lang itong pagkakataon na ito. Kahit kami ay nagulat nang lumapit siya sa amin."

"Paano ang gulat?" tanong ni Claire.

Umarteng nagulat naman si Gretchen. Nakahawak pa siya sa dibdib niya para bigyan ng emphasis ang pagkagulat niya. Napasabay tuloy kami ni Matthew sa pagtawa ng dalawang student reporters na pinapanood namin sa video.

"Nakakatawa talaga itong mga ito," hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ni Matthew habang nakatutok ang mga mata sa screen ng cellphone na hawak ko.

"So, ipakilala na natin ang guest natin?" tanong ni Gretchen.

Tumango si Claire. "Sa mga hindi pa nakakapag-almusal diyan, huwag kayong mag-alala dahil ang kasama natin ngayong umaga ay may pabaong pandesal!"

Marahang binatukan ni Gretchen si Claire. "Landi mo, sis."

"Aray ko!" reklamo ni Claire. "So ito na nga. Ang nag-iisang lalaking nagpahulog ng panty ko! Si Gabriel Lucas De Castro!"

There are the sounds of cheering and applauding.

Gabriel appeared in the video. Pinagitnaan siya ng dalawang student reporter.

"Si Gab?" gulat na sambit ni Mico. Kahit ako ay nagulat din. Pero hindi na ako nagsalita.

"Good morning, Gabriel," pagbati ni Claire.

"Good morning din sa inyong dalawa," nakangiting pagbati ni Gabriel. Tumingin siya sa camera at kumaway. "Good morning, Rutherford!"

"Hay naku. Siguradong kinikilig na ang mga viewers natin ngayon, ano?" sabi ni Gretchen.

"Sinabi mo pa, sis," pagsang-ayon ni Claire. "So, Gabriel. Balita ko gusto mo raw imbitahin ang mga kaklase natin sa isang event?"

Tumango si Gabriel. "Tama. Magkakaroon ang music club at ang community outreach club ng fundraising program. Magpe-perform ang banda namin this coming Friday. And I really hope masuportahan ninyo kami. This will not help our clubs but also the community."

"That's very noble of you," hindi maitago ang amusement sa boses ni Gretchen. "Hindi ba nakaka-inlove talaga ang isang lalaking may malaking puso para sa kapwa?"

"I agree," sagot ni Claire. "So, sa mga classmates natin diyan na nanonood, this coming Friday po, sa football field, 7 PM. Mapapanood natin si Gabriel at ang banda niya na tumugtog. Kaya sa gustong maharana at ma-inlove, punta na kayo."

"Details will be posted in a while sa pages ng Music Club, Community Outreach Club, at syempre ng Journalism Club at ng Student Council," dagdag ni Claire.

Nagpaalam na sila at natapos na ang video.

"Alam mo ba ang tungkol dito?" tanong ko kay Matthew.

"Nope," sagot niya.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako kasi tinutulungan ako ni Gabriel pero sana ipinaalam muna niya sa akin. I felt so left out. Project ko ito. Pakiramdam ko wala akong silbi.

Hindi ako mapakali buong umagang iyon. Kaya naman nang mag-lunch time na, agad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko at mabilis na nagtungo sa Medical Building. Pero wala siya roon.

"Nasaan ka?" I texted him.

"Sa music room," mabilis na reply niya.

Hindi na ako nag-abalang mag-reply. Agad kong tinungo ang music room. Nang makarating ako doon, may nakita akong isang babaeng nakatayo sa labas. Balisa siya at tila ba nagdadalawang-isip na kumatok.

Nilapitan ko siya. "Hello. May kailangan ka ba sa loob?"

"Ahh, yeah," patango-tangong sagot niya. "I'm actually looking for Gabriel. Gabriel De Castro."

"And you are?"

"Ah," nasambit niya. "I'm Dionne Eleanor Pavadona," ngumiti siya at inilahad ang kanang kamay. "Girlfriend ako ni Gab."

I felt like my mouth dropped open. Napatitig na lang ako sa nakangiti at magandang mukha ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

Girlfriend?