Chapter 3 - 02

JULES MARTIREZ

Gulat na gulat si Mikky nang marinig niya ang k'wento ko kaya agad niyang kinausap si Cy.

Mag-kachat pa rin sila siguro hanggang ngayon.

Hay, ang awkward na tuloy ng friendship namin. Hiwalay na 'yong dalawa. Papano pa kaya kung maghiwalay din kami ni Mikky?

Ha?

Hala? Ano na naman ba itong pianag-sasasabi ko?

Kahit ano sigurong manggari ay hindi ko talaga makita ang sarili ko na nakikipaghiwalay sa kanya. Iniisip ko pa lang iyon ay nanghihina na ako.

Pero bakit ako nagdalawang isip na sagutin ang I love you n'ya noong kami'y nasa bus? Hayst. Pagod lang siguro ako.

•••

Kinabukasan...

"Ang aga mo ah?" sabi sa akin ni Pat sabay umupo sa harapan ko. "Chikang-chika sis?"

"Late ka na nga e," sagot ko naman.

"Hoy, Jules! Maaga ka lang talaga lagi."

Hindi ko na lang siya pinansin at humigop na lang ng milk tea ko. "Wala na ba talaga kayo?" mapanakit na tanong ko sa kanya.

Inirapan niya naman ako. "Oo, bakit? Ayos lang naman talaga e! I'm a free single lady right now!" saad niya habang nakataas ang dalawa niyang mga braso na para bang lumilipad.

"Wala ka na ba talagang balak ayusin yung nangyari?" tugon ko.

"Bakit ako ang mag-aayos? Ako ba nakipaghiwalay?" Marahas na pinapapak 'yong fries sa kaniyang harapan. "At saka, narinig ko na ang dapat kong marinig. Pagod na siya? Sawa na siya? Fine!"

Alam kong kahit ganito ang ikinikilos ni Pat, sobra pa ring 'yang nasaktan sa nangyari. I've witnessed their love story. Kung paano sila nainlove, nagsimula, nag-grow sa isa't isa at ngayon nga, kung paano na lang biglang nawala ang lahat.

Wala naman daw third party, ang masakit lang daw talaga ay sa text lang ito nakipaghiwalay. One of the worst methods of breaking up. Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak ni Cy?

Saglit lang kaming nakapag-usap ni Pat dahil dumating na 'yong mga group mates niya.  Meron daw silang group meeting ngayon para sa project nila. Next time na lang daw kami magchichikahan ng mahaba. Ang bi-busy na talaga namin ngayon.

Lumabas ako at pumunta sa isang donut shop. Tinext ko si Mikky at tinanong kung may ginagawa siya. Gusto ko lang sana siyang makita. Anniversary na namin bukas. 6 years na kami. Ewan ko kung bakit ganito ang mood ko. 'Di ba dapat masaya ako pero bakit parang hindi na ako na-eexcite?

Nagreply naman agad si Mikky sa text ko, magkita raw kami. Napangiti naman ako at sinabi kung nasaan ako ngayon.

As usual, ang tagal-tagal niya!

Nakabili na ako ng dalawang donuts sa pag-aantay sa kanya at parehas ko ng nakain ang dalawang iyon.

Ni-check ko naman ang phone ko baka kasi may message siya, pero wala. Mag-iintay pa ako ng isa pang oras para sa kanya at kung hindi talaga siya dadating ay uuwi na ako.

Lumipas naman ang kalhating-oras ng pag-iintay, tumawag siya at sinabing hindi na raw siya makakapunta dahil nagkaproblema daw sa isang file na ipapasa na dapat nila ngayon. Sobra naman akong na-disappoint pero sa halip na magtampo, inalok ko na lang siya na ako na lang ang pupunta sa kanila para hindi naman masayang ang free day na ito. Pumayag naman siya sa suggestion ko.

Bumili ako ng isang box ng donuts pampasalubong sa kanya. Gusto niya rin kasi ito.

Paglabas ko ng shop, ito na naman ang bwiset na ulan. Wala pa naman akong dalang payong ngayon dahil purse lang ang dinala ko.

Pinantaklob ko na lang ang box ng donut sa ulo ko at sinalubong ang malakas na buhos ng ulan.

Huli na para magsisi sa ginawa kong ito.

Napunit ang hawakan ng box dahil yari lang ito sa karton. Nabitawan ko ito at nalaglag sa may pusali. Hahabulin ko pa sana ito pero naanod na iyon at hindi na rin naman makakain ang mga donuts na nasa loob.

Nakakapang-hinayang.

