Chapter 5 - Chapter 003

ELIJAH'S POV

"Akala ko hindi kayo magkakilala," ang bungad sa akin ni Matthew nang maupo ako sa tabi niya.

Umagang-umaga naman, tsismis na naman ata ang bubungad sa akin.

"Niloloko mo naman kami, pare," ang sabi ni Mico. "Akala mo ba hindi namin matatanggap ang ganyang relasyon."

"Tama. Hindi kami primitive na tao. At lalong hindi kami conservative. Normal na ngayon ang same sex relationship," dagdag ni Keith. "Tanggap na iyon ng lipunan. Tanggap namin."

"TEKA!" pasigaw ko. "Awat muna, ah? Kararating ko lang, pwede?"

Natahimik naman sila. Ipinaharap na naman nila Keith ang upuan nila sa amin. Ibang klase rin ang mga ito. Mga lalaking tsismoso.

"Ano ba ang pinagsasasabi ninyo?" tanong ko.

Iniabot sa akin ni Keith ang cellphone niya.

"What. The. Fuck?" ang nasambit ko.

Isang picture iyon. At ako ang nandoon. Kasama ang lalaki kahapon. Nakahiga siya at nakaunan sa akin. Sino naman ang taong walang magawa sa buhay ang kukuha ng litratong iyon?

"Bakit may ganito?" tanong ko.

"Aba... malay ko," kibit-balikat na sagot ni Keith.

"Kalat na iyan sa buong campus, pare. Naka-post na sa facebook page ng mga estudyante," sagot naman ni Matthew.

"Seryoso? Bakit naman ako pipicture-an ng ganyan? Malalakas ba ang toyo ng mga estudyante rito sa Manila?" tanong ko.

"Grabe ka naman," kunwari ay nasaktang sabi ni Keith.

"Saka natural na makunan ka ng litrato. Eh siya kasi ang kasama mo," sabi ni Matthew.

"Sino ba siya?" tanong ko.

"Maang-maangan ka pa pare," sabi ni Matthew. "Ipagkakaila mo pa ba rin sa amin e may ebidensya na nga?"

"Eh seryoso nga kasi ako!" naiinis kong sabi. Seryoso, naiinis na ako. Ang gulo-gulo na ng buhay ko rito. Tapos ayaw pa umamin nitong tatlong mokong na ito.

Naghihintay ako ng sasagot sa kanila pero biglang gumating si Miss Samaniego at nagsimula na ang unang klase sa araw na iyon. Hindi naman ako kinibo ni Matthew. Ayoko na rin naman siyang istorbohin. Baka ma-warningan na naman ako.

"Good morning, class. Gusto ko lang kayo i-remind na may orientation tayo bukas. 8 AM sharp. Sa school auditorium," ang sabi ni Miss Samaniego bago siya nag-proceed sa pagtuturo.

"Promise guys. Wala akong ideya sa sinasabi ninyo. Totoo lahat ng sinabi ko sa inyo kahapon. Mamatay man ako ngayon dito sa harapan ninyo," ang sabi ko.

Nandito kami ulit ngayon sa engineering canteen.

"Wala nga akong jowa, okay?" giit ko. "Bakit ba pinagpipilitan ninyong boyfriend ko ang lalaking iyon?"

"Kung hindi, bakit ang sweet niyo? Nakaunan pa sayo, oh," sabi ni Mico at ipinakita ulit sa akin ang picture.

"Sige nga, saan niyo ba nakuha ang ideya na mag-boyfriend kami?" tanong ko.

"Sa online novel," mabilis na sagot ni Keith.

"Seryoso ba ka---," natigilan ako.

Ano raw? Novel? Hindi kaya ang novel ni Athena? So ang lalaking iyon ay si Gabriel De Castro? Ang most popular guy sa school daw. Well, sabi nila.

Humanda sa akin si Athena! Kasalanan niya ito! Bakit kasi pangalan ko pa ang ginamit niya?

"Naniniwala kayo sa isang novel?" sarkastikong tanong ko.

