KEITH'S POV
Naalimpungatan ako sa matinding sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Babangon sana ako para ayusin ang kurtina nang makaramdam ako ng kirot sa aking ulo at pananakit ng aking katawan.
"Ah.. tangina. Ano bang nangyari?" sabi ko sa sarili ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata pero napatayo ako nang makita na may lalaki akong katabi sa kama ko.
"Shit," napabulalas ko. Saka ko lang na-realize na hubo't hubad na pala ako. May mga marka rin sa buong katawan ko.
Tiningnan ko ang lalaking natutulog sa kama ko. Si Julian. Mahimbing ang tulog niya.
Pero bakit siya nandito? Bakit ako hubad? Bakit ako may kiss marks sa buong dibdib ko? May nangyari ba sa aming dalawa? No. Hindi pwede.
Napangiwi ako nang makaramdam na naman ako ng pananakit sa aking ulo.
"Ughh... Shit."
Nakita ko ang mga damit ko na nakakalat sa sahig. Pupulutin ko na sana iyon nang mapagtanto kong iba ang ayos ng bahay. Wala ako sa condo unit ko.
Nasa unit ako ni Julian.
Mabilis na nagbihis ako at tahimik na lumabas ng unit niya. Dumiretso ako sa shower sa unit ko.
"Shit. Shit. Ano bang nangyari?"
--
"This is over, Keith. This is not working anymore," you said to me in a straight face.
Ang sakit pala talaga kapag maririnig mo ang mga ganitong salita. I know for a fact na darating din tayo sa ganito. Parang sinasanay ko na nga ang sarili ko. Parang unconsciously, hinahanda ko ang sarili ko.
Pero hindi. Masakit pala talaga. Masakit malamang ang mahal mo, hindi ka na mahal.
"Hindi ko kaya ang long distance relationship, Keith. You know I am the physical type person. Ang hirap para sa akin na malayo ka. Hindi kita mahawakan. Hindi kita mahalikan," pagpapatuloy mo. "I tried, Keith. Trust me, I tried."
No you did not.
Parang na-blangko ang aking buong pag-iisip at damdamin. Kahungkagan. Wala akong maisip. Wala akong maramdaman. Para akong namanhid.
I want to blame you. I want to shout at you. Gusto kong isumbat sayo ang lahat ng sakit na ipinaramdam mo sa akin noong mga panahong ako na lang ang lumalaban. Kasi sa simula pa lang, sumuko ka na kaagad.
Pero hindi. Nanatili akong tahimik. Mulat ang mata pero tikom ang bibig,
"I loved you," sabi mo. And tears started streaming down your face. "Pero hindi ko na talaga kaya. I found someone. Someone near. Hindi iyong nasa malayo. Iyong kaya kong hawakan. Iyong kaya kong makatabi. I'm really sorry, Keith. I'm really sorry."
Ngumiti ako.
"Kausapin mo naman ako, oh. Magsalita ka naman," you begged. Pero nanatili akong tahimik. Pinakikinggan ko ang bawat paghikbi mo.
Ilang minuto ang lumipas, wala kang narinig na kahit ano sa akin. Ngayon ay parang kalmado ka na. Hindi ka na naiyak pero bakas pa rin ang luha sa iyong mga mata.
"Good bye," sabi mo at natapos na ang video call.
Ilang minuto rin akong nakatitig sa itim na screen ng laptop. Nakikita ko na ang sarili kong repleksyon. Para akong isang robot. Wala akong pinapakitang emosyon.
Naglakbay ang kanang kamay ko palapit sa laptop ko at isinara iyon. Doon ko lamang naramdaman ang matinding kirot. Ang matinding sakit.
Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha. Nag-uumapaw ang emosyon sa aking dibdib.
Ang sakit. Ang sakit sakit. Wala akong ginawa kung hindi ang mahalin ka. Pero ipinagpalit mo ako sa mas malapit.
