JULES MARTIREZ
Dumaan ang isang normal na linggo. Hindi naman ata napapansin ni Mikky ang pag-iwas ko sa kanya. Siguro'y nasanay na siya na madami akong ginagawa kapag weekdays kaya hindi niya na talaga ako kinulit.
Nakakatampo talaga siya. Dumaan ang isang linggo, hindi man lang siya bumawi. Hindi na talaga siya nag-effort para sa anniversary namin, para sa akin.
Bakit ba ako nalulungkot? 'Di ba nga ito ang gusto ko, ang matapos na ito?
Nagising naman ako sa pag-iisip nang biglang nag-ring ang phone ko.
Tumatawag si Cy.
Sinagot ko naman ito at pinakinggan ang kaniyang sinasabi.
Magtagpo raw kami sa Starbucks, kasama rin daw sina Kuya Zian at Mikky.
Ano na naman kayang kalokohan ito?
Hinanda ko naman ang aking gamit at tumingin sa salamin.
"Makikita mo na naman siya, Jules," sabi ko sa aking sarili. "'Wag kang marupok kahit ano mang mangyari."
Tama, pusong-bato na tayo ngayon. Char.
Pagkarating ko doon sa tagpuan, nandoon na 'yong tatlo, nagtatawanan.
Aba, itong si Kuya Zian at Cy nag-aapir pa. Parang walang nangyaring break-up sa kapatid niya at sa mokong na 'to ah?
"There you are Jules!" sabi ni kuya pagkakita niya sa akin. Napatingin din naman sa'kin 'yong dalawa.
Napaiwas naman agad ng tingin sa'kin si Mikky. Problema nito? Parang siya pa ang galit, e siya nga may atraso. Pitikin kita d'yan.
Umupo ako sa tabi niya, kaharap ko naman si Cy, at kaharap ni Mikky si Kuya Zian.
"Anong kalokohan 'to?" agad na tanong ko. "Bakit may kasama kayong traydor?"
Napa-asim naman ang mukha ni Cy nang dahil sa sinabi ko. "Jules, I--"
"'Wag mo akong kausapin, Cy," pagsusungit ko sa kaniya habang nakataas ang aking kaliwang kilay.
"Ay, grabe! Ganyan ka na, Jules," tugon niya na mukhang takot na takot talaga sa akin.
"Syempre, best friend 'yan ni Pat e," saad naman ni Kuya Zian habang nakangisi sa akin.
Inirapan ko naman silang parehas at kinausap si Mikky. "Ano 'to?" tanong ko sa kan'ya.
Kapakamot siya sa ulo sa pagsagot sa akin. "Ito kasing si Cy e," turo niya dito, "makikipagbalikan daw kay Pat."
Nanlaki ang aking mga mata nang dahil sa sinabi ni Mikky. Kahit kailan ay hindi ko talaga maintindihan ang isipan ng mga lalaki. Well, bukod siguro kay Mikky. He is totally predictable, at ganoon din siya sa akin. Pero hindi ko alam kung hanggang ngayon ba ay nagkakaintindihan pa rin kami.
"What the f*ck, Cy? Idiot ka talaga!" natatawa at naiinis kong sabi dito.
"Makapagmura ka naman parang hindi tayo magkaibigan," sabi niya habang nakayuko.
"Hindi na talaga kita kaibigan simula noong nakipagbreak ka kay Pat," pangangatwiran ko saka naghalukipkip.
"Kaya nga ito na e." Kita ko sa kaniyang mga mata na desperado na talaga siya pero hindi ko talaga ma-gets kung bakit siya nakipaghiwalay tapos makikipagbalikan lang din pala. Sira ka, friend. "Makikipagbalikan na nga! It was a mistake."
Marahas naman akong nagkamot ng ulo. "Sa tingin n'yo ba ganoon lang kadali 'yon?" Mga lalaki talaga, ang bulok bumasa ng mga babae. "I'm sure hindi papayag si Pat dito."
