Chapter 12 - 11

JULES MARTIREZ

"Ayos ka lang?" tanong ni Pat sa akin habang nag-aayos siya ng kaniyang mga gamit na nakakalat sa sahig. Tumango naman ako bilang tugon sa kaniya.

Alas nuebe na pero hindi pa rin ako bumabangon. Hinila ko pa ang kumot pataas at umayos ng higa sa aking kama. Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang makita si Mikky ngayon, kung kaya ko pa bang ituloy ang mga balak ko, kung kaya ko pa bang makita na hindi na niya ako gustong makita pa.

"Bakit hindi ka pa nagbibihis diyan?" nagtatakang tanong niya sa akin.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa kaniya. "Pinapatawad mo na ba si Cy?" Napahinto siya sa kaniyang ginagawa at napatingin din siya sa akin. "Ayos na ba kayo?"

"Hindi gano'ng kadali 'yon Jules," tugon niya at nagpatuloy na ulit sa pagtitiklop ng kaniyang mga damit.

"E bakit mukhang masaya na kayo? Mukhang okay na ang lahat?" Gumilid ako sa aking kama at umunan sa aking palad upang mas makita ko siya, para maramdaman ko rin ang emosyong maaaring tinatago niya.

"Hindi lahat ng nakikita ng mata ay 'yon na, Jules." Tumayo na siya at dinala ang kaniyang mga gamit sa kan'yang kama. "Katulad ngayon, hirap na hirap na akong manghula kung ano na bang nangyayari sa inyo ni Mikky. Hindi mo lang ba ishe-share sa akin? Wala ka na bang tiwala?" Saglit niya akong tinignan na tila ba nag-iintay siya ng sagot ngunit hindi ako nagsalita. Dumiretso na siya sa may pintuan at lumabas ng kwarto. Ang malakas na pagsara nito ang pinakahuling ingay na narinig ko. Tahimik na ngayon at nag-iisa na naman ako. Paniguradong kakainin na naman ako ng mga bagay na hindi ko dapat iniisip, ng mga problemang hindi ko dapat pino-problema, at ng mga tanong na hindi ko naman kayang sagutin.

Paano ko ba sasabihin sa kaniya ang lahat kung ako mismo ay hindi naiintindihan ang aking sariling nararamdaman?

Pagod na ako.

At nararapat na nga sigurong tapusin ito.

Binuksan ko ang aking cellphone at tinignan ang listahan.

This must work. I must really end this six-year relationship as soon as possible bago ko pa masira ang lahat.

My friendship with Pat, my sanity, my life, and my remaining love and trust for Mikky.

Dali-dali akong bumangon at nagbihis ng maayos. Balak ko sanang mag-swimsuit para magamit ko kahit ngayon lang 'yong biniling two-piece swimsuit ni Pat para sa akin noong birthday ko noong isang taon kaso nahihiya talaga ako. Isinuot ko na lang ito bilang pangloob at nagsuot ako ng dress bilang panglabas. Hindi ko alam pero parang ang lakas ng kutob ko na kailangan ko talaga ito ngayon.

Pagkatapos kong mag-ayos, nag-message ako kay Niko para itanong ko nasaan sila.

Baby Bro

Beach lang ate. Bukana

Sige sige. Papunta ako diyan.

Nilagay ko ang aking phone sa aking bulsa at nagpatuloy na nga sa paglalakad. Agad ko naman silang nakita. Nasa loob ng cottage si Pat habang humihigop sa hawak niyang buko, may kausap na babae si Niko habang nakaupo ito sa buhanginan, at katabi niya naman si Cy na nakahiga sa isang mat.

Nasaan si Mikky?

"Mikky's not here." Nagulat ako sa boses na nanggaling mula sa aking likuran. Tumalikod ako nang makita ko siya ng mas maayos.

"Kuya Zian," bati ko. "Nasaan siya?"

Nagkibit balikat lang siya at sinuot ang kaniyang shades. "Nag-breakfast ka na ba?"

Pinilit kong ngumiti kasabay ng aking pag-iling.

"Tara?" alok niya.

Tumango naman ako at sumunod sa kaniya.

Lumingon naman ulit siya at tinignan ako. "You look cute, by the way."

Nagulat ako sa sinabi niya at nginitian ko na lang siya. Nag-ayos talaga ako para makita ako ni Mikky at mag-dalawang-isip siya sa pakikipaghiwalay sa akin dahil 'yon na nararamdaman ko ngayon. Nabwi-bwiset talaga ako sa karmang 'to, ang bilis naman yata.

"Na-try mo na ba 'yong camera?" tanong ni Kuya Zian sa akin habang sabay kaming naghahanap ng makakainan.

Umiling lang ako at tinuro ang menu sa taas ng isang stall. "Dito na lang ako."

Tumingala siya at binasa ang menu. "Sige ako rin," nakangiting sabi niya.

Hinayaan niya akong umorder at pinilit na siya na ang magbabayad ng lahat. Hindi na ako nakatanggi pa at naghanap na lamang ng mauupuan. Sa aking paglingon-lingon ay na kita ko kung gaanong kasaya ang mga tao sa paligid ko samantalang ako'y nilalamon na ng aking mga iniisip.

Kailangan ko nang maging masaya.