"Well, realistic kasi ang setting ng story. Itong school. Ang mga characters," sagot ni Keith. "At alam mo ba kung ano ang idinadahilan ni Gabriel sa mga nire-reject niya?"

Tinitigan ko lang sila. Parang alam ko na ang susunod kong maririnig.

"Na may boyfriend na siya," sabi ni Keith.

"At ikaw iyon," sabi ni Matthew.

Siraulo rin iyang Gabriel na iyan, eh. Ginamit pa talaga ako sa kalokohan niya! Kung ayaw niya sa mga babae, sabihin niya! Hindi iyong ginagamit niya pa ako!

Nagulo buhay ko nang dahil sa kanya. Humanda siya sa akin kapag nakita ko siya.

As usual, mag-isa na naman ako matapos naming kumain. Ilang oras na naman akong maghihintay para sa sunod kong klase. Nagpasya akong bumalik sa bleachers. Nagbabaka-sakaling makita roon si Gabriel.

Nangangati na ang bibig kong sermunan siya.

Pero sawi ako. Wala siya roon. Para bang nalungkot ako dahil hindi ko siya nakita.

Wait! Bakit ako malulungkot? Disappointed lang. Tama, Elijah! Disappointed ka kasi hindi mo siya masisigawan ngayon.

Naupo na ako. Medyo tinatamad akong maglaro kaya nag-browse na lang ako sa internet.

Tingnan ko kaya ang nobela ng impakta kong kapatid? Alam ko naman kung saang website iyon naka-post. Sikat kasi ang kapatid ko at nabasa ko na rin ang ilan sa mga naisulat niya.

She's way ahead of me kahit mas matanda ako sa kanya. First year college pa lang siya pero kumikita na siya. Nakakaipon na. Samantalang ako, asa sa parents.

Exact opposite kami ng kapatid ko. Maganda siya. Magaling magdala ng damit. Natutunan na rin kasi niyang mag-ayos dahil nga marami na ang nakakapansin sa kanya. High school pa lang siya, marami na ang nagtangkang manligaw sa kanya pero rejected lahat.

Focused siya sa studies at sa passion sa pagsusulat. Matalino siya. Magaling kumanta. Magaling din sa volleyball at tennis. Hindi tulad ko, isang nerdy na kuya niya. Focused din naman ako sa studies ko. Ayoko rin naman kasing sayangin ang pagpapakahirap ng parents ko para pag-aralin kami.

Hindi naman sa naghihirap kami. Masasabi ko namang maayos ang lagay ng buhay namin. May sariling business ang family. Si mommy naman, attorney at malaki ang kinikita niya lalo na kapag naipapanalo ang mga kaso. Marami rin siyang commissions sa pagnonotaryo at pagpoproses ng mga legal documents.

Anyways, balik sa akin. Kung si Athena ay sporty na tao, kumbaga outdoor-type, ako naman ay mahilig lang tumambay sa loob ng bahay at maglaro ng online games, manood ng anime at movies. Wala akong hilig gumala at makipagbarkada. Tulad nga ng sinabi ko, dalawa lang ang maituturing kong kaibigan sa school noon. At pare-pareho kami ng hilig.

-

"Ang tagal naman ni Gabriel," inip na sabi ni Eros.

Ilang minuto na siyang naghihintay sa kasintahan. Lumalamig na rin ang in-order niyang pagkain.

Kinuha niya ang cellphone niya at sinubukang tawagan ang binata.

"The subscriber cannot be reached. Please try again later," ang bungad ng operator.

"Bakit hindi ka nasagot? Nasaan ka na ba?" tanong niya sa sarili. Nag-aalala na siya. Hindi naman siya pinaghihintay ng kasintahan ng ganito. Ang isa pa sa inaalala niya ay malapit na rin magsimula ang kanyang susunod na klase.

"Hey," ang narinig niyang sabi ng isang lalaki sa bandang likuran niya.

Nilingon niya ito. Hindi ito si Gabriel. Hindi ito ang kasintahan.

