JULES MARTIREZ
"Ako na," alok ni Mikky sabay hila sa maleta ko.
"Thanks," sabi ko naman agad sa kaniya.
Nandito na kami sa Pagudpud. Nandito rin 'yong guest house na pag-iistayhan namin. Grabe! Ang sarap sa eyes ng view! Parang gusto ko na lang magpaiwan dito.
Hindi pa ganoong kadami ang tao kaya makikita mo na may space pa na p'wedeng pagtambayan at paglanguyan doon sa dagat. Bughaw na bughaw ang tubig at ang puti-puti ng buhangin. Nakakapanibago talaga ang tanawin dito. Nakaka-refresh!
"Welcome to Silver Oceania Beach and Resort," bati sa amin ng mga receptionist.
Ang lawak naman ng ngiti nitong si Cy. "Grabe, ang dami ko agad nakitang chix." Natauhan naman siya nang bigla siyang siniko ni Mikky. Napalingon naman sina Pat at Kuya Zian. Ito namang kapatid ko, tahimik lang sa tabi ko.
Pinili nila iyong kwarto na Dualiana, kung saan p'wedeng dalawa ang nasa kwarto. Kasama ko si Pat sa room, kasama ng kuya niya si Cy, at kasama naman ni Mikky si Niko.
Pumunta muna 'yong driver namin sa agency niya kasi wala pa naman kaming pupuntahan ngayong araw. Ito lang daw munang beach ang itinerary for two days.
"Pst," tawag sa'kin ni Pat habang nag-aayos kami ng aming mga gamit. Lumingon naman ako sa kan'ya. "Tuloy pa ba 'yong balak mo? Mukhang ang sweet sweet naman sa'yo ni Mikky e."
Sus, nakokonsensya lang 'yon.
"Oo," diretsahang sagot ko na lang sa kanya.
"Ay wow! Bato ang puso mo sis? Pusong bato?" OA na pang-aasar niya sa'kin habang hinahagis 'yong isusuot niyang outfit sa kama.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na lang maglagay ng sunblock sa aking katawan.
"Paano mo gagawin?" tanong naman ulit ni Pat.
Napaisip din tuloy ako. Paano nga ba?
Bago pa naman ako makasagot, nagsalita na ulit siya, "Alam ko na!" malakas na sabi niya. "Be the girl that he cannot imagine. Gawin mo 'yong hindi mo pa nagagawa sa kanya dati na maaaring makapag-paturn off sa kanya!" suhestiyon ni Pat at hinaglit ang sunblock sa kamay ko.
"Wow? Akala ko ba ayaw mo n'ong plano ko? Mukhang may mas plano ka pa sa'kin a," biro ko kay Pat at kinuha ulit ang sunblock mula sa kamay niya. "At saka may hindi pa ba ako nagagawa? 6 years na kami, Pat. Ano pa bang sikreto ang p'wede naming maitago?" sabi ko naman sa kanya at itinuloy na lang ang pagpapahid ng sunblock sa mukha ko.
Napatahimik naman siya ng saglit pero hindi talaga siya papaawat. "Hmmm, sigurado ka ba na nagawa n'yo nang lahat? Do you know each other's dirty secret na ba?" sabi ni Pat habang nakangisi at sinundot pa talaga ang tagilidan ko. Napayupi tuloy ako nang dahil dito.
Dirty secret, dirty secret. Ano na namang mga kalokohan ang pinagsasasabi neto?
Habang inaantay si Pat na makapag-ayos, kinuha ko muna ang phone ko at nagpunta sa notes.
Siguro nga kailangan kong gumawa ng listahan ng mga kailangan kong gawin para maisagawa ko ng ayos ang plano ko. Ayaw kong mapunta lang sa wala itong nararamdaman ko. Gusto ko na talagang ipagpatuloy ang plano ko at wala ng urungan ito.
How to End a Six-Year Relationship
1. Show him your ugly personality that he has never seen before.
2. Make him feel the pain you feel.
3. Ignore him as he ignores your efforts
4. Make him wait longer than you did for him.
5. Let him feel that you have changed because of him.
6. Make him feel that you are no longer the person he loved.
Pagkalista ko ng panghuling item, binasa ko ulit lahat ng ito mula sa simula. Natakot naman ako bigla sa aking sarili at hindi ako makapaniwala na ako talaga ang naglista ng mga ito.
