JULES MARTIREZ
Nag-inat-inat ako pagbangon ko sa kama. Ang sakit ng katawan ko kakalangoy kahapon. Talagang sinulit namin ang beach na para bang walang bukas. Napagod din ako sa pagtakbo namin dahil sa panghahabol ng mga bastos na lalaki kahapon. Buti na langat inawat kami ng mga life guards.
Balak ko na puntahan ngayon si Mikky para magpasalamat. Kahit papaano'y naging masaya naman ang araw ko kahapon nang kasama siya. Kaya ngayon ay gusto ko siyang bilhan ng breakfast.
Kinuha ko agad ang aking tuwalya at toothbrush para makalabas na agad ako ng kwarto. Pagpunta ko sa cr, inabutan ko naman si Pat na nagtu-toothbrush na. "Oh aga mo ah?" bati niya sa'kin.
"Mas maaga ka!" sagot ko naman. Mukhang nakaligo na rin siya dahil sa tuwalyang nakabalot sa ulo niya. "Pasaan ka?" tanong ko.
"Magbo-boy hunting. Sama ka?" nakangising tanong niya sa'kin.
"Baliw!" Hinampas ko siya ng tuwalyang hawak ko. Para namang papayag si Cy na makapag-boy hunt siya. Nangyari nga itong travel na ito para sa operation: get-back together with my ex girlfriend ng mokong na iyon.
"Ikaw saan ka?" tanong niya naman sa'kin bago siya magmumog.
"Kay Mikky," maikling tugon ko habang naglalagay ng toothpaste sa toothbrush ko.
"Oh e bakit ka pa maliligo at magtotoothbrush?" pamamakialam na naman niya. "Dumiretso ka na doon at ipaamoy mo sa kanya lahat ng baho mo at nang matapos na ang lahat!" bulalas niya sa mukha ko.
Inirapan ko lang siya at pinalabas ng cr. Nagbago na ata ang isip ko. I want to keep Mikky. 'Di niya deserve itong ginagawa ko sa kanya. Isang beses lang naman niya nakalimutan ang anniversary namin e, baka busy lang talaga siya noong mga panahon na iyon. I will give him another chance. Namulat ako sa katotohanan na mahal ko pa rin pala talaga siya, mahal na mahal.
Pagkaligo ko ay pumunta na agad ako sa kwarto nina Mikky. Nakita ko naman si Niko na nasa labas lang ng kwarto. "Uy!" tawag ko sa kapatid ko. "Bakit ka nasa labas?"
"Bumili lang ako ng kape," sagot niya.
"Oh? E bakit hindi ka pa napasok?" tanong ko ulit kasi hindi ko magets kung bakit siya nasa labas pa.
"Nasa loob si Kuya Cy e. Mukhang may pinag-uusapan," tugon naman niya. "Punta muna ako sa pool," pamamaalam niya at naglakad na nga siya papalayo.
Ano na naman kayang pinag-uusapan n'ong dalawa? Plano na naman ba para kay Pat? Mukhang pursigido talaga si Cy na makipagbalikan kay Pat ah?
Napansin ko naman na naka-awang ng kaunti ang pinto. Papasok na sana ako pero mas pinili kong maki-isyoso sa kanilang pinag-uusapan.
"Why don't you just break up with her?" narinig kong sabi ni Cy kay Mikky. "I'm sure maiintindihan naman niya."
Narinig ko naman na napahinga ng malalim si Mikky. "'Di ko pa kaya," sagot niya.
Anong hindi niya pa kaya? May balak nga siyang makipagbreak sa'kin?
Na-blangko na ang utak ko. Karma is really a b*tch. Ang sakit na marinig iyon mula sa kanya.
May plano rin pala siyang makipaghiwalay sa'kin. Bakit kaya? Sobra na ba ako? May mali ba akong nagawa? Anong nagawa kong mali?
Hindi na ba niya ako mahal?
Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako. Agad akong lumayo sa kwarto niya at tumakbo palayo hanggang sa nakarating ako sa dalampasigan. Umupo ako sa buhanginan at tumingin sa karagatan.
He was my first love, and I'm also his first. We were so happy before but now, everything is uncertain, puro na doubts. Maiiligtas pa ba namin ang relasyong ito?
Flashback
6 years ago.
"Go go go!" pag-ccheer ko sa team ng school namin lalo na kay Mikky. Ang galing niya talaga. Bawat lapit ng bola sa kanya ay nasasalo niya. Lalo naman akong napasigaw ng nakahampas ulit siya ng bola. Shet! I really like him na talaga.
Nalaglag na ang puso ko, sana masalo mo rin.
"Tutulo na ang laway mo sis," pang-aasar sa'kin ni Pat. "Bakit ba ayaw mo pang umamin d'yan kay Mikky na gusto mo siya? Dali-dali na nga lang kasi kaklase na natin," sabi niya habang humihigop doon sa straw niya.
"I don't know how," sabi ko habang nakatulala sa naglalarong Mikky.
"Yuck! Puro kasi books nasa isip mo eh!" maarting sabi niya. "Hindi ka tuloy marunong lumandi."