Hindi ko na namalayan na nasa isang bar na pala ako, tinutungga ang ikatlong bote ng beer at nakatitig sa bandang nagpe-perform sa entablado.
[TILALUHA BY SB19]
"Sa tuwing ika'y nakikita
'Di mapigil ang luha sa aking mata
Pa'no nga ba? Pa'no nga ba?
Pa'no nga ba'ng limutin ka?
Kung sa puso ko ika'y nag-iisa.
Mali ba na ako'y umaasa?
Tama ba'ng nadarama para sa'yo sinta?
Bakit nga ba? Bakit nga ba?
Bakit nga ba mahal kita?
Kung sa puso mo ay mayro'n nang iba."
Ahh.. shit. Talagang akma sa nararamdaman ko ngayon.
"Unti-unting lunurin ang aking nadarama
Oh, buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa
Pa'no nga ba mapapawi, labis na pagdurusa?
Kung wala mang pag-asa
Turuan mo naman akong limutin ka."
"Hey," sabi ng isang babaeng bigla na lamang lumapit sa akin. Umupo siya sa katabing bar stool.
Very revealing ang kanyang suot na glossy dress na kulay pula. Lantad na lantad ang maputi at makinis niyang mga hita. Kitang-kita ko rin ang guhit sa pagitan ng kanyang dalawang matatayog na dibdib.
Ngumiti siya ng mapang-akit. "I've been noticing you for quite a while now. And mukhang mag-isa ka lang. Do you mind if I join you?"
Sa halip na sumagot, hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at sinunggaban ang kanyang mga mapupulang labi. Lumaban siya sa mapusok na halik ko. Naglakbay ang kamay ko sa kanyang mga hita paakyat sa kanyang tiyan papunta sa kanyang mga dibdib. Pinisil-pisil ko ito.
Ang tindi ng init na nararamdaman ng katawan ko ngayon. Wala na akong pakialam kung nasa public na lugar kami ngayon at maraming nakakakita sa amin.
Pero biglang may humila sa akin.
"Fuck!" asik ko sa lalaki pero napatigil ako nang makita ko kung sino iyon. Si Julian. Kasama niya sina Gabriel at Michael.
Ang babae naman ay binigyan ng malalagkit na tingin ang mga bagong dating.
"I'm taking you home," mariing sabi ni Julian. Hindi ako nakasagot. Bukod sa nahihilo ako, ramdam ko ang galit niya na parang nagpalambot sa aking mga tuhod.
"What?" biglang sabi ng babae. "Hindi pa kami tapos."
"I'll keep you company," sabi ni Michael. Parang natuwa naman ang babae dahil isang makisig at gwapong lalaki naman ang sasama sa kanya.
"Lasing na lasing ka na," sabi ni Julian. Huminahon na ang boses niya. Inalalayan nila ako ni Gabriel palabas ng bar.
Isinakay niya ako sa isang kotse na sa wari ko ay ang kotse niya. Hindi na rin sumama sa amin si Gabriel. Nagmaneho na si Julian pabalik sa condo namin.
Akmang tatanggalin na ni Julian ang seatbelt ko dahil nakarating na kami sa parking area ng condo building namin nang hinalikan ko siya sa labi. Parang natigilan pa siya noong una pero kapagkuwan ay lumaban din ng halikan.
"Why are you doing this to me, Keith? Didn't you know how badly I want you?" tanong niya.
"Then take me," sabi ko.
Namalayan ko na lamang ang sarili ko na nakahiga sa kama niya. Hinubad ni Julian ang kanyang damit. Ilang beses ko nang nakita ang kanyang makisig na pangangatawan pero this time, I can't help but admire him. Ang kanyang namumukol na muscles. Ang kanyang perfectly-chiseled abs.
"I love you," masuyong sabi ni Julian at muli ay nagdikit ang aming mga labi.
Mapusok ang aming mga halik. Tila ba ay sabik na sabik kami sa isa't isa.
At doon nga ay nagawa akong angkinin ni Julian. Unang karanasan ko sa lalaki at sa kanya pa.
