My first week was a disaster. Pinalipat kami sa floor ni Sir Keres. Hindi ko maiwasang hindi matakot. Lalo na kapag nasigaw ito. Na animo'y may kasama kaming dragon. Samantalang si Ella ay napapairap na lang, sya kasi lagi ang pinapagalitan saming dalawa kahit na minsan ay ako ang may kasalanan. Hindi ko tuloy mapigilang mag isip ng kakaiba. Lalo na kapag masyado ng nagpapansin ang boss namin pero ikinawalang bahala ko na lang iyon. Baka naman kasi ganun talaga sya.
Sa loob ng ilang buwan.. Hindi ko na talaga maiwasang pagmasdan ang kinikilos ni Sir. Palala ng palala ang kasiguraduhan kong may gusto si Sir kay Ella.
Sa loob ng isang buwan na wala na din ang takot ko sa sigaw nito. Hindi na din bago sakin ang paglapit nito samin ng galit at lakas ng boses na punong puno ng mura. Sa loob ng buwan kahit isang beses ay hindi pa ako napapagalitan. Maliban na lang ngayon.
Nakatingin lang ako dito habang galit at panay mura ito sakin.
"I FUCKING PAYED YOU TO BE A FUCKING RESPONSIBLE SECRETARY AND YET YOU DIDN'T GIVE A FUCKING SHIT GOOD THING TODAY." tinuro ako nito "FIX THAT FUCKING SHIT. PRONTO!"
Wala naman mali sa binigay nitong folder. Huli ka ngayon boss! Napailing iling na lang ako habang tinitingnan ang binigay nitong Folder. Itong folder ang huling ginawa ni Ella bago ito nag day off. 2 days ng wala si Ella. Sa unang araw, hindi pa malala ang init ng ulo ng boss ko. At ngayon sa pangalawa, mukhang hindi na nakayanan ng boss ko at sumabog na sa galit.
Dumaan ang isang oras. Lumabas sa lungga si Sir Keres. Lumapit agad ito sakin habang nanggagalaiti ang mukha.
"When will that fucking Ella will go fucking back fucking here?" napangiwi na lang ako ng makarinig na naman ng mura sa bunganga nito.
Kung hindi ko lang ito boss. Kanina ko pa ito nasapak. Nangigil na ko.
"After 3 days Sir." pilit nangiting sagot ko na nauwi sa ngiwi ng sunod na sunod ang mura nito.
Yes I'm violent but I disgust someone who cursed a lot. Grabe! Hindi ko alam kung ilang dasal ang kailangan nitong gawin para mabawasan ang pagmumura nito sa harap ko.
Hindi ko alam kung paano napapayag ni Ella ang isang linggo nitong day off. Akala ko noong una niloloko nya lang ako nagulat na lang ako isang araw na natupad ang day off nito. Kaya lahat ng trabaho ay naiwan sakin. Mabuti na lang at hindi pa ko sinasama ng boss sa mga meetings nito. Dahil hindi ko na alam kung paano tatapusin ang mga naka-atang na trabaho sa desk ko.
"Fuck that woman!" sinundan ko ng tingin si Sir na dumaretso sa elevator.
Wala na kong balak isipin kung anong gagawin nito. Inintindi ko na lang ang sarili ko sa pag aayos ng ibang trabaho at nilagay sa isang upuan ang binigay nitong folder na aayusin 'kuno'.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Pagtapos ng pagmumura at pagsigaw ni Sir. Hindi ko na ulit ito nakitang pumasok. Mabuti na lang at walang mga trabaho na kailangan sya kundi kailangan ko pang alamin kung nasaan ito ngayon.
Pakiramdam ko nakikisang ayon sakin ang panahon dahil solong solo ko ang floor. Walang boss na maya't maya sumisigaw at walang Ella na nakikipag away dito. Napakapayapa ng buhay ko!
What a wonderful life!
Mabilis ko lang natapos ang mga trabaho. Dahil sa loob ng dalawang araw wala naman nagbigay sakin ng mga trabaho kaya masaya akong nakakauwi ng maaga. Nakakain pa ko sa tamang oras at hindi lang yun. Nakakain din ako kahit hindi break dahil walang susuway. Kung ganito ba naman araw araw. Ang sarap tuloy magtrabaho.
Napatigil lang ako sa pagkain ng tumunog ang elevator. Nanlaki ang mata ko at daling daling inayos ang nakakalat na pagkain sa mesa ko. Mabilis ko lang din naayos ang sarili ko bago pa makalapit ang kung sinoman.
"Good afternon." tungo ko at nakahanda ang ngiti bago umangat
"Noon." maikling sagot nito
Nakilala ko agad ang boses nito. Si Kel. Ang kapatid ng boss ko. Hindi ko alam kung bakit nandito sya pero sa tingin ko sya muna ang papalit dahil wala ang kuya nya.
"Is Keres inside?" napakunot ang noo ko ng mapagtantong mali ang hinala
Wala itong alam na pangatlong araw ng hindi pumapasok ang kapatid nito.
