Chereads / DVS: Gentle / Chapter 9 - Gentle 8

Chapter 9 - Gentle 8

Palinga linga ako habang hinihintay ang elevator. Nalate na ko gumising. 9 am na ko nakarating sa office. Parang dati lang maaga pa sakin ang 9 am pero ngayon sobra ang kaba na aking nararamdaman dahil sa dalawang bagay.

Una. Ngayon lang ako na late sa loob ng limang buwan ko dito. Pangalawa. Ganitong oras ang pasok nila Severy na ilang buwan ko ng hindi nakakasama. Siguradong pag nakita ako ng mga iyon mas lalo akong male late.

Bakit kasi ngayon pa ko nalate? Baka kung anong isipin ni Sir Kalon. Yung lalaking yun. Bwusit sya! Sya ang dahilan ng lahat.

Nagtataka ako sa daan na tinahak namin. Maaga kami natapos sa trabaho kaya maaga din kaming natapos kumain.

Tiningnan ko ang orasan. Mag 9 pa lang. Kaya baka may iba pa kaming pupuntahan.

Sa loob ng 2 buwan naming paglabas labas. Madami na din kaming napuntahan lugar. Kaya hindi na bago sakin ang uuwi kami ng 11 or madaling araw. Mabuti na lang kahit isang beses hindi pa ko nale late kahit na anong oras na ko natutulog.

Pag uwi ko din kasi sa apartment ko. Bagsak na ang katawan ko dahil sa maghapon trabaho at sa gala namin tuwing gabi kaya wala na kong ibang ginagawa kundi matulog agad.

Napatingin ako sa labas. Tumigil na kasi sa pagmamaneho si Kalon. Condominium. Ang nasa tapat ko. Nagtatakang lumingon ako sa kanya.

"Anong gagawin natin dito?" bumaba lang ito at umikot para pagbuksan ako ng pinto.

Sa loob din ng dalawang buwan. Madami na kong napansin sa kanya. Katulad ng pagiging gentleman nya. Lagi nya akong inuuna bago ang sarili. Kung anong gusto kong kainin, kung nakakalakad ba ako ng maayos, kung saan ako komportableng puntahan. Masyado nyang pinaparamdam sakin na mahalaga at dapat akong ingatan.

Inalalayan lang ako nito pababa. Nasa ulo ko ang kamay nya iniiwasan na mauntog sa bubong ng sasakyan.

Binigay nito sa isang lalaki ang sasakyan at deretso kaming pumasok. Nakasunod lang ako dito kahit na sobrang kaba ang nararamdaman ko.

Wala naman siguro syang gagawing masama diba? Tinitigan ko sya. Wala naman sa itsura nya na may balak sya sakin pero hindi ko mapigilang mag isip ng masama.

*ting*

10 floor. Sumunod lang ako dito. Mabagal lang ang lakad nya sumasabay sa lakad ko. Hanggang umabot kami sa dulong pintuan. 1010 unit.

Dumoble ang kaba na naramdaman ko ng buksan nito ang pintuan. Pinauna ako nito pumasok. Pagpasok nya ay sinirado nito ang pinto habang hindi pa din ako nakakaalis malapit sa pintuan.

"Ano pang ginagawa mo dyan?" natatawang ani sinamaan ko ito ng tingin

Sobra kong kinakabahan samantalang sya wala lang.

Natatawang inalalayan ako nito paupo sa upuan. At pumasok ito sa isang pintuan na sa tingin ko ay kitchen dahil paglabas nya ay may hawak na itong baso at softdrinks.

"A-Anong g-ginagawa natin dito?" kinakabahan tanong ko ng maupo ito malapit sakin

"What do you think of this unit?" nilibot ko ang tingin dahil sa tanong nya.

May tatlong pintuan. Isang pinto ay para sa kusina. Habang yung dalawa ay hindi ko pa alam. Glass door ang dingding na nakaharap sa labas kaya kitang kita ang kagandahan ng gabi. May malaking tv sa malawak na sala. May meeting table pa, may laptop at naka arrange ang mga materials na katulad ng ginagamit namin sa office. Ang sarap siguro tumira dito.

