Chereads / DVS: Gentle / Chapter 5 - Gentle 4

Chapter 5 - Gentle 4

Umalis din kaagad ang pamilya ko dahil malayo layo ang byahe pauwi at may kailangan pa silang ayusin.

Nakatingin lang ako sa mga ka batch ko na may kasamang mga magulang sa tabi nila. Kahit naman pilitin ko na mag stay kahit konti sila alam kong hindi sila makikinig. Mabuti nga at nsisipan pa nilang pumunta sa graduation ko.

Naghihintay lang ako sa tambayan namin. Ito na kasi ang last day namin na magkakasama sa tambayan namin. Sa loob ng 5 buwan namin magkakaibigan madami dami na din kaming mga pinagdaanan at saksi ang punong ito sa lahat ng iyon. Mga kalokohan man o ka dramahan namin.

"Paggising natin sa umaga. Welcome to real world na tayo." naiiyak na sabi ni Maria

Nakaupo kami at sinusulit ang dalawang oras na binigay samin ng mga magulang nila. Ako kasi pwede magtagal dahil mag isa lang ako pero sila kailangan pa nilang magcelebrate. Hindi ko sinabi sa kanila na wala akong kasamang magcecelebrate dahil alam kong pipilitin nila akong sumama sa kanila. At hindi ko alam kung kanino ako sasama.

"Dapat kahit medyo malayo na tayo sa isa't isa. Magkikita pa rin tayo. Usapan na natin yun dati pa." paalala naman ni Sam

"Itong kambal na to. Pasimuno talaga kayo ng drama. Dapat walang iyakan na nagaganap pero dahil sa mga speech nyo nagsisiiyakan tuloy tayo." natawa kami habang umiiyak dahil kay Lion. Kahit kailan talaga hindi ito maasahan sa seryosohan.

Matapos ang iyakan at paalalahanan. Nagsi kanya kanya na kaming alis. Nagpaalam na ko sa kanila at humalik sa mga pisngi nila.

Patingin tingin ako sa paligid. Natrauma na ata ako dahil dun sa bastos na lalaki na hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang pangalan. Naisipan ko na lang tumambay sa 7-eleven.

May pera akong pang celebrate dahil binigyan ako kanina. Ayoko lang mag celebrate mag isa dahil ramdam ko ang lungkot. Ayoko din pumunta sa bar dahil sa unang experience ko. Kaya mas maganda pang tumambay dito sa 7-eleven. Ang tambayan ng masa.

Bumukas ang pintuan ng 7-eleven. May dalawang lalaki ang pumasok. Namumukhaan ko yung isa. Si Alon na taga-bar. Samantalang yung kasama nito ay hindi. Gwapo din, pero alam mong walang gagawing mabuti. Yung itsura nya pa lang alam mong masasaktan ka na. Si Alon kasi ang aura nito ay parang maginoong bastos. Barumbado pero magalang.

Pinatuloy ko lang ang pagkain ko. Wala din naman akong balak magpapansin sa kanila. Lalo na sa kanya. Hinihiling ko nga na sana hindi na kami magkita.

"May 7-eleven pala dito. Paano mo nalaman?" rinig kong tanong ng kasama nito

Malapit lang kasi yung pinag upuan nila sa pwesto ko. Hindi natupad ang hiling ko. Hindi ko na narinig ang sinagot nito dahil naglagay na ko ng earphone. Baka kapag narinig ko ulit ang boses nya ay hindi ko na mapigilang lingonin ito.

Iba kasi ang epekto ng boses nya. Parang yung mga lalaki sa tiktok na napapanood ko. Nakakakiliti sa may tyan at ang sarap pakinggan. Yung tipong kahit magkwento lang sya o tumawa maghapon. Walang problema sakin. Basta marinig ko lang ang lalim nito.

Hindi ko alam na nakakahibang pala ang maadik sa boses ng isang tao. Siguro kung magiging kaibigan ko ito. Tatawagan ko sya araw araw o kahit oras oras. Boses pa lang nya nahibang na ko. Hindi ko pa masyadong pinapansin ang itsura nya. Paano pa kaya pag tiningnan ko ito? Paano na ako?

