ELIJAH'S POV
"Pwede ka mamaya?"
Napatingin ako kay Gabriel. Naglalakad kaming dalawa pabalik sa Engineering building. Nagpumilit siya na ihatid ako kahit na mahigpit ang pagtutol ko. Sina Julian at Michael naman ay humiwalay na sa amin matapos naming kumain.
"Saan?" tanong ko.
"Tutugtog ang banda namin mamaya. Manood ka."
"Nagbabanda ka pala?" tila ba ay na-excite kong tanong. I didn't expect this.
Ano pa bang kaya nitong gawin bukod sa pagiging sobrang gwapo, matalino, naglalaro din ng football, tapos ngayon, nagbabanda?
I can't believe there is so much more to know about him.
"Yeah. I play the guitar. And minsan, nakanta rin ako," sagot niya. "So pupunta ka?"
"Hindi ako sigurado, eh."
"If pupunta ka, pwede ka mag-request sa akin ng kahit anong kanta. I'll sing it for you."
Wag ka ngang ganyan. Nahihirapan na nga akong humindi sa iyo, tapos kakantahan mo pa ako? Ang rupok-rupok ko na pagdating sa iyo, Gabriel! Huwag mo na palalain.
"Wala naman akong alam na mga kanta bukod sa mga anime soundtrack," pagdadahilan ko.
"Then let me choose a song for you. Pumunta ka na, please. Sisiguraduhin kong mag-eenjoy ka," sabi niya. There he goes again with his pleading voice.
Hinawakan niya ang kamay ko. Para tuloy legit kaming mag-jowa na holding hands while walking ang drama. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga nakakasalubong namin at ng ibang nasa paligid.
Masarap sa pakiramdam. Masaya ako kahit peke ang lahat ng ito.
"Bakit ba gusto mo na pumunta ako?"
"Is it wrong to have my boyfriend watch me while I sing?" sa halip ay tanong niya.
Pero hindi tayo totoong mag-boyfriend, Gabriel. Nagpapanggap lang tayo. Ginagamit mo lang ako para wala nang lumapit sayo.
Gustong-gusto kong sabihin sa kanya iyon pero hindi ko magawa. Wala akong lakas ng loob. Wala akong lakas ng loob na saktan ang sarili ko.
Hawak na niya ang dalawa kong kamay. Magkaharap kami sa isa't isa habang nakatayo sa tapat ng building namin.
"Please?" pagmamakaawa niya.
I sighed. "Magpapaalam ako."
Sumilay na naman ang nakapaganda niyang ngiti. Sobrang gwapo niya talaga kapag ngumingiti.
"Let me have your number then," sabi niya.
"Okay," sabi ko at kinuha ang cellphone ko. Dinikta ko sa kanya ang cellphone number ko. Pina-ring niya pa ang cellphone ko.
"That's my number. Save it," sabi niya. "I'll call you later."
"Sige," sabi ko na lang. I love you.
"Bye," nakangiti pa ring sabi niya. Pinisil niya ang mga kamay ko bago tuluyang umalis.
"Talagang dito pa kayo naglalandian, ah?" sabi ni Matthew na biglang sumulpot mula sa likuran ko at sinundot ang tagiliran ko.
"Pucha!" malakas kong paghiyaw. "Ang gago mo talaga kahit kailan."
"At ang sungit mo," ganti niya.
"So, ano na? Itatanggi mo pa ba?" tanong ni Mico.
"Oo na. Hindi na," sabi ko na lang. Naglakad na ako papasok ng building. Iniwan ko na silang dalawa roon.
--
"Ang sagwa ng suot mo," sabi ni Athena na akala mo ay nandidiri pa. "Parang hindi ka sa club pupunta."
"Eh sa dito ako komportable. Pakialam mo ba?" asik ko.
Nakasuot kasi ang ako ng polong puti tapos may sweat shirt na green. Tinernuhan ko pa iyon ng brown na pants at puting sapatos.
She rolled her eyes. "My God, kuya! Ipapahiya mo naman ang boyfriend mo sa suot mo!"
"Eh ano ba? First time ko naman kasi pupunta sa ganoong klaseng lugar."
"You're so hopeless," sabi ni Athena. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama ko at binuksan ang cabinet ko.
"Babaduy ng damit mo. Pero pwede na gawan ng paraan," sabi ni Athena. "Hubarin mo yang pang-itaas mo. Mukha kang gigimik noong 1970s."
"Labas ka muna," nahihiyang sabi ko.
Pinanlakihan niya ako ng mata. "Sa akin ka pa mahihiya? Magkapatid tayo. Saka hindi ko pinahuhubad ang pantalon mo. Yung pang-itaas lang."
