Chapter 17 - Epilogue

JULES MARTIREZ

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang dahil sa aking narinig ngunit wala na akong nagawa dahil inescort na ako ng co-host papuntang stage.

Sa aking pag-akyat ay nakita ko si Mikky na umaakyat din sa kabilang gilid ng stage. Lalo akong kinabahan nang makita kong nagtama ang aming mga mata. Bakit ba ganito? Bakit ba ako kinakabahan?

Nang makarating kami parehas sa gitna ng stage ay nagsalita na naman ang host, "Ladies and gentlemen, Mr. Sarmiento and Ms. Martirez are considered to be the closest friends of our groom," pagpapakilala ng host sa amin sa harap ng malaking crowd. "Can you leave a message for our groom?" baling nito sa amin.

Napatingin naman ako kay Cy na nasa gitnang table sa baba ng stage. Katabi niya ang kaniyang bride na nakahilig pa talaga sa kan'yang balikat. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kaniya, baka may masabi lang akong mali. Nakita ko rin si Pat sa dulong upuan ng venue. Hindi ko inakala na mangyayari ito sa kanila. Six years ago, nagprepare na talaga ako ng message para sa kasal nina Cy at Pat pero ang laking adjustment ata ng gagawin ko sa message na iyon dahil hindi sila ang nagkatuluyan.

"Ehem." Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni Mikky. "Ako na ba muna ang mauuna?" bulong niya sa akin.

Napatingin naman ako sa kaniya nang pagilid. Nahalata niya atang hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. Tumango na lang ako bilang pagtugon sa kaniya.

Hinawakan niya ang mic stand na nasa gitna naming dalawa. Itinaas niya ito ng kaunti para tumapat ang mic sa bibig niya. "Magandang araw po," panimula niya. "Kung alam n'yo po ay kaibigan ko na po 'yang si Cy since birth, hindi literal pero pakiramdam ko talaga ay itinadhana kaming maging kaibigan," nakangiting sabi niya.

"I love you bro," palokong tugon ni Cy habang nakabilog pa ang kaniyang dalawang kamay sa palibot ng kaniyang bibig para mas marinig ang kaniyang boses.

Nahihiya namang ngumiti si Mikky at napatingin sa sahig. "Hindi ko inakala na mauunahan mo pa akong magpakasal pero gusto kong malaman mo na masaya ako para sa'yo." Huminto siya nang saglit at tumingin na ulit kay Cy. "Alam kong nakakagulat at hindi inaasahan itong pangyayari pero sana masaya ka talaga sa naging desisyon mo."

Nahalata ko ang masamang tingin na ibinigay ng bride kay Mikky pero hindi niya ito pinansin at inalapit na lang ang mic at sinet-up pa ito para sa akin. "Ikaw naman," nakangiting sabi niya sa akin.

Ngumiti na lang din ako at inilapit pa nang husto ang mic sa aking bibig. "Hello po. I'm Cy's ex-girl friend's best friend," nakangiting bati ko. "I have no idea kung bakit pa ako pinagsalita dito, pero Cy sana 'wag mong pagsisihan 'to," paloko at nakangising sabi ko. Napangisi rin naman si Cy at naghalukipkip.

"Alam ko kung papaano ka magmahal at alam ko rin kung gaano ka kasayang maging kaibigan. Ang bilis ng mga pangyayari at hindi ako makapaniwalang ikinasal ka na. I have no other words to say I just want you to have a good life and I hope you do not have any regret in life. Congrats."

Pinalakpakan naman kami ng mga tao. Napansin ko na may ibinulong 'yong bride sa co-host at ipinasa naman nito sa host na nasa stage. Nagkaroon ako ng masamang pakiramdam dito ngunit hindi ko na lang ito pinansin at bumaba na lang ako ng stage.

"Thank you, Mr. Sarmiento and Ms. Martirez. Now, let us welcome Ms. Patricia Gonzales, the groom's closest and best friend." Napahinto ako sa paglalakad at napatapat ako sa table nina Cy at ng bride niya. Nakita kong nagulat din ito at napatingin sa asawa niya. Mukhang nagulat din siya sa sinabi ng host.

"Why are you doing this?" tanong niya sa kaniyang bride.

"Bakit? Anong masama?" tugon naman nito. "I just wanted to see her reaction," nakangising sabi nito.

Kumuyom ang aking mga kamao at lalapitan ko na dapat ang impaktang bride na 'yon pero may pumigil sa akin. "It's okay. I can handle," nakangiting sabi niya sabay bitaw sa braso ko.

Napangiti na lang ako nang makita kong parang model na umakyat si Pat pataas ng stage. Sa kabila nito ay nahalata ko pa rin ang kaba at pagkainis niya ngunit pinilit niya pa ring itinunghay ang kaniyang ulo.

"Good morning ladies and gentlemen," puno ng kumpiyansang sabi niya habang nakatingin kay Cy at sa bride nito. "I am sorry kung hindi na ako naka-abot sa main event, masyado kasi akong napatagal sa pagpapa-ayos at hindi ko na namalayan ang oras," pagpapalusot niya. "Anyway, I just want to congratulate you. Every thing here is what we planned on our supposed wedding day. You really can't move on from me huh?," sabi niya kasabay ng isang pilit na tawa.

"Kidding aside, I am really happy for you,"pagpapatuloy niya habang nakatingin pa rin kay Cy. "Naiiyak ako sa inis kasi ang perfect ng araw na ito para sa'yo. So, I'm here to ruin it a bit by telling you that I didn't regret the decision that I made before, that decision to set you free. Well, because you seem happier now, while I am much stronger. Salamat sa mga panahon na pinasaya mo ako at ngayon kailangan ko na ata talagang tanggapin na hindi na ako ang tatawa sa mga korning jokes mo. Please make your wife the happiest person on earth." Huminto siya at huminga nang malalim. "Well, that's all. Congratulations, and best wishes." Agad siyang tumalikod at bumaba ng stage pagkatapos niyang magsalita.

