PATRICIA GONZALES
What a view talaga, sis! Nakailang picture at selfies na ata ako with the sea and the sunrise. Inagahan ko talaga para makita ito! Ang sarap talaga ng feeling dito sa Pagudpud lalo na kapag maraming pogi ang nakikita. Gahd! Dito na lang ako talaga ako, sis.
Patuloy pa rin ako sa pagboboy hunt at picture habang nagbbreakfast ako with this wonderful view. Mas masarap sana itong bakasyon na 'to kung may jowa eh. Well, I don't care na about that! Naka-move on na agad ako! Bakit ba?
Habang nakatingin pa rin sa dalampasigan, nakita ko si Jules na nagpapahid ng sipon niya. Papalapit sa akin ang gaga. Nakakadiri talaga itong babaeng ito, napaka-nerd.
Nagkungwari naman akong hindi ko siya nakikita dahil sigurado akong manghihingi 'yon ng ulam sa akin eh. Aba, mahal 'to! Bumili siya ng kaniya!
"Pat," tawag niya sa'kin. Pagtunghay ko naman ay kita kong namumugto ang kaniyang mga mata. Umiiyak ba siya? Kaya naman pala sinisipon e. "Tarang mag-inom," biglang alok niya sa'kin. Napanganga naman ako. Bakit na naman kaya nagyayayang mag-inom 'to?
"Pat! Ano ba?" inis na saad niya dahil hindi agad ako sumagot sa kaniya. "Tara na!" pilit niya sa'kin habang hinihila ang strap ng swimsuit ko kaya hinampas ko agad ang kamay niya. Baka ako mahubadan e.
"Ano ka ba? Ang aga-aga mag-iinom tayo? Gusto mo bang mapaaga ang meeting n'yo ni San Pedro?" Akala ko ay tatawa siya sa joke ko pero hindi, lalo lang siyang umiyak.
"T-Tara na, Pa-Pat!" pagmamakaawa niya habang nanginginig-nginig pa ang kaniyang boses dahil sa pag-iyak.
"Ano ka ba gurl?" sigaw ko sa kanya. "May nakikita ka bang bukas na bar or club or pub or inuman nang ganitong oras?" napatingin naman siya sa palagid.
"Edi mamaya." Nagawa pang ngumit ng gaga. "Please."
"F*uck! Fine." Nagpapalakpak naman siya pagkasabi ko nito. Ano ba 'yan? Hindi ka pa nga lasing, ganiyan ka na? Ano bang nangyari dito? "What happened to you?" tanong ko sa kaniya.
"Wala," sagot niya. "Gusto ko lang talagang uminom." Psh, maniwala sa'yo. Lasingin na lang talaga kita mamaya para magsalita ka.
Inalok ko na rin siyang magbreakfast, pumayag naman siya. Naawa ako e. Medyo nawawala na rin ang pamumugto ng mga mata niya matapos niyang kumain. Ay, baka gutom lang kaya naiyak? Walang hiya talaga itong babaeng ito at naperahan na naman ako.
Pagtunghay ko naman ay nakita ko sina Mikky, Niko, kuya, ay iyong lalaking kinalimutan ko na pero sulpot pa rin ng sulpot, na papalapit sa amin.
"Nand'yan na bebe mo, 'wag ka nang umiyak," sabi ko naman dito kay Jules. Nakita ko naman na lalong lumungkot ang aura niya nang nakita niya si Mikky. Omg, ano na namang meron? Break na ba sila? E bakit naman siya lulungkoy kung gayon? Edi ba 'yon nga ang gusto niya?
"Bibi!" masayang bati ni Mikky kay Jules. Ay, so hindi pa pala. Bibi pa ang tawag e.
Ngumiti naman si Jules sa kan'ya.
Ito talagang si Jules, napakamarupok. Ang bobo rin pag dating sa love. Dali-dali rin kung magdesisyon. Iyakin pa! Pero hindi ko rin siya masisi, hindi naman ako ang nasa katayuan niya e pero sana naman maging ayos na sila. Cute kaya nila at saka six years na sila. Sayang naman.
Itong si Cy naman na ito, akala mo nakakatuwa. Pangiti-ngiti rin sa'kin. Mukha tuloy siyang baliw. Tuwing nakikita ko siya ay umiinit ang dugo ko! Sana malunod na lang siya sa dagat.
"Sweetheart!" At 'yan na nga po, nasira na ang mood ko. Gusto ko siyang sampalin pero ayoko namang madumihan ang maganda kong kamay. Hindi ko na lang din siya pinansin. "Ay, ang taray naman ng bebe ko!" dagdag pa niya.
