Chereads / DVS: Gentle / Chapter 6 - Gentle 5

Chapter 6 - Gentle 5

Napatingin ako sa building na nasa harap ko. Panglima ko na itong pag apply-an. Noong nakaraang linggo kasi panay email lang ang ginagawa ko. Kung saan saan trabaho na konektado sa tinapos ko. Business Marketing. Naghintay ako ng isang linggo para sa sagot nila pero miski isa walang nagreply. Kaya ngayon naghahanap na ko na personal.

"Good morning Ma'm. How can I help you?" ngumiti ako pabalik.

"I'm here to apply. I heard you need more people." tumungo ito.

"Please go to our HRM Head. Ms. Akisha Sison. Floor 5." inilahad nito sakin ang gagamiting elevator.

Kinakabahan ako habang nasa elevator. Balita ko bihira lang tumanggap ng fresh graduate ang Traum Inc. Lalo na kapag wala pang experience sa kahit na anong trabaho. Ganun pa naman ako.

"Excuse me." agaw pansin ko sa babaeng nakita ko. Ang table nya ay nasa labas ng pinto.

"Ano pong kailangan nyo?" mahina at may galang nitong tanong.

"Saan ang office ni Ms. Sison?"

"Mag aapply po kayo?" tumango ako pansin ko ang pagka ilang nito. Kinabahan ako.

Hindi kaya tapos na sila maghanap? Pero bakit ako pinaderetso ng babaeng nasa baba?

"H-Hmm... Nasa meeting pa po kasi sya. Hindi ko po alam kung anong oras ang tapos." nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko kung ano.

"Ok lang. Maghihintay na lang ako." ngumiti ako dito

Pumasok kami at pinaupo ako malapit sa kanya. Tinanong pa ako nito kung nagugutom ako o gusto kong uminom na nakangiti kong tinanggihan. Ang bait naman ng mga taong nandito. Kung sakaling matatanggap ako. Hindi ako maiinis kung isa sya sa makakasama ko araw araw.

Natigil ang kwentuhan namin ng pareho kaming nagulat ng may marahas na nagbukas ng pinto. Galit na galit ang mukha nito. Napatingin ako sa mga kasama ko at lahat sila ay nagsi iwas ng tingin. Kahit naman ako ay hindi ko kayang salubungin ang nanlilisik nitong tingin.

"WHAT THE FUCK IS THIS!!" singhal nito at tapon sa mga papel na hawak

Tiningnan ko ang ekspersyon ni Ella. Sya kasi yung sinisigawan ng lalaki. Habang yung iba ay nagbi-busy-han. Nakataas pa ang kilay nito at nanatiling naka poker face. Biglang lumuhod upang kunin ang mga papel. Bumalik na sa ginagawa ang iba na nakatunganga na parang walang nangyari.

"YOU!" bumaling sakin ang lingin nito. "Tulungan mo sya." akmang aalma ng samaan ako nito ng tingin

Lumuhod na din ako upang tulungan si Ella sa papel na kinalit ng Boss nito. Hindi pa nga ako naiinterview may pinapagawa na agad sakin.

"Arrange that. Give it to me. Fast." madiin na sabi ng Boss

Tiningnan ko ang likod nito at ng masigurong wala na. Hinarap ko si Ella.

"Grabe naman yang boss mo. Hindi pa ko nag iinterview inutusan na agad ako. Tapos kung makasigaw parang may microphone." natawa ito.

"Well, it wasn't the first time. He did this to me. And trust me when I say, what he did is just level zero." nakangising sabi nito.

Nagkibit balikat na lang ako at binigay dito ang mga papel. Sinundan ko lang ito ng tingin ng lumabas. Nakasalubong pa nito ang babaeng mag iinterview sakin. Tumigil ito sa harap ko.

"Follow me."

Sinarado ko ang pinto at umupo sa tapat nito.

"I heard that the Boss, gave you already some work." tumungo ako "And since he doesn't know that you're not an employee here. He will question me why you're not showing up." tumagal ang titig nito sakin. "So I decided to hire you. You're table is beside Ms. Ella. The one that you help. Since she's our CEO Secretary she's not always around. She have many unfinished work to do, so you're the one who's gonna finish it."

"Yes ma'm." labis ang saya na naramdaman ko pero hindi ko pinahalata

Inilahad lang ng kamay nito ang pinto na parang pinapahiwatig na maaari na akong lumabas. Tumango ako at nagpasalamat dito. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng makitang naghihintay sa labas si Ella. Nagtatanong ang mga mata nito.

"I'm hired!" nakangiting anunsyo ko dito dahilan ng biglaang yakap.

"Let's dine later. I'm going to treat you." ngumiti lang ako dito.

Kahit na pinapauwi ako ni Ms. Sison nanatili pa din ako at tumulong kay Ella. Pambawi agad sa panglilibre nya mamaya. Madami ng empleyado ang nauna at nagpaalam sa amin.

"Hindi pa ba tayo aalis?" pang anim na tanong ko.

"We need to arrange all of this and we'll free to go." inilahad nito ang ilang papel na nasa isang upuan.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nagkaroon na ako ng trabaho o maiinis dahil kanina pa ko nagugutom. Akala ko pa naman maaga kami makakauwi. Excited pa naman ako sa libre ni Ella. Mukhang madami akong makakain mamaya.

Exactly 10:30 pm kami nakarating sa restaurant. Naghanap ako ng mauupuan habang pumuntang cr si Ella. Binigyan agad ako ng menu. Tiningnan ko lang ang nasa loob pero hindi ako umorder. Gusto kong si Ella ang umorder dahil sya ang magbabayad. Naghintay lang ako ng ilang minuto at umupo na ito sa tapat ko.

