Chereads / DVS: Gentle / Chapter 4 - Gentle 3

Chapter 4 - Gentle 3

Simula nung nalaman nila na may panghangas na bumastos sakin at may tumulong. Mas nakatuon pa ang atensyon nila sa tumulong sakin. Hindi na nga nila tinanong kung anong itsura nung bastos na lalaki mas gusto pa nilang mlaman yung itsura nung Alon.

"Gwapo ba?" ilang ulit na tanong ni Maria. Kami kami lang kasi nila Ara ang nasa may street foods dahil may ginagawa ang mga lalaki.

Nagkibit balikat ako "Ok lang naman. May itsura sya. May buhok din." sinamaan ako ng tingin nito "At alam mo ba. Ito talaga napansin ko sa kanya." pambibitin ko sa kanya.

"Ano?" kumikinang ang mata nyang nakatingin sakin. Matamis akong ngumit sa kanya

"May dalawa syang mata. Grabe ibang klase." napa-aray ako ng hampasin ako nito ng malakas. Malakas naman tumawa si Sam at Ara.

"Nakakainis ka talaga kahit kailan. Bakit ba ko umaasang may matino kang sagot?" madramang tanong nito at kumain na lang ng kwek kwek

Dahil wala ang mga lalaki kaya tamang street foods lang ang kinakain namin. Masyado kasi kaming kuripot kaya hindi naman naisipang kumain sa mga fast food. At ngayon lang ulit kami makakain ng mga street foods dahil ang aarte ng mga lalaki. Palibhasa kasi mayaman kaya hindi sa ganitong pagkain.

Biglang pumasok sa isip ko si Alon. Hindi ko alam kung iyon talaga ang pangalan nya pero ayon na lang ang tatawag ko sa kanya. Ayokong sabihin kay Maria na gwapo si Alon dahil siguradong aasarin lang ako nito. Wala pa kasi akong sinasabihan na gwapo. Kahit sila James wala pa kong sinasabihan na gwapo ss kanila. Dahil para sakin normal lang yung mga mukha nila. Pero si Alon, iba yung itsura nya. Yung tipong kahit maghapon mo tingnan ok lang hindi nakakasawa. Tapos kahit nakapikit ka at pakinggan lang ang boses nya. Masaya ka na. Iba yung epekto nya sa pagkatao ko. Kumbaga nilalabas nya yung malanding katauhan ko.

Mahaba yung kanyang mga buhok na parang ang lambot hawakan. Matangos yung ilong, yung kilay nya makapal, yung labi nya nakakaingit tingnan dahil parang ang sarap hawakan, tapos yung mata nya. Hindi ko alam kung bakit pero nadadala ko ng mga titig nya. Masyadong kumikinang yung mata nya. Tama nga si Lion. Huwag na huwag titingnan sa mga mata ng mga taong nasa bar. Dahil nakakadala yung mga mata nila, ang dami pa namang gwapo doon.

"Miss Rein!" napatingin ako sa teacher namin na galit na galit na nakatingin sakin

"Yes sir?"

"Go to the principal office." tumahimik ang lahat pagkarinig ng sinabi ni sir at umalis

Napatingin sila sakin at napailing. Mukhang alam na nila kung bakit ako pinapatawag. Wala lang naman sakin kung patawag ako sa principal o guidance basta sigaraduhin nilang hindi lang ako ang maiistorbo.

Napatingin ako sa lalaking nakayuko at nakaupo sa may isang upuan sa tapat ng principal. Napangisi ako ng makita ang mukha nya.

"Sit down Ms. Rein." umupo ako sa may tapat nito

"Bakit nyo po ako pinapatawag Ma'm?" kahit may hula kung bakit tinanong ko pa din

"This man" turo nito sa lalaking nasa harap ko. "Said that, you" turo sakin "beat him up." turo nito sa lalaking nakatingin na sakin

Napangisi ako ng makilala ang mukha nya. Kung sinuswerte ka nga naman. Sya lang naman yung lalaking bastos na sunod ng sunod sakin sa bar. Wala naman sa plano ko ang hanapin sya. Ang pagkakataon na ang nagbigay sakin na bugbugin sya.

