Chapter 14 - Chapter 011

ELIJAH'S POV

"Can we talk?" tanong ni Gabriel nang mai-park ang sasakyan niya. Kararating lang namin sa school.

"M-Male-late na ako," pagdadahilan ko. "Salamat, Gab."

Mabilis akong umalis at iniwan siya.

I've been trying to avoid him simula nang magising siya kaninang umaga. Hindi ko siya kayang harapin. Nahihiya ako. Dahil sa kalasingan ko kagabi, nasabi ko sa kanya na may gusto ako sa kanya.

Nagpapanggap lang kami. Ginagamit niya lang ako para walang mangulit sa kanya. Hindi niya ako gusto. Hindi ko nga alam kung nagkakagusto siya sa kapwa-lalaki.

Ang sweetness niya, ang mga ngiti niya, hindi totoo ang lahat ng iyon. Tama na, Elijah. Huwag mo na paniwalain ang sarili mo.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Keith. "Kanina ka pa tulala."

"O-Oo," sagot ko. Nilaro-laro ko ang pagkain ko. Wala akong ganang kumain. "Tingnan mo itong si Matthew. Ang lakas magyaya ng inuman tapos aabsent kinabukasan."

"Elijah," sabi ni Keith. Tinitigan niya ako. Parang pinipilit na magsalita ako.

Napabuntong-hininga ako. "Tutal, tayong dalawa lang naman ngayon, sige. Si Gabriel kasi, naamin ko sa kanya na nagkakagusto na ako sa kanya. Lasing kasi ako. Hindi ko na alam ang pinaggagagawa ko."

"What about it? Eh hindi ba mag-boyfriend naman kayong dalawa?"

Napabuntong-hininga ako ulit. "We're not. Totoo ang sinabi ko sa inyo noon. We're not in a relationship, Keith."

"So, ano itong nakikita namin? Ano kayo?"

"Nagpapanggap lang kami, Keith," mahinang sabi ko. "Ginagamit niya lang ako para wala nang lumapit sa kanya."

"Gago pala siya, eh," inis na sabi niya.

"Huwag mo na lang sana ipaalam sa iba," sabi ko. "Sating dalawa na lang ito. Please?"

Halata ang pagtutol sa kanya pero sumuko na rin siya. "Sige. Pero paano na? Ano nang balak mo?"

"Sa ngayon ay iniiwasan ko siya. Hindi ko siya kayang harapin matapos ang katangahang ginawa ko kagabi," sagot ko.

"Pero paano? Hanggang kailan?"

"H-Hindi ko alam. Hanggang sa malimutan kong gusto ko siya? Hindi ko alam, Keith."

"Sana nga madali lang ang makalimot," makahulugang sabi niya. Bakas ang kalungkutan sa mukha niya.

"Okay ka lang?"

"I will be," patango-tangong sagot niya.

"Hey," sabi ko. Ipinatong ko ang kamay ko sa isang kamay niya. "As much as you're here for me, I'm also here for you. You know you can count on me, right?"

"Yeah," sabi niya. "Thank you."

Nagpatuloy ang araw ko na iniiwasan si Gabriel. Walang makakita sa amin na magkasama kaming dalawa dahil hindi ko talaga bibinigyan ng pagkakataon si Gabriel na makalapit sa akin. Sa oras na matanaw ko siya, lumalayo ako kaagad. Hindi ko rin naman siya masyadong nakita sa mga sumunod na araw dahil may exams sila.

Tatlong araw ang lumipas, walang Gabriel. Kahit sa totoo lang, nami-miss ko na siya. Gusto ko na siya makita. Gusto ko na siya makausap.

"Tara na," pagyayaya ni Matthew. Katatapos lang ng huling klase namin sa araw na iyon.

Tumayo na kami bitbit ang mga bag namin.

"Laro tayo mamaya," sabi ni Mico.

"Sige. Chat sa GC kung game na," sabi ko.

"EROS ELIJAH SANTOS!"

Napatigil kami at ang mga estudyante sa paligid dahil sa malakas na pagtawag ng pangalan ko. Nagtakbuhan ang mga tao. Napasunod naman kami at nakita namin si Gabriel sa tapat ng building namin. May hawak siyang megaphone.

"I guess no more running, eh?" sabi ni Keith.

Mukha nga.

"EROS ELIJAH SANTOS! KAUSAPIN MO NA AKO, PLEASE!" sigaw ni Gabriel.

Nakaramdam ako ng pagkapahiya dahil nagbubulungan na ang mga tao sa paligid. Pinagtitinginan na rin ako.

"Lapitan mo na ang jowa mo," sabi ni Matthew.

