Chereads / DVS: Gentle / Chapter 8 - Gentle 7

Chapter 8 - Gentle 7

"Come here in my office." ani nito pagkasagot ko ng tawag.

Bumuntong hininga muna ako bago pinihit ang pinto upang makapasok. Umupo agad ako sa upuan malapit dito. Naka pwesto ito sa meeting table.

"Our schedule?" mabilis kong binigay dito ang notebook na punong puno ng gagawin namin sa loob ng dalawang linggo

Magmula kasi ng magpakita ito tatlong araw na ang nakakaraan. Sya na ang tumayong boss. Wala naman nagtaka dahil mukhang sanay na ang mga emplyedo. Tanging ako lang ang nagtaka at puno ng katanungan ang isip. Tanda ko pa ang usapan namin nila Severy.

"Bakit si Sir Kalon ulit ang dito?" napaangat ang tingin ko kay Eilan ng banggitin nito ang ilang araw na nasa isip ko

"Dunno. I think it's the time." napaangat ang kilay ko sa sinabi ni Severy

Sa kanilang tatlo si Severy ang maraming alam at matinong kausap. Samantalang si Hyeri naman ay panay kakilagan ang sinasabi. Typical girl. Na kabaliktaran naman ni Eilan na panay motor at panay panlalaki ang topic.

"It's time?" tanong ko kay Severy

"Yeah. Like us girls. We have that time in a month that we really don't want to happen." tukoy nito sa menstrual monthly. "And our boss, is like us girl." napakunoot ang noo namin dahil hindi nagets ang gustong mangyari ni Severy

"My gosh! Hindi nyo naman sinabing slow kayo." she sighed. "Ok explain ko. Akala ko normal lang ang pagwala ni Sir ng ilang linggo dahil madalas naman nyang ginagawa ito. Pero dumating sa picture si Sir Kalon. Bakit nandito si Sir Kalon kung ilang araw o buwan lang naman mawawala si Sir Keres?" napabuntong hinginga lalo ito ng makita ang kalituhan sa mga mata namin.

"So doon papasok ang sinasabi kong menstrual nating girls. Kung sa atin. One week in a month. Kay Sir naman ay one year in many years." nagkatingin kaming tatlo

"SO MEANING MAWAWALA SI SIR NG ISANG TAON?!!" sabay na sabay naming sigaw

"Gosh girls! Pwede naman hindi sumigaw!" inis na sabi nito

"Paano ka naman nakakasiguro na ganon nga ang nangyayari ngayon?"

"Well, nangyari na ito noon. Pangatlong beses na ito. Noong una, yung unang beses na pinahawak ni Mr. and Mrs. Llyr kay Sir ang kompanya. Ang pangalawa ay bago pa maging secretary si Ella."

"Paano mo alam ang lahat ng yan?" may pagtataka sa mukha ni Hyeri

"Duh! Matagal ng nagtatrabaho ang parents ko dito. So I know the history of the company." may pag irap na sabi nito halatang inis dahil sa haba ng pinaliwanag

"Ms. Secretary?" napatingin ako kay Sir Kalon ng tawagin nito ang atensyon ko

Napatulala pala ako habang inaalala ang kwentuhan na naganap kahapon. Napatunuayan ko lang na hindi lang ako ang nagtataka sa nangyari. Tanging may alam lang talaga si Severy.

"Nothing Sir." umiling at ngumiti ako dito ng pilit at hinarap ng maayos ang notebook

Ito na ang nag ayos ng schedule. Hinintay ko na lang na ibigay sakin ito. Nakatingin lang ako dito at hindi ko maiwasang hindi sya pagmasdan lalo na busy ang mata at atensyon nito sa ginagawa. Walang kaalam alam sa iniisip ko.

Hindi ko aakalain na makikita ko ulit sya at ang nakakagulat ay kaibigan pa ito ng boss ko. Kaya pala kilala nito si Keles dahil magkakaibigan ang mga ito.

Kulang na lang ay ngumanga ako habang nakahalumbabang nakatingin dito. Hindi ko alam kung anong meron sa mamayaman at bakit ang gagwapo nila. Lalo na kapag may lahi ang isang filipino. Hindi man lang bakas ang pagiging filipino ng mga ito.

Hindi ko tuloy mapigilan isipin. Ano kaya itsura ko kung may lahi ang itsura ng napangasawa ng magulang ko. Maganda kaya ako? O sobrang ganda lang?

Natawa na lang ako sa isip pero nawala din ng maalala ang magulang at nabuntong hininga na lang.