"Will," mahinang sabi niya. Hindi niya maitago ang disappointment.

"Mukhang may ine-expect ka, ah?" sabi nito. "Well, sorry, hindi ako iyon."

"It's okay," malungkot niyang tugon. Umupo si Will sa bakanteng upuan sa harapan niya. "Anong ginagawa mo rito? Akala ko may meeting ka?"

"Yeah," sabi nito. "But I can't help but notice you. Mukha kasing malungkot ka. You seem like you need a company. So... I'm offering myself."

"Hindi na kailangan," sabi niya. Tumayo siya. "May klase rin ako."

"Wait lang," sabi nito at hinawakan siya sa braso. "Can't we just talk for a while?"

"No."

Hindi siya ang sumagot.

Napatingin siya sa bagong lalaking dumating. Masama ang tingin nito kay Will. Inalis nito ang kamay ng binatang nakahawak sa kanya.

"He can't," mariing sagot ng binatang bagong dating.

"Gabriel..." mahina niyang sambit.

"Well, it's your fault for leaving him alone," sabi ni Will. Tumayo pa ito na tila ba naghahamon ng away. "Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na lapitan siya."

"But you can't take him away from me," sabi ni Gabriel. Halata ang galit sa mukha nito. "He's mine."

"Then don't let me," sabi ni Will at naglakad palayo.

"I won't," tugon ni Gabriel. "I swear I won't."

--

"Excuse me?"

Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ng isang lalaki.

"Yes?" balik na tanong ko.

"Pwede makiupo? Wala na kasi akong mahanap na mapwestuhan. At masakit na rin ang mga binti ko."

"Sure," ang sabi ko. Umusod ako ng kaunti para bigyan siya ng space. Iyong tipo na hindi kami magdidikit.

"Thanks," sabi niya. Sumilay ang ngiti niya sa kanyang mga labi. Ang ganda ng ngiti niya. Parang gumaan ang pakiramdam ko.

Excited na naupo siya sa tabi ko.

"By the way, I'm Eric," pagpapakilala niya sa sarili at inilahad ang isang kamay.

Napilitan naman akong tanggapin iyon. "Ero--.. Elijah."

"Nice to meet you, Elijah," sabi niya. "Salamat ulit."

Ang ganda ng aura ng lalaking ito. Napaka-cheerful. Napakagaan. Nakadagdag sa taglay nitong kagwapuhan at kakisigan.

Pinagmasdan ko siya. Kayumanggi ang kulay ng balat. Pinoy na pinoy. Maganda rin ang pangangatawan. Hindi gaano ka-buff pero dahil naka-damit lang siya ng pang-basketball, kitang-kita ang napakagandang hubog ng kanyang mga braso.

Medyo bilugan ang mukha. Matangos ang ilong. Manipis ang pinkish na labi. Makapal ang kilay. Itim na itim ang mata. May pagkakulot din ang buhok nito.

"May dumi ba ako sa mukha?" nagtatakang-tanong niya na nagpanumbalik sa akin sa realidad.

Hays. Heto na naman ako, nagsusuri ng lalaki sa harapan ko. Naaapektuhan na ako ng rumor tungkol sa amin ng Gabriel na iyon. Saka nitong kababasa ko lang na nobela ng kapatid ko.

"W-Wala," sagot ko.

"Ano palang major mo?" tanong niya.

"Engineering," sagot ko.

"Nice. Fine arts."

Kaya naman pala you're so fine.

Natawa siya. "Thanks. I did not expect that but thanks."

Wait what? Nasabi ko ba ng malakas iyon? Shit. Nakakahiya.

"I mean..." magdadahilan pa sana ako nang may biglang humawak sa braso ko. Hinila niya ako patayo at kinaladkad.

Si Gabriel.

"Hoy! Ang sakit! Bitawan mo nga ako!" sabi ko habang pinipilit na kumawala sa pagkakahawak niya sa braso ko. Pero lalo lang akong nasasaktan. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

Hindi ko naman makita ang hitsura niya dahil nasa likuran niya ako.

