JULES MARTIREZ
"Ayos ka lang, Jules?" tanong sa'kin ni Kuya Zian. Tumango naman ako habang patuloy pa rin sa pagsulyap-sulyap sa likuran, nagbabakasakaling dadating pa rin si Mikky.
Nasaan na ba siya?
Nagsisimula nang mag-explain ang mga hosts ng rules ng game. Hindi ko na nga naiintindihan ang mga sinasabi nila dahil naba-blangko na isip ko kahihintay kay Mikky.
Bakit ko nga na siya hinihintay? Habang buhay na lang ba akong ganito?
"Come on, Jules. Cheer up!" wika ulit ni Kuya Zian. Napatingin naman ako sa kan'ya at ngumiti siya sa akin. Pinilit ko na lang din ang sarili ko na ngumiti pabalik. "Don't worry. I got you," sabi niya sabay kindat.
Hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat maging reaksyon kaya nakisabay na lang ako sa nangyayari.
"So let's start na!" sabi n'ong babaeng host. "Pumunta na kayo sa likod ng inyong partners!" utos niya.
Ano na ba ang nangyayari? Bakit ako pinapapunta sa likod ni Kuya Zian?
"Ano daw gagawin?" nagtatakang tanong ko.
"Longest piggy-back ride." He giggled. "Let's go!" sabi niya at pinagpagan ang kaniyang likod sabay yuko.
Piggy-back ride?
Flashback
6 years ago.
"Sorry. I just see you as my presi and my friend. Thank you for liking me, Jules." Pagkasabi n'ya nito ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Napakabata pa naman namin pero bakit ang lakas na ng epekto niya sa'kin? Para bang nagiba na lang bigla lahat ng pag-asa ko.
Napahawak ako sa dibdib ko at biglang umikot ang aking paningin. Napakapit pa ako sa kan'ya dahil muntikan na akong matumba. "Ayos ka lang?" nangangambang tanong niya.
Hindi na ako nakasagot pa dahil binuhat na niya ako sa likuran niya. Suki na talaga ako ng buhat sa kanya. Tuwing may mangyayari naman kasi sa akin ay siya ang kasama ko.
At dahil doon, umasa ako na siya na talaga ang tagapagligtas ko sa lahat ng sakit ngunit sa kanya ko pala mararanansan ang sakit na hindi ko inakalang mararamdaman ko.
Hindi ko alam ngunit ayaw ko ng umalis sa likuran niya. Gusto ko kapag buhat-buhat niya ako na tulad ng ganito.
Patuloy pa rin ang pagkausap niya sa akin pero hindi makasagot, hindi ako makapagsalita.
Ganito ba akong kadismaya dahil hindi niya ako gusto o ganito lang talagang kasakit magmahal?
Nang makarating kami ng clinic, dahan-dahan niya akong inihiga sa kama. Nakita ko rin naman si Pat na pumasok sa clinic at nagmadali siyang lumapit sa amin.
"Salamat, Mikky! Hindi pa kasi nakain 'yang si Jules kakahintay sa'yo kasi nga daw mag-uusap kayo ngayon." Narinig kong sabi ni Pat kay Mikky. "Nalipasan ata ng gutom. Hindi sanay magutom e," dagdag pa niya.
"Okay lang ba siya?" tanong niya kay Pat. "Hindi na kasi siya sumasagot sa akin e."
Tumango naman si Pat. "Sige na, ako na ang bahala sa kaniya."
Tumingin pa sa'kin ng saglit si Mikky bago siya tuluyang lumabas ng pintuan.
Nilapitan naman ako ni Pat at tinanong kung anong nangyari.
"Hindi niya ako gusto," nanghihinang sagot ko sa kanya.
"Ha? E bakit ka pa niya pinaasa-asa?" iritableng tanong niya habang nakahawak ang kaniyang mga kamay sa braso ko.
Umiling naman ako. "Hindi niya ako pinaasa, naniwala lang talaga ako sa mga pantansiya ko na gusto niya rin ako."
Isang linggo makalipas ng tagpong iyon. Tinanggap ko na talaga na magkaibigan lang kami, na kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin ngunit sa tuwing ngumingiti siya ay tila nararamdaman ko may sanglibong-tala sa kalangitan na muntik nang mapasa-akin.
At ito ako ngayon, hindi matiis na hindi siya makita. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw ng kaniyang katawan, ang pagtama ng bola sa kaniyang kamay, at ang marahas na pagpunas niya ng kaniyang mga pawis.
Bawat galaw niya ay kakaiba sa aking paningin, bawat galaw niya ay pelikula na tila kay sarap panoorin.
Nababaliw na nga ata ako sa kan'ya.
Napatingin siya sa diresyon ko matapos siyang tumira ng napakalakas papunta sa mga kalaro niya.
Ngumiti siya kasabay ng pagyuko ko. Tumayo ako para umalis ngunit naramdaman kong may humawak sa braso ko.
"Jules." Kita ko ang pag-alala sa kan'yang mga mata. Bakit? Bakit ka gan'yan, Mikky?
End of flashback.
"Jules!" tawag ni Kuya Zian sa pangalan ko na siya namang gumising sa akin sa katotohanan. "Iniisip mo na naman si Mikky," naka-pout na sabi niya.
