Chapter 15 - Chapter 012

ELIJAH'S POV

"Aba, bihis na bihis ka ngayon, anak, ah?" puna ni daddy nang pumasok kami ni Athena sa kusina.

Abala sila ni mommy maghanda ng kakainin namin sa tanghalian.

"May bisita po kasi siya," sagot ni Athena.

"Mukhang special ang bisita mo, anak," sabi naman ni mommy. "Nililigawan mo ba? O baka naman girlfriend mo na?"

"Basta mom, malalaman niyo mamaya," si Athena ulit ang sumagot.

"Kailangan ko palang dagdagan ang lulutuin ko," sabi ni mommy.

Mas lalo tuloy nadagdagan ang kaba at pag-aalala ko. Ine-expect ni mommy na babae ang darating. Ano na lang ang magiging reaction nila kapag nakita nila si Gabriel?

"Relax, bro. Everything will be alright. Trust me," bulong ni Athena at inayos ang kwelyo ng suot kong polo shirt.

As usual, inayusan na naman ako ni Athena. Mukha akong mayamang tito sa suot kong plain yellow polo shirt at white na shorts.

Tinanguan ko siya. Sunud-sunod na malalim na paghinga ang ginawa ko para kalmahin ang sarili ko.

"Tulungan ko na po kayo, mommy," ang sabi ni Athena at tinulungan maggayat si mommy ng mga ingredients.

Tumunog naman ang doorbell.

Shit. Si Gabriel na ata iyan. Naramdaman ko ang pagwawala ng puso ko. Parang hindi ko kaya.

"Kuya, namumutla ka," nag-aalalang sabi ni Athena. Pakiramdam ko rin ay pinagpapawisan ako ng malagkit.

The kaba is real.

"Honey, pakibuksan naman ang tao sa labas. Baka iyan na ang bisita ng anak mo," utos ni mom kay dad.

Lumabas si dad. Kami naman ni Athena ay dumiretso sa sala. Hawak-hawak niya ang kamay ko.

Sumunod si mommy na parang inaabangan kung sino ang bisita ko.

"Gabriel, hijo, ikaw pala!" sumilay ang ngiti sa mga labi ni mommy nang pumasok si Gabriel kasunod ni daddy. Bumeso si Gabriel kay mommy.

"Tamang-tama. May bisita si Eros ngayon. Nagluluto kami ng marami. Dito ka na rin mananghalian," sabi ni dad.

"Sige po. Salamat po," nakangiting sabi ni Gabriel. Tumingin siya sa akin. Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

Bumalik si mommy at daddy sa kusina.

Si Gabriel naman ay umupo sa tabi ko. "You don't look so good."

"First time kasi may ipapakilala si kuya kina mommy. Tapos lalaki pa," sagot ni Athena.

"Akong bahala, Elijah. Magtiwala ka sa akin," sabi ni Gabriel. Hinawakan niya ang isa kong kamay.

"Iwan ko na muna kayo," sabi ni Athena. Tumayo siya at pumasok sa kusina.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Gabriel. Bakas ang pag-aalala sa kanyang gwapong mukha.

Tumango ako.

"I know hindi ito madali para sayo, Elijah. Pero please, trust me on this one, okay?"

"Okay."

Napabitaw ako kay Gabriel nang biglang lumabas si mommy. "Wala pa ba ang hinihintay natin, anak? Kain na muna tayo. Luto na ang pagkain."

"Sige po, mommy," sabi ko.

"Halika na, hijo," sabi ni mommy kay Gabriel.

Tumayo kami at sumunod sa kanya. Nakaayos na ang hapagkainan. Nakaupo na si daddy at si Athena. Animan ang lamesa na iyon. Si mommy at si daddy ay nasa kabisera. Si Athena naman sa kabilang side. Tapos ay magkatabi kami ni Gabriel.

Nagsimula na kaming kumain.

"Anong oras pala dadating ang bisita mo, anak?" tanong ni daddy.

"Ahh... eh..." ang nasabi ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang lahat. Tila ba ay nanghihingi ako ng tulong kay Athena. Naramdaman ko naman ang marahang pagpisil ni Gabriel sa hita ko.

"Baka na-traffic," segunda ni mommy.

"Ang totoo po niyan," sabi ko. Pakiramdam ko parang lalagnatin ako sa kaba.

Seryosong nakatingin sa akin si mom and dad. Inaabangan ang isasagot ko.

"Nandito na po siya," mabilis kong sabi. Napapikit ako.

"Akala ko wala ka nang balak sabihin sa akin, anak," narinig kong sabi ni mommy.

Napadilat ako. Tila gumaan ang atmosphere sa paligid. Walang bahid ng pagkagulat at pagkagalit sa aking mga magulang. SI Athena naman ay nginitian lang ako.

