Chapter 9 - 08

PATRICIA GONZALES

Kanina ko pang pinagmamasdan ang disco lights na saksi sa mga pangyayari ngayong gabing ito. Mas nakakahilo pa ata ang pagtingin dito kaysa ang pag-inom ng alak. Ayaw ko rin kasi ng lasa ng alcohol at umiinom lang talaga ako kapag kailangan. Katulad ngayon, kailangan kong samahan ang best friend kong sawi nang dahil sa hindi ko malamang dahilan.

Kanina pang laklak ng laklak itong si Jules. Siya na 'yong nakaubos ng isang bucket at ngayo'y umorder na naman sila ng dalawa pa. Hala sige tagay hanggang mamatay! Char.

Nakadagdag pa sa pagdadrama niya ang soundtrip dito sa bar. Binhi by Arthur Nery ba naman. Ramdam na ramdam tuloy niya lalo 'yong sakit. Kanina ko pa ngang sinasamaan ng tingin 'yong DJ pero hindi pa rin niya pinapaltan iyong music. Mga panggatong naman talaga itong mga taong 'to, oo!

"Mikky, bakiiit?" mahabang sigaw niya habang hawak-hawak ang isang bote ng San Mig. Agad ko namang tinakluban ang bibig niya dahil baka may masabi siyang 'di kaaya-aya. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang pinipigilan siya. Nakatingin naman sa amin ngayon ang mga kasama naming lalaki at tila wala rin silang ideya kung ano na bang nangyayari dito kay Jules.

Nagpipiglas naman si babaita kaya medyo napabitaw ako sa bibig niya. "N-Nang dahil b-ba sa utot k-ko ha?" sabi niya habang umiiyak. "Utot lang 'yon eh!" Hala sige iyak! "Na-turn off ka kaagad?" malakas na sabi niya habang nakatingin kay Mikky.

Nakita ko naman ang unti-unting pagkunot ng noo ni Mikky. Ano na kaya ang pumapasok sa isipan niya ngayon?

Hala, baliw pala itong girlfriend ko. I-break ko na kaya?

Hay, 'wag naman sana! Kailangan na talaga tumigil ni Jules kung gusto niyang i-preserve ang dignidad niya.

"Jules, would you please stop?" bulong ko sa kaniya. "Lasing ka na."

Umiling naman siya na parang tanga at pinagtatampal ng bahagya ang pisngi ko. "Hindi ako lasing."

"Ayos lang ba siya?" tanong naman ni kuya habang nilalayo 'yong mga bucket ng alak kay Jules. Natatakot na rin ata sila dito. Tatahimik-tahimik 'to pero ang wild 'pag nalasing.

"Bakit mo pinipigilan, kuya? Hayaan mo siya," sabi naman ni Cy sabay tulak pabalik kay Jules iyong mga bucket ng alak. Parang tanga talaga 'to.

Kita ko naman ang pag-aalala sa mga mata ni Mikky. Hay, Miks, baliw na baliw sa'yo ang best friend ko. Ano ba talagang nangyari sa inyo?

"Hindi mo ba alam kung ilang utot mo na ang nasinghot ko?" sigaw na naman ni Jules. "Tapos ako lalayo pa para lang mailabas---" Tinakluban ko na ulit ang bibig niya. Lasing na talaga ang gaga. Hindi na niya alam ang mga pinagsasasabi niya.

Pinagtatawanan naman ni Cy si Mikky habang napayuko na lang 'yong isa. Sa halip na tumulong 'tong si Cy sa mga problema, panggatong pa.

"Bakit ako lang nainom? Inom din kayo!" pagewang-gewang na sabi ni Jules sa amin. 

Uminom ako pero niluwa ko ito nang hindi na siya nakatingin sa'kin. Kanina pang ganito ang galawan ko sa tuwing aayain ako ni Jules na uminom. Ayaw ko kasing malasing, lalo na't nandito si Cy. Ayaw kong magmukhang mahina sa harapan niya ngayon. Kailangan kong pangalagaan ang pride ko.

Napansin ko na tunay nga na umiinom sina kuya kasabay ni Jules. Namumula na ang mukha niya at si Cy naman ay wala na rin sa matinong pag-iisip.

"Uminom ka, Niko," pang-uudyok ni Cy sa kapatid ni Jules. Paano nga pala 'yan nakapasok dito e 17 lang 'yan? "Bilisan mo, mahahalatang minor ka," pangdedemonyo pa nitong si Cy. Napaka-B.I. talaga ng walang'yang ito. Uminom nga naman si Niko at nagmake-face dahil sa lasa ng alak pero agad ulit siyang pina-shot ni Cy. Kawawang bata.