"Yeah Ma'm." pag amin ko dahil totoo naman iyon at kung ililihim ko ako lang din ang mapupwerwiso.

"Why? You know that you're graduating. You need to behave until you finish your college here." napairap ako ng makitang napangisi yung bastos na lalaki. Akala nya makakalusot sya dyan sya nagkakamali.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na binastos nya ko sa bar dahil labas yun ng campus at gaganti ako dapat sa labas din ng campus.

"I saw him Ma'm, he keep peeking in a girls restroom and one time I saw him harassing some girl in first year." kibit balikat kong sabi natanggal ang ngisi ss labi nya

Akala nya siguro makakalusot sya. Sa itsura nya pa lang sigurado akong tama ako ng palusot.

Napansin ng principal ang pagkaputla ng lalaki kaya pinaalis na nya ko pero bago nya ko pinaalis may habilin pa sya.

"I hope this will be the last time that I will see you making trouble. Please Asena held your attitude. Two weeks from now graduating na kayo." natawa ko sa frustation sa boses nya

"Bakit ka daw pinatawag?" bungad agad sa akin ni Lous nung nagkita kita kami sa may gate

Nabalitaan kasi nila na pinatawag ako sa principal office. Tatlong buwan o apat na buwan na ata ang nakakalipas noong dating pinatawag nila ako. Nagkibit balikat lang ako sa kanya.

"Tara na tutal nandito na si Aria." pag iiba ng topic ni James. Mabuti na lang at nirerespeto nila na ayokong sabihin ang dahilan.

Pagnagtatanong kasi sila kung bakit ako pinapatawag ng mga teachers. Madali ko lang sabihin sa kanila yung dahilan. Iba ngayon. Ayokong lumala ang away baka kapag nalaman nila na nandito lang yung lalaking nambastos sa akin ay mapa-away pa sila.

Alam kong pinoprotektahan lang din nila ko sa paraang alam nila pero ayokong madamay pa sila sa maliit na bagay. Mabuti ng ako na lang ang nakakaalam.

"Saan pupunta?" tanong ko ng mapansing pang-party ang mga kasuotan nila.

Si Maria ay naka sexy dress na kulay aqua blue at nakasuot ito ng heels. Wala itong kahit anong make up sa mukha, masyado kasing maamo ang mukha ni Maria kumpara kay Sam. Si Sam naman ay naka make up at naka suot ng backless crop top at naka skirt na may slit sa gitna. Dahil sa suot ni Sam mas lalo syang sumeksy, matangkad kasi si Sam kumapara kay Maria at isa nagmomodelo din sya. Samantalang si Ara naman ay naka dress ng mahaba at naka converse high. Ang pinaka simple sa kanilang tatlo. Sa tingin ko pinilit lang ni Sam magsuot ng dress si Ara.

Napatingin ang suot ko sa mga lalaki. Normal lang naman ang suot nila. T shirt and jeans lang pero iba ang dating. Bakit ganon? Ang dali lang para sa lalaki na maghanap ng susuotin at bagay na agad sa kanila. Pero kaming mga babae kailangan pa namin bumili o mamili ng napaka daming damit para lang masatisfied kami sa ayos namin. Napaka unfair talaga ng mundo.

"Bar." maikling sagot ni Lous. Agad akong umiling

"Wala akong balak sumama. Kayo na lang." kakita ko pa lang sa lalaking nambastos sakin baka mamaya nandun yun at abangan pa ko. Mahirap na.

Nirespeto naman nila ang pagtanggi ko. Balak pa sana akong ihatid ni James na tinanggihan ko din.

