Chapter 11 - Chapter 009

ELIJAH'S POV:

I feel so out of place. Hindi dahil sa suot ko, kung hindi dahil ito ang first time ko sa ganitong klaseng lugar. At ngayon, mag-isa lang ako. Nakaupo ako malapit sa stage dahil dito ako iniwan ni Gabriel bago siya pumunta sa backstage. In a few minutes, magpe-perform na sila.

Pilit kong inaaliw ang sarili ko sa pang-rakistang tugtugin ng bandang nagpe-perform ngayon sa stage. Hindi ito ang tipo kong tugtugin pero kailangan pagtiyagaan.

"Hey," sabi ng isang babae. Malandi ang kanyang pagkakasabi niyon. Malagkit din ang titig niya sa akin. Hindi ako mangmang para hindi malaman na she's flirting with me. "Mag-isa ka lang?"

"Ah... eh..."

"He's with us," sabi ni Julian. Bigla silang sumulpot ni Michael sa tabi ko.

"Hey boys," malanding sabi ng babae. Nilawayan pa niya ang kanyang namumulang mga labi sa kapal ng kanyang lipstick. Hinaplos niya ang dibdib ni Michael.

"Let's grab a drink, shall we?" tanong ni Michael sa babae. Naghawak-kamay pa silang dalawa bago tuluyang umalis.

"Pasensya ka na. Na-late kami," sabi ni Julian. Umupo siya sa upuan sa tabi ko. Bar stool iyon. Kaya nga medyo sumasakit na rin ang likod ko. Wala kasing sandalan.

"Okay lang," sabi ko.

"Bakit hindi ka umo-order?"

"H-Hindi ako nainom."

"First time mo rito, no?" tanong niya. Tumango ako. "Sige. Akong bahala sayo."

Itinaas niya ang kamay niya. Kapagkuwan ay may lumapit sa amin na isang waiter.

"Boyfriend mo, Sir?" tanong ng waiter.

Natawa si Julian. "Hindi. Kaibigan ko. Boyfriend ni Gabriel."

Tumango-tango si Eric. Normal na lang ba talaga pag-usapan ang pagiging mag-boyfriend ng dalawang lalaki?

"Anong order ninyo?" tanong ni Eric.

"Ahhh, Eric. Isang bucket ng beer para sa akin," sabi niya sa waiter. "Saka isang juice lang para sa kasama ko."

"Hindi iinom si Sir?" tanong ni Eric.

"Hindi. Hindi siya nainom. Saka baka mapagalitan ako ni Gab," sagot ni Julian.

"Okay. Pahintay na lang ng order nila," sabi ni Eric at umalis na.

"Sayo lang ang isang bucket ng beer?" tanong ko kay Julian.

"Oo."

Mabilis ding dumating ang in-order namin. Dahan-dahan pa ang pagsipsip ko sa straw. Nahihiya pa rin ako sa kasama ko. Juice ang akin. Para naman akong babae tuloy. Si Julian naman ay sinimulan na rin ang unang bote ng beer niya.

"Ahh... Julian. May itatanong ako," sabi ko. Magkahawak ang aking kamay. For some reason, parang nilalamig ako.

Tiningnan niya ako na parang hininintay ang susunod na sasabihin ko.

"Okay lang ba sa inyo? I mean, iyong sa amin ni Gabriel?"

"Bakit naman hindi?" sabi niya. "Kung masaya ang kaibigan ko, sino ako para hindi siya suportahan, hindi ba?"

Tama naman siya. Hindi na ako umimik. Ibinalik ko ang tingin sa bandang nagpe-perform sa stage.

"THANK YOU!" sigaw ng lead vocalist. Nakabibingi ang pang-rakista niyang boses. Nag-alisan na sila sa stage at sunod na umakyat ang banda ni Gabriel.

Tumingin si Gabriel sa akin at tinapunan ako ng isang ngiti. God! Napakagwapo.

"Magandang gabi sa inyong lahat," ang pagbati ni Gabriel. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga manonood.

"Sikat talaga iyang si Gabriel. Ang dami ngang nai-in love diyan kapag natugtog iyan. Kada matatapos ang performance nila, may lalapit sa kanya," bulong ni Julian. "Pero syempre, he always turn them down. Kasi ikaw lang ang mahal niya."