"Hoy! Ano bang problema mo? Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya.

Ramdam ko ang galit niya kahit nakatalikod siya sa akin. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

"TAMA NA SABI! NASASAKTAN NA AKO!" malakas kong sigaw. Palabas na kami ng field. Hindi ko na napigilan ang mapaluha.

Tumigil siya at binitiwan ako.

Napaupo ako at napatitig sa namumula kong braso. Ang sakit pucha.

"I-I'm sorry," ang sabi niya. Umupo siya sa harapan ko. Napansin ko ang pag-aalala sa mukha niya. He really looked sorry. And guilty. "S-Sorry. Sorry talaga."

"Fuck you!" sigaw ko at itinulak siya. Napahiga siya. "Wala ka nang ginawa kung hindi guluhin ang buhay ko! Masaya ka bang sirain ako, ha? Masaya ka ba? Masarap ba sa pakiramdam na sinasaktan mo ako?"

Hindi na ako nakapagpigil. Sobrang bigat ng dibdib ko. Ang daming gustong lumabas.

"Gago ka! Gago ka alam mo ba iyon? Ang gago ng buong pagkatao mo! Hayop ka! Hindi! Mas masahol ka pa sa hayop!" sunud-sunod kong sumbat sa kanya.

Tahimik lang siya. Tinanggap niya lahat ng isinigaw ko sa kanya.

Lumuhod siya sa harapan ko. Yumuko siya. Parang iyong sa mga Japanese kapag nanghihingi ng sorry.

"Sorry talaga," sabi niya. Ramdam ko ang sincerity sa boses niya.

Parang na-guilty naman ako sa lahat ng masasamang sinabi ko sa kanya. Tangina naman. Bakit bumaligtad ang sitwasyon? Bakit sumusuko ako sa kanya?

"Umayos ka nga," sabi ko. Hawak ko pa rin ang namumulang parte ng braso ko.

Umupo siya. "Masakit pa ba?"

"Oo. Ang gago mo kasi."

"Gamutin ko?"

"Marunong ka ba? Baka lalo lang akong masaktan."

"Med student ako. Marunong ako. Trust me," sabi niya. At nang tumitig ako sa mukha niya, napa-oo na lang ako.

Bakit hindi ako makatanggi sa kanya? Bakit hindi ko siya mahindian?

Inalalayan niya ako papunta sa Medicine Building. Dumiretso kami sa clinic. Agad niya akong pinaupo at kinuha niya ang first aid kit.

Habang nilalagyan niya ng benda ang braso ko, napansin ko ang gasgas sa braso niya. May kaunting pagdurugo rin iyon. Dahil kaya sa pagkakatulak ko sa kanya.

"May sugat ka," sabi ko.

"Wala iyan. Malayo sa bituka," pagbibiro niya.

"Sira ka," sabi ko. "Magiging doktor ka di ba? Alam mo naman na importanteng linisin ang sugat baka maimpeksyon."

"Pero ikaw ang priority ko," ang sabi niya. Nagtama ang aming mata.

Pakiramdam ko ay lumukso ang puso ko sa sinabi niya... at sa titig niya. Bakit? Bakit parang naa-attract ako sayo?

"Done," nakangiting sabi niya. Tiningnan ko ang braso ko. Maganda ang pakakalagay niya ng bandage doon.

"Salamat," tila ay nahihiya kong sabi. "Pero iyong mga sugat mo."

"Akong bahala sa sarili ko," ang sabi niya. "Sige na. Baka may klase ka pa."

Ayaw ko man siyang iwan doon, napilitan na rin akong umalis. Maglalakad pa kasi ako pabalik sa building namin. Nasa kabilang dulo pa iyon.

Binigyan ko siya ng huling tingin bago ako tuluyang umalis. Ngumiti siya.

Naramdaman ko muli ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Ano ba itong nangyayari sa akin? Naaapektuhan na nga ba ako ng nobela ni Athena? Bakit ba kasi binasa ko pa?