"We are going to make her come with us," sagot ni Cy. "We are going on a trip this sem break, Ilocos plus Baguio. Libre namin ni Kuya Zian lahat ng gastos. Favorite ni Pat ang mga lugar na iyon," sumaya ang tono ng boses niya habang sinasabi niya ito. "Tapos si Mikky nag-ambag para sa transpo," turo niya kay Mikky at nakipag-fist bump pa siya dito. "Kasama rin s'yempre kayo dito. I am sure na ma-eenjoy ni Pat 'yong trip 'pag kasama ka," seryosong sabi niya sa'kin.
Napahinga naman ako ng malalim. "Sure na ba kayo na papayagan ako dito?"
"Oo, tuwang-tuwa nga si tita eh. Basta daw kasama si Niko," sagot naman agad ni Cy. "Pinagpaalam ka na ni Kuya Zian."
Dinamay pa talaga nila kapatid ko. At saka paano ko na iiwasan si Mikky nito kung makakasama ko pa siya lalo?
Napasalo na lang ako sa ulo ko. I guess it's all settled. Wala ng sense makipagtalo sa mga itlog na ito.
Hay, naisip ko naman bigla si Pat. Hindi niya magugustuhan ito. Hindi rin siya madaling kausap at once na masaktan siya, matagal 'yan bago makalimot.
Pag-uwi ko ng bahay kinausap ko naman agad si mama na naghahanda ng tanghalian namin. "Ma, bakit naman kayo pumayag? Akala ko ayaw n'yo ng mga trip-trip na ganon?"
"E anak, libre naman e at saka kasama naman si Kuya Zian," masayang sabi niya habang naggagayat ng ampalaya. "Hay anak, bakit ba kasi hindi na lang si Zian ang jinowa mo. Mayaman, kapatid pa ng bestfriend mo, mayaman. Saan ka pa?" Tumigil siya sa pag-gagayat para lang sabihin lahat ng 'yon.
Napa-make face na lang ako sa kaniya. "Gold digger lang ang peg, ma? Lagot kayo kay Mikky 'pag narinig ka n'on," sabi ko na lang sa kaniya.
Isa 'to sa mga dahilan kung bakit hindi ganoong ka-close sina Mikky at Kuya Zian. Naiilang si Mikky kay kuya dahil alam niyang madalas siyang nakukumpara ni mama dito. Masakit 'yon para sa kan'ya pero pinili niya pa ring magkipagkaibigan sa mga kaibigan ko.
"Mag-impake na kayo ni Niko ng mga gamit n'yo. Isang linggo na lang naman ay sem break na," sabi ni mama nang papunta na ako sa kwarto ko.
Parang gustung-gusto niya talagang mapalayas kami sa bahay na ito a? Excited much?
Nakakahiya naman kay Kuya Zian dahil nagdagdag pa ako ng kasama. Mas madami tuloy babayaran.
Hay! Bakit ba naisip ng tatlong 'yon na mag-out of town pa? Nakakatamad naman, gusto ko lang talagang humiga maghapon sa sem break e.
Mabilis namang lumipas ang linggo dahil midterm exams lang namin. Madaling manghula kasi multiple choices lang. Char. Sinong niloko ko? Multiple choices na pare-pareho ang choices. Sinong hindi mababaliw don? Nakaka-drain talaga after ng exams. Makikita mo na lang ang mga kaklase mo na tulala na rin. At least, hindi ka nag-iisang tulala.
Parang natuwa tuloy ako sa mangyayaring out of town naming magkakaibigan. Makakapag-unwind ako ng husto.
Makakapag-unwind ba talaga o iisipin ko lang kung paano ko gagawin ang balak ko?
Feeling ko tuloy ang sama kong tao pero mas ramdam ko na masama ako kung ano ang makikipaghiwalay.
Hay, so stick to the plan na talaga, Jules. Wala nang urungan ito.