Wala na akong nagawa. Hinubad ko na ang sweatshirt ko at ang polo ko. Hindi naman pangit ang pangangatawan ko. Tamang-tama lang. Hindi payat. Hindi mataba. Wala lang talagang hulma ng muscles dahil hindi talaga ako nagwo-workout o nagdyi-gym.
"Wear this," sabi niya at inabutan ako ng puting shirt.
"Iyan lang?" takang-tanong ko.
"Uh-uh."
Nagdadalawang-isip man, kinuha ko na iyon sa kanya. Sinuot ko ito. Medyo manipis pa. Hindi ako komportableng ganito lang ang suot.
"Wait lang," sabi niya at mabilis na lumabas. Umupo ako sa kama ko para maghintay sa kanya. Pagbalik niya, may dala na siyang brown na black na bomber jacket.
"Ipatong mo ito," utos niya. "Paltan mo rin yang pantalon mo. Sa club ka pupunta, hindi sa job interview."
"Ano?"
"May jeans ka di ba? Mas hapit, mas maganda. Yung shoes mo, okay na iyan," sabi niya. "Tawagin mo ako kapag okay na. We'll do something about your hair." Lumabas siya ulit.
Nagpalit na ako. May jeans naman ako na medyo hapit, regalo niya sa akin. Hindi ko lang sinusuot kasi hindi ako komportable sa ganoon.
"Okay na!" sigaw ko. Mabilis naman siyang pumasok.
"Nice. Eh di mas maayos kang tingnan. Pormahan mo kasi para kang magsisimba," sabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto sa sinasabi niya. "Upo ka."
Umupo nga ako. Lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ko. May hawak siyang maliit na container. Parang hair gel. Hinubad niya ang salamin ko.
Hinayaan ko na lang siyang ayusan ako.
"Perfect," sabi niya matapos ang ilang minutong pagsabunot sa akin at matapos ang ilang buga ng mainit na hangin mula sa hair blower. Isinuot niya ulit sa akin ang salamin ko.
Pinatayo niya ako at pinalakad palapit sa malaking salamin sa tabi ng kama ko.
"You look great. Kapag hindi pa na-in love sayo si Gabriel, ewan ko na lang," sabi niya.
Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. It's like I'm a whole different person. Ang tanging bakas ng dating ako ay ang salamin ko na lang. Ang dating bagsak kong buhok ay medyo naging wavy. Iyong parang sa mga Koreano.
"Okay na iyang salamin mo. Maganda nan ang style. Hindi naman gaano kakapal ang salamin. Bagay sa outfit mo ngayon. Mukha ka nang handsome geek kaysa nerd."
"Thanks, sis," sabi ko. Niyakap ko siya.
"Tama na ang drama. Naghihintay na ang jowa mo sa baba."
"Sira. Alam mo namang hindi kami mag-boyfriend."
"Eh di, future boyfriend," sabi niya.
Bumaba na nga ako. Nadatnan ko si Gabriel kausap ang mommy ko sa sala. Mukhang palagay na ang loob nila sa isa't isa.
Nang mapansin nila ako, hindi maitanggi ang pagkamangha sa mukha ni Gabriel. Muling sumilay ang nakapaganda at napakatamis niyang ngiti.
His eyes are fixated on me. As if he was stunned.
Gwapong-gwapo siya sa suot niyang white shirt at denim jacket. Hapit na hapit rin sa bilugan niyang hita ang kanyang suot na jeans. Nakaputing smart sneakers din siya.
"Aba, hindi ko na makilala ang anak ko, ah?" pabirong sabi ni mommy.
"I-Inayusan po ako ni Athena," nahihiyang sabi ko. Panakaw-nakaw ako ng sulyap kay Gabriel na hanggang ngayon ay hindi maalos ang tingin sa akin.
"At natutuwa naman ako na mga katulad nito ni Gabriel ang kaibigan mo sa school. Akala ko kasi magpapaka-loner ka na naman," sabi ni mommy.
"Naku, maam. You flatter me," parang nahihiyang sabi ni Gabriel.
"Call me tita na lang. Kaibigan ka naman nitong anak ko," sabi ni mommy.
"Okay po, tita," nakangiting sabi ni Gabriel.
"O siya. Kayo'y lumarga na," sabi ni mommy. "Ingatan mo ang anak ko, ah?"
"Opo. Makakaasa po kayo," sabi ni Gabriel. Tumingin siya ulit sa akin. "Let's go?"
Tumango ako. Naglakad na kami palabas ng bahay papunta sa itim na kotse niyang nakaparada sa labas ng gate namin.
Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan.
"You don't have to do that," sabi ko.
Ngumiti lang siya sa akin. Naupo na ako. Sumakay na rin siya at naupo sa driver's seat. Muli ay tumingin siya sa akin dahilan para makaramdam ako ng pagkailang.
Pangit ba ang suot ko?
"You look wonderful tonight," malambing na sabi niya.