Chapter 18 - Chapter 014

KEITH'S POV

"Kakauwi ko lang."

Napansin ko nga ang pagod sa mukha mo. Maganda ka pa rin kahit sa screen lang ng cellphone kita nakikita ngayon. Ang brown mong buhok. Ang magandang hugis ng iyong mukha. Ang mapula mong labi.

Pero hindi tulad ng dati, wala na ang ningning sa iyong mga mata. Parang wala ka nang gana. Parang wala ka nang ganang makipag-usap sa akin.

"Kumain ka na ba, babe?" tanong ko.

"Hindi pa. Pero baka matulog na lang ako. Maaga pa ako bukas," sagot mo. "Sige, Keith. Magpapahinga na ako."

"Okay," sabi ko. Nakaramdam ako ng lungkot pero hindi ko na lang ipinahalata. "I love you."

Pero hindi ka sumagot. Pinatay mo ang call. Bumungad sa akin ang pangalan mo sa screen at ang mga katagang "call ended".

Nanlulumong naibaba ko ang mga braso ko. Wala ka na namang sagot. Hindi ka na naman sumagot. Hindi ka na tulad ng dati. Alam kong hindi sukatan ang mga salita para maramdaman ang pagmamahal mo sa isang tao pero bakit hindi mo masabi? Bakit hindi ko na maramdaman iyon mula sa iyo?

"I knew you'd be here," napaangat ang ulo ko sa lalaking lumapit sa akin. Si Julian. May hawak siyang gitara. Umupo siya sa tabi ko. "Umiiyak ka na naman."

Kusang naglakbay ang kamay ko sa mata at pisngi ko. Pinunasan ko ang luhang hindi ko namalayan at tumutulo na pala.

I heard him sigh. Maya-maya nagsimula siyang tumugtog. Napatingin na lang ako sa kanya.

Tumingin siya sa akin at nginitian ako. At nagsimula siyang kumanta.

[SOMEBODY OUT THERE-A ROCKET TO THE MOON]

"You deserve someone who listens to you

Hears every word and knows what to do

When you're feeling hopeless, lost, and confused

There's somebody out there who will

You need a man who holds you for hours

Make your friends jealous

When he brings you flowers

And laughs when he says they don't have love like ours

There's somebody out there who will

There's somebody out there who's looking for you

Someday he'll find you, I swear that it's true

He's gonna kiss you and you'll feel the world standstill

There's somebody out there who will."

Ang ganda ng boses niya. Nakakagaan ng pakiramdam. Nakakakalma.

"He'll take you dancing and pull you in close

Spin you around and won't let you go

Till they turn the lights off and he'll take you home

There's somebody out there who will

There's somebody out there who's looking for you

Someday he'll find you I swear that it's true

He's gonna kiss you and you'll feel the world standstill

There's somebody out there who will

Tossing and turning and dreaming at night

About finding him and praying and hoping you might

'Cause you deserve someone who knows how to treat you right

I know he's out there

He's looking for you

Someday he'll find you I swear that it's true

And he's gonna kiss you and you'll feel the world standstill

Oh

You need someone who'll miss you

Hold you and kiss you

There's somebody out there who will."

Inilapag niya ang gitara sa tabi niya at ngumiti ulit. "I hope that cheered you up."

Nginitian ko siya. "Salamat, Julian. Salamat kasi lagi kang nandyan."

"Yeah. I can't leave my crybaby neighbor alone," pang-aasar niya.

"Hindi ako crybaby," tanggi ko.

"But you're crying again," sabi niya.

Tama siya. Umiiyak na naman nga ako. Pero dahil hindi sa malungkot ako. Basta. Ang alam ko masaya ako ngayon.

"Hanggang kailan ba, Keith?" tanong niya. Napatingin na naman ako sa kanya. Seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin. "Hanggang kailan ka iiyak? Hanggang kailan ka masasaktan? Hanggang kailan ako maghihintay?"

Napamaang ako sa sinabi niya.

"Mahal kita, Keith," sabi pa niya. "Matagal na. I remember the first day I saw you. Iyong araw na lumipat ka sa condo. Nagkasalubong tayo sa hallway. When you looked at me, my heart skipped a beat. When you greeted me and asked me my name, I was hardly able to summon my mind to answer that simple question. Your exquisite smile and radiant glow mesmerized me, enchanting my entire being to the fullest."

"Nang gabing iyon, I was reliving every moment of our encounter - your melodiously pleasant voice, your beautiful face, your graceful presence. I could not focus on anything else. I was in a trance so powerful that nothing else mattered but seeing you again. My love for you grows every day, it matures and becomes stronger, fuller," dagdag niya. "Ang hirap, Keith. Ang hirap malamang may mahal kang iba. At mahirap makitang nasasaktan ka dahil sa kanya. Nasasaktan din ako. Sana ako na lang. Gusto kita mahalin. Gusto kita pasiyahin."

Hinawakan niya ang mga kamay ko. Sobra akong na-overwhelm sa narinig ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapag-react.

"Please give me a chance," pagsusumamo niya. "I swear I will love you with all my heart. I will make you happy. Hinding-hindi kita paiiyakin."

Mabilis kong binawi ang mga kamay ko. "P-Pero may girlfriend ako, Julian. At pareho tayong lalaki. Sorry pero hindi pwede. Mahal ko siya."

"Kahit ikaw na lang ang nagmamahal?"