Kaya ko ba talagang gawin lahat ng ito kay Mikky? Gagawin ko ba talaga ito sa kaniya?
"Pst, ano 'yan?" Muntik na akong atakihin sa puso nang biglang sumilip si Pat sa screen ng phone ko. Buti na lang at natakluban ko agad ito.
"Wala," nauutal kong sagot sa kaniya. "Magbibihis na rin ako, wait lang."
Isinuot ko na agad ang rash guard ko at swimming pants naman para sa pambaba. Napatigil naman ako sa pagkilos nang nahalata kong nakatitig sa'kin si Pat. "Anong tinitingin-tingin mo d'yan?" tanong ko sa kan'ya.
"Jusko, Jules! Nag-sunblock ka pa e balot na balot naman pala ang pakana mo today!" pangingialam nitong si Pat na ngayo'y naka-one-piece swimsuit.
Dire-diretso naman kaming nagpunta sa lobby para antayin ang boys. Mas matagal pang magbihis ang mga mokong. Ni-check ko naman ang notes ko at tinignan ang listahan. Sige, kaya ko nga sigurong gawin ito, one at a time.
Pagkatapos ng ilang minutong pag-iintay, natanawan ko na papalapit na sa'min sina Cy at Mikky na nag-aagawan pa sa sunblock, naka-shorts lang si Cy na parang pang-Hawaiian. Gano'n din si Mikky pero may suot pa siyang sando. Conservative ka din, sis? Si Niko naman may dala pang donut na salbabida. Si Kuya Zian feel na feel ang suot niyang shades. Nakikita ko palang sila ay siguro na akong hindi magiging tahimik ang trip na ito. Kagulo na kami, for sure.
"Ang tagal ah?" bungad sa kanila ni Pat nang makalapit sila sa amin.
Nagpeace sign naman si Cy sa kan'ya pero inirapan lang siya ni Pat. "Let's go!" aya ni Kuya Zian sa amin.
"Hi bibi!" masayang bati sa akin ni Mikky habang pahabol na lumapit sa akin. "Balot na balot?" nakangiting sabi niya sa'kin.
Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakd. "Sorry na kasi." nagpapacute na sabi niya sa'kin.
"Ayos lang," plain na tugon ko.
"Happy Anniversary!" pang-aasar niya sa'kin at naaasar naman talaga ako.
Nagdire-diretso na lang ako sa dagat at nagbabad. Hindi ko namalayan na sumusunod pa rin pala sa akin si Mikky.
Sasawayin ko sana siya pero may naramdaman akong kakaiba.
Na-uutot ako.
Nakakahiya. Kapag nilabas ko 'to dito ay halatang-halata dahil magbubulaan ang tubig. Nandito pa naman si Mikky.
Oo. Sa loob ng anim na taon ay hindi pa ako nakakapaglabas ng masamang hangin sa harap niya. Bakit ko naman gagawin 'yon 'di ba?
Gawin mo 'yong hindi mo pa nagagawa sa kanya dati na maaaaring makapag-paturn off sa kanya!
Show him your ugly personality that he has never seen before.
Nag-eecho na tuloy ngayon sa tenga ko ang mga walang k'wentang bagay na sinabi sa'kin ni Pat kanina pati ang unang item sa listahan ko.
Hindi naman siguro ganoong kababaw si Mikky para hiwalayan ako nang dahil lang sa pag-utot ko. Pipigilan ko pa sana ito pero hindi ko na kaya. Masyado akong maraming naipong hangin dahil sa labingdalawang oras na byahe.
Nagbulaan na nga ang tubig mula sa likod ko. Natigilan si Mikky sa paglalaro ng tubig habang ako naman ay hiyang-hiya. Akala ko'y ma-aawkwardan na kaming parehas pero hindi pala. "Luh! May mga isda ata sa likod mo, bibi!" sabi niya bigla sabay turo sa pinanggalingan ng bula.
