Chapter 13 - Chapter 010

ELIJAH'S POV:

"Baby, I'm dancing in the dark

With you between my arms

Barefoot on the grass

Listening to our favorite song

When you said you looked a mess

I whispered underneath my breath

But you heard it,

Darling, you look perfect tonight."

Nginitian niya ako matapos ang kanyang maikling pagkanta.

Sino bang hindi mahuhulog sa ngiting iyon. Ang ganda pa ng boses niya. Bakit ang perfect mo, Gabriel?

"Ayos ba?" nakangiting tanong niya.

"Ang galing mo," sinserong sagot ko. Totoo naman na magaling siyang kumanta. Kung sino man ang makakarinig sa kanya ay siguradong mai-inlove. Kaya siguro nasabi ni Julian na may lumalapit sa kanyang babae kada matatapos ang performance nila.

"Nagustuhan mo?"

"Oo," sagot ko. Pero mas gusto kita. "Pero mag-aral ka na diyan."

"Opo," parang maamong tupa na sagot niya.

Nandito kami sa gilid ng Engineering building. May open area rito na study area ng Engineering students. Napapalibutan ito ng mga puno at halaman kaya masarap tumambay dito para mag-aral at magmuni-muni.

"Nag-kiss na kayo?" pabirong tanong ni Michael at inilapag sa lamesa ang pinamiling inumin. Naupo siya sa kabilang side. Umupo sa tabi niya sa Michael.

"Nandito kayo para mag-aral. Hindi para lumandi," sabi ko.

"Yes, sir," sabi ni Michael. "Ang strikto naman nitong boyfriend mo, Gab."

"Bakit ba dito pa niyo pa naisipang mag-aral?" tanong ko.

"Tanungin mo siya," sagot ni Julian at ngumuso paturo kay Gabriel.

Saglit na tumingin sa akin si Gabriel at kapagkuwan ay ibinalik ang tuon sa binabasang makapal na medical book.

"Sana all sweet," sabi ni Michael.

Sana nga totoo.

"May representative na kayo para sa Mister and Miss Rutherford?" biglang tanong ni Julian.

"Ewan ko," kibit-balikat kong sagot. "Hindi naman ako interesado sa mga ganyan."

"Bakit hindi ka sumali?" tanong ni Michael.

"Seryoso ka ba? Nakikita mo ba ang hitsura ko? Hindi ako pwede sa ganoon," sabi ko.

"Masyado mo namang minamaliit ang sarili mo. Wala namang mali sayo, ah?" biglang sabat ni Gabriel.

"Pagwapuhan at pagandahan ang labanan doon. Talo na ako kaagad," giit ko.

"Pero para sa akin, gwapo ka," mahinang sabi ni Gabriel. "Especially that night,"

"Exactly what he said," sabi ni Julian. "Ayusan ka lang, aangat ang kagwapuhan mo, Elijah."

"Kahit na," sabi ko. "Hindi ko pa rin hilig ang ganyan."

"You're my peace of mind

In this crazy world

You're everything I've tried to find

Your love is a pearl

You're my Mona Lisa

You're my rainbow skies

And my only prayer is that you realize...

You'll always be beautiful in my eyes."

Napatitig na lang ako nang biglang kumanta si Gabriel. Titig na titig siya sa akin habang kumakanta siya. Parang sinasabi na para sa akin ang kantang iyon at iyon ang gusto niyang sabihin sa akin.

-

"Ang tamis," sabi ni Matthew habang nakatingin sa cellphone niya. Nagkukumpulan na naman ang tatlong ito.

"Ang ganda naman ng kaibigan namin," pang-aasar ni Mico. "Kinakantahan ni Gabriel. Ikaw na, Elijah."

"Manahimik nga kayo," kunwari ay inis kong sabi. Pero sa totoo lang ay kinikilig na ako.

Sino bang hindi kikiligin kapag kinakantahan ka ng mahal mo, hindi ba?

Pero panira talaga ng araw iyong mga taong walang magawa kung hindi ang kunan kami ng litrato. Ngayon ay video naman ang naka-post.

"Paano ba naging kayo?" usisa ni Keith. Napatingin din ang dalawa sa akin.

Paano nga ba? Ahh... nagpapanggap nga lang pala kami. Pero hindi ko pwedeng sabihin iyon sa kanila.

"Uwi na tayo," sabi ko, trying to dodge the question. Tumayo ako at dinampot ang bag ko.

"Ang damot naman nito," pagmamaktol ni Matthew. Sumunod din sila sa amin. Naglakad kami palabas ng building nang madatnan namin si Will sa labas. Parang may hinihintay.

"Elijah!" nakangiting sigaw ni Will. Tumakbo siya palapit sa amin. "I've been waiting for you."

"Huh? Bakit?" takang-tanong ko.

"Yayain sana kita mag-dinner," sagot niya.

"Ahh, hindi ako pwede. May gagawin kami," sagot ko. Nahalata ang disappointment sa mukha niya.

"Sige. Next time na lang siguro," sabi niya at umalis na.

"I smell something fishy," bulong ni Matthew. "Pinopormahan ka ba ng lalaking iyon?"