Ilang buwan ko na pala sila hindi nakakausap at nararamdaman. Mabuti na lang at sanay ang mga yon sa presensya kong hindi maramdaman.

"You keep spacing out. Are you ok Ms. Secretary?" napatigil ako sa pag iisip ng makita ang mariin na tingin sakin ni Sir Kalon

Napalunok ako lalo na ng maramdaman ang palipat lipat na tingin nito saking mata at labi. Hindi ko mapigilang dilaan ang labi dahil sa pagkatuyot na naramdaman. Nakita kong tumagal ang tingin nito sa labi ko at napangisi.

"A-Ahm.. Nothing sir." namumulang ani ko. Tumungo ito at binigay sakin ang tablet at notebook

"That's our schedule. Remember that. Ok?" tumango ako. Tumayo ito sa upuan at pinalabas ako

Napatingin ako sa orasan. Kanina pa ko atat na atat umuwi. Isa din ito sa kinaiinisan ko. Magkaiba kasi ang dalawa. Si Sir Keres kasi maaga umuuwi kaya kaming dalawa lagi ni Ella ang huli umuwi natatagalan kami dahil workaholic si Ella. Samantalang si Sir Kalon naman ay napaka workaholic. Mas malala pa kay Ella minsan nga umuwi kami ng 11. Kahit naman sinabihan na ako nito na pwede akong mauna hindi ko naman ginagawa. Isa pa baka tinetesting lang nito kung hanggang saan ang kaya ko tapos magulat na lang ako pagbalik ni Sir Keres ay galit na galit sakin dahil sa hindi ko pag ayos ng trabaho.

Nang tumagal ako dito. Doon ko lang napagtanto ang nais iparating ni Ella ng sinabi nyang hindi nya maiwan iwan ang trabaho kahit na nakakainit ng dugo ang boss namin. Masyadong maganda kasi ang salary at benefits namin. Halatang asensado ang kumpanya dahil may pa party pa kapag may occasion. Kahit na hindi ko pa nararanasan ang party na sinasabi nila sigurado akong masaya at maganda iyon.

Tumigil ako sa ginagawa ng tumunog ang pinto at lumabas si Sir. Hindi na ito nagulat ng makita ako. Mukhang nasanay na hindi talaga ako aalis hangga't nandito pa din sya.

Sabay kaming sumakay sa elevator. Tahimik lang habang bumaba. Tiningnan ko ang oras at nanlumo ng makitang mag 11 na. Nalipasan na naman ako ng gutom. Napasimangot ako at inangat ang tingin nagkasalubong pa ang mata namin ni Sir dahil sa samin ng elevator.

Malapit na kami sa first floor ng biglang tumunog ang tyan ko ng napakalabas. Tanda ng kagutuman. Namula ang buong mukha ko dahil rinig na rinig ang tunog nito. Hindi ko sinulyapan ng tingin si Sir na may ngisi sa labi. Pagbukas ng elevator grabe ang bilis ng lakad ko makalayo lang sa kanya. Hindi ko na nagawang magpaalam katulad ng nakasanayan.

Malapit na ko sa labas ng may humila ng kamay ko at basta na lang akong hinigit. Natakot pa ko dahil baka biglang mabali ang kamay ko dahil sa lakas ng paghila nito.

"Where are you going?" may kapilyuhan sa boses nito. Hindi ko na kailangan alamin kung sino itong marahas na humila sakin. Amoy nya pa lang kilala ko na.

"H-Hmm.. Uuwi na po ako Sir." nakayukong ani

"Hmm..." mas namula ang mukha ko dahil sa malambing na ani na parang hindi sang ayon sa sinabi ko

"Going home already? But we didn't have our dinner." nag angat ang tingin ko dahil sa sinabi

"D-Dinner?" napatigil ako dahil napansin na sobrang lapit ng mukha nya sa akin. Konting lapit na lang ay mahahalikan ko ang pisngi nito

Mabuti na lang at wala ng mga empleyado dahil sigurado akong tsismis na agad kami pagpasok ko bukas. Baka kami na ang sumunod sa yapak ng Elles (Ella and Keres).

Magmula kasi ng si Sir Kalon na ang tumayong boss. Ang dami ng tsismis at kwentuhan na baka nagpakasal na ang dalawa kaya hindi nagpapakita. Kesyo naman na buntis na si Ella kaya biglang nawala. Kawawang Ella siguradong magugulat ito sa mga kwento tungkol sa kanya pagbalik nito.

Nakita ko na lang ang sarili ko na nakapwesto sa front seat ng sasakyan ni Sir. At hindi ko alam kung saan pupunta dahil isa lang ang nasa isip ko.

We're having a dinner. Together.