Pag apak ko pa lang sa first floor ng building. Kitang kita ang kaguluhan sa bawat empleyado. Takbuhan dito. Sigaw dito. Pulong doon. Napailing na lang ako at naglakad papuntang elevator.
Sa sobrang busy ng iba. Hagdan na ang ginamit upang maka akyat. Ang bilis kasing mapuno ng loob ng elevator daig pa ang jeep sa kanto. Naghintay pa ako ng ilang minuto at sumakay na sa loob. Mabuti na lang konti na lang ang naghihintay kaya hindi na ko nakipag siksikan.
Busy ang lahat dahil dalawang linggo na lang ay Anniversary Party ng company. At pagtapos ng Party ay may outing na tatagal ng 3 araw kinabukasan ng party. Kaya lahat ng kailangan tapusin na trabaho ay tinatapos na lahat ng department para walang problema.
Naka isang taon na din ako sa company. At tama ang conclusion ni Severy tungkol kay Sir Keles dahil noon nakaraan lang ito nagpakita. Pero kahit na nagpakita na si Sir kasama si Ella hindi pa din sila napasok sa company. Binalita lang ni Sir na napaaga ang Anniversary Party ng isang linggo kaya aligaga ang lahat.
Nananatili pa din si Sir Kalon ang boss ko. Dalawang buwan na lang sya dito dahil iyon ang usapan ng magkaibigan. Pagtapos ng dalawang buwan ay babalik na si Sir at Ella.
Tandang tanda ko pa yung biglang pagpapakita nila samin.
"Sir pinapatawag nyo po ako?" nagtatakang tanong ko kay Sir Kalon na nakatayo malapit sa table.
Ginalaw lang nito ang kamay na parang sinasabi na lumapit ako sa kanya. Sinarado ko ang pinto at lumapit dito.
"Bakit Sir?" nakatingin lang ito sa mata ko kaya iniwas ko ang tingin
Naghintay ako ng ilang minuto pero nanatali lang itong nakatingin ng mariin na parang kinakabisado ang mukha ko. Nararamdaman ko ang pag init ng pisngi ko.
"A-Ahmm.." ginalaw ko galaw ko ang kamay ko sa mata nya para mapansin ako ng bigla nitong hawakan ang pulsuhan ko at pinalit ang pwesto namin
Sya na ngayon ang nasa harap samantalang ako ay nasa dulo at pinag gigitnaan ng mesa at ng katawan nya. Tumingin na ko sa mata nito.
Umikot ikot ang mata nya sa buong mukha ko. Hanggang tumigil sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko ang lungkot sa mga mata nya. Na parang may ayaw syang mawala pero wala syang magawa. Napakaamo ng mukha nya. Hindi mukhang pagod, mas mukhang pa itong payapa. Na parang nakahinga at kontento.
Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa at pinapakinggan ang tibok at katahimikan ng paligid. Nang biglang may nagsalita at pumalakpak.
"Cut!" pabirong sigaw nito
Tumingin ako sa taong nagsalita at nanlaki ang mata ko ng makita ang nakangisi at may nakakalokong expression sa mukha ni Sir Keles.
"S-Sir!" gulat na turo ko dito tumawa lang ito at tumingin sa likod na parang may hinihintay
"Honey, nandito si Aira." tawag nito sa kung sino
Biglang pumasok si Ella at lumapit kay Sir. Tumingin samin at may pang aasar sa tingin nito. Hindi pa din kasi umaalis sa pwesto si Sir Kalon kaya nanatili akong naka ipit sa kanya at sa mesa.
Labis ang pagtatanong sakin ni Ella kung anong meron samin ni Sir Kalon na hindi ko naman alam kung paano sasagutin sapagkat wala namin namamagitan samin dalawa.
Kahit madalas kaming kumain sa labas, nagkakasama at nagkikita. Never itong naging intimate at touchy. Kahit na minsan madalas ko itong nahuhuling nakatingin sakin pero pagnahuhuli ko naman ay ngingitian lang ako kaya hindi ko nagawang isipan ng kakaiba. Dahil sigurado ako kung ako ang nahuli ay iiwasan agad ako ng tingin.
Kaya sa halip na ako ang nagkwento at na hotspot ay napunta sa kanya.