Simula pa lang naman ay ako na ang unang nagmahal, at ngayon ay siya naman ang unang lilisan.
"Sakay na!" utos sakin ni kuya. Nahalata ko na nangangalay na siya sa pagyuko niya. Nagdadalwang-isip naman ako kung sasampa na ba talaga ako sa likod niya. Paano kung dumating si Mikky?
Hay! Bahala na nga! Baka nga sa mga oras na ito ay hindi naman niya ako iniisip.
Sasampa na ako sa likod ni Kuya Zian ngunit biglang sumigaw ng napakalakas si Pat. "TEKA LANG!" Nakuha nito ang atensyon ng lahat ng nandirito. "Nandito na ang totoong jowa!" palokong sabi niya.
Nakita ko naman na nagmamadaling pumunta si Mikky sa unahan. Tulala lamang akong nakatingin sa kanya.
"Pre, ako na," sabi niya nang makarating siya sa harap namin sabay tapik sa balikat ni Kuya Zian.
Agad namang tumingin si Kuya Zian sa akin at ngumiti. "Well, here comes your bibi," anu niya saka naglakad palayo.
Gulat na gulat naman ang mga hosts sa nangyari at nilinaw naman sa kanila ni Mikky ang lahat. Tatawa-tawa sila nang marinig ang eksplanasyon nito. Inakala pa nila na nangangaliwa ako.
Nang maayos na ang lahat, naghudyat na sila para magsimula kami. Agad naman akong binuhat ni Mikky sa likuran niya. Naramdaman ko na naman na para akong nasa ulap. Ang sarap ulit maramdaman ang ganitong pakiramdam.
"Para sa camera ni Jules!" sigaw niya. Hirap na hirap pa siya dahil dumudulas ako sa likod niya dahil sa yari ng tela ng mga suot namin. Pati mga tela hindi nakiki-ayon sa pagmamahalan namin.
Kita ko naman sina Pat na nanonood sa amin at todo suporta.
Bawat paglipas ng minuto ay nababawasan ang mga magkasintahang nasa unahan. Nararamdaman ko naman ang pangangatog ng mga tuhod ni Mikky dahil ata sa bigat ko at pagod na ata siya.
Pagod na siya.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya.
"Oo naman," tugon niya.
Nagcountdown naman ang mga hosts nang dalawang pares na lang kaming natira sa unahan.
Nag-ingay agad sina Pat at Cy nang makitang nahulog na sa likod ng kapares niya ang kalaban namin. Masayang inannounce ng mga hosts ang pagkapanalo namin ni Mikky.
Dahan-dahan naman akong nagslide pababa sa likod ni Mikky at tumabi sa gilid niya.
Ni-pat pa niya ang ulo ko habang nakangiti sa akin. "Good job," sabi niya.
"No," wika ko, "ikaw ang good job." Nagpabigat lang ako sa likod e.
Pinainom kami ng tubig ng mga hosts habang kinukuha nila ang aming premyo. "Ilang taon na kayong magjowa?" tanong ng isang host sa aming dalawa.
"Ahm," palokong panimula ni Mikky, "six years."
Hindi ko alam kung bakit ako biglang nalungkot. Noon kasi kapag tinatanong siya ng mga tao kung ilang taon na kami, ang sinasagot niya ay kung ilang years na kami tapos dudugtungan niya pa ng "and counting" sa dulo pero ngayon, six years na lang.
"Wow ang tagal n'yo na!" namamanghang sabi nung host. "Love na love mo ba itong si ate gurl?"
Napatingin naman sa'kin si Mikky at ngumiti, "oo naman, sobra."
Kinilig ang mga tao na nandito ngayon habang ako naman ay nanggigilid na ang mga luha. Napahawak ako sa aking braso at napapisil dito.
Napabaling naman ang atensyon sa'kin ng mga hosts. "Iba naman ate, love mo ba si kuya?"
Napatingin naman ako kay Mikky. Nakangiti pa rin siya. Ngumiti rin naman ako. "Yes." Matipid na sagot ko. Nakita ko naman na natahimik yung mga tao, dismayado sa naging tugon ko. "I love him to the moon and back," dagdag ko at nagsimula ulit kaming kantsawin ng mga tao.
Lalo namang napangiti si Mikky ng dahil sa sinabi ko.
Pinasalamatan kami ng mga hosts at binigay ang camerang inaasam ko. "Sorry for ruining your camera and our memories. I hope you'll create more with this one." sabi sa'kin ni Mikky habang nakahawak sa aking mga kamay at inabot ang camera.
"Thank you." Tumalikod na siya pagkasabi ko nito.
Pinagmasdan ko lang siya habang patuloy na siyang naglakad papalayo sa akin.
Ang gulo na ng sitwasyon natin, Mikky. Why is this happening to us?
Will our relationship would still work or it's too late?
Why do I wanted to fix a relationship that I wanted to end before? Gusto ko lang bang munang maramdaman na mahal niya ako bago ko siya pakawalan o gusto ko lang makawala sa pagmamahal na ako lamang ang nakakaalam?
"Let me end this for you," bulong ko sa aking sarili habang pinipigil ang aking mga luha na kanina pang nagpupumilit na kumawala.