Nakatunganga lang ako sa kisame ng apartment ko. Hindi ko na alam kung anong sunod kong gagawin. Tapos na ko mag aral. Nakakatamad pang maghanap ng trabaho. Parang namiss ko ulit mag aral. Dati gustong gusto kong magtrabaho dahil sa pera. Samantalang ngayon ok lang na walang pera basta magagawa ko pa ang gusto ko.

Dapat pala nakinig ako sa mga naririnig ko na sulitin mo ang kabataan mo dahil hindi mo na ito mababalik pa.

Napatayo lang ako ng kumakatok sa pintuan ko. Bagot kong binuksan ito.

"A-Anong kailangan nyo?" gulat na tanong ko sa lalaking nasa tapat ng pintuan ko.

"Simula sa baba kumakatok ako. Walang nagbubukas sakin. Ikaw pa lang." nahihiyang sabi nito namumula pa ang tenga na ikinatawa ko

"Bakit?"

"Pwede ba muna akong pumasok?" binuksan ko ang siwang ng pintuan at pinapasok ito. Mabuti na lang at hindi ko naisipan magkalat kanina.

"Sinong may-ari ng apartment?" tanong nito pagka upo

"Wala sila ngayon. Ang alam ko nasa probinsya dahil may ikakasal sa pamilya nila." inalok ko ito ng maiinom

"Hindi na kailangan. Hindi naman ako magtatagal. May contact number ka ba nila?" binigay ko dito ang number ni Mrs. Aragon

Hinatid ko na ito palabas. Nakatayo lang ito sa labas na parang may hinihintay. Hindi ko na maiwasang magtanong. Kanina pa kasi sya tingin ng tingin sakin.

"May nakalimutan ka pa ba?" maingat na tanong ko dito. Umiling lang ito pero hindi pa din nakilos paalis kaya alam kong may kailangan pa ito

Tatanong ko sana ulit ng tumunog ang tyan ko ng napakalakas. Namula ng labis ang mukha ko. Hindi pa pala ako nakain simula kagabi. Tanging ice cream lang ang naging laman ng tyan ko. At tanghali na ngayon. Hindi kasi ako marunong magluto kaya tinatamad din akong kumilos.

"Lunch?" akmang tatanggi ako ng may idagdag sya "My treat." masayang yaya nito. Gustuhin ko man tumanggi hindi na kaya ng tyan ko ang magtiis kaya pumayag agad ako

Nagbihis lang ako ng t shirt at pants. Hindi ko alam kung na predict ba ng katawan ko na lalabas ako ngayon kaya naligo ako kanina. Pero mabuti na lang at naging tama ang desisyon ko kundi ang baho baho kong lalabas.

Pagka upo ko pa lang sa passenger seat ay amoy ko na agad ang pabango nya. Nakakaadik ang amoy nito. Mabango ngunit hindi matapang. Yung pabango kasi ni James sa sobrang tapang nakakahilo na. Samantalang kay Alon ay nakakaadik dahil kailangan mo pang singhot singhotin ang amoy para lang maamoy mo ng tuluyan ang bango nito. Lahat ba ng meron sa lalaking ito ay nakakaadik?

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ng makasakay sa kotse nito.

"May malapit na fast food dito." humarap muna ito sakin at nilahad ang kamay. "I'm Kalon Caelum. But you can call me any name you want." nakangising pakilala nito

"Kaira Asena Rein. But call me Aira." tinggap ko ang kamay nito. Ang lambot at ang sarao hawakan.

Malaki ang palad nito kumpara sakin. Ang init pa ng palad nya isama mo pa ang lambot nito. Yung tipong alam mong wala itong ginagawa sa bahay sa sobrang lambot. Mas malambot pa sakin. Binitawan ko ang kamay nito at inaayos ang seatbelt.

"Sena." hindi lang paningin ang umangat sakin pati kilay ko.

Ayoko kasi sa lahat tinatawag ako maliban sa Aira. Pakiramdam ko kasi masyado silang malapit sakin para tawagin ako sa iba pang pangalan. I hate informality. I hate to hear unfamiliar name by unfamiliar person.