"Hindi ka pa naorder?" umiling ako

"Bakit?"

"Gusto ko ikaw ang umorder tutal ikaw naman ang magbabayad." na ikinatawa nito

"It's ok. You can order whatever you want. I can pay for that." kahit nahihiya inorder ko ang mga gustong kainin. Grasya na ang lumalapit aatras pa ba ako?

"It's seems like you're a heavy eater." ramdam ko ang panundyo sa boses nito na ikanapula ng pisngi ko

"It's just. I appreciate the food a lot." may diin ang huling salita.

Nagkwentuhan at tinuruan nya lang ako sa mga do and don't ng company, mga rules and especially about our boss.

"Whenever our boss Keres shout at us. Don't let him see you, fear him because he will make you feel more scared. Just give him a poker face and always nod and agree to whatever he said." bakas ang inis sa mukha nito "As you can see, our boss is the king, the rule and lastly he think he owed us."

"Bakit ka pala nagtagal kung ayaw mo sa boss natin?" na tigilan ito at ngumiti ng pilit

"Kahit naman ganon sya, mataas at maganda ang mga benefits na nakukuha natin sa company. Mataas ang sweldo, may kotse, may condominium at may allowance pa na hindi kaltas sa salary natin." namangha ako sa nalaman.

"Kung ganon magkakaroon din ako ng ganyan?"

"I don't know. Ang alam ko kasi pili lang ang binibigyan nya ng ganon maswerte lang ako at isa ako doon." nalungkot ako sa nalaman "It's ok. Pwede ka naman mapabilang as long na mapagkakatiwalaan ka nya." pampagaan nito sa loob ko

"Here's your order."

Nag angat ang tingin namin sa waiter. Nagtagal ang tingin ko dito at pilit inaalala kung saan ko sya nakita. Sya yung kaibigan ni Alon!

"Hi there Kel! Himala at nandito ka?" may pang aasar sa boses ni Ella.

"My restaurant needs me." simpling sabi nito at umalis

"Hindi na ko magtataka. Magkapatid nga sila." natatawang ani nito habang nakatingin sa likod ni Keles.

"Kapatid nino?" usisa ko

"Our boss. He, Keles and our boss Keres. Mabuti na lang hindi sila magkamukha kundi hindi ko malaman kung sino ang boss natin at kung sino ang hindi."

Nagulat ako sa nalaman. Hindi ko kasi akalain na mayaman na mayaman si Keles. Sa kilos kasi nito maniniwala pa ako kung sasabihin na dati itong hinuhuli ng mga pulis pero dahil mas malakas pa sa pulis laging nakakatakas. At noong nakaraan na narinig ko ang usapan nila ni Alon akala ko pa naman ay naghihirap ito at papatusin lahat ng raket yun pala. Kahit ilang buwan ito hindi mag trabaho ay ok lang.

"Kung ganon, anong company ang hawak nya?"

"Company?" umiling iling ito. "Sa kanilang dalawa si Sir Keres lang ang humahawak ng company. Samantalang si Kel ay mas tinutuon ang pansin sa restaurant and bar. Ang alam ko 3 na restaurant nya, gawa na ang dalawa at ginagawa pa lang ang isa. Sa bar naman nya ay 1 pero kasing laki na ng dalawang bar pag pinagsama."

"Nakapunta ka na ba sa bar nya?" tumungo ito

"Maraming beses na. Doon kasi lagi sine-celebrate ang mga events ng company at minsan naman sa restaurant na hawak nito. Kaya lahat ng empleyado alam kung saan nakapwesto ang business ni Kel."

"Sure ka bang hindi ka magpapahatid sakin?" pangungulit nito. Magmula ng sabihin ko dito na magtataxi ako hindi na natapos ang tanong nito.

"Akala ko ako lang ang makulit satin. Ikaw din pala."

"Hindi mo ko masisisi. Gabing gabi na. Ayoko lang mapano ka. Kaya naman kita ihatid ayaw mo lang."

"Sayo na nanggaling. Gabing gabi na ayoko mapagod ka pa lalo. Maaga pa tayo bukas. Isa pa kaya ko ang sarili ko huwag kang mag alala." tinitigan lang ako nito hindi ako nagpatalo

"Fine" she sighed. "Basta mag ingat ka." she hug me and I hug her back.

"I-Is that my sister?" mabilis kong kinalas ang yakap nya at tiningnan ang tinuturo nito pero nakitang walang tao

"Wala naman tao Ella. Huwag kang manakot dyan." tiningnan lang ako nito. "Sister? May kapatid ka?" tumungo ito

"Yes. Mukha ngang imposibleng nandito sya." bumalik ang tingin nito sa posteng malayo samin.

"Bakit naman?"

"Hindi kasi palabas yon. Mas gusto nyang nasa loob ng bahay. I guess that's why she love writing. Wala din itong oras maggala. Kahit ilang beses kong yayain magbar kahit isang beses hindi ako nagtagumpay. She's too pure in this cruel world. Kaya sobrang iniingat ko sya too the point na gusto ko syang tulungan at kasama habang kinikilala nya ang mundong nasa labas ng kanyang pinto."

Hindi ko maiwasang ma-inggit at masiyahan sa pagmamahal na mayroon si Ella sa kapatid nito. If only someone will make feel me that kind of love. If only.

Pinauna ako nitong pinasakay. May ngiti sa labi habang tinitingnan ang pigura nito sa papalayong sasakyan.