"Ayokong mapagod ka pa. Marami namang masasakyan dyan hindi mo na ko kailangan pa ihatid." tumingin ako sa kanila "Ingat na lang kayo."

Naka earphone akong naglalakad. Medyo malapit lang naman ang apartment na tinitirhan ko sa campus. Sadyang nakakatamad lang talaga maglakad kaya sumasakay ako. Pero marami akong nakikitang naglalakad lalo na pagdating ng hapon dahil napaka traffic talaga.

Kadalasan sa nakikita ko ay mga grupo ng magkakaibigan at masayang nagkukwentuhan habang naglalakad. Minsan lang namin gawin yun dahil maliban sa patay gutom gang kami tamad gang din ang mga kaibigan ko. At isa pa may mga sasakyan naman sila James kaya never pa namin naranasan maglakad habang kasama ang mga lalaki. Mas maarte pa sila sa babae. Ganon siguro kapag sanay sa karangyaan ng buhay.

Akmang lalagpasan ko ang apat na lalaking nakatayo sa unahan ko ng sundan din nila ako. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan sila.

"Anong problema nyo?" takang tanong ko sa kanila ngumisi lang yung lalaking nasa dulo

"Ang ganda nga talaga ng pagkakataon." sabay halakhak nito. Tawa nya pa lang kilala ko na. Si Bastos Boy.

"Talagang naghanap ka pa ng kakampi. Ibang klase din."

Ito yung iniisip ko kanina. Mukhang hinintay talaga nila kung san ako aabangan. Nasa dulo at madilim na street kami. Sa pinaka dulo kasi ng Mabuhayan Street ay may 7-eleven. Doon ako madalas tumatambay. Dalawang bahay lang kasi pagitan ng 7-eleven sa apartment ko.

Wala naman kaso sakin ang abangan nila ako o bugbugin dahil bata pa lang ako. Sanay na ko mabugbog. Wala ng bago sakin ang ganito. Ang pinagka iba lang walang karapatan ang mangbubugbog sakin ngayon. Nakakasakit ng pride.

"Hawakan nyo sya!" utos ni Bboy. Bastos boy sa alagad nya.

Mabilis kong hinawakan ang dalawang kamay nung lalaking pumunta agad sa akin. Pinilipit ko ang kamay nito at sinipa ang likod. Nang mapatumba ang isa. Humarap ako sa lalaking nasa likod ko at mabilis na tinuhod ang 'precious' nitong alaga. Napaluhod na lang ito.

2 down. 2 to go. Ako na ang kusang lumapit dun sa isang lalaking napigilan ang atake dahil sa nakitang ginawa ko sa kaibigan nito. Mabilis kong hinila ang kamay nito palapit sakin at inikot patalikod.

Napa-aray ito na hindi ko pinagtuunan ng pansin. At basta na lang tinulak sa sahig katabi ng lalaking tinuhudan ko. Tumingin ako kay Bboy na may takot sa mata. Grabe. Mga lalaki ba ito? Ang bilis ko lang naman ata napatumba. Konting pilipit lang ng katawan nila at tuhod ay tumba na agad sila.

Bumuntong hininga na lang ako at umalis dun. Ayokong sayangin ang oras at pagod ko sa mga taong katulad nila. Sa tingin ko naman wala ng balak lumaban si Bboy dahil binugbug ko sya kanina. Halata pa din ang black eye sa isa nitong mata. May pasa din ito sa may labi at sigurado akong hindi lang sa labi ang pasa nito. Dahil suntok ko din ang katawan nito at pinilipit ang kamay. Mabuti na lang at hindi ako nadala kaya hindi ko sinaktan ang precious nito.

Binuksan ko ang pinto ng 7-eleven at deretsong pumunta sa juice section. Naghahanap ng malaking delight. Nadismaya ng walang makita. Kaya ice cream na lang ang binili ko.