Napatayo ako sa galit. "Hindi mo alam ang sinasabi mo. Mahal niya ako. Mahal niya ako, Julian. Pagod lang siya."

Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko. Ang bigat ng dibdib ko. Parang gustong sumabog. Alam kong iniisip kong mahal pa ako ng girlfriend ko pero taliwas iyon sa nararamdaman ko... sa nakikita ko.

Tumayo siya at hinawakan ako sa magkabilang-braso. "Tama na, please. Huwag mo na saktan ang sarili mo. Huwag mo na ako saktan."

Inalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sa mga braso ko. "Sorry. Hindi ko maibibigay ang gusto mo."

Naglakad na ako palayo, paalis sa rooftop ng condo building namin. Papunta sa condo unit ko at nagkulong doon. Pasalampak akong nahiga sa kama. Nakasubsob ang mukha sa kama ko at humagulgol hanggang sa lamunin ng antok.

==

TWO YEARS AGO...

"Yes, ma. Nandito na po ako," sabi ko sa kausap ko sa cellphone. "Tawagan na lang kita ulit."

Bumaba ako sa kotse ko para kunin ang mga bag ko sa trunk. Tatlong malalaking bag iyon kaya medyo nahihirapan ako magdala. Buti na lang malapit sa elevator ako nakapag-park kaya hindi malayo ang lalakarin ko.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang 26 dahil doon ang bago kong condo unit. Pagbukas ng elevator, sumalubong sa akin ang isang lalaki.

Mukha siyang foreigner. Hindi maitatanggi ang kagandahang-lalaki niya.

Binuhat kong muli ang mga bag ko at lumabas ng elevator.

"Do you need help?" tanong niya. Napansin niya sigurong nahihirapan akong magbitbit ng mga dalahin ko. Hindi na ako nakatanggi nang kunin niya ang isa sa mga hawak ko. "Saan ang unit mo?"

"268," sagot ko.

"Magkapitbahay pala tayo," sabi niya. "267 ako."

Nang makarating kami sa tapat ng unit ko, ibinaba na namin ang mga bag ko.

"Salamat," sabi ko sa kanya at nginitian ko siya. Para naman siyang natigilan. "Keith nga pala. Ikaw?" Inilahad ko ang kanang kamay ko. Pero nakatulala lang siya sa akin.

"Ah.. Ah eh.. J-Julian," parang natarantang pakilala niya. Nakipagkamay siya sa akin pero mabilis na umalis at pumasok sa kabilang unit,

Okay? Weird.

Napakibit-balikat na lamang ako at pumasok na sa unit ko.

Kinabukasan, nagpasya akong gantihan ang ginawa niyang pagtulong sa akin. At parang pakikisama na rin dahil kapitbahay ko siya at siya ang una kong nakilala rito. Nandito ako ngayon sa tapat ng unit niya, hawak ang isang kahon ng empanada na pinabaon pa ng nanay ko mula sa probinsya.

Kumatok ako at matiyagang naghintay. Nang walang sumasagot at nagbubukas ng pintuan, pinindot ko na ang doorbell. Wala pa ring nagbukas ng pintuan.

"Baka wala siya," sabi ko sa sarili ko. Akmang aalis na ako nang bumukas ang pinto.

"K-Keith?" tanong niya. Magulo ang buhok niya. Wala rin siyang suot na pang-itaas. Tanging boxer briefs lang ang suot niya. Lantad ang matipunong pangangatawan niya. Ang abs na niya tila hinulma ng magaling na sculptor.

Pero nanlaki ang mata ko nang makita ko na nakatayo ang kanyang junior at bakat na bakat ito sa suot niyang briefs. Napansin niya sigurong napatingin ako doon kaya mabilis siyang nagtago sa likod ng pinto.

"S-Sorry. Kagigising ko lang kasi," parang napahiyang sabi niya.

"Okay lang," balewalang sabi ko.

"Bakit pala?"

Iniabot ko ang kahon na hawak ko sa kanya. Tinanggap naman niya iyon. "Salamat sa pagtulong sa akin kahapon."

"Nag-abala ka pa. Maliit na bagay lang naman iyon."

"Galing sa amin sa Ilo-ilo iyan. Sana magustuhan mo," sabi ko.

"Salamat."

Tinanguan ko siya at nagpaalam na.

Naging malapit kami sa isa't isa nang malaman naming sa parehong school kami nag-aaral. First year ako noon at siya at third year student na. Minsan ay nakikisabay pa ako sa kanya o kaya naman ay siya ang sumasabay sa akin.

Siya ang unang kaibigan ko rito sa Manila. Pero hindi ko alam na higit pala roon ang tingin niya sa akin.

==

PRESENT TIME.

KNOCK. KNOCK. KNOCK.

Nagising ako sa malalakas na pagkatok sa pintuan ko. Pupungay-pungay ang mga matang bumangon ako at naglakad papunta roon para pagbuksan kung sino iyon.

Si Julian. Malungkot ang kanyang mukha.

"Sorry," agad niyang sabi sa akin. "Ayokong masira ang pagkakaibigang meron tayo, Keith. Sorry. Sorry kasi minahal kita."

Ngumiti siya ng mapait.

"Hayaan mo. Kakalimutan ko na ito. Sorry," sabi niya pa at umalis na.

Hindi na ako makapagsalita. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. I empathize with him. Kasi parang ganito rin ang nararamdaman ko ngayon. Nagmamahal sa taong hindi ako mahal... o hindi na ako mahal.