Dahil mababaw ang luha ko, naiiyak na agad ako sa pinagdaanan ko. Hay! Okay lang 'yan, Jules. Ginusto mo 'yan. Hindi ka naman pinabili ng donuts ni Mikky e.

Patakbo akong naghanap ng masisilungan. Hindi na clear ang paningin ko dahil basang-basa na rin ang mukha at buhok ko nang dahil sa ulan. Nakabunggo pa ako ng nakasalubong ko.

"Jules?" sabi ng taong kaharap ko ngayon.

Inalis ko naman ang buhok na tumatakip sa mukha ko at tumingala para makita ang mukha niya.

"Kuya Zian!" bati ko sa kanya.

Pinayungan niya naman agad ako. Napatawa naman ako kasi wala ng sense 'yong pagpapayong niya sakin. Basang-basa na rin kasi naman ako.

"Bakit ka nandito?" tanong niya.

Sinagot ko naman siya at sinabing lahat ng pinagdaanan ko. Hindi ako nakapagdala ng payong, hindi ako sinipot ni Mikky, binilhan ko si Mikky ng donuts pero inanod lang naman ng baha, at ngayon ay naghahanap muna ako ng masisilungan.

Pagkarinig niya ng kwento ko ay pinilit niya akong bumalik doon sa donut shop. Binilhan niya ako ng isang box ng donuts para daw kay Mikky. Binilhan niya rin ako ng para sa akin. May kasama pang hot chocolate. Meron din siyang kaniya at sabay kami ngayong umiinom habang nakatingin sa labas at pinapanood ang malakas na buhos ng ulan.

Inaantay niya lang daw si Pat na matapos ang group meeting nito. Nagpasundo daw kasi dahil nga biglang umulan ng malakas.

"Ilang years na kayo ni Mikky?" biglang tanong niya sa'kin saka humigop ng hot chocolate.

"Magsisix na bukas, kuya," tugon ko habang nakatingin sa kaniya.

"Hay, buti pa kayo," saad niya sabay baba sa lamesa ng iniinom niyang hot choco. "Iyak ng iyak si Pat kagabi dahil kay Cy pero ngayon ay mukhang ayos na naman siya."

Masakit din siguro kay kuya ang nangyari sa kapatid niya lalo na't naging barkada niya rin si Cy. Nabigla rin siguro siya sa nangyari.

"Sus, nasasaktan pa rin 'yon, kuya. Nagpapakatatag lang para 'di tayo mag-alala sa kanya," sabi ko naman.

"Hay, siguro nga pero I'm still hoping na magkaayos 'yong dalawa," sabi niya at kumagat sa donut. "Ayokong pagsisihan nila sa huli ang naging desisyon nila."

Napatingin na lang ako sa kanya, at sa ulan sa labas. This is really a serious matter for him. Mahal na mahal n'ya talaga ang kapatid niya at ayaw niya itong magkaroon ng miserableng buhay.

Mas mabuti ba talagang magkabalikan ang nagkahiwalay na kaysa mag-move on at kalimutan na lamang ang lahat?

I don't know. Hindi ko pa naman napagdadaanan.

•••

Pagkasundo namin kay Pat, hinatid nila ako kayna Mikky.

Pagkapasok ko sa bahay nina Mikky, agad naman akong sinalubong ni Myles, nakababatang kapatid ni Mikky.

"Nasaan kuya mo?" excited na tanong ko sa kaniya.

"Nasa kwarto, ate," tugon niya at sinamahan ako papunta sa kwarto ni Mikky.

Nang makota ko si Mikky, pinakita ko agad sa kaniya ang donuts na dala ko. Nadatnan ko siya sa harap ng desktop niya, nagtatype ng kung ano.

Ngumiti siya, "Wow. Kumain na ako, love." sabi niya sabay kuha ng box sa akin. "Palagay nga bebe sa ref," baling niya sa kaniyang kapatid.

Parang may tumusok sa puso ko pero hindi ko na lang ito pinansin. "Tapos ka na?" tanong ko na lang at umupo sa dulo ng kama niya.

"Konti na lang at matatapos na. Nakakabwiset naman group mate ko e. Corrupted 'yong file na pinasa niya sa'kin," naiinis siyang kumamot ng kaniyang batok at nagpatuloy sa pagdutdot sa keyboard.

Hindi na ako umimik pa at pinagmasdan na lang ang ginagawa niya.

Mamasa-masa pa ang buhok ko pati ang pantalon ko nang dahil sa malakas na ulan kanina. Nagpapapansin ako sa kanya pero busy na busy talaga siya sa ginagawa niya.

Hindi ko naman siya masisisi dahil requirement naman sa school ang ginagawa niya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Tama ba na nagpunta ako dito?

Dapat pala ay umuwi na lang ako.