Chapter 12 - Chapter 009.1

ATHENA'S POV:

"So kumusta naman ang gabi mo?" tanong ko sa kapatid ko. As usual, nandito na naman ako sa kwarto niya.

Taliwas sa general conception ng tao sa kwarto ng lalaki, malinis at mabango ang kwarto ni kuya. Maganda ang accent ng black at blue na tema ng kanyang kwarto. Marami ring naka-display na action figures mula sa anime at games.

Humiga ako sa kama niya. Siya naman ay nakaupo lang at abala sa paglalaro sa kanyang cellphone.

"Okay lang," tipid na sagot niya.

Napasimangot ako. "Iyon lang? Okay lang? Ayaw mo magkwento?"

Saglit na tumingin siya sa sakin at mabilis ding ibinalik ang tingin sa nilalaro. "Medyo nahihiya nga ako kay Gab. Baka iniisip niya, hindi ako nag-enjoy."

"Anong nangyari?"

"Ang weird kasi. Habang kumakanta siya, may ibang tao akong naalala. At ang mas weird, di ko maalala ang mukha ng taong iyon. Basta ganoon," sagot niya. "Para bang narinig ko na kumanta si Gab before. Pero ibang tao talaga ang nasa isip ko. Sobrang weird."

"Oo, ang weird mo," sabi ko. "Mag-sorry ka kay kuya Gabriel."

Tumayo ako.

"May lakad ka?" tanong niya.

"Magmo-mall. Sama ka?"

"Hindi na. Uwian mo na lang ako ng milktea."

"Okay," sabi ko. Lumabas na ako sa kwarto niya. Naligo. Nag-ayos ng sarili. Isang simpleng striped shirt lang ang suot ko na pinatungan ko ng overall demin dress. Tinernuhan ko na lang ng brown na leather boots.

"Alis lang po ako, mommy," sabi ko kay mommy na naabutan kong nagluluto ng tanghalian namin sa kusina.

"Hindi ka ba muna kakain?"

"Hindi na po. Sa mall na lang po," sabi ko. Humalik ako sa pisngi niya. "Uwi rin po ako agad."

"Mag-ingat ka."

Umalis na ako. Nag-book na lang ako ng Grabcar. Sanay naman ako mag-commute pero kasi, hindi maiwasang magkaroon ng mga loko-loko sa paligid. Ang ganda pa naman ng araw ko ngayon. Kasing ganda ko.

Nang makarating ako sa mall, dumiretso ako sa book store. Maaga pa naman. Maya pa siguro darating ang kikitain ko rito. 11;30 AM kasi ang usapan namin. 10:45 AM pa lang.

"Miss Athena?" excited na tanong ng isang babae habang abala ako magbasa ng mga synopsis ng libro.

Nginitian ko siya.

"OMG! Idol na idol po kita," sabi niya. "Avid reader po ako ng novels niyo."

"Salamat," nakangiti pa ring sabi ko.

"Pwede po magpa-picture?" tanong niya.

"Sure," sabi ko. Tumabi siya sa akin at nag-pose kami for a selfie.

"Thank you po, Miss Athena. More power po sa inyo," sabi niya at umalis na.

Sinilip ko ang cellphone ko. 11:20 AM na. May message notification na rin.

"Nandito na ako," ang sabi niya.

Umalis na ako sa bookstore at nagpunta sa meeting place naming dalawa.

"Ang aga mo naman," sabi niya. Ang gwapo niya sa suot na simpleng white shirt at tan shorts na above knee-length. Nakasuot din siya ng puting sneakers. Simple pero malakas ang dating.

"Nagpunta pa kasi ako ng bookstore, kuya," sabi ko.

"Mag-lunch na ba tayo o may gusto ka munang puntahan?"

"Hmm... Punta tayo sa department store. Parang gusto ko bumili ng bagong beddings," sagot ko.

"Tara," sabi niya.

We walked side-by-side hanggang department store. Hindi naman nalalayo ang height namin. 5'8" siya, ako naman ay 5'6". Mas matangkad pa rin ako kay Kuya Elijah. 5'3" lang kasi siya. Namana kay mommy.

"Mukhang maganda ito," sabi ko at itinuro sa kanya ang itim na bedsheet na may puting linings.

Hinawakan niya ito. "Ayos to. Malambot ang tela."

May lumapit naman sa aming saleslady. "Ano pong hanap nila?"

"May mga ganitong klase pa ba kayo? Gusto ko ganitong tela," sagot ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtitig niya sa kasama ko.

"Ang cute ng boyfriend mo, maam," sabi niya.

"Oo, cute siya. Pakiasikaso ang request ko, please," pagtataray ko. "At hindi ko siya boyfriend. Boyfriend siya ng kuya ko."

Para naman siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Walang imik na umalis siya para siguro ihanap ako ng nire-request kong bedsheets.

