JULES MARTIREZ
Malakas ang ulan habang ako ngayon ay nag-iintay sa waiting shed sa labas ng school. Sabi ni Mikky ay masusundo niya raw ako, Friday kasi ngayon. Ganito na talaga ang routine namin weekly p'wera na lang if hindi siya makakauwi ng bahay nila dahil sa tambak na requirements at kailangan niyang mag-stay sa dorm.
Magkaiba kasi kami ng school kaya every Friday na lang kami nakakapagkita. Kapag weekends naman kasi ay gumagawa rin ng mga homeworks and projects kaya wala na ring ganoong sapat na oras para mag-date.
Tatlumpong minuto na akong nag-iintay pero wala pa rin siya. Madalas naman talaga ay late siya sa mga usapan namin. Ako lagi ang nauuna sa tagpuan, ako lagi ang nag-iintay, ako lagi ang nasasayangan ng oras.
We've been together for five long years at laging ganito but I never scolded him for such reason. Ang dami rin naman niyang sakripisyong nagawa para sa'kin kaya sino ba naman ako para magreklamo? Pero aaminin ko na nakakapagod, nakakalungkot, at nakakadismayang maghintay.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip, nakita ko siya sa ulanan, patakbong sumalubong sa akin. Wala siyang payong at tanging bag niya lang ang pinangtatakip niya sa kaniyang ulo.
"Sorry, Jules. Naipit ako sa traffic," salubong niya sa akin sabay kuha ng bag ko.
"Ako na," malumanay na saad ko kaya naman nabitawan niya ang aking bag.
"Galit ka?" tanong niya habang nakatingin ng malalim sa aking mga mata. 'Yang mga matang 'yan talaga ang dahilan kung bakit hindi ko magawang magalit sa kaniya.
Umiling naman ako. "Tara na!" nakangiting sabi ko sabay bukas ng payong at pinasukob siya sa akin.
Byahe lang kami. Hindi naman kasi kami katulad ng mayayamang mga estudyante na may kotse na agad. Meron naman kaming joint bank account ni Mikky at doon ay nag-iipon na kami ng pambili namin ng kotse para hindi na raw kami mahirapan sa pagbabyahe. Apat na taon na rin kaming naghuhulog sa bangko at malaki-laki na rin ang perang nandoon.
Pagsakay ng bus, standing na naman kami. Agad naman akong naghanap ng makakapitan. Sinuportahan ni Mikky ang likod ko para hindi ako matumba. Lumingon naman ako sa kanya at bahagyang ngumiti. Binigyan niya rin ako ng kanyang malokong ngiti at kumindat.
Malapit na kami sa bahay ko nang kami ay makaupo. Napatagal din ang aming byahe dahil sa traffic. Ang sakit na ng mga binti ko.
"Ayos ka lang?" tanong niya sa'kin nang nakita niyang minamasa-masahe ko ang aking binti.
Tumango naman agad ako at tumigil sa aking ginagawa.
"'Wag ka nang bumaba sa bahay. Gabi na rin kasi baka mahirapan ka pang sumakay," sabi ko sa kan'ya.
"Hindi. Sasamahan kita papunta sa inyo," sagot niya.
Pero hindi ako pumayag at pinilit siyang manatili na lang sa bus at dumiretso sa kanila. "Ingat ka. I love you," sabi niya bago ako umalis sa aking upuan.
Nang pagkakataong iyon, hindi ko malaman sa aking sarili kung bakit ako nahirapang sumagot sa kanya. Gusto kong sabihan siya ng "mahal din kita" ngunit hindi agad ako makaimik. Pati tuloy siya ay naghihintay sa sagot ko.
"May bababa ba?" tanong ng konduktor na nag-iintay sa unahan.
"Opo!" sagot ko naman. "Mahal din kita," saad ko naman kay Mikky kahit alam ko sa sarili na parang may mali.
Habang naglalakad papunta sa bahay, napapaisip ako sa aking sarili kung bakit ako nagkakaganito. Tampo na naman ba ako sa kaniya? Hindi ko na ba siya mahal? Bakit naman mangyayari iyon e hindi nga kami nag-aaway?
Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nagbihis at nagmessage sa kanya.
Mikky ❤️
Salamat sa pagsundo! Bahay ka na?
Nag-intay ako sa reply niya pero walang dumadating kaya naman umupo na ako sa study table ko para simulan na ang aking mga gawain. Mahirap ang maging accountancy student lalo na kung tamad ka kaya naman wala talagang oras ang sinasayang ko sa bawat araw para lang matapos ang mga homeworks ko.
3rd year college na ako katulad ni Mikky. Engineering student naman niya. Sa Lipa ako nag-aaral, sa Batangas City naman siya. 'Di ganoong kalayo pero malayo kung iisipin na maraming kailangang i-accomplish sa school at wala ng oras para magkita.
*1 message received*
Agad kong kinuha ang phone ko para tignan ang reply ni Mikky ngunit hindi pala siya ang nagtext.
From: Pat 🌸
Cy broke up with me. Gusto ko lang sabihin sa'yo pero 'wag mo na akong tanungin. Sa personal na lang tayo mag-usap.
Nanlaki naman ang mata ko sa nabasa ko. They've been together for 4 years. Ang dami kong gustong itanong kay Pat pero naisip ko na mas kailangan niya ng comfort. Hindi rin makakabuti sa kaniya kung magtatanong ako ng magtatanong ngayon. Maaasar lang 'yon sa'kin.
To: Pat 🌸
Kita tayo bukas. I got you sis. 'Wag nang umiyak. Big gurls don't cry.
Pagkareply ko ay tinawagan ko si Mikky para sabihin ang nangyari sa dalawa. Magkakaibigan kaming apat so alam kong nararapat din niyang malaman iyon.
Nakailang attempt na ako pero walang nasagot. I know na baka nakatulog lang siya. Tinulugan na naman niya ako.
Binato ko ang phone ko sa kama para hindi ko na ulit ito i-check. Masakit talagang mag-intay. Minsan ay nakakainis na.
Naisip ko naman sina Pat at Cy. How could Cy broke up with her so easily? 4 years 'yon sis! 4 years.
Hindi na ba niya agad mahal si Pat? Bigla tuloy sumama ang loob ko sa kanya. Nakakabitter talaga 'yong mga taong nakikipagbreak sa mga kasintahan nila. Parang walang puso eh, walang pakiramdam. Pero siguro it takes alot of courage din to do that kind of action.
Bigla namang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa naisip ko. What if ako ang makipagbreak kay Mikky? Magagalit ba mga kaibigan namin sa'kin? Hindi na ba ako papansinin ng mga kapatid niya? Hindi na ba ako papadalhan ng pagkain nina tito at tita? Nakakatakot ngang maranasan na makipagbreak ang partner mo sa'yo pero ano kayang feeling kapag ikaw na mismo ang nakipaghiwalay?
All eyes would be on you. Ikaw ang masama. Ikaw ang kakagalitan ng lahat. Sa'yo lahat ang bintang.
*1 message received*
From: Mikky ❤️
Sorry bibi! Nakatulog agad ako paghiga!
Hindi na sana muna ako magrereply para naman maramdaman niya ang feeling ng nag-iintay pero,
To: Mikky ❤️
Ayos lang. I have chika.