Tama nga ang hinala ko na may something sa kanila ni Sir. Kitang kita sa mata ni Ella ang saya at kapayapaan. Na labis kong kinasaya. Sa dami ng problemang naharao nya, masaya ako at may magaganda ng dumadating sa kanya. Katulad ni Sir Keles. Nag iba ng tuluyan ang aura ni Sir. Kitang kita sa mata nilang dalawa ang pagmamahalan.
Pagtapos mag announce ni Sir Keles at nagpakita sa ibang department ay kumain kaming apat sa labas. Doon sinabi ni Sir Keles na dalawang buwan na lang ang pananatili ni Sir Kalon dahil kailangan na nitong bumalik sa sarili nitong kumpanya.
Labis ang lungkot ang naramdaman ko nung araw na iyon pero hindi ko pinahalata. Kaming apat pa lang ang nakakaalam ng tungkol kay Sir Kalon. Last night of outing pa announce na balik sa trabaho si Sir Keles at aalis na si Sir Kalon.
Napaangat ang kilay ng makita ang isang rosas.
Hey soul,
Later?
Basa ko sa nakasulat na letter kasama ng flower. Namula ang pisngi ko ng makita ang code name namin. Soul.
Inamoy ko ang bulaklak at nakangiting hinanapan ito ng lalagyan at inayos.
Naghintay lang ako ng ilang oras at dumating na si Sir Kalon na may dalang box at nilapag sa mesa ko.
"What's with that?" nakakunot na noo turo ko sa box. Ngumiti lang ito sa akin humalik sa pisngi ko
"Later." pumasok na sa loob
Hindi na namin pinilit na magsabay kami sa lunch dahil mamaya naman dinner ay magkasama kami.
Kala Sev ako sumabay ng lunch. Hindi din kami nakapag daldalan dahil busy din sila katulad ko. Saglit lang kami kumain at bumalik na sa kanya kanyang trabaho.
Normal na 10 pm ang out namin ni Kalon. Katulad dati kami lagi ang nahuhuling lumabas ng opisina. Maliban nitong nakaraang araw. Mas magandang sabihin na mas nauuna pa kaming umuwi dahil marami pang empleyado ang naiiwan sa building maliban sa amin.
Kahit na maraming nakakakita sa amin ay wala pa akong naririnig na chismis marahil sa kabisihan ng bawat sila. Nawalan na ng oras para mangpuna ng iba. Pero sigurado akong babawi sila samin sa araw ng party at outing.
Hinahanda ko na lang ang sarili ko sa araw na iyon. Baka hindi ko kayanin ang panunukso nila. Sila Sev pa lang ay grabe na ang pamumula at hiyang nararamdaman ko.
Katulad ng nakasanayan. Sa condo ang dinner namin at umorder lang kami sa restaurant ni Keres. Kadalasan kasi ay nagluluto lang kami. Sya lang pala. Nakikisawsaw lang ako.
Hinanda na nya ang mesa habang nagpapalit ako ng damit. May mga damit na din sya dito. Madalas kasing dito ko na sya pinapatulog lalo na kapag nauuwi sa wine ang mga juice na tini timpla ko. Na sya lang naman ang umiinom.
"My soul, can you pick up the food?" sigaw nito
"Ok." sagot ko
Binuksan ko ang pinto at nagulat ng makita ang kapatid ni Ella.
"Hi Areulla! Pasok ka." nilakihan ko ang siwang ng pinto upang makapasok sya.
"Hindi na po. Kailangan ko pa po magdeliver." tumango ako dito at kinuha ang pagkain at binayaran sya.
Pagpunta ko sa kitchen. Naka ready na ang lahat.
"Sino iyon soul?" nilagay ko sa mesa ang box
"Si Areulla, yung kapatid ni Ella. Kay Keres pala nagtatrabaho." tumango lang ito
Tinulungan kong iayos ang pagkain at kumain na kami.
Tinabihan ko sya sa sofa pagtapos ko maghugas ng pinagkainan namin.
Yumakap kaagad ang braso nito sa bewang ko at pinalapit ako sa pwesto nya. Ramdam ko ang labi nito sa buhok ko, paunti unti akong hinahalikan. Napangiti ako ng maramdaman ang kapayapaan.
Dala ng sobrang pagod nakatulog agad ako sa bisig nya.