--
"Anong gagawin ko? Kahit saang anggulo tingnan, ako ang nag-initiate. I provoked him," sabi ko sa sarili ko.
Paano ko na siya haharapin ngayon?
Kanina pa ako nakatapos maligo pero ngayon ay palakad-lakad ako sa condo unit ko na ang tanging suot ay ang bath robe ko. Kanina pa ako balisa dahil naalala ko lahat ng nangyari kinagabihan. Kung paano ako nalasing. Kung paano ko sinunggaban ang labi ni Julian. At kung paano ako parang nagmamakaawa sa kanya na angkinin ako.
"NOOOO!" sigaw ko.
Napatigil ako at napalingon sa pintuan nang may kumatok. Biglang lumakas ang pagtibok ng puso ko. Si Julian kaya?
Shit. Anong gagawin ko? Magpanggap kaya akong tulog?
Tumakbo ako papunta sa kama ko pero mas lumakas ang pagkatok sa pintuan. I know he's not going to stop until I face him.
Bumangon ako at huminga ng malalim. Kalmahin mo ang sarili mo, Keith. Lasing ka lang kagabi. Wala lang iyon. It's just sex. Magpanggap ka na lang na parang walang nangyari.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan. Huminga ako ulit ng malalim at nanginginig na pinihit ang doorknob.
"Keith," bungad ni Julian. Halatang kagigising niya lang. Medyo magulo pa ang kanyang buhok. Gusot-gusot pa ang kanyang suot na puting shirt. Manipis ito at hapit na hapit sa kanyang katawan.
Ughh.. ang sexy talaga nitong lalaking ito.
No. Anong iniisip mo, John Keith Locsin! Kumalma ka!
"Y-Yes?" tanong ko.
"About last night..."
"What about it?" patay-malisyang tanong ko.
"It was wonderful, Keith. Alam kong nag-enjoy ka---," sabi niya pero hindi ko na siya pinatapos.
"Let's not talk about it, okay?" sabi ko. Ngumiti pa ako para maalis ang tension na nararamdaman ko. "Let's just pretend it never happened. Saka hindi na iyon mauulit, Julian. I was drunk. I was hurt. Siguro overwhelming lang ang emotions na nararamdaman ko kagabi. I even kissed a random girl last night. You know I wouldn't do that. So, please, Julian. Let's forget about it, okay?"
Napansin ko ang pagbagsak ng mga balikat niya. Para siyang nanlumo. Parang nalungkot. Again, I felt guilty. I don't want to hurt him. Kaibigan ko siya.
"It's my fault, Julian," sabi ko. "I'm really sorry for what happened last night."
"But you responded to my 'I love yous'," sabi niya.
I did? Hindi ko maalala. Malakas na ata talaga ang tama ko kagabi.
"Maybe I did. Pero Julian, I just got my heart broken. I just got off from a five-year relationship. Hindi ako handa sa ganito. I don't even know if I'm like you."
"Like me? What do you mean?"
"G-Gay?"
"Bakit hindi ka sigurado? Bakit hindi mo masabi nang diretso? Nahihiya ka? Is that it? Ikinahihiya mo ba ako? Ayaw mo sa akin kasi I'm not fucking straight?"
"Hindi sa ganoon," depensa ko. "I'm fine with gays. What I mean is, I'm not even sure if I like guys."
"Pero may nangyari sa atin. You kissed me, Keith! You fucking kissed me!"
"I know. And I'm sorry," sabi ko. "Hindi dapat nangyari iyon but it did. Alam kong wala na akong magagawa para ayusin ang nangyari kasi tapos na."
"Yeah," patango-tangong sabi niya pero kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. "And I'm such a fool for falling in love with a straight man."
And with that, he walked away. Wala na akong nagawa kung hindi ang panoorin siya lumakad palayo, pabalik sa kanyang unit.
Tangina. Bakit ang sakit? Why does this hurt more than my recent break up?