Sinalubong ko naman siya ng isang mahigpit na yakap at nagkasundo kaming umalis na sa lugar na ito.

...

"Are you okay?" tanong ko kay Pat sabay bukas ng pinto sa passenger seat.

Tumango lang siya habang nakatingin sa akin. Bigla ko namang nahalata ang pagkagulat sa kaniyang mukha.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Si Mikky," sabi niya sabay turo sa likuran ko. "Well, mauuna na akong pumasok sa kotse at ayaw kong maging bitter."

Hinarap ko naman si Mikky pagkapasok ni Pat sa loob ng kotse. "Bakit?" tanong ko sa kaniya.

Bigla niya namang nilahad ang kamay niya at nakita kong hawak niya ang panyo ko. "Sa'yo 'to, 'di ba?"

Tumango naman ako at inabot niya ito sa akin. "Salamat."

Pagkasabi ko niyon ay tumalikod na siya at pumasok naman ako sa loob ng kotse.

"'Yon na 'yon?" eksahiradang tanong sa'kin ni Pat.

Isinuot ko ang aking seatbelt at tumingin sa side mirror kung saan kita ko ang likod ni Mikky habang ito'y naglalakad papalayo.

"Ayaw kong magaya ka sa'kin, sis. Ayaw kong parehas tayong maging matandang dalaga. Bigyan mo naman ako kahit inaanak man lang," palokong sabi niya.

Tumawa lang ako nang mahina ngunit mukhang seryoso si Pat sa sinabi niya. "Hindi ko ito paaandarin hangga't hindi kayo nag-uusap."

"Seryoso?" iritableng tugon ko sa kaniya ngunit nag-make face lang siya.

Wala na akong nagawa pa. Inalis ko ang aking seatbelt at bumaba ng kotse. Bumalik ako sa reception para hanapin si Mikky ngunit hindi ko na siya nakita roon. Pumunta ako sa lobby at sa mga sulok-sulok ng resort pero wala talaga siya. Mukhang hindi talaga kami itinadhana na magkitang muli.

"May naiwan ka pa ba?" Napalingon ako sa taong nagsalita sa aking likuran. Napatulala ako nang makita kong ito ang taong aking hinahanap.

Nilapitan ko siya at tinitigan. "Please meet me tomorrow at 24/7 Coffee Shop sa gilid ng 7/11 sa Tanauan at exactly 10 in the morning if you wanted to fix everything we left four years ago, otherwise, don't come," dire-diretsong sabi ko at hindi na siya nakasagot. Iniwan ko na lang siyang nakatulala dahil pati ako'y hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa.

Siguro'y natauhan lang din ako sa sinabi ni Pat. Ayaw kong magsisi sa huli at panghinayangan ang mga nangyari na. Masaya ako at nakilala ko nang lubusan ang aking sarili sa loob ng nakalipas na apat na taon. Panahon naman siguro para bigyan ko ng pagkakataon ang naudlot na anim na taon na kasama ko siya.

The Day after the Wedding

10 am

Sakto sa oras akong dumating sa tagpuan namin. Nakaupo ako sa unang table malapit sa pintuan para makita ko kung may darating man. Hindi naman sa umaasa ako pero hindi ko talaga mapipigilan ang saya na aking mararamdaman kung saka-sakaling makita ko siyang pumasok sa pintuan.

10:05

No sign of him. Mukhang ako lang talaga yata ang excited para sa araw na ito. I'll wait for another ten minutes though.

10:20

Okay that's it! Niloloko ko na talaga ang sarili ko. Sino ba kasing nakaisip nito 'di ba? Tumayo na ako para umalis. It's just a waste of time.

"Oh my gosh!" nagulat ako sa expression ng isang barista habang nagmamadaling pumunta sa isang mahabang bench. "Sir, gising na po! Nakalimutan ko kayong gisingin ng 10 am.

Nakita ko naman ang isang lalaking naalimpungatan at nag-iinat-inat pa. Napatingin ito sa kaniyang orasan at biglang napatayo. "Shit, hindi rin nag-alarm."

Pagharap ng lalaking iyon ay muntik na akong atakihin sa puso. "Mikky?" Dali-dali siyang lumapit sa akin habang isinusuot ang coat na ginawa niyang unan.

"Dito ka natulog?" gulat na tanong ko sa kaniya.

"Oo," nahihiyang sagot niya, "pero late pa rin ako."

Napakamot naman ako ng ulo. "Bakit naman dito ka natulog?" sabi ko na may halong pag-alala.

Tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata at hindi naman ako makaiwas dito. "'Cause I don't want to waste another chance."

Napa-awang ang aking bibig sabay hawak sa aking dibdib.

"I've been waiting for this day, Jules," dagdag niya pa.

"Me too," nahihiyang tugon ko. "I'm sorry for ending what we had before."

10:30

Nakita kong nalungkot ang mga mata niya. "It's okay. We still got a lot of years to spent together." Nagbago ang kaniyang mga mata, sumaya ulit ang mga ito.

Ngumiti ako bilang tugon. We ended our six-year relationship before but now we are ready to face more years together with the lessons that we gained on our past relationship.

10:36

I hugged him really tight. I'm happy that I'm with my love of my life again.

We're now 6 minutes and counting.

THE END

of the doubts and what ifs

and THE START of our much stronger relationship.

•••

Thank you for being with Jules, Mikky, Pat and Cy.

I'm sorry for ending this too soon, I just wanted to focus on other things now and I do not want to leave you hanging.

Thank you for the love.