ELIJAH'S POV
"Nag-date pala kayo ni Gab kahapon, oh," narinig kong sabi ni Mico. Nakatitig na naman siya sa cellphone niya.
Siguro may taong wala na namang magawa sa buhay ang kinunan kami ng litrato. Ang tindi ng obsession kay Gabriel.
"Ang sweet naman," sabi ni Matthew at siniko pa ako.
"Ayokong makarinig ng tungkol kay Gabriel ngayong araw," tiim-bagang na sabi ko. "I don't even want to hear his name."
Natigilan silang tatlo. Tumahimik na sila. Buong araw nga ay hindi nila nabanggit si Gabriel sa akin. Nagpatuloy ng normal ang araw na ito. Normal na klase. Normal na lunch ng magkakaibigan. Normal na pagtambay.
I live for this day. Ito ang buhay na gusto ko. Tahimik lang. Walang gulo. Pero nagkamali ako.
Nag-aayos na kami ng gamit nang magsalita si Mico.
"May instagram si Julian, oh. Nabalian si Gabriel sa football practice nila," ang sabi ni Mico.
"Hoy, pare," pagsasaway ni Keith.
Nabalian si Gabriel? Well, med student naman siya. Kaya na niya ang sarili niya. Saka sigurado akong may nag-aasikaso na sa kanya.
"Duguan ang binti, oh," ang dagdag ni Mico.
Hindi ko alam ang pumasok sa utak ko. Ang alam ko na lang, mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng classroom. Mabilis kong binagtas ang daan patungo sa football field.
Malayo iyon pero ang alam ko lang, gusto ko siyang makita. Gusto ko ako ang mag-aasikaso sa kanya. Gusto ko nandoon ako para sa kanya.
Hingal na hingal na nakarating ako sa football field. Madilim na ang langit at ang paligid. Ang tanging liwanag na lamang ay ang malalakas na ilaw mula sa field lights. Hinanap ng mata ko si Gabriel.
Nakita ko naman agad siya. Nakaupo siya sa damuhan. Pinapalibutan ng mga kasama. Mabilis akong tumakbo papunta doon. Hinarang pa ako ng dalawang lalaki pero pinuwersa ko ang aking sarili.
"G-Gab..." hingal na hingal na sabi ko. Napahawak pa ako sa mga tuhod ko sa sobrang pagod. Parang iyon ang unang beses na tumakbo ako ng ganoon sa tanang buhay ko.
Napatitig siya sa akin.
Tiningnan ko ang hita niya. Ang mahabang puting medyas niya ay nabahiran na ng dugo pero nalapatan na ng paunang lunas ang sugat niya.
"Thank God," ang nasabi ko. Napaupo na ako. Pagod na pagod ako pucha. Bakit ba ako tumakbo?
"You came," sabi niya. Ngumiti siya na parang walang iniindang sakit. Nagliwanag ang mukha niya sa kanyang mga ngiti.
"Mag-iingat ka nga," pagalit kong sabi. "Napagod ako. Nakakainis ka."
"Oh, pare. Inom ka muna," sabi ng isang lalaki at inabutan ako ng tubig.
Malugod ko itong tinanggap at ininom iyon.
"Julian nga pala," pakilala ng lalaking nag-abot sa akin ng tubig.
"Michael," ang sabi naman ng lalaking nagtatali ng benda sa binti ni Gabriel.
"Sila ang mga loko-loko kong kaibigan," dagdag ni Gabriel.
"Ang sweet ng boyfriend mo. Tumakbo talaga papunta rito," natatawang sabi ni Julian. Tiningnan ko siya. May maipagmamalaki rin itong si Julian sa hitsura at sa ganda ng katawan. Parang foreigner ang features nito. Maputi. Maganda ang hubog ng mukha. May pagka-wavy ang medyo brown na buhok. Manipis ang lapi. Matangos ang ilong.
Si Michael naman ay may pagka-moreno. Maganda rin ang katawan. Kitang-kita sa suot nitong football uniform. Kumpara kay Julian, pinoy na pinoy ang features ni Michael. May pagka-barako. Straight ang itim na itim na buhok. Medyo mapula ang labi.
"Hindi ko siya boy---," ang sabi ni Gabriel.
Marahan kong hinampas ng bote ng tubig ang sugat ni Gabriel. Tama lang para mapa-aray siya at matigil sa sasabihin.
"Masakit iyon!" anas niya pero tiningnan ko lang siya ng masama.
"Akala ko ba ayaw mo sa ibang tao?" tanong ko.
"Ah. Itong dalawang ito?" tanong niya at tinuro ang dalawang kaibigan. "Mga kaklase ko sila. Eh ayaw nila akong layuan, eh. Magkakaibigan daw kami."
"Siraulo ka talaga, pare," sabi ni Michael. "Ikaw na nga ang bahala diyan sa boyfriend mo, Elijah."
Hindi na ako nagtaka kung bakit kilala nila ako. Umalis na si Julian at Michael at bumalik sa mga kasamahang naglalaro.