"Just Aira." nakangiting paalala ko dito. Kahit sa loob loob ko nanggigil na ko. Binabawi ko na ang mga papuring paulit ulit kong sinasabi sa utak ko na tungkol sa kanya

"I want Sena. Para alam mong ako agad ang natawag sayo. " walang pakialam na explain nito. Sinamaan ko lang ng tingin

Mukha naman wala itong pakialam kahit na paulit ulit kong sabihin dito na Aira ang itawag sakin. Magtitiis na lang ako ngayon. Isa pa makakatipid ako at mabubusog pa dahil sa kanya kaya papalampasin ko na lang ito. Igaganti ko na lang sa pagkain ng marami para malaki ang ibayad nya.

Tumigil ang kotse sa hindi kilalang fast food. Hindi ko alam kung fast food ba ito dahil mas mukha itong restaurant na panay sosyal ang pumapasok. May kaya kami pero bilang lang sa daliri at paa kung ilan beses kami kumakain sa mamahaling restaurant. Maliban sa ang mamahal ng pagkain nila ay hindi pa kami nabubusog. Isa pa hindi din namin alam kung paano babasahin ang mga nasa menu nila. Kakain na nga lang kami pag iisipin pa kami ng tamang pagbasa sa oorderin.

"Akala ko ba sa fast food tayo kakain?" tanong ko dito pagtapos ako pagbuksan ng pinto. Gentleman ang loko. Hindi halata.

"Yup. Fast food it is." turo nito sa resto na nasa tapat namin. Napairap na lang ako. Nakalimutan ko mayaman pala ang kasama ko baka iba sa kanila ang fast food.

"Hi sir Alon. Hi ma'am." ngumiti lang ako dito. Mukhang kilala ang moko. May lumapit agad samin waiter at inalalayan kami kung saan uupo.

Lumaki ang ngiti ko ng makita ang pwesto namin. Hindi ko alam kung bakit pero nahiligan ko na kumain habang naka upo sa may sulok. Ayoko kasing umupo sa may gitna or sa madaming katabi. Maliban sa napaka ingay naririnig ko pa ang mga kwentuhan nila.

Akmang paghihila ako ng upuan ng waiter ng unahan ito ni Alon. Ngumiti lamang ako dito at umupo. Umupo ito sa tapat ko. Kinuha ko ang menu na nasa mesa dahil naiilang ako sa titig na binibigay nito. Ang kanyang mapungay na mata ay nakatingin sakin habang may ngiti sa labi nito.

Hindi ko maiwasang hindi tingnan ang mata nito. Ngayon ko lang napansin ang kulay berde nitong mga mata. At hindi ko mapigilang hindi humanga. Minsan lang ako makakakita ng green eyes at ang swerte ko pa dahil makakasabay ko ito kumain.

Inaasahan ko na na hindi ko mababasa ang mga naka sulat sa menu pero iba talaga kapag nalaman mong tama ang instinct mo. Nakasimungot ko itong binaba. Wala naman akong alam sa mga nakalagay maliban sa mga drinks na ilan lang ang alam ko. Water and iba't ibang flavor ng tea. Lemon tea, ice tea and coffee.

"Bakit ayaw mo ba sa mga nakalagay sa menu? Marami ka naman pagpipilian." sinamaan ko ng tingin si Alon

Nagugutom na ko tapos papahirapin pa ko mag isip at magbasa para lang makakain ako. I never felt so stupid until I enter a five star restaurant.

"Ayaw mo ba dito? Don't worry marami naman tayo pagpipilian." tumayo ito sa umpuan kaya ako din sumunod lang ako dito

"Saan tayo pupunta?" tumigil kami sa isang elevator. Ang sosyal talaga ng restaurant na to. May pa elevator pa.

"Saan mo gusto kumain?" tanong nito pagpasok namin sa elevator tiningnan ko ang tinitingnan nito

Imbis kasi na number ang nakalagay ay mga pangalan ng pagkain. Korean foods. Chinese foods. Japanese food. European foods. At marami pang iba.