"Here, Jules!" tawag ni kuya sa akin. May nahanap na pala siyang mauupuan. Lulugo-lugo naman akong lumapit sa kaniya at umupo sa kan'yang tabi.

"Ayos lang ba kayo ni Pat?" biglang tanong niya. "Mukhang wala rin siya sa mood kagaya mo."

Napakagat na lang ako sa aking labi at hindi malaman ang aking itutugon.

"It's okay. You do not need to answer," singit niya. "Everything will be fine."

Sana nga, kuya. Sana.

Pagkatapos naming mag-umagahan, bumalik na ulit kami ni Kuya Zian sa cottage kung nasaan sina Pat. Kung ano ang ginagawa nila kanina ay ganoon pa rin ang kanilang ginagawa ngayon. Nakakatuwa talaga itong mga ito. They are really having fun. Good for them.

"Sakto, nandito na rin si Mikky," sabi naman agad ni Cy nang nakita niya kaming paparating. "May kasamang chicks." Nabato siya ni Pat ng buko nang sinabi niya iyon. Napalingon naman ako kay Mikky na kakarating lang din.

"Ahm," nahihiyang sabi niya sabay kamot sa kaniyang batok, "si Wena, classmate ko." Sa tabi niya ay nakita ko kung sino ang tinutukoy niyang Wena. Naka-one-piece swimsuit ito at kitang-kita rito ang nakaka-akit na kurba ng kaniyang katawan. Kayumanggi ang kaniyang balat at bumagay naman ito sa itim na itim niyang buhok na umaabot sa kaniyang bewang. Naiinis pa ako nang makita ko siyang ngumiti. Kinakain na ata ako ng insecurities ko nang maisip kong kahawig niya si Nadine Lustre.

Walang umiimik sa amin kaya naman 'yong si Wena na ang nagsalita. "I never expected na matatagpuan ko rin siya dito," saad niya. "Mikky's been my classmate since first year college. That's why I already see him as my friend kahit hindi kami ganong ka-close."

Napansin kong umirap sa kaniya si Pat nang matapos siyang magsalita at nagpatuloy lamang ito sa paghigop ng buko juice.

Nagtagpo naman ang mga mata namin ni Mikky at bigla siyang napalunok. "Wena," tawag niya rito, "si Jules nga pala, 'yong girlfriend ko."

Ngumiti ako sa kan'ya at hindi ko pinahalata na ang bawat molecule sa katawan ko ay na-iinsecure sa kaniya. Ako ang girlfriend, sa ngayon, so bakit ako matatakot?

"Hi," bati niya, "Mikky's so inlove with you. Lagi ka niyang nababanggit every time na magkausap kami," masayang sabi niya.

Ngumibit ako sa kaniya ngunit pinilit ko ring ngumiti. "Nagbreakfast na ba kayo?"

Ngumiti ng mas malawak si Wena at tumango. "While I was having my breakfast, I saw Mikky, alone. So, I joined him." Humawak pa talaga siya sa braso ni Mikky kasabay ng kaniyang malagkit na tingin sa boyfriend ko.

Napahinga ako nang malalim at napa-kuyom ang aking mga palad. Konti na lang at malapit na akong sumabog.

"Oh okay." Pinipilit kong hindi tumaas ang aking kilay dahil paniguradong gusto niya lang talaga akong asarin at nang maramdaman niyang na-iinsecure talaga ako sa kaniya. "Sana nasarapan ka sa breakfast mo." Tumalikod na ako sa kaniya bago pa kumawala ang dragon sa loob ko.

Tinaas ko ang laylayan ng dress ko at narinig ko ang mga gulat na reaksyon nila. Hinubad ko ito nang tuluyan at hinagis sa buhangin. At ito ako ngayon, suot ang aking pulang two-piece swimsuit na hindi ko inakalang maipapakita ko sa iba. Ito ba ang dahilan kung bakit ko ito isinuot ngayon? Well, may nagagawa pa pala akong mga tamang desisyon sa buhay.

Gusto ko pa sanang takluban ang katawan ko dahil pakiramdam ko'y hubad na hubad na ako ngayon pero kailangan kong magmukhang confident para ipamukha sa Wena na ito na mali ang kaniyang kinalaban.

"Mikky," tawag ko sa kaniya, "let's swim."

Takang-taka naman siyang lumapit sa akin. Pinulot niya pa ang dress na hinubad ko at tinaklob ito sa aking katawan.

Napahinga siya ng malalim habang papunta kami sa dagat.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

Ayaw niya ba akong kasama? Mali ba ang ginawa ko? Makikipag-break na ba siya sa'kin?

"Sa harap ka pa talaga ni Zian naghubad. Hindi mo ba nahahalata na type ka n'on?" dismayadong sabi niya.

Napa-awang na lamang ang aking bibig kasabay ng paghampas ng alon sa aking mga paa.

Bakit ba sa tuwing napapagdesisyonan ko na handa na akong pakawalan ka, lagi mo akong binibigyan ng dahilan para lumaban pa?

Naguguluhan na ako sa'tin, Mikky.

"Mikky," tawag ko sa kaniya nang tuluyan ng makalubog ang aming mga katawan sa dagat.

Why do you want to break up with me?

'Yan nga sana ang gusto kong itanong sa kaniya ngunit iba ang lumabas sa bibig ko.

"do you like her?"