Chapter 7 - Chapter 005

ELIJAH'S POV

"Saan na kayo?" tanong ni Mico.

Tapos na ang orientation. Ang mga estudyante ay kanya-kanyang alisan na sa hall.

"Punta ako sa mall. Pi-pick up-in ko yung in-order kong game," sagot ni Keith.

"Uy sama ako. May bibilhin din ako," sabi ni Matthew.

"Ikaw?" tanong ni Mico at tumingin sa akin.

"Baka umuwi na," wala sa loob na sagot ko. Wala na rin naman akong gagawin.

"Sige. Chat chat na lang mga pare," sabi ni Keith at umalis na sila ni Matthew.

Naglakad na rin kami palabas ni Mico.

"Elijah!"

Napatigil kami. Nilingon namin ang tumawag sa akin. Patakbong lumapit sa amin si Will.

"Bakit?" tanong ko.

"May gagawin ka pa?" hinihingal na tanong niya.

"Wala na. Pauwi na. Wala na kaming klase ngayong araw," sagot ko.

"Magkakilala kayo?" takang-tanong ni Mico.

"Ahhh.. yeah. Sort of," sagot ko.

"Samahan mo ako mag-breakfast," sabi ni Will.

"Pero kumain na ako. Gusto ko na umuwi," sabi ko.

"Sige na," sabi ni Will. Nagpa-cute pa siya.

"Uy, pare. Mauna na ako. Nag-text ang ate ko. May pinapabili lang," sabi ni Mico at mabilis na umalis.

Grabe. Iniwan ako.

So, paano ba ako tatanggi sa lalaking ito.

"Please. Ilibre kita," pagpupumilit pa ni Will.

"Sige."

"YES!" napalundag pa si Will sa tuwa.

Okay? Ang OA.

Paalis na sana kami nang harangin kami ni Gabriel.

"Hubby, kanina pa kita hinahanap," ang sabi niya habang nakatingin sa akin.

What? Hubby?

"Huh?" maang na tanong ko. Anong pinagsasasabi ng lalaking ito?

"Nagugutom na ako, hubby. Ang aga ko dumating dito. Hindi pa ako nakapag-breakfast," ang sabi pa ni Gabriel.

"Tamang-tama. Nagyayaya itong si Will. Gusto mo sumama?" tanong ko.

"Hindi. Gusto ko ikaw lang ang kasama ko," seryosong sagot ni Gabriel. Hindi naaalis ang tingin niya sa akin. "Hubby, samahan mo ako kumain. Please?" Nag-pout si Gabriel.

Nakapa-cute talaga nitong taong ito. Pakiramdam ko susuko na naman ako.

"Sige," sabi ko. Shete. Sumuko na nga. "Pasensya na, Will. Next time na lang."

"Kahit wala nang next time," mahinang sabi ni Gabriel pero dinig na dinig ko iyon. Hindi na lang ako nagsalita. Iniwan namin si Will.

"Saan tayo?" tanong ko.

Gustong-gusto ko na umuwi. Pero bakit kasama ko na naman ang lalaking ito? Bakit ba hindi ako makatanggi sa kanya?

"Actually, kumain na ako," sagot niya. "Gusto lang kita makasama."

And then he looked me straight in the eyes. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. And the butterflies in my stomach.

Hinawakan ni Gabriel ang kamay ko. Kinilabutan ako. Kakaiba ang pakiramdam na dulot niyon sa buong sistema ko.

"Okay lang ba?" tanong niya.

Natauhan ako. Bigla kong binawi ang kamay ko. "Ewan ko sayo. Sana kay Will na lang ako sumama."

"Eh di sumama ka sa kanya," mahinang sabi niya. Did I just sense sadness in his tone? Parang na-guilty na naman ako sa hindi malamang dahilan.

Parang nakagawa na naman ako ng kasalanan nang wala akong kaalam-alam.

"Gusto ko ng ice cream," sabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya at niyaya siya papunta sa mini canteen malapit sa field.

"Anong flavor ang gusto mo?" tanong niya. Bumalik na naman ang sigla niya. "Ako na ang bibili. Treat ko."

"Naku. Hindi na. Nakakahiya."

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at iginiya paupo. "Ako na," sabi niya at nginitian niya ako. Ang lapad ng kanyang mga ngiti. Nakakapanlumo. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto niya.

Bakit parang ang rupok mo, Elijah?

"Chocolate," wala sa sariling sagot ko.

"Okay," sabi niya. Nginitian niya pa ako ulit bago pumunta sa counter para bumili. Pinagmasdan ko lang siya mula sa pwesto ko.

Kung magiging boyfriend ko nga ito, ang swerte ko siguro. Napaka-gwapo e. Mukha namang mabait. May topak lang minsan.

Pero for sure, lalaking-lalaki ang taong ito.

"Here you go," sabi niya at iniabot sa akin ang isang chocolate popsicle. Umupo siya sa harapan ko.

"Thank you," sabi ko at excited na binuksan ang ice cream ko. Ughh.. favorite ko talaga ang chocolate ice cream. My ultimate comfort food.

Sinimulan naming lantakan ang popsicle namin.

"Wala ka bang klase?" tanong ko, pambasag sa katahimikan.

"Mamaya pang 10 AM," sagot niya. Tiningnan ko ang wristwatch ko. Wala pang 9 AM.

Katahimikan ulit. Wala naman kasi akong alam na sasabihin o itatanong sa kanya. Hindi naman talaga magkakakilala. Hindi kami malapit sa isa't isa.

Maya-maya ay may lumapit na dalawang babae kay Gabriel. Napatingin kami pareho sa kanila.

"G-Gab... Can I talk to you--," sabi ng isang babae pero hindi na niya natapos ang sasabihin niya.

"I can't. I have a date with my boyfriend," Gabriel responded coldly.

Napatitig ang dalawa sa akin.

"N-No. I'm not --," tatanggi pa sana ako pero hindi ko na nagawa.

"I always made myself clear that I have a boyfriend. Stop this nonsense already," dagdag ni Gabriel.

Nanlulumong umalis ang dalawang babae.

"Do you have to be that harsh?" tanong ko.

"I told you I don't want people near me," sagot niya.

And then it hit me. Kung bakit kami magkasama ngayon. Kung bakit kami na-link in the first place.

"Yeah. Ginagamit mo nga lang pala ako," sabi ko. Pinipigilan kong mailabas na naman ang namumuong galit sa dibdib ko.

"No. It's not like that," sabi niya. He looked so torn.

Padabog akong tumayo. "Thanks for the popsicle," sabi ko. "Hubby."

Umalis na ako. Bakit nga ba kasi ako sumasama sa taong iyon? Ano bang ine-expect ko? Na magugustuhan niya ako?

At bakit ako nag-eexpect?

Lalaki ka, Elijah! Sa simula pa lang, mali na ang magkagusto sa kapwa lalaki!

Pero tangina. Bakit parang nahuhulog na ako sa kanya? Bakit sa tuwing makikita ko siya, nanlalambot ako? Ang bilis kong sumuko sa mga salita niya.

Kahit na ginagamit niya lang ako.

Hindi ko na namalayan na umaagos na pala ang luha mula sa aking mga mata.

"Are you okay?" tanong ng isang lalaki. Hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat.

Pamilyar ang boses niya per hindi ko siya magawang tingnan. Ayokong makita ng ibang tao na naiyak ako. That I am in this pitiful state.

Niyakap niya ako. At doon, tuluyan na akong napahagulgol.

Bakit ako umiiyak? Bakit ko iiniyakan ang taong iyon? Bakit siya? Bakit? Nagkakagusto na ba ako sa kanya?