"No sir. Actually, Sir Keres been absent until now. I'm trying to reach out but he keep blocking my calls." tumango ito
"Call me if you reach him." at umalis na ito
Ilang araw na ang dumating at naging ganon ang nangyari sakin sa opisina. Sa una wala pang nagtatanong kung bakit hindi nila nakikita ang boss namin. Kabaligtaran naman kay Ella dahil ng nabalitaan nilang nag day off ito labas ang saya na naramdam ng iba.
"Sa wakas naman at nakatapak na sa labas ng mundo si Ella." may pagdasal pa na sabi ni Severy
"Grabe! Ikaw lang pala ang makakatupad ng matagal na naming dalangin." may pagyuko yuko pa sila sa akin
"Bakit? Hindi pa ba nakakapag day off ng matagal si Ella?" may pag alala sa boses ko
"HINDI PA KAMO NAKAKAPAG DAY OFF KAHIT ISA!!" sabay sabay na sabi ni Severy, Eilan at Hyeri.
"Bakit naman?" tiningnan lang nila ko na parang dapat alam ko na ang sagot
"Kilala mo naman si Sir Keres. Akala mo sa kanya lang umiikot ang mundo. Kahit ata half day hindi man lang pinaramdam kay Ella."
"Gusto kasi ni Sir sa kanya lang umiikot mundo ni Ella." kinikilig na sabi ni Hyeri na binatukan naman ng dalawa
"Ikaw talaga kahit kailan! Kung ako man pipili ng lalaki para kay Ella. Ayoko kay Sir. Napaka rough ng itsura at pagkatao nya. Gusto ko yung malambing para maramdaman ni Ella ang tamis ng pag ibig." madramang sabi ni Eilan ito naman ang binatukan ng dalawa
"Balibhasa kasi may nobyo ka kaya ganyan ka mag isip. Pero kung ako sayo bagay naman silang dalawa ni Sir. Kinikilig kaya ako lalo na kapag nakikitang nagsasabay sila." pilit ni Hyeri palipat lipat lang ang tingin namin ni Severy sa dalawa
Akala ko hindi makikisali si Severy pero nagkamali ako dahil pinagsikop nito ang kamay at nangalumbaba na nagsalita
"Ngayon lang ako sasang ayon sayo Hyeri. Grabe! Wala naman silang ginagawa pero sobra yung kilig na nararamdaman ko lalo na kapag nagtitigan sila pagkatapos sumigaw ni Sir. Nakatingin lang si Ella na parang pinapaamo sa tingin." parehong sumang ayon ang dalawa at hindi ko mapigilang hindi sumang ayon
Ako pa kaya na laging nakikita ang ginagawa nila na kahit normal lang naman pero kikiligin ka talaga. Lalo na kapag nahuhuli kong nakatingin lang si Sir Keres dito. At bubuntunghinga at umaamo ang mukha lalo na kapag tinititigan lang sya ni Ella kapag sumisigaw sya. Na parang pinapahiwatig na natalo na sya.
Nakatingin lang ako sa phone ng company. Dalawang linggo at tatlong araw ng walang paramdam ang dalawa. Dumadami ang mga naghahanap kay Sir. Dumadami din ang mga trabahong naiwan sakin. Hindi ko naman kasing hindi gawin ang mga naiwan para kay boss. Lalo na kapag may meeting ito sa mga investors. Lalo na ngayon hindi ko alam kung kailan sila babalik o may balak pa ba silang bumalik. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka magkasama silang dalawa.
Magkasama kaya sila?
Totoo nga ang kasabihang. Sa una lang masaya at masarap. Hindi na kaya ng katawan ko ang gawin ng tatlong tao. Naiinis na din ako dahil hindi pa din nila sinasagot ang mga tawag ko. Hindi ko alam kung pinaparusahan ako ng dalawa o ano.
Nakatingin lang ako sa pagkain sa harapan. Parang walang ganang kumain. Napansin ata nila ang pagkatulala ko. Kahit naman busy ako pinipilit ko pa din sumabay sa kanila. Kahit na nakakarindi ang kaingayan nila. Mas ok na ito kesa ang katahimikan sa 20th floor.
"Anong nangyari sayo at hindi ka pa kumakain?" puna ni Hyeri
"Gurl! Ikaw kaya gumawa mag isa ng trabaho na para sa tatlong tao. Hindi ko alam kung hindi ka pa ma stress." sarcastic na ani Severy
"Syempre hindi ko pa nararansan yun. So paano ko malalaman?" pang iinis ni Hyeri
Bumuntong hininga na lang ako. Akala ko pa naman magandang desisyon na sumabay sa kanila. Mukhang hindi ata. Mag aaway pa sila eh stress na nga ako.
Naalimpungatan lang ako ng may marahan na tumatapik sa pisngi ko. Minulat ko ang mata at nilubot ang tingin at nanlaki ang maya ng magpagtanto na nasa office pa din ako. Mabilis kong inayos ang sarili bago hinaharap ang gumising sa pagkatulog ko.
"Sorry. How can I help you?" nakatungo pa din ako hiyang hiya
"I'm sorry if I wake you up." na tigilan ako ng makilala ang boses na iyon. Parang narinig ko na pero hindi ko lang matandaan
Kaya upang makilala ang nasa harap. Inangat ko ang mukha at nakita ang nakangiti nitong labi at maaliwalas na mukha. Kabaliktaran sa kalagayan ko ngayon.