"Nahalata ko naman noong unang pumunta rito si Gabriel. Grabe makatingin sa iyo ang batang ito," dagdag ni mommy at hinawakan sa braso si Gabriel dahil malapit ito sa kanya.

"Alam ninyo?" takang-tanong ko. "At hindi kayo galit?"

"Bakit kami magagalit, anak?" tanong ni daddy. Ipinatong niya ang isang kamay sa balikat ko. "Mas magagalit kami kung hindi mo sasabihin sa amin."

"Okay lang po sa inyo? I mean, kami ni Gabriel?" tanong ko ulit. Hindi man makapaniwala sa naging takbo ng sitwasyon ngayon, hindi ko maitanggi at hindi ko maitago ang sobrang kasiyahan na nararamdaman ko.

"Oo naman, anak," sagot ni mommy. "Basta huwag mo pababayaan ang pag-aaral mo. Saka mukhang mabait namang bata itong si Gabriel."

"Ang totoo nga niyan, anak. Hindi ka pa nakakarating dito sa Manila, nagpupunta na rito itong si Gabriel. Ilang beses nagpaalam sa amin na liligawan ka raw," sabi pa ni daddy.

Napatingin ako kay Gabriel. Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"Pinakiusapan kami ni Kuya Gabriel na huwag ipaalam sayo na matagal na namin siyang kakilala. Para naman hindi ka masyadong mabigla," sabi ni Athena.

"Eh mas nabigla ako ngayon," naiiyak kong sabi. "Grabe kaya ang kaba ko kanina. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa inyo. Nakakainis kayo."

"Sorry na," masuyong sabi ni Gabriel at niyakap ako.

"O siya. Maya na ulit natin ito pag-usapan. Kumain na tayo," natatawang sabi ni mommy.

-

"Ang sarap talagang tumambay rito," sabi ni Gabriel. Nakapikit siya at ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin.

Nandito kami sa rooftop ng bahay namin. Nakatayo sa gilid at nakatanaw sa malayo.

"So, totoo ngang nagpupunta ka na dati dito?" tanong ko.

"That's right," sabi niya. "Nang makilala ko si Athena at nalaman ko na kapatid ka niya, kinaibigan ko na siya. Agad kong sinabi sa kanya ang intensyon ko sayo. Syempre, hindi siya naniwala noong una. Akala niya masamang tao ako. Stalker kumbaga."

"Pero sinuyo ko siya. Hanggang sa naging magkaibigan kami," dagdag niya. "Akala nga sa school, girlfriend ko siya." Natawa siya.

"Grabe ka rin pala, no?" sabi ko. "Grabe ang efforts mo para sa akin."

"Lahat gagawin ko para sayo, Elijah," sabi niya at tumingin siya sa akin. Nangungusap ang mga mata niya. Punong-puno iyon ng pagmamahal. "Ipinagkalat namin noon na may boyfriend ako. Si Eros Elijah Santos. Ikaw iyon."

"At doon mo na rin siya pinakiusapan na magsulat ng kwento na gamit ang pangalan natin?"

Tumango-tango siya. "Para mas convincing. Kaso marami pa ring ayaw maniwala. May mga lumalapit pa rin. Hindi raw nila matanggap na ang isang tulad ko, makikipagrelasyon sa isang lalaki. At hindi rin sila naniniwala na totoo ka." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Until you came."

"Pero bakit ang sungit mo noong una tayong nagkita?" tanong ko.

Bahagya siyang natawa. "How am I supposed to react? Ang taong matagal ko nang hinahanap at gustong makita biglang nasa harapan ko na! Hindi mo naman ako kilala. Hindi ako pwedeng umarte na familiar tayo sa isa't isa. So I had to put up the tough guy act."

"Kung sabagay," pagsang-ayon ko. "So, kailan ko naman i-meet ang family mo?"

Napansin kong bahagya siyang natigilan. Parang nagkaroon ng pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.

"Uy," untag ko.

"I don't want to be unfair to you, Elijah," sabi niya. "Pero ayokong makilala mo sila."

"Pero bakit? Ayaw mo bang makilala ko sila? Ayaw mo bang mabigyan nila tayo ng blessing?"

"Hindi naman sa ganoon," sagot niya.

Marahan kong pinisil ang mga kamay niya. "Nandito lang ako, Gab. Kung anuman iyang inaalala mo, sasamahan kita."

"They hate me, Elijah," diretsang sagot niya.

Natulala ako sa kanya.

"I've been living alone for two years, Elijah," dagdag niya. "Bumukod na ako kasi hindi ko na kaya. Hindi ko na sila kaya makasama."