•••
"I am coming Ilocos, my love, and Baguio, my another love!" sabi ni Cy habang patakbong pumunta sa van.
Narinig ko naman na pinagsabihan siya ni Mikky. "Ano ka ba? Kaya ayaw na ni Pat sa'yo e, dami mong mahal," seryosong sabi nito pero inirapan lang siya ni Cy.
Mga sira talaga.
Alas-kwarto palang ng madaling araw ay handa na kami. Sa bahay nina Pat kami nagtagpo-tagpo dahil dito na rin kami susunduin nung nirentahang van.
Muntik nang hindi sumama si Pat nang malaman niyang kasama si Cy. Nawala ang excitement niya noong makita niya ito. Masama pa rin talaga ang loob niya doon sa mokong na 'yon. Sino ba naman ang hindi sasama ang loob? Nakipagbreak ng bigla-bigla through text tapos balak pang makipagbalikan. Baliw talaga 'tong si Cy.
Pinakiusapan naman ako nina Kuya Zian na pilitin si Pat. Buti na lang ay pumayag siya na sumama nang sinabi kong kakampi niya ako. Totoo naman talaga na kakampi niya ako. Kami na nga lang dalawa ang magkakampihan dito e.
Nauna pang siyang pumasok sa van. Tatabi sana si Cy sa kaniya pero agad akong tinawag nito. "Jules, tabi tayo!"
Tumabi nga naman ako sa kan'ya. Baka sumpungin ulit e, hindi pa matuloy.
Dismayado naman si Cy kaya tumabi na lang siya kay Kuya Zian na nasa likod namin. Laking gulat ko naman nang tumabi sa'kin si Mikky at siya na ang nagsara ng pinto ng van.
Sa unahan naman, katabi ng driver, nakaupo ang kapatid ko. Badtrip din. Pinilit lang kasi ni mama na sumama para daw may tagapag-bantay ako. Hay, para namang gagawa ako ng himala. Ako nga ang pinakamabait sa magkakaibigan.
Naiinis 'tong si Niko dahil hindi niya matanggap na hindi siya makakasama sa gala nilang magkakabarkada. Naawa rin naman ako sa kapatid ko. Sana naman mag-enjoy siya dito kahit papano.
Hindi pa kami gaanong nakakalayo, nakatulog na agad ang mga lalaki. Mga hindi kasi sanay gumising ng maaga.
Ito namang si Pat, tulala lang habang nakatingin sa bintana.
"Anong iniisip mo?" tanong ko naman sa kaniya.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa'kin. "Naiinis lang talaga ako kay kuya. Marunong pa siya sa'kin. Bakit niya ba ako pipiliting sumama dito e ayaw ko ngang makasama si Cy," naiiritang sabi niya. "Akala ba nila joke joke lang 'yong naramdaman kong sakit?" Pagkasabi niya n'on ay tumingin na lang ulit siya sa bintana.
Ni-comfort ko naman siya sa pamamagitan ng pagtapik-tapik ng balikat niya. Nagulat naman ako ng biglang umunan sa balikat ko si Mikky. Aalisin ko sana pero pinalupot niya rin ang braso niya sa braso ko.
Bati ba kami?
"I'm sorry, hindi ko alam kung paano ako babawi sa kasalang nagawa ko sa'yo," bulong niya. "Hayaan mong bumawi ako sa'yo ngayon." Hinigpitan niya pa lalo ang pagkaka-hawak niya sa braso ko.
Nakita kong may luha sa mata niya at agad naman niyang pinahid 'yon.
Hindi ko alam kung bakit ako napanatag, sumaya ako na kasama ko siya ngayon.
Pero bakit tila may pangangamba pa rin ako?
Paano kung ngayon lang ulit ito at 'pag nagtagal na, ako na lang ulit ang mukhang nagpapatakbo ng relasyon namin?
Pakatatag ka, Jules.