P'wede ba? Hindi ako nakikipaglokohan sa'yong itlog ka. Go away!
"Mag-iisland hopping tayo ngayong araw," bigla namang sabi nitong si kuya sabay upo sa tabi ko. Isa pa 'tong hindi ko bati. Sinong matinong kapatid ang makikipagsabwatan sa ex ng kapatid niya 'di ba? "Masaya 'to guys!" pag-chcheer up niya sa'min. Nahalata niya ata na wala lahat sa mood ang kasama niya.
"Hindi ako sasama kung kasama 'yan," mataray na bulong ko habang nakaturo kay Cy.
"Hindi pwede," pagtutol naman agad ni kuya. "Siya magbabayad e," sabi niya sabay fist bump sa bayaw-bayawan niyang hilaw.
Binigyan ko naman sila ng what-in-the-actual-f*ck look. "I have my own money, stupid sons of a---"
"Hindi na kita bibigyan ng additional allowance kapag itinuloy mo 'yan," sabat ni kuya sa'kin habang nakaturo sa bibig ko. HUHU! God! Kung hindi lang para sa pera.
Tinikom ko na lang ang bibig ko at nagkungwaring natutulog. Attittude ako sis. Attitudest.
"Hindi ako sasama," nagulat naman ang lahat nang si Jules na ang nagsalita. "Masama ang pakiramdam ko."
Binatukan ko naman agad siya. "Walang inom later, sige ka," bulong ko sa kaniya.
Bigla naman siyang ginanahan at nagka-energy. "Ayos na pala ako," saad niya. Baliw talaga ang mga kasama ko.
Pagkatapos kumain ng lahat, nagprepare na kami ng mga dapat dalhin sa island hopping. Naeexcite talaga ako! Ayaw ko lang talagang makasama 'yong ex kong hilaw. Naiinis talaga ako sa kaniya.
Pumunta na kami sa dalampasigan para antayin 'yong bangka na sasakyan namin. Apat lang ang pwede sa isa for safety reasons so naghati na lang kami. Syempre sinama ko si Jules sa'kin at nagulat ako nang sumakay din si kuya sa bangka namin kaya sa kabilang bangka nagsama-sama 'yong tatlo, sina Mikky, Niko, at bogart.
Dumada-moves ba itong si Kuya sa bangkero namin? Hays, I hate him talaga for bringing Cy with us kaya ayaw ko rin siyang makasama.
"Did you cry?" tanong niya bigla kay Jules habang nagta-take off na yung bangka namin. Kinakabahan naman ako kaya humawak ako kay Jules, parang tataob eh.
"Ha?" gulat na sagot ni Jules kay kuya. Paano naman kaya nahalata ni kuya na umiyak itong si Jules e hindi na nga pugto 'yong mga mata niya? "Hindi a," habol na sagot ni Julesa.
"Okay. I'm just letting you know that I am here for you." Wow, kuya! Mas sweet ka pa sa bestfriend ko kaysa sa'kin? Isa ka pang--grrr!
"Hoy hoy!" awat ko sa malagkit na tingin ni kuya kay Jules. "Aahasin mo pa itong si Jules e marupok 'yan! May jowa 'yan kuya ha! Napakalandi mo!" Tinawanan lang ako ni kuya habang si Jules ay tulala pa rin.
Akala ko tatawa lang siya pero hindi. Bigla niya akong ni-headlock at pinag-gugulo ang buhok ko. "Spoiled brat kang bata ka ha! Kung ano-anong sinasabi mo!" saway niya sa'kin.
"A-Aray kuya! Sakit naman eh! Putcha!" Mabaog ka sana kuya.
Nakita ko naman na napapangiti sa'min si Jules kaya okay lang na nagkagulo-gulo itong buhok ko. Mahal na mahal ko itong beshywaps ko e. Kahit na gusto ko siyang sabunutan minsan, ayaw ko ng nalulungkot 'yan.
May isang oras ata kaming naglayag bago makarating sa unang island. Na-amazed agad ako nang tumigil ang bangka namin sa daungan. Kahit isa lang naman itong isla na puno ng buhangin, iba pa rin talaga ang dating! Medyo ma-pink ang buhangin sa islang ito hindi katulad nung isla na pinanggalingan namin. Mas madami rin ang puno ng buko rito at sabi nila ay p'wede daw kaming mamingwit ng sarili naming buko para magawang juice. Lalo tuloy akong na-excite nang narinig ko iyon. I love buko juice e!