"Help me," bigla kong nasabi kay Pat pag-lingon ko. "Gusto kong malaman niya na gusto ko siya," sabi ko with puppy eyes. Walang-wala na ako e.
Gulat na gulat naman si Pat sa sinabi ko pero pumayag siya at excited na excited pa siya. "OMG!!! Hindi na tatandang-dalaga ang best friend ko!" sigaw niya at agad ko namang tinakluban ang bibig niya. Grade 9 palang kami. Masyado naman siyang OA sa tatandang-dalaga. Crush ko lang talaga naman 'yong tao.
After lunch, agad naman kaming nagtungo sa library para daw malakas ang wifi at walang sagabal sa pag-chachat.
"Eto na sis! Ichachat ko na!" sabi ni Pat na para bang nakukuryente sa kilig.
Ni-search niya na sa Facebook si Mikky.
"OMG! Ang jowable naman pala talaga nitong si Mikky," saad niya pagkakita niya sa profile ni Mikky. Ang pogi nga sis. Suot niya yung jersey niya at may hawak na bola. Varsity kasi e.
At nagsimula na nga si Pat sa pagchachat sa kan'ya.
Mikael Sarmiento
Hi Mikky!!!
Delivered
"Sis online!" sigaw ni Pat. Nasaway tuloy kami ng librarian.
Kinabahan naman ako at nag-cross fingers. Parang nagdadasal lang na manalo sa lotto.
Mikael Sarmiento
Hi Mikky!!!
Hi pat. Bakit?
I have a bonggang news para sa'yo!
Haha ano yun?
Our presi likes you.
Seen
Nagkatinginan naman kami ni Pat dahil na-seen ito ni Mikky pero hindi na siya nagreply.
"Luh, 'di na nagreply." Nangasim ang mukha ni Pat habang nakatingin sa akin. Nalungkot din naman ako.
"Hayaan mo na. Tara na," dismayadong sabi ko sa kanya. "Baka hindi lang talaga interesado." Tumayo na ako mula sa aking inuupuang silya. Well, at least we tried 'di ba?
Grade 8 pa lang kami ay kilala ko na si Mikky. Grade 9 ay naging magkaklase naman kami. Hindi ko siya napapansin dati pero ito ako ngayon, baliw na baliw na sa kan'ya. Kakaiba 'yong charms niya e. Sporty plus gentleman plus jolly plus cutey! Grabe! I can't explain how much I like him. Ngunit ito ako ngayon, rejected.
Nagpunta na lang kami ng court para manood na lang ulit ng mga naglalaro. Tulala akong naghahanap ng bleacher na bakante para makaupo na kami ni Pat.
Bigla ko na lang naramdaman na may nag-landing na bola sa ulo ko.
Putcha, ang sakit lang.
Narinig ko ang reaction ng mga iba pang nanonood. Mukhang nasaktan din sila sa nakita nila. Spike pa ata iyon. Nagka-amnesia na ata ako.
"Okay ka lang?" sabi ng isang tinig na nag-approach sa'kin. "Sh*t dalhin natin siya sa clinic." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil binuhat na niya ako.
"May laro ka pa! Championship na ito!" sigaw n'ong coach niya pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang siya sa paglalakad palabas ng court.
"Saan mo ako dadalhin?" nangangambang tanong ko. Mukha akong high. Ang sakit ba naman. Nakakatulero.
Napatawa naman siya sa'kin kahit halata ko pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.
"I'm sorry. Napa-outside tira ko. Tumama pa sa'yo." Tinamaan na talaga ako sa'yo.
"Thanks, Mikky! Huhu, grabe itey!" sabi ni Pat sa kan'ya pagkahiga sa'kin sa isa sa mga clinic beds.
Nakita kong lalabas na sana siya ng pintuan pero napa-urong siya at bumalik sa amin. "Sorry, hindi na ako nakapagreply. Pinasok ako ni coach eh. Usap tayo mamaya, Jules." Hindi pa nagsisink-in sa utak ko ang mga sinabi niya. Ito namang si Pat ay pinaghahampas na ako dahil sa pagpigil sa kilig niya.
Ang lakas ng tama ng bola sa'kin pero mas malakas ang tama ko kay Mikky.
Ano na, Jules? Buhay pa ba?
End of flashback.
Tumayo ako at pinagpag ang mga buhangin na kumapit sa pantalon ko. Marahas ko ring pinunas ang mga luha ko sa mata pati sipon ko na tumutulo na.
I've been so crazy for him kaya siguro hindi ko naramdaman noon na mas mahal ko nga siguro talaga siya.
Nakuntento na ako sa lahat and I never asked for more. Nakuntento na din siguro siya na ganito lang ako, mahal na mahal siya, kaya hindi siya nangangamba na isang araw ay pwede akong mawala sa kanya.
At ito, he's planning to break up with me. Bakit masama loob ko e ginusto ko rin naman 'to?
Ang sakit sa utak! F*ck this stupid love thingy! Nakakabaliw ka.
Agad ko namang hinanap kung nasaan si Pat buti na lang ay nakita ko agad siya, napaka-komportableng nag-uumagahan sa harap ng dagat. "Pat," pagkuha ko sa atensyon niya at nilingon niya naman agad ako. "Tarang mag-inom."