Makalipas ang ilang shots ng mga mokong na 'to, kami na lang ni Mikky ang hulas. Lasing na lasing na rin si Cy. Si Niko naman, tulog na. Si kuya naman tinutungga-tungga pa 'yong boteng hawak niya. Bahala kayo d'yan. Hindi ko kayo ihahatid sa mga kwarto ninyo.

"Babeee, tagaaay!" Nagulat ako nang biglang iwinawagayway ni Cy ang shot glass niya sa mukha ko. Ipalunok ko 'yan sa'yo eh.

Inaawat naman agad siya ni kuya. "Lasing ka na, bro," sabi niya dito habang pinagpipilitang ibaba ang braso niya. Lasing ka na rin, bro.

"Hindi ako lasheng!" sagot naman niya kay kuya tapos tumigin na naman sa'kin. "I love you, Pat. I am sorry, I'm an assh*le," sabi niya. Buti naman at alam mo. "Balik ka na sa'kin," naiiyak na saad niya. Hahawakan pa sana niya ang mga kamay ko ngunit agad kong nilayo ang mga ito at inirapan siya.

Natutuwa naman ako ngayon nang nakikita siyang nagkakagan'yan. Buti nga sa'yo, mas marami pa nga ang iniiyak ko d'yan. Nararapat lang na pantayan mo ang mga luhang nasayang ko nang dahil sa'yo.

Umabante naman ako para mapalapit sa kan'yang mukha. "Say it again," utos ko sa kanya.

"I love you, Pat," agad na sabi niya.

Umiling ako at hinawakan ang kanyang pisngi. "Not that," nakangising saad ko. "Sabihin mo ulit sa harapan ko na assh*le ka."

Nakita kong napatingin sa'kin si kuya. Masama ang tingin niya at alam kong tutol siya sa mga pinagsasasabi ko. "Stop," utos niya.

Tinignan ko lang siya. "Then, stop this too. I know that you're setting us up again. Hindi na ako makikipagbalikan d'yan."

Tumayo ako para sana mag-cr pero pagtalikod ko ay nagsalita na naman si Cy. "I'm a stupid motherf*cking assh*le." Napalingon naman ako sa kan'ya. "Happy?" tanong niya saka uminom ulit sa bote na mismo.

Hindi ko na siya pinansin pa at naglakad na lang ako papalayo. Pagkarating ko sa cr, agad akong naghilamos para mahimasmasan.

Napatingin ako sa aking repleksiyon sa salamin at napatigil sa paghihilamos. Naramdaman ko na lang bigla na naiiyak ako.

Why? Umiiyak na naman ba ako nang dahil sa gagong 'yon? No way!

I hate you, Cy.

Tinuyo ko ang aking mukha gamit ang aking panyo at pinakalma ang aking sarili para hindi ko na ulit maisip ang pag-iyak.

Nang maramdaman kong kaya ko na ulit harapin si Cy, naisipan kong bumalik na ulit sa table namin. Pagbalik ko doon ay tinutungga pa rin ni Jules 'yong bote ng alak. Hinaglit ko naman 'yon mula sa kamay niya at binaba sa table. "Tara na sa kwarto," utos ko sa kaniya.

"Hindi pa ako ta--"

"F*ck! Tara na!" Hindi ko na napigilan ang galit ko at dahil doon ay nasigawan ko na siya.

"Ako na, Pat," Biglang humarang si Mikky kay Jules at hinawakan niya ang ulo nito. "Mauna ka na sa kwarto, ako na magdadala sa kaniya doon," mahinahon na sabi niya.

Pumayag naman ako at iniwan sila.

Ang ganda-ganda na ng araw ko eh, sinira pa ni Cy.

Why's everything like this now? We were so happy back then.

Flashback

4 years ago.

"P*tangina!" sabi ko nang makitang sira pala ang payong na nadala ko pagbukas ko nito. "P*tangina!" sabi ko ulit dahil hindi ko alam kung paano ako pupunta sa parking nang dahil sa lakas ng ulan.

"Petengene!" Narinig kong may nanggaya sa'kin mula sa likod ko. "Ang sama talaga ng bibig mo!" Naiinis na sabi niya sa'kin saka nagkamot ng likod ng tenga niya.

"I don't give a f*ck." sagot ko sa kaniya.

Kanina niya pa akong binubwiset sa room. Ginugulo niya ang buhok ko pati ang mga gamit ko pati ang damit ko. Nakakabwiset siya! Noong grade 10 pa siyang gan'yan. Ang malas ko kasing hanggang grade 11 ay kaklase ko pa rin siya. Akala niya siguro ay nakakatawa siya, pero hindi sis! I really don't like this type of guys like him. Mga pa-cool tapos mukha namang walang mararating sa buhay! Wala talaga silang nagagawang tama sa mundong ito. Dapat ineevict na lang sila at dinadala sa ibang planeta. Gosh, sira na talaga ang araw ko.