Pagkababa ko ng bangka ay nagpa-assist agad ako para sa pamimingwit ng buko. Nairita naman ako nang makita ko si Cy na sumusunod sa akin. Malaglagan ka sana ng buko, bwiset ka.
Proud na proud naman ako sa sarili ko nang nakapagbaba ako ng apat na buko. Agad ko namang dinala iyon sa counter para malagyan ko ng yelo at matimplahan pa ng mga kung anu-ano. Nilgyan ko ng strawberry syrup at maraming yelo 'yong isa at sinimulan na ang paghigop dito. Ang sarap!
Bigla namang nahagip ng mata ko sina Mikky at Jules. Pinipicturan na naman ni Mikky si Jules mula sa malayo. Ang cute talaga nila. Naisip ko naman na picturan 'yong dalawa for remembrance bago sila mag-break. Char lang!
"Picturan ko kayo ni Mikky," tawag ko kay Jules habang papalapit ako sa kanila. Hindi pa siya nakakasagot ay tinawag ko na rin si Mikky. Lumapit naman agad siya. "Picturan ko kayo ha!"
Pumwesto naman agad sila. Wow! Picture perfect na magjowa. Sana all. Hmph! Nagbilang ako para mapicturan sila ng ayos. Nakakagulat naman itong si Mikky at may pag-kiss pa sa cheek ni Jules. Muntik ko ng mabato sa kanila ang hawak kong camera. Nakakagigil ang mga kalandian! Edi kayo na may jowa! Magbbreak din kayo! Char, stay strong sis. I know you love each other very much. Support!
Pagkatapos ko silang picturan ay pinakita ko naman agad ito sa kanila. Napangiti naman sila nang makita nila 'yong larawan. Sus, kilig naman kayo d'yan. Kaasar.
"Picturan ko kayo ni Cy?" tanong naman agad nitong si Mikky sa akin.
Pumamewang naman ako at inirapan siya. "Alam mo, Mikky, magkaibigan tayo e. So bakit ka gan'yan?" Tumawa na lang siya at naglakad palayo kasama si Jules.
Paglingon ko naman ay nakita ko na mukhang dismayado si Cy. Ano namang inaarte nito? Bigwasan ko 'to e.
...
Pagkatapos ng ilang oras na pagsakay sa bangka, paglalangoy, seafood trip, picture-picture, at kabitteran ko kayna Mikky at Jules, ay babalik na kami sa resort. Grabe, lampas limang isla ata napuntahan namin eh! 'Yong iba ay may mga kweba kweba pa. Naisip ko naman na ang sarap iwanan ni Cy doon. Sayang naman at hindi ko nagawa.
Nakakapagod talaga pero worth it, hindi si Cy ha! 'Yong island hopping.
"Kuya!" tawag ko sa kuya kong engot. "Sakay na!" Hindi pa rin siya nasakay sa bangka namin at parang doon siya sa kabila sasakay.
"Diyan daw muna si Mikky baka magalit sa'kin!" sigaw niya.
Ay wow! Okay, third wheeling!
Tahimik naman si Mikky na sumakay sa bangka namin at tumabi kay Jules. Ito namang si Jules poker face pa rin. Manhid ka girl? Kung ako lang nilalandi ng jowa ko ng ganyan, may baby na kami. Char! Bad 'yon. Soon pa, soon.
Medyo nag-uusap naman sila on the way pero ang tahimik nilang mag-usap. Parang nagbubulungan lang. Ang boring naman ng dalawang ito! Sarap pag-umpugin e. Hindi naman sila dati ganito a? May something talaga dito sa dalawanng ito ngayon.
Nang makabalik na kami sa resort, bababa na sana ako ng bangka at didiretso na sa kwarto pero bigla akong hinarang ni Jules. "Iinom tayo 'di ba?" nakakatakot niyang sabi sa'kin habang nanlilisik ang kaniyang mga mata.
"S-Sabi ko n-nga," nangangatog na tugon ko sa kan'ya. Parang papatay kapag 'di nakainom, sis? Alcoholic ka, gurl?
Maghahanap na sana kami ni Jules ng maiinuman pero bigla naman kaming hinarang ni Cy. Harangan lang, ganon?
"Pasaan kayo ha? Gabi na!" saway niya. Tatay ba kita? F*ck off!
"Iinom. Sama ka?" sagot ni Jules. Nanlaki naman ang mga mata ko dito kay Jules. Aba't nagyaya pa ang loka!
Sumama nga naman si bogart. Sinama pa niya sina kuya, Mikky at Niko.
Disaster ang nakikita kong future namin. Help me, Lord.