"Hindi naman siguro? At bakit ako popormahan ni Will? Nagkakagusto siya sa lalaki?" sabi ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nasa unahan namin si Matthew at Mico. Katabi ko si Keith.

"A friendly advice, pare. Huwag ka masyado magdididikit kay Will," bulong sa akin ni Will.

"Bakit?"

"Basta," sagot niya. "Kung ayaw mong magkagulo. Layuan mo siya hangga't maaari."

Pero bakit? Mabait naman si Will. Bakit kailangan kong lumayo at umiwas sa kanya?

"Grabe kayo! Ang usapan, gagawa ng assignment! Hindi mag-iinom!" asik ko sa kanila nang maglabas si Matthew ng isang case ng alak.

Nandito kami sa maliit na garden ng bahay niya. Nakasuot pa kami ng school uniform dahil dito kami dumiretso pagkatapos ng klase.

"Ang KJ mo, Elijah," sabi ni Mico.

"Bahala kayo diyan," sabi ko. "Hindi ako nag-iinom. Saka may pasok pa tayo bukas."

"Walang ganyanan, pare. Inom ka kahit isang bote lang," sabi ni Matthew. Pilit niyang iniaabot sa akin ang isang bote ng alak na bagong bukas lang.

"Sige na. Kahit isa lang. Tapos ihatid na kita sa sakayan pagkatapos mo niyan," sabi sa akin ni Keith.

Wala na akong nagawa. Habang sila ay nagkakasiyahan, ako naman ay dahan-dahang iniinom ang alak na hawak ko. Paunti-unti lang dahil hindi ko talaga gusto ang lasa.

Pero ang isa ay nasundan pa ng isa at ng isa pa.

"Tangina, mga pare. Lasing na si Elijah," paungol na sabi ni Matthew. Lasing na lasing na siya.

Ang init ng pakiramdam ko. Feeling ko namumula rin ang mukha ko. Ang gaan din ng pakiramdam ko lalo na sa bandang ulo. Ah, bahala na.

Halos pahiga na rin ang pagkakaupo ko sa bakal na garden chair.

"Siguro ihatid ko na si Elijah," ang sabi ni Keith. Namumula na rin ang mukha niya pero parang wala siyang tama ng alak. Mukhang sanay sa inuman.

"Alam mo ba kung saan siya nakatira? Delikado kung babiyahe siya ngayon. Gabing-gabi na tapos lasing pa siya," sabi naman ni Mico. Parang wala lang din sa kanya ang ininom na alak.

"Pahiram ng phone mo, Eli," sabi ni Keith.

Wala sa sariling iniabot ko iyon sa kanya. Pinanood ko lang siya na may kausapin sa cellphone ko. Nang matapos ang tawag, iniabot niya sa akin iyon.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Nahihilo ako. Gusto ko na matulog.

Nagising na lang ako nang maramdaman kong may bumuhat sa akin.

"K-Keith?" tanong ko. Hindi ko magawang maidilat ang mga mata ko. Grabe talaga ang nararamdaman kong pagkahilo.

Ramdam ko ang matitigas na brasong bumubuhat sa katawan ko.

Maya-maya ay naramdaman ko na ipinaupo niya ako at kinabitan ng seatbelt. Naramdaman ko rin ang pag-upo niya sa tabi ko.

Ngayon ay pinilit ko ng idilat ang mga mata ko.

Natawa ako. "B-Bakit parang kamukha mo si Gabriel, Keith?" tanong ko. Sinundot-sundot ko ng daliri ko ang pisngi niya.

Tumitig lang siya sa akin.

"Namamalikmata na ata ako. Kasalanan mo kasi ito, Gab," ang sabi ko pa. "Kasalanan mo ang lahat ng ito. Hindi ko inaasahan na magkakaganito pero nagkakagusto na ako sayo."

Nagtangka akong ilapit ang mukha ko sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero grabe ang urge sa kalooban ko. Gusto ko siyang halikan ngayon.

Pero umiwas siya. Hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat at inayos ang pagkakaupo ko.

For a moment, I felt my heart broken. Kaya hindi na ako nagsalita. Kaya hindi na ako umimik. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nagpanggap na natutulog.

Nang idilat ko ang mga mata ko, maliwanag na ang paligid. Wala na ako sa bahay ni Matthew. Nakasuot na rin ako ng pantulog ko.

Nasapo ko ang ulo ko. Ang sakit pucha. Bakit ba ako pumayag na uminom?

Nang tinangka kong maupo, may natamaan ako sa tabi ko. Kinapa-kapa ko ito. Matigas. Mainit. Napabalikwas ako ng bangon nang ma-realize ko kung ano iyon.

Isang tao.

"G-Gabriel?" ang nasambit ko. Nahila ko kasi ang kumot ko nang tumayo ako kaya lumantad kung sino ang katabi ko.

Mahimbing pa rin ang tulog niya. Tanging shorts lang ang suot niya. Lantad na lantad ang napakagandang katawan niya.

P-Pero bakit siya nandito? Dito siya natulog kagabi?

And then it suddenly hit me. Si Gabriel nga ang bumuhat sa akin kagabi? Nagtapat nga ba ako sa kanya?

Pero ni-reject niya ako. Hindi niya man tahasang sinabi, pero ni-reject niya ako.