2 cornetto at 2 parang tinapay na ice cream. Mabuti na lang at konti pa lang ang taong nakatambay sa 7-eleven kaya madaming upuan ang walang naka upo.

Habang kumakain ng ice cream. Bumalik sa isip ko ang nangyari kanina at napabuntong hininga ulit. Tanda ko dati kung paano ako bugbugin at saktan ng salita ng magulang ko. Na parang hindi nila ako anak. Na parang wala lang sa kanila makitang nasasaktan ako. Na parang hindi nila ako mahal.

Wala din nagtatagal saking mga kaibigan. Masyado daw akong bayolente at natatakot sila na baka masaktan ko sila. Minsan nga narinig ko silang nag uusap na.

"Grabe talaga si Kaira? Sana sa susunod hindi na natin sya kakaklase. Ayokong makasama ang isang katulad nya."

"Oo nga. Daig nya pa ang lalaki. Grabe kawawa tuloy si Henrix at nasuntok nya."

"Sa tingin ko naman si Henrix talaga ang may kasalanan. Diba pinagtanggol lang ni Kaira yung sarili nya. Ang bastos kaya ni Henrix." pagtanggol sakin ng isa

"Kung yan ang tingin mo. Bakit hindi mo sya kaibiganin?" galit na tanong dito

"A-ayoko nga!" may takot sa boses nito

"Alam mo ba nakwento ko kay Mama si Kaira at sabi sakin ni Mama ay huwag daw akong lalapit dun. Dahil baka daw may sakit yun sa utak kaya ganun ang ugali."

"Ang ganda nya sana kaso ang panget panget ng ugali nya. Kaya siguro wala syang kaibigan kahit isa."

Kaya simula nun. Palagi akong naka earphone. Pagod na kong makarinig ng masasakit na salita sa magulang ko. Gusto ko naman ng kapayapaan sa paligid ko. Gusto kong makakilala ng taong tatanggap sakin.

Muntikan pa nga akong pumunta sa psychologist nun. Para malaman kung may sakit nga ba talaga ako o wala. Mabilis kasi akong mainis at kahit anong pigil ko hindi ko mapigilan ang pagiging bayolente ko. Naging mahilig din ako magbasa ng mga tungkol sa ugali at personalities. Baka kasi mamaya may isa pa kong personalities. Hindi ko lang pala alam.

Hindi kasi alam ng mga taong nasa paligid natin kung gaano kasakit at katalim ang kanilang mga salita. Madali lang sabihin na huwag pansinin ang iba. Huwag makinig sa kanila pero hindi natin maalis na mas sundin ang sinasabi nila kesa sa gusto natin.

Masyado tayong nagpapaalipin sa kanila.

Napatingin ako sa lalaking umupo sa tabi ko. Ang dami nya kasing pagkaing dala nakaka-ingit. Nagtitipid kasi ako dahil malapit na ang graduation at alam kong may gala na naman kaming magkakaibigan. Wala naman akong pera maliban sa pinapadala ng magulang ko. Naisipan ko na din mag apply para magkatrabaho pero hindi ako tumatagal dahil palagi akong pinagtitripan ng mga nagiging katrabaho ko. Kaya hindi na ulit ako nag apply.

Mukhang napansin ng lalaki na nakatingin ako sa kanya dahil umangat ang tingin nito. Nanlaki ang mata ko ng makilala sya. Si Alon!

"Gusto mo?" malamig na tanong nito napatingin ako sa mga pagkain nya

Gusto ko man tumango pero parang nahiya ako bigla. Hala kailan pa ako natutong mahiya? Lalo na kapag pagkain. Pero nakita ng lalaking ito kung paano ako naging mahina.

Para sa akin kasi ayokong may nakakakita ng kahinaan o kahit ang pagiging helpless ko. Sa tingin ko kasi bumababa ang tingin satin ng mga taong nakakakita ng weakest point natin.

Umiling ako dito at tumayo.

"Salamat na lang."