Ako naman ay lumipat sa tabi ni Gabriel na nakatanaw sa mga naglalaro. Kinuha ko ang towel na nakasabit sa balikat niya. Pinunasan ko ang pawis sa mukha at sa braso niya.
"Pinag-alala mo ako," mahinang sabi ko.
"Akala ko galit ka," sabi niya.
"Oo," sabi ko. "Hindi ko nga alam kung anong ginagawa ko rito."
"Bakit pinigilan mo ako kanina?" Tumingin siya sa akin. "Bakit hindi mo ako hinayaang sabihin sa kanila na hindi tayo mag-boyfriend?"
"Hindi ko alam," sabi ko. "Hindi ba pwedeng maging ganito na lang muna tayo?"
Nagkatitigan kami. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nai-inlove na ata talaga ako sa kanya. Kaya kahit pekeng relasyon, I am willing to take this chance.
Nginitian niya ako.
"Thank you," sabi niya.
"Hmmm?"
"Sa pagpunta. Sa pag-aalala," sagot niya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.
On reflex, parang kusang humilig ang ulo ko at umunan sa balikat niya.
"Pawisan ako," sabi niya.
"Wala akong pakialam."
-
"Gusto mo ihatid na kita? Iwan mo na lang muna ang sasakyan mo rito," suggest ni Michael.
Nasa parking area kami. Nakatayo kami sa gilid ng sasakyan ni Gabriel. Nakaalalay si Julian at Michael sa kaibigan na nahihirapan pa ring tumayo ng tuwid.
"Maha-hassle ka pa pare. Malayo pa uuwian mo, hindi ba?" tanong ni Gabriel.
"Alangan namang iwan kita?" tanong ni Michael.
"I can drive," sabi ko. "Ako na maghatid kay Gabriel pauwi."
Hindi ko alam kung bakit nag-suggest ako pero pakiramdam ko kasi wala kaming mararating sa usapang ito.
"Sigurado ka ba?" tanong ni Julian.
"Oo naman. Tinuruan ako ni dad mag-drive. May driver's license din ako," sagot ko.
"I mean, paano ka uuwi?" tanong niya pa.
"Ako na bahala sa sarili ko. Pwede naman ako magpasundo. Pwede rin ako mag-taxi," sabi ko.
"Oh siya. Maiwan ka na namin sa boyfriend mo, Gabriel," sabi ni Michael. Inalalayan nila si Gabriel paupo sa passenger seat.
Ibinigay ni Gabriel ang susi ng sasakyan niya sa akin.
"Ingat kayo," sabi ni Julian.
"Elijah, ingat ka sa kanya," pabirong sabi ni Michael.
"Gago ka talaga! Umalis na nga kayo!" iritang sabi ni Gabriel. Nakita ko pang sumakay ang dalawa sa dalawang katabing kotse.
Rich kid problems.
Sumakay na rin ako at pinaandar ang makina.
"Saan bahay mo?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Tiningnan ko siya. "Hey, I asked you a question. Saan ang bahay mo?"
"Wala pang ibang nakapunta sa bahay ko. Not even those two," sabi niya.
"Ayaw mo ba? Aalis din naman ako kaagad," ang nasabi ko na lang.
"Hindi naman sa ganoon," sabi niya. Tiningnan niya ako. Nagtama ulit ang aming mga mata. "I-It's just the thought of you... in my house."
Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha. Lalo pa ngayon ay nakikita ko ang pagkahiya ni Gabriel. This is a totally different side of him.
"Wala kang gagawin. Pilay ka nga, eh," sabi ko na lang at inalis ang tingin sa kanya. "So saan ang bahay mo?"
Iniabot niya sa akin ang phone niya. Wow, wala man lang pag-aalinlangan.
"Open mo na lang si Waze. Naka-save diyan ang home address ko," sagot niya. Inayos niya ang seatbelt niya at pumikit.
Ako naman ay nag-focus na lang sa pagmamaneho. Buong biyahe ay tulog si Gabriel. Ginising ko na lang siya nang makarating kami sa condominium building na naka-pin sa Waze.
"May kasama ka ba rito?" tanong ko.
"Wala," sagot niya.
Mag-isa lang siya? Sino ang mag-aasikaso sa kanya?
"Eh paano ka?"
"Kaya ko ang sarili ko. Trust me," sagot niya. He gave me a reassuring smile. "Thank you."
Napatitig na naman ako sa kanya. Naaakit ako ng kanyang mga ngiti.
Gusto kong hilingin na sana totoo na lang. Na sana totoong may gusto siya sa akin. Na sana totong boyfriend ang tingin niya sa akin. Na sana ako ang nakakapagpasaya sa kanya.
"Ingat ka pauwi," ang sabi niya. He gave me a quick kiss sa pisngi ko.
At dahil doon, nakumpirma ko. Gusto ko na nga siya.
And it hurts dahil ang relasyon namin ay peke lamang.