"Maayos naman. Bakit dito ka na titira?" natawa lang ito at lumapit sakin

"No, silly." pitik nito sa ilong ko.

Naiinis na binatukan ko ito.

"Sabing wag mong pitikin ang ilong ko." inis na paalala ko dito

Lagi kasing pinagdidistikahan ang ilong ko. Sobrang sakit pa naman pagpinipitik ito. Hinawakan hawakan ko ang ilong upang mawala kahit papano ang sakit.

Napatigil lang ako ng mapansin ang mariin na titig nya sakin at bumalik na naman ang kabang naramdaman kanina.

"B-Bakit?" pinipilit kong iwasan ang tingin kaso sobrang lapit nya kaya bumabalik ang pansin

Napatitig lang ako sa mata nito na palipat lipat ang tingin sa mata at labi ko. Ito na ba ang sinasabi kong balak nya? Hindi nya naman siguro ako hahalikan? H-Halik?

Nanlaki ang mata ko ng dahan dahan nitong binaba ang mukha sakin. Sa sobrang taranta ay umisod ako para hindi sya makalapit narinig ko lang ang mahina nitong tawa na parang pinapahiwatig na may nakakaaliw akong ginawa. Mukhang bad move dahil bumaba ang kamay nitong nakasandal sa sandalan ng upuan malapit sa ulo ko. Hinawakan nito ang batok ko at pinigilan sa paglikot ng lumapit ito ulit. Nanlaki na lang ang mata ko ng maramdaman na ang malambot nitong labi.

Pinulupot lang nito ang kamay sa bewang ko at hinala ko palapit sa kanya. Sobrang pula at init ang naramdaman ko habang nakatitig lang ito sakin. A-Ang first kiss ko!

Nakatulala pa din ako habang nagpapaalam itong umalis. Para sa akin pala ang condo na ito para hindi na ko mahirapan. Dating condo daw ito ni Ella pero dahil wala sya ako na lang daw muna ang tumira dito. Nagulat na lang ako ng sabihin din nito na nandito na lahat ng gamit ko. Suprise nya daw ito sakin. Grabe nga mag suprise may bonus pang nakuha. Ang first kiss ko! Lintik talaga na lalaki yun.

*ting*

Hinintay ko na matapos lumabas ang sakay ng elevator at sumakay na din dito.

Nang biglang may umakbay sa balikat ko

"Tingnan mo nga naman." nakangising ani Hyeri

Dahil sa pagkatulala ko hindi ko napansin na nandito na sila sa tabi ko. At ang malas dahil kami lang ang tao sa elevator.

Pinindot ni Severy ang 8th floor. Hinintay kong pindutin nya ang floor ko pero pinalibutan lang ako ng mga ito. Nagtatakang tumingin ako sa kanila.

"Male late na ko girls. Mamaya na lang tayo mag usap." paunawa ko nanginisian lang nila

"Don't cha worry. Wala ang boss natin ngayon." nagtaas ako ng kilay sa sinabi ni Hyeri

"Nasaan sila ngayon?"

"Somewhere. May pinuntahan silang appointment, walang sinabi kung saan or hanggang anong oras sya dun." nakahinga ako ng maluwag pero bumalik din kaagad ng maalalang hindi naman ako ligtas sa kanila.

Hinila nila ako pagbukas ng elevator at dinala sa pwesto nila. Magkakatabi lang sila ng table. Pinaupo ako sa gitna nila Hyeri at Eilan habang nakatayo naman si Severy.

Konti pa lang ang tao sa 8th floor kaya malaya pa nilang nagagawa ang ganito.

"So..." taas na kilay na panimula ni Sev "Bakit hindi ka na nagpapakita samin?"

Hindi ko alam kung kailangan kong sabihin ang totoo o magsinungaling na lang. Nanataling tutok ang paningin nila sakin na parang binabantayan ang mga sasabihin ko.

"H-Hmm.... Biglang madaming binigay sakin na trabaho kaya wala na kong oras pumunta pa sa...." napalibot libot ang paningin ko dahil mukhang nasesense nila na nagsisinungaling lang ako.