Sana nga mahal niya ako. Sana totoo na lang.

"Our song for tonight is for someone special. Nanghingi ako ng suggestion sa kanya pero ang sabi niya sa akin, puro anime songs lang ang alam niya. Kaya ako na lang ang pumili ng kanta para sa kanya. Kasi special din ito para sa amin. Or at least, para sa akin," sabi ni Gabriel. Titig na titig siya sa akin.

Special sa amin?

Nagsimula silang tumugtog. Si Gabriel ang vocalist.

"Where is the moment we needed the most

You kick up the leaves and the magic is lost

They tell me your blue skies fade to grey

They tell me your passion's gone away

And I don't need no carryin' on."

Bakit parang familiar? Hindi dahil sa alam ko ang kanta kung hindi dahil parang narinig ko nang kinanta niya iyon dati.

"You stand in the line just to hit a new low

You're faking a smile with the coffee to go

You tell me your life's been way off line

You're falling to pieces every time

And I don't need no carryin' on"

"'Cause you had a bad day," ang pagkanta ng isang lalaki. Bumalik sa alaala ko ang isang kumakantang lalaki. Nakaupo kami sa may hagdanan. Kumakanta siya. Umiiyak. "You're taking one down."

"Singing helps me escape from the reality I live in," ang sabi ng lalaki. Hindi ko pa rin maaninag ang kanyang mukha. Bakit naaala ko ito pero hindi ang kanyang mukha? Sino siya?

At bakit ang pagkanta ni Gabriel ang nagpapaalala sa akin niyon?

Nagpatuloy ang pagkanta ni Gabriel sa stage. Pero hindi ko na marinig ang ibang parte niyon. Sunod-sunod ang flashbacks sa aking isipan.

"Gusto mo sumama sa akin?" ang tanong ko sa kanya. Inilahad ko ang kamay ko. Tiningnan niya iyon pero maya-maya rin ay tinanggap niya.

Inalalayan ko siyang tumayo.

"I will make sure na mag-eenjoy ka," ang sabi ko. Malabo pa rin ang mukha ng lalaki sa alaala ko.

Naglibot kaming dalawa sa convention hall kung saan ginaganap ang isang malaking cosplay event. Marami kaming pinuntahang stalls. Tinulungan niya ako magpakuha ng litrato sa mga cosplayers.

Kukunan ko sana siya ng litrato kasama ang mga cosplayers pero tumanggi siya.

"Hindi ako mahilig sa ganito. Sinamahan ko lang talaga ang mga kaibigan ko," ang sabi niya.

Pero bigla siyang nawala. Hinanap ko siya pero hindi ko na siya nakita. Ni hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Gabriel. Nagda-drive na siya. Ihahatid na niya ako pauwi ng bahay.

Ngumiti ako. "Oo. Salamat sa pag-imbita."

"May problema ba? Hindi mo ba nagustuhan ang kanta ko?"

Parang na-guilty na naman ako.

"Nagustuhan ko," sabi ko. "Pero..."

"Pero?"

"Your song... The way you sing. It reminded me of someone," diretsang sagot ko. "Hindi ko siya matandaan. Ang alam ko lang nakilala ko siya sa isang cosplay event na pinuntahan ko noon dito sa Manila." Napayuko ako. "Sorry."

"Okay lang," narinig kong sabi niya.

"Goodnight, hubby," sabi niya. Nakatayo kami ngayon sa labas ng gate ng bahay namin.

"Wala namang ibang tao, Gab. Hindi mo na ako kailangang tawagin ng ganyan," sabi ko.

"Bawal ba?"

"Hindi naman."

"Hindi pala, eh. I can call you hubby whenever and wherever I want," sabi niya.

Nakakainis. Umaasa na naman tuloy ako.

"Sige. Ingat ka pauwi, Gab," sabi ko.

"Wala bang goodnight kiss?"

"Sira," sabi ko.

"Isa lang. Please?" pagmamakaawa niya.

I sighed. Lumapit ako sa kanya at mabilis na ginawaran siya ng halik sa pisngi.

Nginitian niya ako. "Bye."

Sumakay na siya ulit sa kotse niya at nag-drive paalis.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng pagkabog niyon. Be still, my heart. Be still, please. Pigilan mo ang umasa.