"Eros Eli-" sisigaw pa sana ulit si Gabriel nang lumapit ako sa kanya.

"Oo na! Tigilan mo na nga iyan! Nakakahiya na kasi!" pagalit kong saway sa kanya.

Iniabot niya sa akin ang isang boquet ng red roses na hawak niya sa isang kamay. Lumakas ang tilian at sigawan sa paligid.

Pucha. Babaeng-babae ang peg ko.

"Tara na. Nakakahiya na talaga," inis at hiya kong sabi. Hinawakan ko sa kamay si Gabriel at niyaya papunta sa parking area. "Anong drama ito?"

"Ayaw mo kasi akong kausapin," parang wala lang na sabi niya.

"Seryoso ka ba? Kailangan may paganito pa?"

"Oo. Para malaman mong seryoso ako," sagot niya.

"Ano pa bang pag-uusapan natin?"

"Elijah," malamyang sabi niya. Pinisil niya ang kamay ko. "Gusto kong malaman kung totoo ang sinabi mo sa akin ng gabing iyon."

Dapat ko nga bang sabihin sa kanya ang totoo? O parte pa rin ito ng pagpapanggap namin.

Nakaramdam na naman ako ng kirot sa aking puso sa isiping nagpapanggap nga lang kami.

"Please tell me it's true," sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Ang mukha niya ay umamo, parang nagsusumamo.

"Elijah, mahal na mahal kita," sabi niya. "Totoo ang nararamdaman ko para sayo. Totoo ang lahat ng ito. Hindi pawang pagpapanggap lang."

Napaawang ang labi ko. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Mahal ako ni Gabriel? Mahal niya rin ako?

"Matagal na akong may gusto sayo, Elijah. Siguro hindi mo ako natatandaan pero matagal na kitang gusto. Matagal na kitang hinahanap. Kaya ngayong nandito ka na, hindi ko na sasayangin ang pagkakataon para mapasaakin ka," dagdag niya.

Sobrang nag-uumapaw ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.

"Totoo ang sinabi ko, Gabriel. Gusto kita," sabi ko.

Ngumiti siya at niyakap ako.

"Dalawang taon na kitang hinahanap, Elijah," sabi ni Gabriel.

Nakaupo kami ngayon sa loob ng sasakyan niya. Magkahawak ang aming mga kamay.

"And one day, nahanap kita. Kay Athena. Nalaman ko na magkapatid kayong dalawa. At dahil alam ko na nagsusulat siya ng nobela, pinakiusapan ko siya. Na kahit sa mva kwento man lang, maramdaman kong nandito ka. Na maramdaman kong mahal mo rin ako," dagdag niya.

Kaya pala. Kasabwat pala si Athena. Kaya pala pangalan ko ang ginamit niya na maging bida sa isinusulat niyang kwento. Ngayong nalaman ko na ang totoo, mas na-appreciate ko bigla ang kapatid ko.

"Grabe ka rin pala," sabi ko. "Pero dalawang taon? Ibig bang sabihin ay nagkita na tayo dati?"

Tumango siya. "Sa isang cosplay convention. Naabutan mo akong kumakanta noon. Sobrang malungkot ako noon pero pinasaya mo ako. You made my day."

Na-realize ko ngayon na siya ang naalala ko habang kumakanta siya.

"At Bad Day ang kinakanta mo?"

"Exactly," nakangiting sagot niya. "Sobrang saya ko nga noong sinabi mo sa akin na may naaalala ka habang kumakanta ka. Kasi alam kong ako iyon."

"Kaya pala sinabi mong special iyon para sa atin," sabi ko. "Kasi iyon ang kinakanta mo noong magkita tayo."

Tumango-tango siya ulit.

"Pero bakit umiwas ka noong sinabi ko sayo na gusto kita?" tanong ko.

"Hindk ko kasi maatim na samantalahin ang pagkakataon na lasing ka. I can't do that to you, Elijah," seryosong sagot niya. "At saka gusto kong masigurado na totoo ang sinabi mo. Hindi sa dahil lasing ka lang."

"Totoo ang lahat, Gabriel. Ilang beses ko hiniling na sana totoo na lang ang relasyon natin," sabi ko.

"Edi totohanin na natin ngayon."

"Gusto kita kaso," nag-aalangang sabi ko. "Kaso paano sila mommy?"

"Kung kailangan kong manligaw at kunin ang loob nila, gagawin ko, Elijah. Papatunayan ko sayo na seryoso ako. Na mahal talaga kita," sagot niya. "Now that my search for you is over, I have to seize every opportunity para patunayang mahal kita."