"Come on girl. If you don't want to tell us. It's ok. Nag aalala lang kami sa iyo dahil ilang linggo ka ng hindi nagpapakita." kita ko sa mata ni Sev ang pagka sincere napabuntong hininga na lang ako at kwento talaga ang dahilan kung bakit hindi nila ako nakikita.

"O!M!G!" tili at kinikilig na ani ni Hyeri at pinaghahampas hampas ako.

Napailing na lang ang dalawa at nanunudyo ang tingin sakin.

"Mukhang sumusunod ka sa yapak ni Ella. Ella the second." natatawang asar sakin ni Eilan na sinamaan ko ng tingin

"Ano ba kayo! Wala naman namamagitan samin. Grabe kayo mag assume." irap ko para itago ang kaba sa dibdib

"Hindi kami naniniwala." sundot sundot pa sa bewang ko ni Hyeri

Iniiwas ko ang katawan ko dito dahil malakas ang kiliti ko. Saktong pag tayo ko biglang dating ng mga tao kaya nagpaalam na ako sa mga ito.

"Hindi ka pa din ligtas samin mamaya! Hihintayin ka namin!" sigaw ni Hyeri ng malapit na ko sa elevator

Inayos ko na ang mga papeles na naiwan kong tapusin kahapon at nagsimula ng magtrabaho.

Nakatuon lang ang atensyon ko sa trabaho kaya walang muang sa oras ng bumukas ang elevator.

Hindi na ko nag aksayang tingnan kung sino ang dumating. Bungisngis pa lang nila kilala ko.

"Hey gurl!" natatawang kulbit sakin ni Hyeri

"Bakit kayo nandito?" at nagawa pang umupo ng mga lokaret. Pasalamat sila wala ang boss ngayon.

"Duh gurl! Lunch na kaya." napatingin ako sa orasan na malapit sa uluhan ni Eilan.

Bumuntong hininga na lang ako at tumayo. Mukhang wala talaga akong takas sa mga ito.

Hinintay nila kong matapos at sumakay na sa elevator. Nagtataka ang mata ng pindutin nila ang first floor.

"Saan tayo pupunta?"

"May bagong bukas na kainan malapit lang dito at may pa promo sila." nagniningning ang mata ni Eilan ng sabihin ang promo

Sa aming tatlo kasi kahit sobrang takaw gusto pa din namin makatipid pero ang pinaka matipid samin ay si Eilan. Ang alam ko lang ay ito ang nagpapa aral sa mga kapatid kaya hindi nayaya kung saan saan para lang mag aksaya ng pera.

Ilang building lang ang pagitan ng sinasabi nila. Mabuti na lang at medyo lagpas na ng lunch kaya kahit papano hindi na namin kailangan pang pumila dahil may ilang bakanteng upuan.

Si Eilan ang umorder ng pagkain namin dahil sya ang nag aya. Habang hinihintay ang order. Hindi naman nagpapigil si Hyeri at Severy sa pictures sa kung saan saan. Samantalang pinalibot ko ang paningin sa mini restaurant. Unica RestoBar.

May tatlong floor ang restuarant. Hindi ko lang alam kung anong meron dun. Sa first floor lang kami naka pwesto. Normal lang ang set up. Madaming upuan at malaki ang space. Dahil 20 mins pa daw bago maserve ang pagkain. Naglibot muna kami.

Sa second floor naman ay iba ang set up ng table. Para itong double deck na kama. Sa isang table ay may isa pang table sa tabi nito habang medyo malayo sa upuan ang hagdan paakyat. Namangha kami kaya hindi maiwasan picturan ang kakaibang disenyo. Ang kinaibahan lang ng second floor ay halata sa mag couple ang set up. Samantalang sa first floor ay pangmaramihan.

Sa third floor naman ay parang naging mini bar. Wala itong bubong kaya open area. Ang set up naman ng table ay pabilog pero medyo magkakakalapit sa gilid. Habang ang gitna naman ay napakalaki ng space na para sa pang sayaw.

Naka ilang shot kami ng pictures ng tumunog ang mini alarm na binigay samin para malaman kung iseserve na ang pagkain.