"Feelingera," mahinang sabi ko.

"Wala talagang nakakaligtas sayo, ano?" natatawang sabi ni Gabriel.

"Aba syempre. Kuntodo pa-cute kaya sayo yung babae," iritadong sabi ko. "Buti na lang hindi ka marupok. Kung hindi, kawawa ang kapatid ko."

"Alam mo namang si Elijah lang ang gusto ko," sabi niya. "Kaya nga nag-request ako sayo na isulat yung kwentong iyon, hindi ba?"

"Oo na. Manggagamit ka talaga, eh no?"

"Gusto mo naman. Lowkey fujoshi ka, hindi ba?" pang-aasar niya. "Saka nililibre naman kita, ah?"

Note: fujoshi is a reclaimed Japanese term for female fans of manga, anime and novels that feature romantic relationships between men.

"Oo na," sabi ko. "Basta sa buffet tayo kakain mamaya."

-

JULIAN'S POV:

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay Michael. Ang sarap ng pagkakahiga niya sa kama ko. Dito na naman siya umuwi sa condo ko matapos malasing kagabi.

"Ang damot mo naman," reklamo niya. "Weekend ngayon, pare. Hayaan mo akong magpahinga."

"Doon ko sa bahay mo magpahinga," sabi ko.

Napabuntong-hininga na lang ako nang magtalukbong siya ng kumot.

"Lalabas lang ako. Nagugutom na ako," ang sabi ko. "Anong gusto mo?"

"Ikaw," sagot niya.

"Gago ka talaga. Palibhasa hindi ka naka-score kagabi."

"Kasalanan mo naman."

"Aba natural na pigilan kita! Sa CR pa kayo magtitirahan ng babaeng iyon! Kaunting pag-iingat naman, Mike! Baka kung anong sakit pa ang makuha mo."

"Oo na, mom," sabi niya.

Hay. Pasaway talaga. Hindi ko na siya inistorbo. Lumabas na ako ng condo. Dumiretso ako sa elevator. Nang bumukas iyon, bumungad sa akin si Keith. Namumula ang mga mata niya. Halatang galing sa pag-iyak.

Tumango siya at lumabas ng elevator. Nang lumampas siya sa akin, mabilis kong hinawakan ang braso niya.

"Umiyak ka na naman," ang sabi ko.

"None of your business," asik niya.

Pinaharap ko siya sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "At kailan ka pa naging ganyan sa akin? Matagal na tayong magkakilala, Keith. Magkapitbahay nga lang tayo. You just can't tell me it's none of my business. Mas lalo akong nag-aalala."

Tahimik lang siya.

"Siya na naman ba?" tanong ko. Kahit alam ko na ang sagot, mabuti pa rin na manggaling iyon sa kanya.

Tumango siya.

I sighed. "Bakit ba hindi mo kaya mag-let go? Why do you cling to pain? Huwag mo na saktan ang sarili mo, Keith."

"Kasi mahal ko siya."

"No," sabat ko. "Kasi nanghihinayang ka. Kasi nanghihinayang ka sa limang taon ninyong pinagsamahan. Pero ito ang tandaan mo, Keith. Wala sa tagal ng relasyon iyan. Iyon ay nasa kung worth it pa ba ang relasyon ninyong dalawa. Sa kung masaya ka pa ba? Sa kung mahal niyo pa ang isa't isa."

"Pero kasi..." naiiyak niyang sabi. Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya at kulungin sa mga braso ko. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya. "Bakit kasi nagkaganito? Bakit niya kailangan umalis? Bakit kailangan naming masira?"

"Hindi lang talaga natin kontrolado ang tadhana, Keith," sabi ko. "Some things are just meant to happen. And it happens for a reason."

"Ang sakit, Julian. Sobrang sakit."

"I know. I know. Okay lang masaktan," sabi ko. "It's part of the process."

"Nakain ka pala sa ganito," sabi niya.

Sa wakas at kahit papaano ay ngumingiti na siya ulit.

"Oo naman. Anong tingin mo sa akin?" asik ko.

"Rich kid," diretsang sagot niya. "Self-centered. Maarte."

"Grabe ka sa akin," sabi ko. "Kumain ka na nga lang diyan."

Ipinagpatuloy namin ang pagkain ng beef pares na nandito lang sa tapat ng condo namin.

"Thank you, ah?" nakangiting sabi niya.

"Oo naman. Parang nakababatang kapatid na kita. Basta nandito lang ako kapag kailangan mo ako," sabi ko.

"Oo nga! At nakalimutan mo na ako!" inis na sabi ni Michael na biglang sumulpot sa tabi namin. "Grabe! Gutom na gutom na ako!"

"Sino bang may kasalanan? Pahiga-higa ka pa eh!" sumbat ko.

Umupo si Michael sa pagitan namin ni Keith. "Manong! Isang order nga!"