Napapikit naman ako. Anong isda? Utot ko 'yon! Utot! Ano ba naman 'yan, Mikky? Ka-islow mo naman.
Naglakad na ako pabalik sa may dalampasigan dahil sa kahihiyan.
"Hoy! Saan ka punta?" pasigaw na tanong ni Mikky habang patuloy pa rin ang pagsunod sa akin. Huwag kang lalapit. Nahihiya pa rin ako kahit na hindi mo alam na utot 'yon. Hay, iba ka talagang mag-sip, Mikky. So innocent.
Naglakad-lakad ako sa buhanginan at tumitingin sa mga shop. Ang daming mabibili!
Tumingin-tingin ako sa mga bracelets. May nakita akong bracelets na gawa sa seashells iyong beads tapos ang cute niya kasi merong hugis heart sa gitna na gawa rin sa shell pero kalahati lang ito. Ang kalahati ay nandoon sa isang bracelet. Ang galing kasi dalawang specific lang na bracelets ang magdudugtong 'yong heart. Sila kasi talaga 'yong pinag-putol.
Ang ganda-ganda talaga ng mga ito kaya ni-try ko ang isa sa mga ito.
Pagkasuot ko nito ay kumintab-kintab pa talaga ito dahil tinamaan ito ng sikat ng araw.
Bet na bet ko ito!
'Hala bagay sa'min ni Mikky 'to!
Hay, Jules. Mikky na naman. Ni-hindi ka nga niya nabibigyan ng mga ganito eh.
"Gusto mo?" Nagulat ako nang bigla siyang sumulpot mula sa likuran ko.
"Hindi. Natuwa lang ako," sabi ko sa kaniya sabay bitaw doon sa bracelet. "Tarang kumain," alok ko sa kanya.
Susunod na sana siya sa'kin pero may mga kalalakihan na humarang sa'kin, mga foreigners. Lima sila at malalaki pa. "Hi there, darling," sabi ng isa sa akin habang tinitignan niya ang mga binti ko.
Ano ba 'yan? Balot na balot na nga ako, babastusin pa rin?
Sinamaan ko na lang siya ng tingin at sinubukang lumampas sa kanila pero ayaw nila akong padaanin.
Nagulat naman ako sa ikinilos nitong si Mikky. "Hey f*ckers! Better move out of the way! You idiots!" pagmamatapang niya dito sa mga lalaki.
Pinagtawanan lang siya ng mga lalaki. "You are so cute," sabi sa kan'ya noong pinakamalaki sa lima.
"You look like a whale!" sigaw naman nitong si Mikky. Ano na namang ka-immaturan 'yan? Lalo kaming mapapahamak sa mga sinasabi nito e.
Napikon na nga iyong lalaki kaya hinawakan niya sa sando si Mikky. "What did you say?"
Nahalata kong kinabahan din naman si Mikky pero sa halip na tumahimik na lang siya, ay nagsalita siya ulit. "I said you look like an idiot walking whale!" sigaw nito sabay sapak sa lalaki. Napaupo naman ito nang dahil dito.
Hinawakan agad ni Mikky ang kamay ko at sinama ako sa pagtakbo sa kabilang direksyon para hindi na kami maharangan n'ong mga lalaki. "Bilisan mo, Jules!" saad niya.
Habang kami'y tumatakbo, nakita namin sina Kuya Zian at Cy. "Hoy! Bakit kayo natakbo!" sigaw naman ni Cy. Hindi na kami nakasagot dahil maaabutan na kami ng mga whales.
Agad namang nahalata ni Kuya Zian ang nangyayari kaya pinagbabato niya ng buhangin ang mga lalaking nahabol sa'min. Nakigaya rin naman si Cy. Kaya ito, apat na kaming hinahabol ng mga idiot walking whales.
Nagtatawanan na kami habang tumatakbo. Nauutas na ako na talaga ako sa pag-tawa. Ngayon lang uli ako nakaramdam ng ganitong kasayahan. Napatingin naman ako kay Mikky na hawak pa rin ang kamay ko.
Lumakas ang tibok ng puso ko.
I think fighting for you, for us, is still worth it.
E paano na lang 'yong listahan?
Hay, ewan ko na sa'yo, Jules!