Bigla kong natakam ng mabasa ang Korean. Matagal ko na kasi gustong tikman ulit ang Samgyup dahil taon na ata ang huling kain ko nito. Yung pinsan ko kasi lagi ang kasama ko sa mga galaan at food trip. Simula nung nangibang bansa ito ay naiwan na kong mag isa. Wala naman kasi akong kapatid. Kaya loner na loner ang drama ko nung kabataan.

"Korean food." sagot ko

Hinintay lang namin na dalhin kami sa Korean Foods. Mabuti na lang at kokonti pa lang ang tao kaya sa may sulok ulit kami pumwesto. Umorder na sya. Habang umoorder sya ay tumingin ako sa paligid. Masyadong malawak ang pwesto dito. Kahit siguro madaming pumunta dito siguradong hindi masisikipan. Marami ding waiter and waitress ang nakapalibot sa paligid. Pero kahit madami sila kitang kita ang kabusyhan sa mga kilos nila. Na parang kulang pa sila ng mga tao. Parang ang sarap mag apply.

Siguro mabenta talaga ang lugar na ito. Kasi kahit sa unang pinuntahan namin sa may baba ay madami ding waiter and waitress. Napadako ang tingin ko sa isang waiter. Sya yung lalaking kasama ni Alon sa 7-eleven nung nakaraang. Akmang tuturo ko ang kaibigan nito ng maalalang dapat wala kong alam at hindi ko dapat sya napansin nung nakaraan. Baka kung ano pa isipin nito. Mabuti na lang at tumigil sa harap namin ang kaibigan nito kaya hindi ko na kailangan ituro pa kay Alon

"Anong ginagawa mo dito?" may bahid na panunukso ang boses ni Alon na sinamaan lang ng tingin nung lalaki

Tiningnan ko ang pangalan nito. Keles. Ngayon lang ako naka kilala ng Keles. Ang weird and the same time unique. Ang unique kasi ang ganda ng name at hindi pangkaraniwalan. Weird dahil mukhang hindi bagay sa lalaki ang pangalan nito at hindi mukhang pangalan ang Keles.

"Need money." may kagaspangan sa boses nito pero bumabagay sa kanya. Masyado kasing bad boy ang aura ni Keles. Ibang iba sa pa good boy na aura ni Kalon

Tinatawanan lang ito ni Kalon habang binibigay ang order namin. Halata ang inis at galit sa mukha ni Keles pero wala ito salitang tumalikod.

Nang dumating ang order namin. Isa lang ang masasabi ko. Napaka sarap ng pagkain. Hindi ko namalayan na naubos ko na ang pagkain ko. Patingin tingin ako sa pinggan ni Alon. Gusto ko pang kumain kaso nahihiya ako.

Napatingin ako sa mukha ni Alon ng marinig ko ang mahinang tawa nito.

"You want more?" namula ang pisngi ko ng magets kung bakit sya tumawa.

Nakakahiya ka Aira! Maghunos dili ka

"H-Hmm.. Hindi na. Napatingin lang ako sa sayo k-kasi.." pinalibot ko ang paningin "..ang tagal mong kumain." mas lalong namula ang mukha ko ng lumakas na itong tumawa

Napatingin samin ang ibang tao at may namumuong katanungin sa mga nila. Samantalang yung iba ay namamanghang nakatingin at nakatulala sa lalaki. I glare at him.

"Manahimik ka nga dyan. Pinagtitinginan na tayo." inis na saway ko

"Keles!" kaway nito sa dumaang kaibigan

"Two more plates of this." bigay nito sa pinggan kong wala ng laman.

"W-Wag na!" nahihiyang pigil ko sa akmang pag alis ni Keles napataas lang ang kilay nito sakin. Umiwas ako dahil ang sama nya makatingin

"Huwag kang makinig sa kanya." natatawa pa ding taboy ni Alon

"You don't need to be shy Miss. It's unli food." his lips lifted and there's amusement in his eyes na labis kong kinapula

Grabe tong mag kaibigan na ito. Masyadong malakas ang dating. Labis ang sayang naramdam ko. Pumapalakpak pa ang tenga ko hindi dahil sa ngisi ni Keles kundi dahil sa sinabi nito.

Unli food! Here I go!!