"Sa'yo na lang 'to. I'm waterproof." Inabot niya sa'kin ng payong niya sabay nagtatakbo sa malakas na ulan. Nagkungwari pa siyang water bender doon sa gitna ng field. Mukhang tanga lang talaga.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagdire-diretso na papunta sa parking gamit ang payong na binigay niya sa akin.

Buti na lang ay pinahiram ako ni kuya ng kotse niya ngayon dahil nakita niyang ang dami kong dala pagpasok. Sabay-sabay kung magpagawa ng projects ang mga profs e.

Paglabas ko ng gate ng school sakay ng kotse, nakita ko 'yong mokong na naglalakad pa rin sa ulanan. Pinaninindigan niya talaga ang pagiging waterproof niya ah?

Binusinahan ko naman siya at napahinto siya sa paglalakad. Binaba ko ang bintana para magpakita sa kan'ya. Ang lawak naman ng ngiti niya noong nakita niya ako. Akala niya ata'y pasasakayin ko siya. Asa naman siya.

"Oh payong mo," sabi ko sa kan'ya sabay abot n'ong payong niya. Nakita ko naman na biglang nawala ang malawak na ngiti sa mukha niya.

"Wala man lang bang salamat d'yan?" pagpapa-cute niya.

Inirapan ko lang siya. Bahala ka d'yan lagi mo akong inaasar e.

Medyo nakonsensya naman ako nang makitang basang-basa talaga siya ng ulan. "Salamat," pilit na pilit na lumabas sa aking bibig.

"You're welcome, babe," sagot niya sa'kin at kumindat pa.

Muli ko siyang inirapan at itinaas na ulit ang bintana ng sasakyan. Pinatakbo ko na ulit ang kotse at iniwan siya sa ulanan.

Buti nga sa'yo! Nararapat lang sa'yo 'yan.

Napatingin naman ako sa side mirror ko at nakita ko siyang nag wa-waterbend na naman habang nakatingin sa aking sinasakyan.

Helpless boy.

Argh! Sh*t! Bakit ako nakokonsensya?

Naisip ko bigla na mag-U-turn para lang balikan siya. Well, hindi ako bitchesa na walang konsensya. Ginawa ko lang talaga ito dahil malakas ang konsensiya ko at mabuti akong tao. Hindi katulad niya.

"Wow, you're back!" tuwang-tuwang sabi niya nang makaparada ako sa tabi ng nilalakaran niya.

"Sakay na!" sigaw ko sa kan'ya. "Bago pa magbago ang isip ko." Sumakay nga naman siya. Sa pagmamadali niya ay nadala niya lahat ng tubig-ulan sa loob.

"Pasensya na basa ako," sabi niya pagkaupo sa shotgun seat. "Pinahiram ko ng payong 'yong crush ko e." Kumindat na naman sa akin ang mokong. Yak, mukha talaga siyang manyakis. Nagsisisi tuloy ako na pinasakay ko s'ya.

"'Di ba may kotse ka rin? Bakit 'di mo ata dala ngayon?" tanong ko sa kan'ya at pinaandar na ulit ang sasakyan.

"Coding," tugon naman niya habang nagse-seatbelt. "F*ck that coding." Halata ko talaga ang labis na pagka-inis sa boses niya. Tamo! Sama din naman ng bibig mo tapos ang lakas ng loob mong sawayin ako?

Bigla naman siyang napangiti nang nagkasalubong ang aming mga mata. "Ayos lang pala, napasakay naman ako ni crush," sabi niya sabay ngisi sa'kin.

"I like you, Pat." Napa-preno ako bigla nang dahil sa sinabi niya. "It's a prank!" sabi naman niya sabay tawa. "I got you!" Nakahawak pa siya sa tiyan n'ya habang tumatawa. Tawang-tawa? "You should see your face!"

Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Pero no joke, I like you talaga," Napa-preno na naman ako. Ano ba naman itong paang ito? Buti na lang at sakto naman akong napahinto kasabay ng stop light.

"Psh, kiss me nga," pang-aasar ko sa kanya para isipin niya na hindi talaga ako apektado sa mga pinagsasasabi niya.

Laking gulat ko naman nang inalis niya ang seatbelt niya at bigla niyang inabot ang aking mukha.

Then his lips are suddenly on mine!

Itutulak ko sana siya palayo pero ang lambot ng lips niya.

God! Ano ba itong naiisip ko?

Natapos ang halik na iyon nang businahan kami ng sasakyang nasa likuran namin dahil ang pulang ilaw sa traffic light ay naging berde na.

Nilayo niya ang kaniyang katawan mula sa akin at nag-seatbelt ulit.

Wow! Parang walang nangyari a?

That was my first kiss! P*tangina!

End of flashback